Chapter 19: Clark
Ella's POV
"Nga pala Ella. Siya si Aling Doleng. Siya ang nagmamay-ari ng bahay na'to. " sabi ni Kezia sa akin nang mapansin niyang nakatingin ako sa matandang babae na nagtitimpla ng juice.
"Ah. Hello po, pasensya na po at naabala pa namin kayo." ngumiti naman si aling Doleng.
"Naku wala 'yun iha, nasabi na sa akin ng eskwelahan niyo na dito kayo tutuloy kaya naghanda agad ako." magiliw na sagot ni Aleng Doleng habang inilalatag ang juice sa mesa.
Ngumiti nalang ako sa kanya, halata namang mabait 'yung matanda.
Maganda ang bahay ni aling Doleng. Hindi ito gaanong malaki at hindi naman gaanong maliit. In short, katamtaman lang.
Antique ang mesa nila. Kahoy 'yung sahig kaya kung lalakad ka ay parang maririnig mo ang pag "creek" nito.
Napansin kong may tinitingnan si Max kaya napatingin rin ako sa kung ano man ang tinitingnan niya.
Sa isang sulok ay may isang batang lalake ang nakaupo sa malaking upuan habang naglalaro ng rubics cube yata 'yung tawag dun.
Tingin ko 5 years old 'yung bata kaya nakakamanghang panuorin na nakabuo siya ng isang kulay.
"Bata pahiram nga." sabi ni Max habang inilalahad ang kamay sa bata. Napatingin ako kay Max.
Hindi nagdalawang isip ang bata at binigay naman niya kay Max ang rubics cube niya.
Sinuri muna ni Max ang rubics at wala pa sigurong 15 seconds ay nabuo niya lahat ng kulay ng rubics cube.
"Woooooooowwww!!! Ang galing! Yehey! Turuan niyo ako niyan kuya. Sige na." masiglang sabi ng bata habang nagkaclap ng hands niya saka nagtatalon. Dumilat rin ang mata ng bata dahil sa pagkamangha.
Ako nga dumilat rin ang mata ko eh. As in! Pano niya nagawa 'yun?
Napansin ko naman na parang wala lang sa kanilang lahat ang ginawa ni Max.
Hindi sila namangha? Ang galing kaya nun. Well, ano bang maaasahan ko sa mga tulad nila.
"Bukas bata tuturuan kita."ngiti-ngiting sagot ni Max sa bata at ginulo ang buhok nito. Saka sinauli ang rubics cube.
"Talaga po? Yey! Yey! Thank you po." masayang sabi ng bata habang nagtatalon na naman. Napangiti nalang ako sa bata.
"Hoy Max! Naglalaro ka nasa harap tayo ng pagkain!" sabat ni Kezia kay Max. Ito namang si Max, bumelat lang.
"Ay. Wag niyo po pagalitan si kuya boyprend niyo po. Baka indi na niya ako turuan eh." nagbibaby talk na sabi ng bata kay Kezia.
"Boyfriend? Bata, hindi ko siya boyfriend. Friend pwede pa, pero boyfriend? Naku, nakakatakot." sabi pa ni Kezia sa bata habang hinahawakan ang balikat nito.
"Hindi naman siya natakot sa sarili niya." bulong ni Max sa sarili. Inirapan lang siya ni Kezia.
"Gusto mo ako nalang tumuro sayong mag rubics cube?" malambing na alok ni Kezia sa bata.
"Hnnn. Ok po. Pero mas okey po kung kayong dalawa. Tutal mag-asawa naman po kayo diba?" masayang sabi ng bata at umalis papunta sa lola niyang si Aling Doleng.
"Lala! Lala! Tuturuan po ako nila po maglaro ng colors."
"Mabuti naman apo. Pero 'wag muna ngayon dahil medyo magiging busy sila." sabi ni aling Doleng habang nakangiting yakap-yakap ang apo nito.
"Ako? Asawa nitong Max? Wag na oy! Marami pa akong pangarap sa buhay noh. Masisira lang kinabukasan ko." mataray na sabi ni Kezia habang tinuturo ang sarili.
"Masasayang naman ang lahi ko kung mapapangasawa kita no." reklamo ni Max saka umirap. So gay.
Nakakatuwa ang dalawa. Napangiti nalang kaming lahat.
"Bangayan pa kayo ng bangayan. Tumigil na nga kayo at kakain na." awat ni sir Loid sa dalawa. Magkatabi kasi sina Kezia at Max. Tapos katabi naman ni Max si sir Loid.
Kahit kumakain ay nagpatuloy parin sa pagbabangayan sina Max at Kezia. Para silang aso at pusa, pusa at daga. Haha
Hindi ko nga alam kung paano nagsusurvive ang dalawa sa pagiging mag partners nila. Bangayan lang sila ng bangayan. Akala ko pa nga nung una mag boyfriend-girlfriend 'tong dalawa.
Nagpatuloy lang kami sa pagkain habang tawa ng tawa. May konting usapan ang naganap sa amin nila Flynn.
Pagkatapos naming kumain, nagkuwentuhan pa kami sa balkonahe. Ang sarap din dito sa baryong Narra. Tahimik. Yung tipong magkakaroon ka talaga ng peace of mind dahil sa sobrang tranquil ng paligid.
I can see the beauty of every blink of the stars and the waxing light of the moon.
Pumasok na kami ng kwarto nang tamaan na ng antok ang lahat.
Sa iisang kwarto lang kaming lahat natulog, isang kwarto lang kasi ang bakante.
Sa sahig lang din kami nakahiga pero nilagyan ito ng foam para hindi matigas sa likod. Wala namang umangal sa amin kaya okey lang. Hindi rin naman ako maarte. At marami na rin akong napagdaanang trainings kaya sanay na ako.
Ganito ang arrangement ng pagkakahiga namin:
Kiara
Vanessa
Kezia
Ella
Flynn
Max
Sir Loid
Narinig ko pa ang tunog ng mga palaka bago ako dinalaw ng antok. And like any other sleep, I was first lost in thought before leaping into a deep slumber.
** Kinabukasan **
The sun's morning light started penetrating inside our room and I felt it piercing in my skin.
Ang sarap naman ng niyayakap kong unan. Hindi kasi talaga ako nakakatulog pag wala akong yakap-yakap na unan.
Kahit na matigas na unan pa ang yakap ko, okey parin ako. Gaya ngayon, okey lang na matigas ang unan na niyayakap ko basta may yakap-yakap ako.
Wait?... What?!... Bakit sobrang tigas naman ata ng niyayakap kong unan?
Napamulat ako at nalaman kong hindi pala unan ang niyayakap ko kundi mismong tiyan o stomach pala ni Flynn.
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa hiya. Ano ba naman 'to. Bakit ba ako nakayakap kay Flynn? Mabuti nalang at tulog pa siya, kung hindi.
Bigla namang nag-init ang pisngi ko.
Teka, baka may ibang nakakita? Inilibot ko ang aking tingin at napag-alaman kong ako palang sa aming pito ang gising.
Hay. Mabuti naman.
Bakit naman sobrang tigas ng tiyan ni Flynn? Kumakain ba siya ng bato?
Hay naku! Aga-aga 'yun agad pumapasok sa utak ko.
Nag-ayos nalang ako ng sarili saka lumabas.
Maaga pa kaya malamig pa sa labas ng bahay. Niyakap ko ang ang aking sarili dahil sa lamig.
Nakita kong nagwawalis si aling Doleng kaya lumapit ako rito.
"Good Morning po." ngumiti ako sa kanya.
"O iha, ang aga mo naman atang gumising. Gusto mo ipagtimpla kita ng kape?" bungad sa akin ni aling Doleng sa labas habang nagwawalis.
"Ah. Sige po, maraming salamat." sagot ko. Ayaw ko naman kasing tanggihan ang alok niya.
"O sige ha. Ipagtitimpla kita. Diyan ka lang iha ha." itinabi ni aling Doleng 'yung walis at saka umakyat ng bahay.
Umupo naman ako sa nakita kong upuan na nakapuwesto sa ilalim ng puno.
"Gusto mong maglaro nitong colors ko?" aya ng batang lalake kagabi habang inilalahad sa akin and rubics cube niya.
Medyo na gulat pa ako nung una sa bigla niyang pagsulpot.
"Ah. Hindi ako marunong bata eh." pagtanggi ko sa bata at nagpout naman siya. Ang cute niya.
"Okey lang po. Gusto niyo po turuan ko po kayo ate Ellya? Magaling po akong maglaro." Ellya? Tinawag niya akong Ellya.
"Bakit mo alam pangalan ko? Tsaka ano nga pala pangalan mo bata?"
"Clark po. Tsaka tinanong ko po 'yung boyprend niyo kaya nalaman ko pangalan niyo ate Ellya." boyfriend? Sinong boyfriend? Itong batang 'to talaga. May alam na sa ganyang bagay.
"Sinong boyfriend? Bata este, Clark wala akong boyfriend."
"Kung hindi niyo po siya boyfriend bakit niyo po siya niyayakap kanina?" niyayakap? Kanina? Si Flynn? Nakita niya palang niyayakap ko si Flynn kanina?
Bigla kong naramdaman ang pag-init ng mukha ko. Mabuti nalang si Clark lang nakakita, kundi lagot na. Pero nakakahiya pa rin.
"Ah. Wala yun bata, kapatid ko si Flynn. Kapatid ko 'yung niyayakap ko kanina kaya okay lang na yakapin ko siya." pagdadahilan ko. Ibang klase naman ang batang 'to. Ganito na ba talaga ang mga bata sa bagong henerasyon?
"O heto na iha, kape mo." ngiti-ngiting sabi ni aling Doleng habang binibigay sa akin ang kape at tinanggap ko naman ito.
"Alis na po ako ate Ellya, maglalaro muna ako sa mga kaibigan ko." paalam sakin ni Clark saka tumakbo paalis. Hinatid ko naman siya ng tingin ko.
Napailing nalang ako at napangiti habang tinitingnan ang tumatakbong bata. Nagbibaby talk si Clark pero kakaiba siya kung mag-isip.
"Matalino ang apo kong si Clark. Mabilis siyang matuto ng mga bagay. Sa murang edad pa lamang ay mabilis na siyang magsalita." umupo si aling Doleng sa tabi ko.
"Ilang taon na nga po pala si Clark?" kita ko sa ngiti ni aling Doleng ang pagiging proud niya sa kanyang apo.
"Mag-aapat na taong gulang na si Clark ngayong buwan ng Hunyo. Sayang nga at 'di niya makakapiling ang nanay at tatay niya." kung ganon 3 years old pa pala si Clark.
"Bakit po?" nagbuntong-hininga muna si aling Doleng bago sumagot sa tanong ko.
"Wala na ang kanyang ama at ina." bigla akong nalungkot dahil sa narinig ko at dahil sa lungkot ng boses ni aling Doleng.
"Alam po ba ni Clark ang tungkol dito?"
"Hindi niya pa alam. At wala rin akong balak na sabihin sa kanya." ngumiti si Aling Doleng saka nagpatuloy. "Huwag na lang nating pag-usapan ito iha. O sige, akyat muna ako sa taas at baka luto na 'yung sinaing ko."
Tumango lang ako kay aling Doleng habang pinapanood itong umakyat sa hagdan.
Kawawa naman si Clark. Lolo't lola nalang niya ang kanyang nakakasama. Pero asan na kaya 'yung lolo ni Clark? Itatanong ko nalang mamaya kay aling Doleng.
Lumipas ang ilang minuto ng aking pagmumuni muni. Bakit kaya hindi pa sila gumigising?
Pinanuod ko nalang ang mga batang naglalaro at sa aking panonuod ay nahagip ng mga mata ko ang lalakeng nakatayo sa likod ng malaking puno. More like, nagtatago siya.
Napatayo ako bigla.
Hindi kaya siya 'yung nakita ko kagabe?
Nakatingin na naman siya sa akin.
Dahil sa tulong ng araw ay nakikita ko siya. 'Di nga lang klaro ang mukha niya. Pero alam kong itim yung buhok niya. Naka black pants siya at white shirt.
Tila narealize niya ata na nakatingin ako sa kanya kaya tumakbo siya palayo.
At ito naman akong si tanga, abay sumunod pa.
"Sandali! Sandali lang!" sigaw ko habang hinahabol ang tumatakbong lalake.
"Kuya! Teka! Aray!" nadapa pa ako. "Kuya sandali lang!"
Paunti-unti nang lumalayo ang lalake kaya todo effort ako sa pagtakbo para masabayan ang bilis niya.
Nakikita ko pa 'yung tumatakbong lalake pero nasa malayo na siya.
Ang bilis naman atang tumakbo ng lalakeng 'to. Taong gubat ba siya?
"Wait kuya!" teka? Kuya ba siya?
"Bata! Hintay!" bata? Hindi naman siguro bata 'yun.
"Hoyyyyyyyyyyy!" wala na akong matawag kaya hoy nalang.
Sobrang sakit na ng paa ko dala ng pagod, sugat at galos na nakuha ko sa kakatakbo. Masyado kasing magubat 'tong dinadaanan ko.
Dahil hindi ko na kinaya ay napatigil ako sa pagtakbo. Hingal ako ng hingal habang nakatukod ang dalawa kong kamay sa tuhod ko. Sinusubukan kong huminga ng malalim para mapakalma ang sarili ko.
Pawisan ako. Puno ng sugat ang paa. Nakikita ko rin ang malalaking kagat ng lamok sa mga binti at braso ko. Bakit ba kasi naka short shorts pa ako?
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na sa tingin ko lalabas na ito anong oras lang.
Napatingin ako sa paligid. Sobrang magubat na ang parteng ito. Naririnig ko ang mga kanta ng mga mumunting ibon. At may narinig rin akong tunog ng ahas.
Ahas?!
Baka may ahas dito! Or worse, may ahas talaga sa masukal na gubat na ito.
Napagdesisyunan kong bumalik nalang sa bahay ni aling Doleng kaya nagsimula na akong maglakad pabalik.
Teka? Saan nga 'yung daan?
"Ah dito 'yun." sabi ko sa sarili at dumiretso na ng lakad.
Kanina pa ako lakad ng lakad pero wala pa akong nakikitang mga bahay. Bumalik na rin ako sa hinituan ko kanina pero mas naligaw lang ako.
Ilang beses pa akong nadapa.
Mataas na rin ang sikat ng araw kaya mabilis nawawala ang lakas ko.
Dahil sa paulit-ulit na paglalakad ay ngayon ko lang narealize.
"Nawawala ko."
* * * * *
Thanks for reading. Masakit parin ngipin ko pero nagawa ko paring mag update. Kaya alam kong sabaw ang update ko. Pasensya na.
Please vote and comment.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top