Chapter 2: Stage 2.0
Dedicated ang chapter na ito sa lahat ng nagcomment sa announcement. Naisulat ko ang part na ito dahil sa inyo. Salamat sa support niyo.
~~~~~~~~~~~~~~~~~
Loid's POV
Hinahabol ko ang aking hininga pagkarating ko sa labas ng Crest Building. Medyo malakas ang tibok ng puso ko dahil sa pagtakbo ko galing sa office papunta rito. May mga butil din ng pawis sa bandang noo ko.
Maraming estudyante ang nagkukumpulan sa labas ng Crest Building. Mula sa Lower Class students hanggang sa Upper Class. Ang Crest Building ay located sa Crest Compound kung saan nakatayo rin ang tatlong building ng Green, Gold at Alpha.
Sa Crest Compound ay may limang building. Building ng Green, Gold, Alpha, ang Crest Building at ang building kung saan naka-locate ang sariling cafeteria ng top class, library, computer lab., chemistry laboratory at marami pa.
Whispers and murmurs of conversation floated through the air.
"So ano na? Nakapasa ba sila sa stage one? Sino ang na-eliminate?"
"Hindi ko rin alam eh, ang sabi kasi patuloy parin ang bakbakan."
"Gano'n ba? Pero may sasabihin ako sa'yo best!!! Kyaaaahhhh!"
"Oh? Ano 'yon? At bakit parang excited ka yata? More like, kinikilig ka."
"Eeeeeehhhhh, bakit naman kasi hindi? Nakita ko kasi si King Charles! Kyaaaahhhhh! Pumasok siya sa Room ko!"
"Whaaaaat?! Sa room mo talaga? Omega room? Kyaaaaaahhhhhh!"
"Kyaaaaaahhhhhh"
"Oo. Sa omega room pa talaga! At hindi siya kumatok! Diretso pa siyang pumasok sa room ko! At ito pa ang talagang nakakakilig!"
"Oh ano? Sige na sabihin mo na! Nakakakilig!"
"Ayun nga! Diretso siyang pumasok sa room ko. At sakto namang wala akong pang-itaas at naka-jeans at bra lang ako! Kaya nakita niya akong naka-bra lang! At nakakakilig kasi nag-blush siya nang makita ang katawan ko at mabilis siyang nag-iwas ng tingin! Waaaaaahhhhhh! Imbis na mahiya ako, kinilig akoooo girl!"
"Waaaahhhhhh! Nakakakilig! Kahit ako, kikiligin basta't cute, hot at gwapong lalaki ang makakita ng katawan ko! Waaaahhhh!"
"Baka hindi na ako makatulog nito best!"
"Oo nga eh! Pero tanong ko lang best, anong ginagawa ni King Charles sa room mo? At bakit biglaan siyang pumasok?"
"Well, sabi niya hinahanap niya raw si Ella, Ellizabeth Stern daw ang full name. Hindi ko nga kilala 'yon eh."
"OH MY GASHH BEST! Si Ellizabeth 'yon! Siya 'yong babaeng white cognitive type daw na nag-hack ng bomba sa device ng isang teacher! At siya rin siguro 'yong babaeng kasama sa Top Class Challenge! Wooowwww ang swerte naman niya. Hinahanap siya ni King Charles!"
"Ano?! Kasama siya ngayon sa Top Class Challenge? 'Di ba dapat Alpha-Green-Gold ang type niya para makasali sa Top Class Challenge? Eh white lang siya eh."
"Hindi ko rin alam eh. At may narinig din akong usap-usapan na may nakakita raw sa tatlong King. Sina King Gally, King Albert at King Charles. At parang nag-aaway raw sila ha. Hindi raw nila alam ang detalye ng pinag-aawayan ng tatlong King pero narinig daw nila ang pangalang Ella."
"Ang swerte naman ng Ella na 'yan. Talagang pinag-aawayan pa siya ng tatlong King natin. Inggit na talaga ako sa kanya."
"Naku best sinabi mo pa! Halika na nga! Makibalita pa tayo sa ibang estudyante rito kung ano na ang nangyayari sa first stage ng challenge."
Narinig ko ang lahat ng sinabi ng dalawang babae. Hindi ko sinasadyang mapakinggan ang usapan nila dahil nasa likuran nila ako.
Habang dumarami ang impormasyong nakukuha ko, lalo namang gumugulo ang utak ko. Ano kaya ang kailangan ng tatlong King kay Ella? At anong ugnayan ang meron sila kay Ella?
Sh*t! Hindi ko na naabutan si Ella. Plano ko sanang pagsabihan siya na mag-quit sa challenge dahil mas lalong manganganib ang buhay niya sa loob ng top class. Lalo pa't nasa top class ang mga spies ng kalaban.
I then started off, the loose soil and rock crunching underfoot.
Maraming estudyante ang nasa labas ng Crest Building dahil inaabangan nila ang result ng challenges. Sinigurado kong walang nakakita sa akin at dumiretso na ako sa likod ng building.
May pinto sa likod ng Crest Building kung saan konti lang ang nakakaalam. At doon ako pumasok. Dumiretso ako sa kwartong puno ng computers. Nakikita ko si Ella sa computer na may niyayakap na bata. Nandilat ang mga mata ko nang makita ang isang babaeng may dalang bat.
Napasigaw ang mga kasama ni Ella nang makita ang babaeng may dalang bat na lumalapit sa likod ni Ella. Kahit sa computer ko lang naririnig at nakikita, dinig ko pa rin ang malutong na tunog ng pagtama ng bat sa sentido ni Ella.
Tila naistatwa ako sa kinatatayuan ko. Kahit hindi ako ang natamaan ng bat sa sentido ay parang naramdaman ko ang sakit.
Tumilapon si Ella sa lapag at nabagok ang ulo nito. Gustuhin ko mang tulungan si Ella, wala na akong magagawa. Pinasok na niya ang challenge.
Nagulat ako nang makita ang batang si Clark. Bakit nandito ang apo ni aling Doleng? Tama nga ang hinala ko, isa si Clark sa mga batang hinahanap ng eskwelahang ito.
Nabangga ako ng isang staff sa room at nag-sorry naman ito. Kaya nagpatuloy pa rin ako sa panonood kahit kinakabahan.
Tumakbo ang batang si Clark patungo kay Ella habang sumisigaw. Napamura ako nang biglang hinatak ng isang babae si Clark at tinakpan ng panyo ang ilong nito. Nagsisigaw at nagpumiglas ang bata ngunit maya-maya pa'y unti-unti itong nanlalambot, tila nanghihina.
Alam ko na ang mangyayari.
Tuluyan ng nahimatay ang bata at dahan-dahang inihiga ito ng babae. Tatayo na sana ang babae ngunit sa paglingon niya ay nakatanggap siya ng flying kick mula kay Vanessa. Sumubsob ang mukha ng babae sa lapag at mabilis na sinipa ni Vanessa ang tiyan nito.
Naramdaman kong gumuhit ang ngiti sa gilid ng aking labi. Magaling pala si Nessa. Ngunit ang ngiti kong iyon ay napalitan ng pag-aalala nang makita ko ang walang malay na katawan nina Ella at Clark na nakahiga sa lapag.
Tumunog ang parang "buzz" mula sa timer. Tiningnan ko ang timer sa kabilang screen. Una ay 00:00:00 ito at nagsimula na naman ang panibagong timer, 00:04:59.
Napatingin ako sa ibang screen at nakita kong pumasok ang pitong estudyante sa loob ng battle room. Dalawang lalake, limang babae. Sa bilang ko ay 21 students na ang kalaban ng mga challengers.
I see.
Kung gano'n, every after 5 minutes, kapag hindi natalo ng mga challengers ang kalaban nila ay madadagdagan ng isang kalaban.
Nakikita ko si Kiara na pinagtutulungan ng tatlong babae. Si Vanessa naman ay napatumba na ang dalawang babae, ngunit may isang kasangga pa rin siya. Sa tingin ko'y kapantay ni Vanessa sa lakas ang kanyang kasangga. Ngunit mas mabilis si Vanessa.
Inilipat ko ang aking tingin sa ibang screen. Nakita ko sina Ella at Clark na bibit ng dalawang black men. Imbes na maawa ay natuwa ako sa nangyayari. Mukhang eliminated na sina Ella at Clark sa challenges at ang natitira nalang sa mga kilala kong estudyante ay sina Kiara, Vanessa at Flynn.
Mas mabuting hindi pumasa sina Ella at Clark dahil manganganib lang ang buhay nila kapag pumasok sila sa Top Class. Ang rule ay kung hindi mo naipasa ang challenge, ipapatapon ka ng school at ibabalik sa pamilya mo. Mas mabuti ng makabalik si Ella sa pamilya niya.
Nagpatuloy lang ako sa panonood, hanggang sa tumunog na naman ang timer. Nakita ko na naman sa isang screen na pumasok ang anim na estudyante sa loob ng battle room. Anim na lang ang pumasok dahil eliminated na si Ella.
Mabilis kong inilipat ang tingin ko kay Kiara dahil sa pag-aalala.
"YESSS!" Napatingin ang lahat sa akin dahil sa masayang sigaw ko. Masyadong tahimik ang paligid kaya lubos na nakaagaw ng pansin ang ginawa kong pagsigaw. Ngunit bumalik din naman agad sila sa kanikanilang ginagawa.
Napasigaw lang ako sa tuwa dahil nakita kong napatumba na ni Kiara ang tatlong babae. Ngunit may isang babae na naman ang biglang umatake sa kanya.
Nakatanggap si Kiara ng suntok sa mukha kaya napaatras siya. Imbes na sumigaw sa sakit ay hinawakan niya lamang ang dumudugong ilong saka dumura ng dugo.
Binigyan ni Kiara nang matalas na tingin ang babaeng sumuntok sa kanya. A diabolical look. Na kahit sino man ay matatakot sa tinging iyon.
Kung hindi ko estudyante si Kiara, mapapaisip akong may pagkademonyo siya. Pero ibang Kiara ang nakikita ko ngayon. Iba sa Kiara na naging estudyante ko.
Nang makalapit ang babae ay mabilis na sinipa ito ni Kiara gamit ang kanang paa. Nasalo ng babae ang paa ni Kiara ngunit mabilis namang sinuntok ni Kiara ang mukha ng babae.
Napahiyaw ang babae dahil sa hindi maintindihang sakit saka umatras habang hawak ang dumudugong ilong. Mabilis na hinabol ni Kiara ang babae at sinipa agad ito. Maagap namang nakadepensa ang babae sa sipa ni Kiara.
Imbes na maawa ako sa duguang anyo ni Kiara ay namangha ako sa tinatago niyang galing.
"She's really silent, but deadly." Hindi na ako lumingon sa tabi ko dahil kilala ko na ang nagsalita. Hindi rin ako umimik at nagpatuloy lang sa panonood. Ibinaling ko naman ang tingin ko kay Nessa.
"Isa siya sa mga estudyanteng sinusubaybayan namin. Kakaiba ang program ng talino at galing niya. Including Stern and that bitch over there, Vanessa." Nangunot ang noo ko sa narinig kaya napalingon ako sa lalaking nagsalita.
"Including Vanessa and Ella? For what?" Seryosong tanong ko sa kanya. Ngunit walang bahid ng kabaitan ang tono ng pananalita ko.
"Yeah. Including Ella, but sadly she's eliminated." Sagot ng lalaki saka ito umalis at pumasok sa office niya. Hinatid ko lamang siya ng tingin.
Kung ano man ang pinaplano mo, sisiguraduhin kong hindi ka magtatagumpay. Ngayong nalaman kong isa ka sa sumusubaybay kay Ella. Sa isip-isip ko at nagpatuloy na lang sa panonood. Naikuyom ko ang kamay ko dahil sa naiisip.
Nagpatuloy ang labanan sa loob ng battle room. Unti-unti nang nanghihina ang kasangga ni Kiara. Hinahabol din ni Kiara ang kanyang hininga na tila mauubusan na siya nito.
5 minutes have passed and as expected, tumunog na naman ang timer. Nagulat ako at nagsimula na naman akong kabahan.
Expected ko na anim na estudyante ang papasok sa battle room ngunit nagkamali ako. In my own count there's a total of 30 students, 10 boys and 20 girls.
"What's this? This is against the rule! Bakit biglaang dumami ang kalaban nila?!" Pasigaw kong tanong sa mga tao sa loob ng kwarto. Nagulat at natahimik sila at sa wakas, may tumayo at naglakas loob na sagutin ako.
"Utos po 'yon ni sir Black, sorry po." Napatingin ako sa office ng lalaking kausap ko kanina.
Black, anong pinaplano mo?
*****
Sorry kung bitin. 1761 words lang kasi 'to. Update ako agad.
Please vote.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top