Chapter 17: Chemistry

Ella's POV

"After this lunch, ay diretso na nating pupuntahan ang Baryong Narra," sir said while eating his meal.

I just nodded and then Max started talking with a food full in his mouth. "Mga ilang oras naman po ang biyahe papunta doon sa Baryong Narra sir?"

Tiningnan ko agad si sir, habang sinusubo ang pagkain ko, para malaman ang sagot niya. Actually malalaman ko naman ang sagot niya kahit 'di ko pa siya tingnan. Nakasanayan ko na siguro na magpalipat-lipat ng tingin sa mga nag-uusap. "Hnnn. From the terminal, we'll arrive to our destination for about 3 hours. So we still have three hours to get rest."

Nandito kami sa isang 'di kalakihang restaurant. We're already taking our lunch even if it's still eleven in the morning. Well, we have to para mapaaga ang dating namin sa Baryong Narra na sinasabi nila. Dahil nga probinsya ito, sa maliit na restaurant lang kami kumain. Mabuti naman at hindi maaarte ang mga kasama ko. Hindi rin naman karamihan ang mga taong kumakain dito sa restaurant kaya hindi masyadong crowded.

"Ano po bang meron sa Baryong Narra sir? Ba't ba tayo binigyan ng mission na magbigay ng treatment sa mga tao doon? Wala ba silang mga doktor o kahit man lang nurse? Baka naman kasi may mga aswang do'n sir," sunod sunod na tanong ni Kiara habang parang natatakot. Napangiti nalang kaming lahat sa naging tanong ni Kiara, pati nga si sir napangiti rin.

"Don't worry, walang aswang do'n Kiara. Mga duwende at tikbalang lang ang naninirahan do'n," mapaglarong sagot ni sir kay Kiara.

Bigla naman nanlaki ang mga mata ni Kiara sa narinig."Po?"

"Huwag niyo namang takutin si Kiara sir. Baka mamaya malaman nalang natin na bumalik na 'to ng school. Haha," panunuksong sabat naman ni Vanessa.

"Joke lang! Haha," natawa naman ang lahat pati pa si Flynn. Mga sira talaga 'tong mga kasama ko. At pinamumunuan pa ni sir Loid. Sa unang tingin mo kay sir Loid, hindi mo agad masasabi na matalino o may utak detective siya dahil sa mga pinapakita niyang actions. Pero, dahil sa nangyaring criminal case kanina sa eroplano, tumaas talaga ang respect ko kay sir as a teacher or even as a detective.

Napailing nalang ako sabay bahagyang ngumiti sa naalala kanina sa criminal case.

FLASHBACK ....

Bahagya namang natahimik ang lahat. Pati 'yong dalawang suspects na sina Ms. Farah at Ms. Ellis, ay natahimik dahil sa nakita nila Max at Vanessa sa bag nila.

"For a couple of minutes ay maglalanding na 'tong eroplano. Ibibigay nalang po namin sa mga police at investigator ang mga informations and evidences na nakuha namin dito para sila nalang ang magpatuloy sa case na 'to. Isa pa, it's not really our part to do the procedures of investigations and the process of law. And we still have lots of work to do," mahabang paliwanag ni sir habang nakatingin sa wrist watch niya. Walang nagsasalita except kay sir kaya masyadong nageecho ang boses niya sa loob ng cubicle.

"And also. I already contacted the police so for sure ay naghihintay na sila 'do'n," sabi ni sir habang nilalapitan si Ms. Erica. Bigla namang namutla ang mukha nina Farah at Ellis.

"And for you Ms. Sanders..." sabi ni sir kay Ms. Erica habang nakapamulsa.

"Oh. I'm really grateful to you and to your students to have given justice for my bestfriend," sabi ni Ms. Erica habang nginitian kami.

Nginitian na rin ni sir si Ms. Erica. Ngumiti rin kami. Tiningnan ko sina Kiara at Vanessa na magkatabing nakatayo kasama sina Kezia at Max, at nag-thumbs up naman sila sa akin. Implying that we've done a "not-so-bad-job," binigyan ko rin sila ng thumbs up.

Hindi ko alam pero bigla ko nalang ibinaling ang tingin ko sa bangkay, at sunod kong tiningnan ang nakasulat na numbers gamit ang dugo. "68, 53, 20" sa 'di malamang dahilan ay biglang nangunot ang noo ko. Sa nabasa naming information, ang victim na si Ms. Cynthia ay isang scientist, specifically a chemist. At sabi nila sir ay isang detective code ang sinulat ni Ms. Cynthia.

Teka? Bakit naman isusulat ng isang chemist ang isang detective code? Hindi kaya...? Nagkamali ng hinala si sir? Kaya dalawa ang lumabas na message sa code kasi hindi naman talaga detective code ang "68, 53, 20".

Iniannounce na, na maglalanding na ang eroplanong sinasakyan namin kaya nagsimula ng lumabas sina Ms. Erica at ang dalawang suspect. Pinigilan ko silang lahat na umalis dahil may gusto akong ikumpirma.

"Sandali lang po, may gusto lang po sana akong linawin," pagpipigil ko sa kanila. Sana tama ako ng hinala.

Naglakad ako patungo sa bangkay at nagsimulang magtanong.

"Ano nga ba ang mga numbers na ito?" tanong ko kay Flynn habang tinuturo ang number na sinulat ng victim gamit ang kanyang daliri.

"Detective codes," seryosong sagot ni Flynn sa akin.

"At sino po ang nakakaalam ng mga detective codes?" tanong ko naman kay sir.

"Detectives," sagot ni sir matter-of-factly at saka paunti-unting ngumiti na parang may narealize siya. Salamat naman at mukhang nakakakuha si sir sa naiisip ko.

"Hindi ako sure pero naiisip ko lang 'to..." humugot muna ako ng hininga para magkaroon ako ng lakas ng loob. "Detectives lang po ang nakakaalam ng paggamit ng detective codes, kaya malabong detective codes ang numbers na sinulat ng victim natin na isang chemist."

"Chemist po ang victim dito kaya baka nagbigay siya ng message using chemistry..." huminto ako sa pagsasalita at kinuha ang ballpen sa pocket ng jeans ko, na bigay ni Dorothy nung birthday ko. At tiningnan ko si Max para humingi ng papel. "Max. Pahingi ng papel, kahit ano lang."

May kinuha si Max na bond paper sa bag niya at binigay ito sa akin, hindi ko nga alam kung saan galing ang bond paper. Tiningnan ko sina Vanessa at Kiara na seryoso lang sa pakikinig. Hindi ko rin alam kung bakit may intensity ang binibigay na tingin ni Ms. Erica sa akin. Pero bahala na, nagpatuloy parin ako.

"Dahil Chemist ang biktima baka gumamit siya ng chemistry like table of elements..." tiningnan ko si sir at tumango lang siya, sinyales na magpatuloy ako. "Hindi ko alam ang table of elements kaya kailangan ko ng tulong niyo. Flynn, anong element ang may atomic number na 68?"

Nagtataka man si Flynn ay sinagot niya parin ang tanong ko. "Erbium," sinulat ko ang sagot ni Flynn.

"Ano naman ang may atomic number na 53?."

"Iodine..." mahinang sagot ni Kiara. Nilingon ko siya at saka sinulat ang sagot niya.

"And lastly, ano ang element na may atomic number na 20?"

"Calcium.." malakas na sagot ni Vanessa. Sinulat ko rin ang sagot niya.

Nagkatinginan lang silang lahat at patuloy lang ako sa pagtatanong.

"Max, ano ang symbol ng Erbium?" tanong ko kay Max at sinagot naman niya ako.

"Er... teka? Mukhang nakukuha ko na ang gusto mong sabihin Ella!" aniya Max na animoy may nakuhang realization.

"Letter I ang symbol ng Iodine Ella.... At Ca naman ang symbol ng Calcium," aniya Kiara.

Sinulat ko ang lahat ng symbols na sinabi ni Kiara.

Erbium for [ ER ]

Iodine for [ I ]

Calcium for [ CA ]

Linakihan ko ang pagsulat ng symbols sa bond paper at ito ang lumabas...

E R I C A

Napasinghap ang lahat at halos hindi makagalaw si Ms. Erica na bestfriend ng biktima.

"NO! IT'S JUST A COINCIDENCE! I CAN'T ACCEPT THIS! EVERYTHING'S JUST A COINCIDENCE! WAG NIYONG SABIHING NANINIWALA KAYO SA SINASABI NG 'STUDYANTE NIYO?! SHE'S JUST A PATHETIC STUDENT! AND SHE'S NOT EVEN A DETECTIVE!" sunod-sunod na bulyaw ni Ms. Erica kay sir habang naluluha, yumuko nalang ako. Kahit gano'n, naaawa parin ako kay Ms. Erica kahit pa siya ang pumatay sa bestfriend niya.

Mahinahon lang si sir sa kabila ng pagsigaw ng babae. "I'm sorry to tell you this ma'am, pero alam ko na po na kayo ang pumatay sa biktima kahit pa hindi sinabi ng estudyante ko gamit ang atomic numbers at symbols," tiningnan ako ni sir at napansin kong hinawakan ako nina Vanessa at Kiara sa magkabilang braso.

"As what I've said, I've contacted the police at sinabi ko sa kanila na kayo ang pumatay. May message kasing natanggap ang biktima nitong 9:47 AM. Chineck namin ang number ninyo isa-isa pero walang nagmatch. Kaya ang ginawa ko, inihack ko ang number na nagtext sa biktima ng threat at nalaman kong sa inyo nanggagaling ito."

Yumuko nalang si Ms. Erica dahil nahuli na siya. Isang iglap lang ay tumakbo siya sa katawan ng bangkay at niyakap ito, saka doon ay humagulhol ng iyak.

"Best. S-sorry kung ginawa k--ko sayo 'to.... Hi-hindi ko na-naman sinasadya eh--- nagalit lang ako sa-sayo dahil in-nagaw mo sakin si Daryl... Patawarin mo sana ako... Best... Best please," hindi ko napansin na may luha na palang tumulo sa mga mata ko. Pati ako nakokonsensya sa ginawa namin. Hinigpitan nila Kiara at Vanessa ang paghawak sa kamay ko. Tinignan lang namin siyang umiiyak habang yakap-yakap ang katawan ng bestfriend niya.

Lumapit si sir Loid kay Ms. Erica saka ito pinatahan.

"Buti nga sa kanya. Kung umakto parang walang kasalanan. Pinagbintangan pa ako," pabulong na sabi ni Ms. Ellis habang nakapamewang. Bulong lang iyon pero rinig parin naming lahat.

Si Ms. Farah naman ay nakataas lang ang kilay habang naka-crossed arms.

"Walang awa. Kitang umiiyak ang tao tapos lalaitin pa. Nagsisisi na nga diba?" pabulong na sabi ni Vanessa sa amin.

Hanggang ngayon ay naaawa parin ako sa babae, kay Ms. Erica. Hindi ko lang inakala na kaya niyang patayin ang bestfriend niya dahil lang inagaw nito ang boyfriend niya. Totoo nga talaga ang mga nababasa at napapanood ko sa mga books and movies. Na may tao nga talagang kayang gawin ang lahat para sa sinasabi nilang pag-ibig.

Because of this first case we solved, I have learned something. I have learned a thing about love. I have learned that,

... Some can do anything for the sake of love, even if it is to kill people, even if it is to kill the closest friend you have.

END OF FLASHBACK

*****

Thanks for reading.

Please vote and comment.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top