Chapter 19: The Second Stage

Chapter 19: The Second Stage


Ella's Point of View


Napalunok ako sa nanunuyo kong lalamunan, mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa 'di maipaliwanag na dahilan. Unti-unting bumukas ang pinto, parang pinto ito ng elevator. Dahan-dahang naghiwalay ang dalawang bahagi ng pinto.

Hindi pa ito tuluyang bumukas ay may nakita na akong dalawang nakatayong tao sa kabila nito. Or at least that's what I think. Nagkatinginan kaming tatlo ng kasama ko, iisa lang ang namumuo sa aming mga mata. Pagtataka.

Habang bumubukas ang pinto, maririnig mo ang matinis na ingay. As if in a sharp hiss. Parang tunog ng nabutas na gulong.

At tuluyan na ngang bumukas ang pinto. Sumalubong sa amin ang dalawang nakatayong tao, sa suot nila ay aakalain mong mga doktor sila. Naka all-white sila, suot nila ay parang lab gown o kung ano man ang tawag do'n.

Tuwid ang kanilang pagkakatayo at nakapoker face, muntik na akong napaisip na hindi sila marunong ngumiti. Dalawa sila, isang lalaki at isang babae.

Blonde ang buhok ng babae at kulay gray ang mata niya. I almost thought that I might get myself hypnotized by just making an eye contact with her. Then the man gave each one of us a long look, as if to examine us like an x-ray.

"Ellizabeth Ion Stern... Clark Griffin... and..." binigkas niya ang pangalan namin as if perfect enunciation is required, at binigyan kami ng sulyap. Pero napahinto siya nang makita niya si Faye.

Matagal niyang tinitigan si Faye, nagtataka kung bakit may isang tao silang nakikita na hindi kasali sa challenge. Tahimik lang na nakatitig ang babae kay Faye. Then the man started talking.

"I believe there is an explanation about all of this." Tahimik pa rin kaming tatlo, hanggang sa ako na ang nagsalita.

"Uhm, sorry po sir. Hindi po siya kasali sa stage, aksidente lang po ang lahat ng nangyari kaya siya nakapasok dito." Katahimikan na naman ang sumunod. Tinitigan na naman ako ng lalaki at babae nang matagal. Na parang inaabsorb pa nila ang lahat ng detalye ng sinabi ko.

"Very well, we are not as hard as you think we are. Come along." Tipid na sabi ng lalaki nang hindi pa rin tinatanggal ang poker face na ekspresyon at tumalikod. Naglakad siya paalis at sumunod naman ang babae.

Nagkatinginan ulit kaming tatlo at pumasok na sa loob. Ginaw ang una kong naramdaman sa oras na pumasok ako sa loob, may aircon pala dito. Naramdaman kong mahigpit na hinawakan ni Clark ang kaliwang kamay ko kaya ko siya sinulyapan at nginitian.

Then the door shut close behind us.

"Baka kung anong gawin nila sa'kin." Mahinang saad ni Faye sa sarili, tumingin ako sa kanya.

"Wag kang mag-alala, I'm sure palalabasin o ihahatid ka na nila sa school ngayon." Alam kong hindi siya convinced sa sinabi ko kaya binigyan na lang niya ako ng pilit na ngiti.

Naglalakad kami ngayon sa mahabang hallway habang nakasunod lang sa dalawang tao. Tingin ko nasa mid- thirties lang silang dalawa.

Medyo nanibago ako sa paligid. Sobrang dilim kasi sa loob ng maze kaya medyo nanibago ako sa liwanang ng puting ilaw. Idagdag pa na all-white ang kulay ng semento.

As in kulay puti lahat. Mula sahig, pader at kisame puti. Ni hindi ko nga alam kung may pinto ba rito. Nagmumukha na nga itong hospital.

Nakatitig lang ako sa likod ng lalaki at babaeng sinusundan namin ngayon. Nagkandahalo-halo na ang mga bagay na iniisip ko. Mga bagay na posibleng mangyari.

Ano nga kayang gagawin nila kay Faye? Stage one pa ang naipasa namin ni Clark kaya posibleng may stage two pa, at kung meron man. Ano?

Masyado ring weird ang dalawang taong 'to. Una, ang pananalita nila. Pangalawa, ang galaw nila, it seems odd. At pangatlo, ang ekspresyon nila. Para silang vampire ng twilight na pinipigilan ang paghinga.

Sumunod lang kami sa paglalakad sa mahabang hallway, medyo sumakit na nga ang tuhod ko hanggang sa tumigil ang lalaki sa paglalakad. Tumigil din ang babae at gayun din kami.

Humarap siya sa pader. Una, akala ko pader, pinto pala. Hindi ko 'yon agad nahalata dahil kulay puti rin ang pinto at tila nag-camouflage na ito sa pader. Pinasok ng lalaki ang susi sa doorknob at binuksan ang pinto.

Pumasok siya ng hindi kami binibigyan ng sign na pumasok din sa loob. Pero gayun paman, sumunod pa rin kaming tatlo.

Nagulat ako sa pagpasok ko sa loob. Hindi lang pala ako, pati rin ang dalawa kong kasama. Sumalubong kasi sa amin ang oblong-shaped na mesa. Tama lang ang laki nito, pero ang bagay na nakapagpagulat sa amin ay ang sandamakmak na pagkain na nakahanda sa mesa.

Dahil sa tanawing iyon, doon ko napagtanto na sobra na pala akong nagugutom. Punong-puno na ang mesa ng pagkain. Medyo alien din sa akin ang mga pagkain dahil nakikita ko lamang ito tuwing may party kami.

Maliit lang ang kwarto, at gaya ng hallway kulay puti rin ang pintura nito - wall, and from ceiling to floor.

May red couch sa left side ng mesa at doon nakaupo nang tuwid ang lalaki at babae. Kami naman ay nanatiling nakatayo sa harap ng pagkain. Napansin ko pa si Clark na dinilaan ang kanyang labi na animoy takam na takam na.

Tumingin ang lalaki sa amin, with a stern look. Siguro'y nagtataka siya kung bakit nakatayo pa rin kami.

"Well, you can't pass the stage two with an empty stomach. Go on, eat." may diin ang pagkakasabi niya ng 'eat'.

"Tara na!" Sigaw ni Clark, huli na dahil tumakbo na siya at umupo sa upuan kaharap ang pagkain. Nahihiyang sumunod naman kami ni Faye. Bale pinapagitnaan namin ni Faye si Clark sa upuan.

Nang maamoy ko ang pagkain, hindi na ako nagdalawang isip. Kumuha na ako at nagsimulang kumain. Dahil sa gutom ko, hindi ko nahalata na ang bilis ko pa lang kumain.

Si Faye naman ay chicks kung kumain, parang nasa formal na party lang kami. Wala na akong pakialam kung may nanonood man sa akin habang kumakain ako.

Nagbabasa ng makapal na libro ang lalaki at ang babae naman ay nagbabasa rin. Hindi nga lang ako sigurado kung magazine ang binabasa niya.

Naisip ko pa, baka ito na ang stage two ng challenge. Aba! Kung ang kumain man ng marami ang stage two, siguradong makakapasa kami ni Clark. 100 percent sure!

"Ekshkyush me po sher. Kengangan po buh namengggg ubushin lahat tho para pumasa sha shtage two?" saad ni Clark na punong-puno ang bibig ng pagkain. Ang takaw pala ng batang 'to.

Napansin kong gumuhit ang ngiti sa labi ng babae. Pero panandalian lang. Bumalik agad siya sa pagiging blank expression.

Hirap na linunok ni Clark ang pagkain saka uminon ng tubig, I can even feel his efforts.

"Hmp! Ang baho nito." Napatakip si Clark ng ilong at tinabi ang glass na may red wine.

"Excuse po, may soft drinks po ba kayo? Gusto ko po coke. Tsaka sana nag-order na lang po kayo sa Jollibee, hindi na sana kayo nahirapan pang ihanda 'to." Mabilis akong kumuha ng juice at binigay kay Clark iyon.

"Ito oh, mag juice ka na lang." Mahinang saad ko, tinitigan muna ni Clark ang juice bago tinanggap. Pahamak ang batang 'to, baka hindi pa kami pumasa pag tuluyang nainis sa kanya ang lalaki. Pero kahit papaano natuwa ako.

Hindi pa rin umimik ang dalawang tao sa harap namin. At naging tahimik na lang din kami.

Nagpatuloy si Clark sa pagkain. Tumayo pa siya sa kinauupuan niya para tikman ang lahat ng pagkain. Tumigil na kami ni Faye dahil sa busog na kami.

Hanggang sa may narinig akong tunog. Para itong tunog ng isang alarm clock o bomba. Gumalaw ang lalaki, nilagay niya ang librong binabasa sa tabi niya at tumayo. Tinaas niya ang kanyang kanang kamay at tinignan ang wrist watch niya. Doon ko lang napagtanto na sa wrist watch niya nanggagaling ang tunog. Pinindot niya ito at namatay ang tunog.

"I believe it's time." May diin ang pagkakasabi niya sa bawat salita. And for the first time, nakita ko siyang ngumiti. And it's not a good sight to see, it's creepy.

"A-ate,... ang sakit ng ulo ko... nahihilo ako." Naalarma ako sa sinabi ni Clark. Nakasubsob na sa mesa ang mukha niya. Hinawakan ko ang kanyang kamay, mahigpit.

"C-Clark. Wag kang magbiro nang ganyan." Natataranta kong saad, hinawakan ko ang ulo ni Clark at hinarap ito sa akin. Nakapikit ang kanyang mga mata. Pilit kong idinilat ito pero parang tulog na tulog na siya.

Narinig ko namang umungol si Faye. Napasulyap ako sa kanya, nakasabunot na siya sa kanyang buhok. At mabababasa sa kanyang mukha ang pagkahilo. Lalo lang akong nataranta sa nangyayari.

Agad kong tinignan ang dalawang tao na ngayon ay nakatayo na sa harap namin. "A-ano 'to? Anong nangyayari sa kanila? A-anong ginawa niyo?!" Alam kong maya-maya pa'y papatak na ang luha ko. Nag-init ang mga mata ko. Hindi ko kaya ang nakikita ko ngayon.

Parang bingi ang dalawang tao sa harap ko, walang nagbago sa kanilang ekspresyon. "Bullshit! Anong ginawa niyo?!" Sigaw ko pero ngumiti lang siya na siyang kinainis ko.

Hindi na ako nakapagpigil. Kinuha ko ang maliit na kutsilyo sa mesa at mabilis na hinagis ito patungo sa lalaki. Napakabilis ng pangyayari na halos mawalan na ako ng kontrol sa sarili ko.

Lumipad ang kutsilyo at bumaon ito sa kaliwang dibdib ng lalaki.

"Aaarrrgghhh!" Pasigaw na hiyaw ng lalaki at napaatras habang hawak ang kutsilyong bumaon sa kanyang kaliwang dibdib. Nagsimula ng umagos ang dugo mula rito. Klaro ang masaganang pagkapula ng kanyang dugo dahil sa kanyang suot.

Mabilis ko namang kinuha ang isa pang kutsilyo at lumapit sa babae. Tinutok ko sa kanya ang kutsilyong hawak ko.

"What have you done!" Galit na sigaw ko sa babae na ngayon ay nanginginig na umaatras. Tila gusto niyang magsalita pero hindi niya magawa siguro dahil sa takot. Umatras siya hanggang sa napasandal na siya sa pinto.

"Sumagot ka! Anong ginawa niyo sa kanila!" Sumakit na ang lalamunan ko dahil sa lakas ng aking sigaw. Hindi ko na rin makilala ang boses ko. Alam kong nawawalan na ako ng kontrol dahil pinangungunahan na ako ng galit ko.

Mas lumapit pa ako sa babae at tinutok sa kanya ang maliit na kutsilyo. Hindi na ako nakapagpigil at tuluyan ng pumatak ang luha ko. Ramdam ko na rin ang panginginig ko.

"M-maawa ka, mahal ko si Clark. A-anong ginawa niyo sa kanya?" nauutal kong saad habang patuloy pa rin sa pag-iyak. Basag na ang boses ko.

Nagbago ang mukha ng babae, naging mapait ito. "Ellizabeth, sorry." Saad niya saka ko naramdaman na may kung anong matulis ang tumarak sa aking leeg.

Nandilat ang mga mata ko. Gulat akong lumingon sa likod ko at nakita ko ang lalaki na may hawak na injection. Napahawak ako sa leeg ko, nakaramdam ako ng hilo. Dahan-dahang nandilim ang aking paningin.

Nakita ko si Clark, nakasubsob ang mukha sa mesa. At wala na itong malay. Napaluhod ako, at natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakahandusay sa sahig.

Tanging ilaw na lang ang nakikita ko. Nanghihina na ako. Tila may kung anong sumisipsip sa lakas ko. Lumapit sila sa akin. Ngunit hindi na sila klaro sa paningin ko, parang anino na lamang sila.

"Ms. Chase, it didn't work on her. The serum. Bakit gumana sa kanila at hindi sa babaeng ito?"

"I'm sorry sir, pero hindi ko rin alam. I'm sure my calculations are with no flaws, but this girl. She's ..."

"Different? Yes, she is. Ngayon alam ko na ang ibig sabihin ni Black."

After that, everything went black.



***


Sa pagmulat ko ng mga mata, sakit ng ulo ang unang sumalubong sa akin. Nakahiga ako sa lapag, with my back against the hard and cold pavement. Humampas sa akin ang kakaibang hangin, may kakaibang init ito.

Malabo pa ang paningin ko. Nanatili lang ako sa pagkakahiga ko. Rinig ko ang ihip ng hangin, tila may binubulong ito sa akin. Noong nanumbalik na ang lakas ko, unti-unti akong bumangon. A pricking pain shot me from the effort, but from all of that I managed to get myself up.

Nasa gitna ako ng kalsada. Walang ingay ang maririnig maliban sa ingay ng hangin na tila tumutulak sa akin. May kasamang alikabok ang hangin, o buhangin nga ito. There are buildings towering around me. And if I am not mistaken all of them are covered with dust and rust.

Abandonadong building ang pumapaligid sa akin. Matataas na gusali na naging kulay brown na dahil sa buhangin at alikabok na bumabalot dito.

Nagsisimula nang kumagat ang dilim, naging dark blue na ang langit. May halo itong mala-purple at orange na kulay. Nagsimula akong maglakad. Dahan-dahan.

Biglang tumama sa akin ang realisasyon. Si Clark!

Lubha akong nataranta. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Clark?!" Pasigaw na tawag ko sa kanya. Basag ang boses ko dahil sa nagbabadyang luha. Umaalingawngaw ito sa bawat sulok ng piligid.

"Clark! Asan ka?!"

Naglakad ako ng mahina habang inililibot ang tingin sa paligid, umaasa na makita siya.

"Clark!"

Maya-maya pa'y naalala ko ang isa ko pang kasama. "Faye?! Clark?! Asan na kayo?"

Paulit-ulit lang ang pagtawag ko sa kanila. Hanggang sa napagod na ako. Napaluhod ako at doon humagulgol ng iyak. Ano na ang gagawin ko?

Ito na ba ang stage 2? Pero nasaan ako? Anong ginawa nila kay Clark? Kay Faye?

Tingin ko mababaliw na ako, umaalingawngaw ang pag-iyak ko sa paligid at sinabayan pa ito ng bulong ng hangin. Hindi ko alam kung ilang minuto akong umiyak hanggang sa nakapagdesisyon na akong tumayo. Walang magagawa ang luha sa mga oras na ito. Kailangan ko silang mahanap.

May mga streetlights naman kaya nakikita ko pa rin ang daan. Humihikbi ako sa aking paglalakad.

Habang tumatagal pakiramdam ko gumagapang ang kilabot sa katauhan ko. Basag na ang mga bintana ng mga gusali. Nanindig ang balahibo ko, pakiramdam ko may mga kung sinong nakatitig sa akin, nagmamanman.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad kahit pa natatakot hanggang sa may nakita akong pigura ng tao sa 'di kalayuan. Hindi ko siya gaanong makita dahil natatakpan siya ng makapal na usok, at hindi ko alam kung saan nanggaling ang usok na iyon.

Naglakad ako nang maingat palapit sa kanya. "Clark?" hindi ako sigurado, pero para talagang si Clark. Maliit ang anino niya.

Tumigil ako sa paglalakad. Siya naman ay naglakad paabante dahilan para makita ko siya. "Clark?!" hindi ko alam kung gaano ako kasaya nang makita ko siya. Mangiyak-ngiyak akong tumakbo palapit sa kanya.

Ngunit lubha akong nagtaka nang makita ko ang mukha niya. He's different. Tumatakbo pa ako nang may inilabas siyang bagay mula sa likod niya. At huli na nang malaman ko kung ano ang bagay na ito.

Nandilat ang mga mata ko nang ngumiti si Clark, pero hindi iyon ang ngiti ng Clark na kilala ko. Tinutok niya sa akin ang baril at pinaputok ito.

"Aaaaahhhhh!"

Tumili ako nang maramdaman ko ang pagtama ng baril sa kaliwang braso ko. Nawalan ako ng balanse kaya ako nadapa at nagpagulong-gulong sa malamig na semento.

Ramdam ko ang bawat galos o gasgas na natamo ko. Mahigpit akong napahawak sa kaliwang braso ko na natamaan ng bala. Sumigaw ako dahil sa sobrang sakit na nadarama. Umalingawngaw ang palahaw ko sa paligid.

Napapikit ako sa sobrang hapdi. Gulong-gulo ang isip ko. Nakahandusay pa rin ako sa semento. Bakit?

Nakarinig ako ng yapak ng paa. Nakikita ko ang maliit na binti na humahakbang palapit sa akin. Clark.

Ramdam ko ang unti-unti kong panghihina. Halos mawalan na ako ng ulirat dahil sa hapdi ng tama ko.

Tuluyan ng nakalapit si Clark sa akin. Pinilit ko ang sarili ko na mag-angat ng ulo para tignan siya.

"Hello ate. Masakit po ba?" Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita at naririnig ko.

"Clark, anong ginagawa mo?"

"Po?" Tumulo na ang luha ko, hindi ko kayang makita ang inosenteng bata na may hawak na baril. "Bad po kasi kayong ate kaya gusto ko mamatay na kayo." Ngumiti siya at tinutok sa ulo ko ang baril.

"Paalam ate..."

Wala na akong iba pang nagawa kaya pinilit ko na ang sarili kong gumalaw. Kahit masakit man, malakas kong sinipa sa may binti si Clark. Napasigaw ang bata dahil sa gulat at biglang na out of balance. Napaupo siya sa semento at nabitawan ang hawak na baril.

Mabilis kong sinipa ang baril kaya ito lumipad sa malayo. Agad naman akong gumapang at hinawakan sa magkabilang braso si Clark.

"Clark! Anong ginagawa mo? Si ate Ella mo 'to!" nandidilat na mata na sabi ko. Mas naguluhan lang ako nang biglang nagalit ang ekpresyon ni Clark. At sunod ko na lang naramdaman ang pagtama ng kanyang kamao sa kaliwang pisngi ko. Kahit bata man siya, ramdam ko pa rin ang lakas ng suntok niya.

"Clark!" Sigaw ko pa rin at mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak ko sa magkabilang braso niya. Parang bingi lang siya. Galit pa rin ang nakarehistro sa kanyang mukha.

"Demonyo ka ate!" Susuntok na naman sana siya pero napigilan ko agad siya. Masyado akong nasaktan sa sinabi niya. DEMONYO.

Magsasalita na naman sana ako nang may biglang kutsilyo ang lumipad sa gilid ko. Tumama ang kutsilyo sa pader na nasa likod ko.

Napatingin ako sa kaliwa ko nang may narinig akong paparating.

"Vanessa?" Naguguluhang tanong ko sa babaeng naglalakad palapit sa kinaroroonan namin ni Clark. Gaya ni Clark kanina, nakangiti siya ng matamis.

May dala s'yang kutsilyo sa magkabilang kamay. Palapit siya nang palapit sa amin.

Nilaro-laro niya ang kutsilyo sa kanyang kamay at tinapon ito sa amin. Kahit naguguluhan man ay mabilis akong dumapa at gumulong sa kaliwa. Alam kong gumulong din sa kabila si Clark.

"Clark ang baril!" Rinig kong sigaw ni Vanessa. Hindi na ako nagdalawang isip at mabilis nang tumayo.

Mabilis akong tumakbo sa abot ng aking makakaya. Sunod-sunod ang mga putok ng baril sa likod ko. Labis akong naguguluhan pero nagpatuloy pa rin ako sa pagtakbo. Mabilis ang tibok ng puso ko.

Si Clark. Ngayon naman si Vanessa. Bakit gusto nila akong patayin? Anong nangyayari?

Patuloy ako sa pagtakbo hanggang sa nakatakas na ako sa kanila. Ang takbo ko ay naging lakad hanggang sa huminto na ako. Lumapit ako sa dilim para masiguro kong hindi nila ako makita.

Sumandal ako sa pader, ramdam ko ang lamig nito hanggang sa napaupo na lang ako. Napasapo ako sa noo ko. Mabigat ang hiningang binibitawan ko. Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko. Gusto kong umiyak pero wala ng luha ang gustong pumatak.

Niyakap ko ang sarili ko dahil sa lamig. Pumikit ako. Napangiwi pa ako dahil sa hapdi ng sugat ko.

Clark?

Vanessa?


------


Whoa! What kind of stage is the second stage? Ano ang dapat gawin ni Ella para maipasa ang stage 2?

Anong nangyari kay Vanessa at Clark?

Feel free to comment down your thoughts guys. Cause all I want is to read your genuine comments.

Gusto ko rin sanang malaman niyo na magiging inactive ako for the whole month of August guys. 1 month. Sana intindihin niyo ako. Sa September pa ang next update.

Sorry talaga. Pasukan na kasi, college life 😑😑😑

Hindi ko na pahahabain ito. Yun lang. Ingat kayo.

God bless :))

kuya_mark


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top