Chapter 16: The Way Out

Ella's POV


Agad na tumakbo si Clark at niyakap ako. Pareho kaming pawisan at kinakabahan. Nakahandusay na sa paligid ang limang cranks. Duguan ang mga ito, ang iba'y walang malay.

“It's okey Clark, we're safe now.” Alam kong malaking pagkakamali ang sinabi ko, dahil hindi pa talaga kami ligtas habang nakakulong kami sa maze na ito. Sinabi ko lang iyon para mawala kahit papaano ang takot ng bata.

“Tara na, hindi tayo pwedeng magtagal dito.” Umalingawngaw ang garalgal kong boses, mabigat pa rin ang mga hiningang binibitawan ko. Tumango lang si Clark sa akin at hinawakan ko naman ang kamay niya. Pero bigla siyang tumigil.

“Teka lang ate,” lumapit si Clark sa mga nakahigang cranks at sinipa sa tagiliran ang isa rito. Napailing na lamang ako. Bumalik na agad si Clark at hinawakan ang kamay ko.

“Tara na po ate.”

Tumango ako kay Clark bilang tugon. Binigyan ko muna ng huling sulyap ang mga cranks bago kami umalis.

Nag-eecho ang yapak ng aming paa sa malamig at tahimik na paligid. Nakahawak ako sa kaliwang kamay ni Clark habang kami ay naglalakad. Napatingin ako sa kanya, nakapokus lang siya sa madilim na daan.

“Sa'n na po tayo pupunta ate?” Umalingawngaw ang maliit na boses ni Clark. May konting galos rin siya sa bandang sentido niya.

“Babalik tayo kung saan tayo unang nagmulat. Natatandaan mo 'yong parte ng maze na nilagyan mo ng medyas mo? Doon," marahang tumango si Clark na parang napapaisip.

“Ano pong gagawin natin do'n ate? Doon tayo magsisimula?”

“Exactly. Naisip ko kasi na parang pattern ang dalawang sagot para mahanap natin ang daan palabas.” Napaisip ulit si Clark at tumango-tango pa pagkatapos. Para na talaga siyang matanda kung kumilos.

Hinanap namin ni Clark ang parte na iyon ng maze. Pero nahihirapan kami dahil hindi na namin alam kung nasaan na kami. Pero hindi iyon naging dahilan para sumuko kaming dalawa. Lumiko kami sa kanan at dumiretso. Lumiko na naman kami sa kanan pagkatapos ay kaliwa na naman at diretso.

Huminto kami ni Clark saglit. Medyo pamilyar kasi sa akin ang daan. Hindi lang ako sigurado kung diretso, sa kanan o sa kaliwa ba ang daan. Parang nadaanan na kasi namin ito. Matapos ang ilang minuto ng pag-iisip, nakapagdesisyon kami na tahakin ang kaliwa.

Sa aming paglalakad, sinubukan kong isaulo ang daan. Napansin ko pa si Clark na nagpalingalinga. Kakaiba rin kasi ang pakiramdam ko sa paligid. Dim ang light. At binabalot ng mga ugat ang bawat pader at kisame, kung kisame nga ang tawag dito.

“Clark, maybe we should go back.”

Napapout lang si Clark at hinayaan akong kaladkarin siya. Habang naglalakad kami, nakatingin siya sa likod. Naisaulo ko naman ang daan kaya ilang lakad lang ay nakabalik na kami sa lugar kung saan may diretso, kaliwang daan at kanan.

Tinahak namin kanina ang kaliwang daan, ngayon naman ay sa kanan naman kami. Tahimik lang kaming naglakad kasabay ang paglingalinga sa paligid para isaulo o maghanap ng kulay puting medyas. Iyon na lang kasi ang palatandaan namin.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa napahinto kami. Nagtatakang tumingin si Clark sa akin. Magsasalita na sana siya kaya mabilis kong tinakpan ang bibig niya. Idinikit ko ang aking daliri sa aking labi. Nakuha naman niya ang gusto kong sabihin.

Nakarinig kami ni Clark ng mga yapak ng paa. Inalis ko na ang pagkakatakip ng kamay ko sa bibig niya saka kami dahan-dahan na naglakad patungo sa pinakamalapit na pader. Palapit nang palapit sa amin ang mga yapak ng paa.

Sumandal kami ni Clark sa pader, tinakpan din ni Clark ng dalawang kamay niya ang kanyang bibig. Judging by the sound of approaching footsteps, alam kong marami sila.

Nanatiling nakadikit ang likod namin ni Clark sa pader, ramdam ko ang lamig nito sa likod ko. Napatingin ako kay Clark at saktong nakatingin siya sa akin. Mas hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay ni Clark, para ipahiwatig na nandito lang ako para sa kanya.

Bumibilis na rin ang tibok ng puso ko. Palapit na nangg palapit ang yapak. Malapit na sila.

But strangely, biglang nawala ang ingay ng yapak ng mga paa nila. It was a stunned silence.

Ilang segundo na ang lumipas pero hindi pa rin sila naglalakad ulit. Nahihirapan ako sa bawat segundong nagdaan. Unti-unti lang akong kinakabahan.

Tinuro ko kay Clark ang daan sa kaliwa, at mukhang naintindihan niya naman ako. Tumango siya kaya naghanda na ako. Dahan-dahan kaming naglakad ni Clark sa kaliwang daan. Nag-iingat na 'di makalikha ng ingay.

Ngunit pag minamalas ka nga naman, biglang napalakas ang pagkakahawak ko sa kamay ni Clark kaya siya napasigaw.

“Araaaay!”

Nandilat ang mata naming dalawa nang marealize namin ang nangyari.

“Sino 'yan?!”

Mabilis kaming tumakbo ni Clark nang marinig namin ang sigaw. At alam kong hinahabol na nila kami.

“Sorry ate.” Lumingon ako saglit kay Clark at agad na nagfocus sa daan.

“Okay lang, basta tumakbo lang tayo!”

“Nandito lang pala sila, bilisan niyo! Mahuhuli rin natin ang babaeng 'yan!”

Habang tumatakbo ay hila-hila ko si Clark. Lumingon ako sa likod, tatlo lang ang humahabol sa amin. Napatumba namin ni Clark ang limang cranks kanina, at tatlo lang ang humahabol sa amin ngayon. Tingin ko'y may pag-asa kami kung kakalabanin man namin sila. Pero mas pipiliin ko ang pagtakbo sa mga oras na 'to.

Pareho na kami ni Clark, tagaktak ang pawis at mabibigat ang hininga. Lumiko kami sa kanan at diretsong tumakbo, nasa likod lang namin ang tatlo. Alam kong kanina pa pagod ang bata, at lubha na akong naaawa sa kanya.

Lumiko ulit kami sa kanan. Liliko na sana kami sa kaliwa pero may dalawang cranks na ang naghihintay. Hindi rin pwede sa kanan dahil may isang crank na rin and naghihintay. Our only way is north.

Hinila ako ni Clark para tumakbo na kami ng diretso. Pero biglang nangunot ang noo niya dahil pinigilan ko siya.

“Wha--- A-ate, tara na! Maaabutan na nila tayo. Please,” hinila na niya ako gamit ang dalawang kamay niya pero nanigas lang ako sa kinatatayuan ko. Umiling ako sa kanya.

“No Clark,... if we'll keep on running from them they won't stop chasing us.” Parang naintindihan naman ako ni Clark kaya umaatras siya ng konti.

“P-pero ate, delikado.” Nginitian ko lang siya at hindi pa rin nawala ang pagtataka sa kanya.

Two cranks from the west, one from the east, and three from the south. Anim silang lahat.

Nagsisigaw silang lumapit sa amin. “Clark, dito ka lang sa likod ko.”

Bilang ko ang bawat segundong dumaan, at labis akong kinakabahan sa bawat pagpatak nito. Tila bumagal ang takbo ng oras. Inihanda ko ang sarili ko. Magkasabay na umatake ang tatlong cranks sa akin at nailagan ko ang mga ito.

Yumuko ako para makaiwas at sinuntok sa sikmura ang isa, sinipa ko naman sa paa ang isa kaya ito natumba. Sumipa ang isa at maingat kong sinalo ang kanyang binti. Hindi na ako nagsayang ng oras kaya mabilis ko na siyang siniko sa mukha. Napahiyaw siya at napaatras.

May tatlong cranks na naman ang dumating at umatake sa akin. Maagap kong iniiwasan ang mga atake nila at sinasabayan ko pa ito ng suntok at sipa. Minsan ay natatamaan ako sa sipa at kamao nila pero binabaliwala ko ang lahat ng iyon.

Nakabukas na ang bibig ko para mas makahinga ako ng maayos. Nalasahan ko na ang dugo ko mula rito. Malalaki na rin ang mga tumutulong butil ng pawis sa noo ko.

Umikot ako at saka ko sinipa ang crank sa harap ko. Tumama ang sapatos ko sa sentido ng lalaki kaya napaatras siya habang napapaimpit sa sakit. Napansin ko naman sa peripheral vision ko ang babaeng crank. Susuntukin na niya sana ako pero nakailag ako.

Sinalo ko ang kamay niya saka ko siya siniko sa mukha. Napaungol siya at hindi na ako nagsayang ng oras, tinuhod ko agad siya sa sikmura. Namilipit siya sa sakit.

May tatlo pang cranks ang nakatayo, agad kong sinalubong ang mga atake nila. Umiilag ako at binibigyan sila ng suntok at sipa  kapag nakakakita ako ng opening. Napapaatras at sumisigaw sila kapag natatamaan ng atake ko. Hanggang sa iisang crank na lang ang nanatiling nakatayo.

Lumapit ako sa kanya pero umatras siya kaya napahinto ako. Humakbang ako ng isa at umatras naman siya. Nanginginig na siya sa takot at labis na pinagpapawisan.


Humakbang ulit ako at umatras naman siya. Humakbang na naman ako at umatras na naman siya. Napacross arms na lang ako at tinignan ko siya nang nakataas ang kilay.

“Booo!”

“Waaaaaaaahhhhhhhhh!” Sigaw niya habang tumatakbo. Nangunot na lang ang noo ko.


Parang tanga lang?



*****

Ayokong pahabain ito kaya hinati ko sa dalawa. Baka kasi mapagod kayo.

kuya_mark

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top