Chapter 18: The Stranger's Help
100K+ reads na tayo guys. Maraming salamat sa patuloy ninyong suporta. Sorry kung matagal ang updates.
Mahaba ang chapter na ito para hindi na kayo mabitin.
Enjoy!
---
Someone's POV
"So ano na? May nakuha ka na bang information regarding sa Top Class Challenges?" rinig kong tanong ng babae sa kasama niya.
"You're really asking me this? Wala ka talagang alam?" - girl 2.
"Like duh? I wouldn't ask if I already know," mataray na sagot naman niya. Narinig kong bumuntong hininga ang isang babae.
"Eliminated na ang kaklase nating si Ellizabeth at 'yong batang Clark. And for now nasa first stage pa rin ang natira kasama ang gwapong Flynn. Kasama rin ang bitch na Vanessa. Sana naman makapasok na rin tayo sa challenge. Ano kayang feeling na member ka ng Top Class Family ano?" - girl 2.
"Crush mo talaga 'yong si Flynn, ano? Well, crush ko rin naman siya. Pero sayang naman eliminated agad si Ellizabeth, ang laki pa naman ng expectations ko sa kanya. Hindi ba siya 'yong sumira sa g-tech divice ni ma'am Claire? Tapos---"
"SILENCE! THIS IS A LIBRARY AND NOT A PLACE FOR CHITCHATS!"
Biglang natahimik ang dalawang babae sa harap ko. Ang aga-aga pa kasi at nasa library pa kami. Kung makatsismis 'tong dalawang ito parang nasa canteen lang.
"Sorry po ma'am." Magkasabay na paumanhin ng dalawa, pero parang wala sa konsiderasyon ng librarian iyon.
The librarian didn't answered them. She just gave them a grim and a condescending look.
"OUT! BOTH OF YOU!"
Wala nang nagawa ang dalawang babae, mabilis nilang iniligpit ang kanilang kagamitan at dumiretso ng tayo. Nakayuko silang naglakad palabas ng library. Hinatid ko lang sila ng tingin ko hanggang sa nakalabas na sila.
Napailing na lamang ako at tinuon ang pansin sa pagbabasa ng libro para sa subject naming Statics.
At dahil lumabas na ang dalawang babae kanina, nag-iisang estudyante na lang ako dito sa loob ng library kasama ang librarian na walang ibang alam kung 'di ang magpoker face.
Nakapagdesisyon ako na magpractice ng solving. Hinanap ko ang ballpen ko sa bag ko pero wala ito. Wala rin sa bulsa ko. Hanggang sa nalaman ko na nahulog pala sa sahig.
Kinailangan ko pang gumapang sa ilalim ng mesa makuha lang ang ballpen. Babalik na sana ako sa kinauupuan ko kanina nang may biglang pumasok. Sumilip ako at nalaman kong si King Arch pala.
Nanatili ako sa ilalim ng mesa dahil sa tatlong dahilan. Una, para magtago. Pangalawa, dahil takot ako sa kanya. At pangatlo, dahil crush ko siya.
Ewan ko ba, crush ko siya pero natatakot ako sa kanya. Iyong tipong makita ko lang siya para nang sirang makina itong puso ko dahil sa kaba.
At heto na nga ako ngayon, KINAKABAHAN.
Lumapit siya sa librarian at tinanguan ito. Ito namang librarian namin todo pacute kay King Arch. Tanda-tanda na, naku!
Minsan ko lang nakikita si King Arch. At nakikita ko pa siya dito mismo sa library. Magbabasa kaya siya ng libro?
Hindi ko na siya nakikita dahil sa mga bookshelves. Kaya bumalik na lang ako sa pagbabasa.
Lumipas ang isang oras at namaster ko na rin sa wakas ang lessons ko. Lumapit ako sa mesa ng librarian para isauli ang libro pero wala siya.
Tumingin ako sa paligid pero hindi ko talaga siya mahanap. Imposible naman atang umalis siya ng hindi ko napapansin. Tsaka hindi niya rin puwedeng iwan ang library.
Napailing na lang ako at ako na mismo ang nagsauli ng libro at nagcheck in.
Naglakad na lang ako, inilibot ko ang mata ko sa maraming libro. Naghanap ulit ako ng libro na pwede kong basahin hanggang sa nahanap ko ang libro ni Stephen King, The Shining. Kinuha ko ito at niyakap.
Babalik na sana ako sa kinauupuan ko nang may napansin ako. Isang pinto. Kumunot ang noo ko dahil sa kuryosidad at dahil sa pagtataka na rin siguro.
Then I found myself walking towards the door. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ko nilapitan ang pinto. Hinawakan ko ang doorknob, ramdam ko ang lamig nito.
Tila may bumubulong sa akin na pumasok sa loob. Binuksan ko ang pinto at sumalubong sa akin ang dilim.
I groped for the switch. Ilang sandali lang ay nahanap ko ito. I then quickly turned on the light. Tinakpan ko ang mata ko dahil sa nakakasilaw na ilaw hanggang sa nakaadjust ako.
Tumingin ako sa paligid, parang library pa rin ito. Makikita sa paligid ang mga bookshelves. Dahil sa kuryosidad, naglakad pa ako. Tumingin-tingin ako sa mga libro.
At ilang segundo lang ng paglalakad ay napaisip ako. Bakit naman nakahiwalay ang part na ito sa library? Hindi kaya?
Hayss. Napailing na lang ako at binura ang kung ano man ang iniisip ko. Lalabas na sana ako nang may mapansin ako sa peripheral vision ko. Napahinto ako sa paglalakad at marahang lumingon.
May nakikita akong hole sa sahig. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa malaking butas. Rinig ko ang ingay na likha ng sapatos ko.
Sumilip ako sa malaking butas at napalunok na lang ako dahil sa dilim sa ilalim. Nagpalinga-linga ako sa paligid, baka may ibang tao pa akong kasama rito.
Ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko, ano ba itong ginagawa ko.
I awkwardly fished out my g-tech device from my pocket. I then turned on its flashlight. May nakita akong parang hagdan. At nalaman ko na lang na nakaapak na ako rito.
Humugot muna ako nang malalim na hininga saka bumaba sa hagdan. Nakatutok lang ang ilaw ng g-tech device ko sa daan pababa.
Nagpatuloy lang ako sa pagbaba, kinakabahan ako sa ginagawa ko. Sumasakit na ang paa at tuhod ko dahil sa haba ng hagdan. Hanggang sa narating ko ang isang pinto.
Tumingala ako sa itaas. Nakikita ko ang ilaw sa itaas kung saan ako nanggaling. Binalik ko naman ang tingin ko sa pinto na nasa harapan ko na ngayon.
Huminga ako nang malalim at hinawakan ang doorknob. Nabuksan ko ang pinto, na siyang nagpalala lang ng pagtataka ko.
Ano ba ang meron dito? At bakit hindi nakalock ang pinto?
Kinain na ako ng kuryosidad ko at nahanap ko na lang ang sarili ko na naglalakad papasok sa loob, kung ano man ang tawag dito.
Lamig ang una kong naramdaman sa oras na pumasok ako sa loob. Naglakad ako at pilit kong sinaulo ang daan na tinatahak ko.
Sa aking paglalakad, nalaman kong nasa isang maze ako ngayon. Binabalot ng makakapal na ugat ang mga pader at kisame, kung kisame nga ang tawag dito. May mga torches na nakasabit sa pader na nagsisilbing ilaw.
Masyado ring tahimik ang paligid na halos marinig ko na ang kabog ng dibdib ko. At kahit pa may ilaw, naka-on pa rin ang flashlight ng g-tech device ko.
Naglakad pa ako ng konti hanggang sa may narinig akong ingay. Tila napako ako sa aking kinatatayuan. Nandilat din ang aking mga mata sa narinig.
May mga ungol at palahaw akong narinig - mga daing ng nasasaktan. Mas bumilis pa ang tibok ng puso ko dahil sa narinig, napalunok na rin ako sa nanunuyo kong lalamunan.
Naalala ko ang sinabi ng isa sa mga kaklase ko. Na may maze ang paaralang ito. Tinawag nila itong The Maze of Cranks. Alam ko kung ano ang mga cranks, mga estudyante sila ng Blue Moon High na nakulong sa loob ng maze. Ginagamit ang maze na ito as one the stages for the Top Class Challenge.
Hindi kaya ang maze na pinasukan ko ngayon at ang maze ng cranks ay... iisa?
Napalunok ulit ako sa naiisip. May narinig ulit akong ingay, tila tunog ito ng labanan. Hindi na ako nagpatalo sa takot ko kaya mabilis na akong tumakbo.
Rinig na rinig ko ang malalakas na tunog ng yapak ko. My heart pounded hardly against my chest. Ang takbo ko ay naging lakad nang may naaninagan ako.
Lumapit ako rito at napatakip na lamang ako ng bibig nang malaman kong mga taong nakahandusay sa lapag ang nakikita ko. Sunog na sunog ang kanilang mukha pati na rin ang ibang parte ng kanilang katawan.
Kumaripas ako ng takbo, hindi ko na alam kung saan ako dinala ng paa ko. Isa lang ang nasa isip ko ngayon, ang makalabas sa maze na ito.
Maluha-luha ako habang tumatakbo. Hanggang sa naramdaman ko ang mainit na likido na dumaloy sa pisngi ko. Lubha akong nagsisi sa ginawa ko.
Dahil sa curiosity na 'yan! Bakit ba kasi ako pumasok dito?
Nagpatuloy pa rin ako sa pagtakbo. Rinig ko ang ingay ng labanan, at palakas ito nang palakas.
At dahil sa katangahan at kamalasan ko, nadapa ako. Malakas na tumama ang ulo ko sa pader. Hanggang sa nandilim ang paningin ko.
---
Nagmulat ako ng mata at sumalubong sa akin ang sakit ng ulo. Pakiramdam ko tinutusok ng karayom ang ulo ko. Hindi ko rin alam kung ilang oras akong walang malay, o kung umabot man ng oras.
Napahawak ako sa noo ko at napangiwi ako nang mahawakan ko ang sugat ko. Marahan akong sumandal sa pader, ramdam ko ang lamig nito sa likod ko.
Nanatili ako sa kinauupuan ko hanggang sa bumalik ako sa dati kong lakas. Dahan-dahan akong tumayo, ginamit ko ang pader bilang suporta. Tumingin ako sa paligid, hindi ko na alam kung nasaan ako.
Nakakabingi ang katahimikan, labis na rin akong nanlalamig. Nagsimula akong maglakad. Dahan-dahan.
Ilang sandali pa ay wala na talaga akong maalala sa daan. Naramdaman kong uminit ang mata ko, hanggang sa pumatak na nga ang luha ko.
Humihikbi ako habang naglalakad. Isang daan na lamang ang tinatahak ko at patuloy pa rin ako sa paglalakad. Maya-maya pa ay may naaninagan akong ilaw sa hindi kalayuan.
Mas umiyak ako hindi dahil sa takot kung 'di dahil sa saya. Tumakbo na ako at noong mas nakalapit ako ay may naaninagan na akong pigura. Kung hindi ako nagkakamali pigura ito ng tao. MGA tao.
"Hello? M-may tao ba d'yan?" Pasigaw na tanong ko sa kung sino man ang dalawang taong ito. Oo, dalawa sila. Nakita kong gumalaw sila. At noong nakalapit na ako saktong nakatingin sila sa akin.
Nakakunot ang noo nilang dalawa. Nagtataka kung bakit ako nandito. May kasama siyang batang lalaki.
Pero mas nagtaka ako nang makilala ko ang babae. Napasinghap din ako dahil hindi ako makapaniwala.
"Ellizabeth?"
---
Ella's POV
Kanina pa kami ni Clark nakasandal sa malamig na pader. Pagod na kasi kaming mag-isip ng password. Hindi rin namin sinubukang iencode ang password at baka mali ang sagot namin.
May warning kasi na kapag mali ang sagot namin hinding hindi na bubukas ang pinto at habangbuhay kaming makukulong dito.
Sabi naman ni Clark wala siyang alam sa kahit anong bagay tungkol sa password. At ako naman, ano pa ba? Wala akong kaalam-alam sa password na 'yan. Alien din para sa akin ang mga clues na binigay nila.
Siguro nga hanggang dito na lang kami. Tumingin ako kay Clark na nakahiga sa lap ko. Nakapikit ang kanyang mga mata. Ngumiti ako at marahang hinaplos ang kanyang noo.
Kung wala ang batang ito, palagay ko matagal na akong naging baliw sa loob ng maze na ito.
Nanatili kami sa aming posisyon hanggang sa may narinig kami. Mga yapak ng paa. At palapit ito sa amin.
Nagmulat ng mata si Clark at naalerto. Agad kaming tumayo at hinanap ang pinanggalingan ng boses. Sa hindi kalayuan ay may naaninag kaming pigura ng babae, tumatakbo ito patungo sa amin.
Akala ko isang crank ang paparating, pero sobra akong nagulat nang malaman kong isang ordinaryong estudyante ito. Saglit kaming nagkatinginan ni Clark, pareho kaming nagtataka.
Kumunot ang noo niya nang makita niya kami, huminto siya sa harap namin. Isa-isa niya kaming tinignan, nagtataka. At nagulat na lamang ako sa sunod niyang ibinigkas.
"Ellizabeth?"
Kilala niya ako? Hindi na ako nakareact sa sunod na nangyari. Mabilis niya akong nilapitan at niyakap ng sobrang HIGPIT. Halos hindi ako makahinga.
Nakita ko si Clark at nagkibit balikat lang siya. Narinig kong humikbi ang babae kaya hinayaan ko lang siya na yakapin ako. Rinig ko pa ang mga nanginginig niyang bulong.
"A-akala ko maliligaw na ako. Mabuti na lang nakita ko kayo."
Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at pinunasan ang kanyang luha gamit ang likod ng kanyang palad. Kaya ako nagkaroon ng oras para magsalita.
"Uhm. Sino ka? Bakit mo 'ko kilala? Tsaka bakit nandito ka?" Nangunot ang noo niya sa tanong ko.
"Kaklase mo ako sa omega subject natin, kaya kita kilala. Siguro nga hindi mo ako kilala pero ako, kilala kita. Ikaw kasi 'yong sumira ng g-tech device ni ma'am Claire." Nahiya naman ako sa sinabi niya. Kilala niya ako pero hindi ko siya kilala.
"Pero bakit ka nga nandito? I mean, hindi ka pwede rito," pag-uulit ko ng tanong.
"Long story, kayo? Bakit kayo nandito? Balita ko eliminated na kayo sa Challenge. " Mas nagulat ako sa sinabi niya. Pati 'yan alam niya. Pero hindi niya alam na hindi pa kami eliminated.
"Hindi pa kami eliminated. Ni Clark. Kaya kami nandito sa maze na ito para ipagpatuloy ang challenge. Pero ikaw, bakit ka nga nandito?" Hindi niya ako sinagot, naglakad lang siya at sumandal sa pader.
Tumabi ako sa kanya ng upo, bahala na siya kung iisipin niyang feeling close ako. Gano'n kasi ako minsan. Tumabi naman si Clark sa akin at nanatiling tahimik.
Humugot muna siya nang malalim na hininga bago nagsalita. Ikinuwento niya sa akin ang nangyari sa kanya. At masasabi ko ngang 'long story'.
Sinabi niya sa akin na tinahak niya lang ang daan pababa sa isang hagdan kaya siya napunta dito. May narinig din siyang mga ingay at tingin niya, parang may naganap daw na labanan. Tingin ko kami ang narinig niya.
Nasabi niya rin sa amin na nawalan siya ng malay sa ilang sandali hanggang sa kakatakbo niya ay hinanap niya kami.
Tango lang ang nagiging sagot namin ni Clark habang nagkukwento siya. Nagmumukha na nga siguro kaming nakakatawa.
Tinanong niya rin sa amin ang sitwasyon namin ni Clark kaya ako na ang nagkwento. Una kong sinabi sa kanya na nagmulat kami ni Clark at sinolve ang maze. Nakipaglaban sa mga cranks. Hindi ko na sinabi sa kanya ang tungkol kay kuya Arch at baka umiyak pa ulit ako.
Tango lang din ang nagiging sagot niya hanggang sa natapos ako sa pagkukwento.
"Hindi pa pala kita kilala, ano nga pangalan mo?" I know I sounded stupid, asking her name and all.
"Faye. Laurence Faye Smith." Marahan lang akong tumango sa kanya.
"Kilala ko kayong dalawa," saad niya at ngumiti na nagpagaan ng loob ko.
Tumayo siya at lumapit sa computer kung saan nakasulat ang clues ng password. Napansin kong binasa niya ang nakasulat, at parang nag-iisip siya.
Nagkatinginan kami ni Clark saka kami tumayo. Lumapit kami sa likod ni Faye na ngayon ay sinusubukang sagutin ang password.
"Kung masasagutan niyo ang password, makakalabas na kayo rito?" Agad akong tumango sa kanya bilang tugon.
"Which means makakalabas din ako... kailangan nating sagutin ito. Sinubukan niyo na ba?" Nakaramdam ako ng hiya sa tanong niya.
"Hindi pa, hindi kasi kami sigurado ni Clark sa sagot namin." Sagot ko at napakamot pa ako ng ulo. Marahan lang siyang tumango.
Nanatili kami ni Clark sa likod ni Faye. At hindi ko alam, I think I'm starting to like her. I just don't know.
May binubulong siya sa sarili niya. At hindi ko maintindihan ang mga ito.
"In mythology, Archimedes is known to be a half-blood. Son of Minerva or Athena, I'm not sure. If it's Roman or Greek, geometrical theorems, including the area of a circle, the surface area and volume of a sphere, and the area under a parabola. He's a Greek mathematician."
"Ha?" alam kong ang bobo ko at inaamin ko, wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya.
"Ano kasi, si Archimedes. Tingin ko may kinalaman siya sa code. If we can just dig deeper about his life."
Tumabi ako sa kanya at binasa ulit ang clues.
| Mathematics | Archimedes |
| pie |
| π |
| value |
Napaisip ako sa sinabi niya. Ngayon ko lang nalaman na tao pala si Archimedes.
"He was the one who derive the accurate approximation of pi, defining and investigating the spiral, and creating a system using exponentation. Hydrostatics and statics." Hindi ko alam kung kaya ko pa ang sinasabi niya, pero pinilit ko pa ring intindihin ang mga ito.
"Pi! Tignan mo Ellizabeth oh, may nakasulat na pie sa mga clues. Pati rin mathematics. Tingin ko nakasulat ang mathematics dahil Greek mathematician si Archimedes."
" Tignan mo rin," tinuro niya ang symbol na π.
"This symbol is pi, and this word value. I guess all of these words are interrelated to each other and are trying to say something." Napaisip agad ako sa sinabi niya. May sinasabi ang clues. At iyon ang password.
Magkatabi lang ang word na value at π. Then it hit me.
"Faye may value ba ang π sa mathematics?"
"Oo meron, teka..." nandilat ang mga mata ni Faye na parang hindi siya makapaniwala sa naisip.
"Ellizabeth! Tama! Value ng pi ang password." Hinawakan niya ako sa magkabilang braso ko saka hinarap ang computer.
Imbes na keyboard ay tablet ang nasa baba ng computer. At puro number lang ang nandito kaya panigurado puro numbers lang din ang sagot.
"Seven bars ang nandito Faye kaya sigurado akong seven digits ang password." Tumango siya at nag-isip.
"Sa pagkakatanda ko ang value ng π (pi) ay 3.14 pero kung pahahabain pa. Ang value nito ay 3.14159265. Seven digits lang ang password kaya ang sagot natin ay 3.141592." Tumingin siya sa akin na parang humihingi ng tulong, tumango naman ako sa kanya para sabihin na may tiwala ako sa kanya.
Napalunok siya dahil siguro sa kaba. Sinimulan niyang itype ang password. Bawat pagpindot niya ay may tumutunog na mas nagpadagdag pa ng kaba ko.
3
1
4
1
5
9
2
Natapos niyang pindutin ang password. Then everything went silent. Biglang namatay ang ilaw ng computer. Tila nawalan ito ng baterya.
Ni isa sa amin ay hindi magawang umimik. Rinig ko rin ang lakas ng tibok ng puso ko. Nagkatinginan kaming tatlo. Natatakot ako sa naiisip ko, baka mali ang password namin.
Ilang segundo ang lumipas at nanatili pa ring naka-off ang computer. Mawawalan na sana ako ng pag-asa nang may narinig kaming ingay.
Parang tunog ito ng makina. Nawala ang computer na tila kinain ito ng wall. Tumunog ulit ang parang makina at ang pader sa harap namin ay bumubuo ng pinto. Para na akong nanunuod ng transformers sa nakikita ko ngayon.
Nakarinig ako ng ingay na parang nabutas na gulong.
At bumukas ang pinto.
*****
Guys, bumukas na ang pinto. I guess this is a goodbye for the stage 1 dahil susunod na ang stage 2.
But the question is, what lies ahead?
Ano kaya ang meron sa stage 2? Tsaka ano na ang mangyayari sa bagong character natin na si Faye?
Again, salamat sa inyong suporta sa storya kong ito. Wag na sana kayong maging silent and start being vocal. Lol.
kuya_mark
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top