Chapter 17: The Password
Ella's POV
“Duwag!” Sigaw ni Clark at lumapit siya sa akin. “Ate, ang galing mo! Papaturo ako sa'yo sa susunod ha!”
Nginitian ko lang si Clark saka ko hinawakan ang kamay niya. “We need to get going, bago pa sila bumangon.” Tumingin ako sa mga walang malay na cranks dahil sila ang tinutukoy kong 'sila'.
Hinila ako ni Clark nang diretso na tila alam niya ang daan.
“Clark?” Tumingin si Clark sa akin.
“Oh, yes ate. Mukhang alam ko na ang daan. Nakikita mo 'yon?” Sinundan ko kung saan ang tinuturo ni Clark. May nakikita akong bagay, kulay puti ito.
“Teka? Medyas mo ba 'yon?” Nakangiting tumango lang si Clark sa akin. Mabilis kaming tumakbo patungo sa bagay na 'yon. Medyo binilisan namin ang pagtakbo dahil baka may maabutan na naman kami ng mga cranks. Naaawa na lang ako sa mga cranks na napatulog namin.
Aabot na sana kami kaso may biglang humarang sa aming crank. At nag-iisa lamang siya. Tumigil kami ni Clark at nagkatinginan. Umatras si Clark at ako naman ay umabante. Inihanda ko ang sarili ko.
Akala ko aatake na ang crank, pero naikuyom niya lang ang kanyang kamao at humakbang paatras. Nangunot naman ang noo ko sa kanyang ginawa. Umatras pauli siya habang ako naman ay nagtataka. Napansin kong napalunok siya at bahagyang nanginig.
“Aaaaaaaahhhhhhhh! Tuloooooooong!” Sigaw niya habang tumatakbo paalis. Napalingon na lang ako kay Clark. Halata ko sa kanya na pinipigilan niyang tumawa.
“Duwag naman no'n ate, haha. Natakot sa'kin.” Panghahambog ni Clark at umakto pa na parang nagboboxing.
Napailing lang ako saka ko siya kinaladkad. Hindi naman nagtagal at narating namin ang lugar kung saan nilagay ni Clark ang medyas.
“Now here we are, alam kong may dahilan kung bakit nila tayo dinala sa parte ng maze na ito. Kaya dito tayo magsisimula.” Mabilis na tumango si Clark. “Ang dalawang sagot ay tumuturo sa dalawang direction. At ito ang north at east. Number one ang north at number two naman ang east. Kailangan lang nating sundin ang pattern na ito.”
“Pero ate, pa'no kung mali pala tayo? I mean alam ko naman pong tama ang sagot pero baka mali---”
“Kailangan lang nating maging positive Clark. Kung mali man tayo ng hinala,... e di bahala na. There's always a way anyway.”
“Tama ka ate,...”
“Tara na nga Clark, gusto ko na talagang lumabas dito.”
Masayang tumango si Clark so then, we wounded our way off. Sinunod lang namin ang pattern. North, kaya dumiretso kami. Then east na naman. Paulit-ulit lang kami. North... East... North... East... North... East... North...
And this seems like forever. Tingin ko wala ng katapusan ito. Mahigit kalahating oras na kaming naglalakad pero wala pa rin kaming nahanap. Gusto ko ng sumuko pero hindi pwede.
Dahan-dahan lang ang aming paglalakad. Hanggang sa may humarang na namang cranks sa amin ni Clark. Dalawa sila. Huminto kami ni Clark at agad ko siyang tinago sa likod ko.
“Buhay ka pa pala. Pwes, ngayon mamamatay ka.”
Hindi na sila nagdalawang isip at agad na tumakbo patungo sa amin, with eyes ready to kill.
Mabilis kong naiwasan ang mga atake nila. At hindi ko maintindihan ang sarili ko. Pakiramdam ko simple na lang sa akin ang lahat. Na sa kabila ng pagod ko sa lahat ng nangyari, ay nagagawa ko pa ring ilagan ang mga atake nila.
Tumalon ako at palipad na sinipa ang ulo ng lalaki, tumalipon siya sa lapag at nawalan ng malay. Lumingon ako sa isa pang crank at sakto namang susuntok siya. Mabilis ko siyang nailagan at agad akong nagpalipad ng suntok sa sikmura niya.
Namilipit siya sa semento kaya agad ko ng hinila si Clark paalis. Nag-eecho ang mga yapak namin ni Clark at narinig ko pang sumigaw ang mga iniwan naming cranks.
“Ang galing mo ate. Turuan mo ako bukas ah.”
“Bukas?”
“Oo, bukas. Hindi ba makakaalis na tayo ngayon? E 'di matuturuan mo na ako bukas. Excited na po ako.” Napangiti ako sa sinabi ng bata. Oo, makakalabas na kami ngayon.
Sinunod ulit namin ang pattern. North... East... North... East... North... Mabilis na rin ang tibok ng puso ko dahil sa excitement. At kahit pagod ay pinilit pa rin namin ang sarili na tumakbo.
North...
East...
North...
East...
North...
Nagtaka kami ni Clark dahil wala na kaming ibang daan. North na lang. Mas naexcite kami ni Clark sa nalaman. Kaya binilisan pa naming dalawa ang pagtakbo. Habol na namin ang aming hininga. Malalaking butil ng pawis na rin ang tumutulo mula sa aming noo.
Nakatuon lang ang mata ko sa daan. Malalim ang mga hiningang hinuhugot. Ilang minuto na kaming tumatakbo ni Clark, susuko na sana kami dahil sa labis na pagod pero biglang humina ang aming pagtakbo dahil sa nakita.
Hangang sa huminto na kami. Hindi dahil pagod kami, kung 'di dahil wala na kaming matatakbuhan. Dead end na! As in wala ng daan. Isang malaking wall lang ang nasa harap namin na natatabunan pa ng makakapal na mga ugat.
“Isang oras tayong tumakbo pero ito lang ang maaabutan natin.” Sabi ko sa gitna ng paghingal ko. Nakatukod ang kamay namin ni Clark sa aming tuhod. Pinipilit naming makahinga.
Tagaktak ang aming pawis, at dumaan pa ang ilang minuto bago kami tuluyang kumalma. Lumapit ako sa wall na kaharap namin, pabagsak akong sumadal at umupo sa malamig na semento. Ramdam ko sa likod ko ang mga ugat. Tumabi naman si Clark sa akin at sumandal sa pader.
“Okay lang ate, makakahanap din tayo ng daan. Malay mo may iba pang meaning ang sagot. Makakalabas din tayo.”
Marahan lang akong tumango kay Clark kahit alam kong wala na kaming pag-asa. Baka mamatay lang kami sa gutom dito. We are hopeless!
“North... East... Sinunod naman natin 'di ba? Bakit wala pa rin?” Hindi naimik si Clark sa sinabi ko. Tinitigan niya lang ako.
Katahimikan ang dumaan. Nakakabinging katahimikan. Nakasandal lang ang ulo ko sa pader habang nakatitig sa daan, with the dim light eerily illuminating the area.
Our breath is the only audible sound with the strange and creepy whispers or noise floating in the area.
'Click'
I jerked as I heard that sound. Hindi ako nagkakamali sa narinig ko, parang may tumunog na click. Mabilis kaming tumayo ni Clark nang makarinig ulit kami ng tunog na 'click'. Mas lalo lang kaming nataranta nang may biglang umilaw sa pader na nasa harap namin.
Biglang may lumabas na parang computer sa gitna ng pader na sinandalan namin kanina. Parang akong nanonood ng transformer habang lumalabas ang computer. Umilaw ang screen computer at parang nagscan ito sa amin. Color blue ang ilaw.
“Scanning...”
“Scanning...”
“Scanning...”
“Genetic codes... Body figures... Irises... Cells... Tissues... ”
Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi ng computer, boses lalaki ito. Nagkatinginan lang kami ni Clark habang patuloy pa rin sa pagscan ang kulay blue na ilaw ng computer.
“Ellizabeth Ion Stern...”
“Clark Griffin...”
Maya-maya pa'y nawala na ang ilaw at tumahimik ang paligid. Nagkatinginan kami ni Clark saka kami tumingin sa pader. Nandoon pa rin ang computer, at napansin kong may nakaencode na kung ano sa screen nito.
Nagkatinginan kami ni Clark at dahan-dahan kaming naglakad palapit sa computer. Tila bumagal ang oras pati na rin ang aming galaw. Nakatutok lang ako sa screen ng computer, unti-unti nang nagiging klaro ang mga letra.
Noong nakalapit na kami, binasa ko agad ang nakasulat.
With these, how shall you get the password?
| mathematics | archimedes |
| pie |
| π |
| value |
*****
Author's note:
Ano sa tingin niyo ang password? Haha, comment down your answer.
So how's the story so far? I hope you're enjoying it as I do. Nasisiyahan din kasi akong basahin ang mga comments niyo.
At last nakaupdate na ako, makakalaro na ulit ako ng basketball. Lol.
Salamat sa patuloy na pagsuporta sa story na 'to kahit mabagal akong mag-update.
God bless.
kuya_mark
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top