Chapter 15: The Demon

Charles's POV


Naikuyom ko na lamang ang kamao ko dahil sa nakikita. Replay ito sa nangyari kay kuya Arch. Pinasok niya ang maze gamit ang secret door sa library. Naubos niya ang lahat ng cranks at masyado ring mabilis ang galaw niya sa pag-atake. Nakahandusay na ang katawan ng mga walang malay na cranks sa lapag.

Nakakaawa ring tignan si Ella, paika-ika siya kung maglakad. Inaalalayan din siya ng bata at ni kuya Arch sa paglalakad. Makakalabas na sana sila ngunit biglang bumukas ang pinto at pumasok siya. May kasama siyang iba.

"Albert, iwan mo si Ella. Sinisira mo lang ang plano ni Black."

"So ikaw nga talaga ang traydor, at nagdala ka pa ng kasama ha."

"Hindi mo alam ang ginagawa mo Albert, kung ako sa'yo sumuko ka nalang."

"Ano ba ang kinatatakutan mo kay Black at ganoon na lang ang pagsunod mo sa lahat ng utos niya?"

"Kung ayaw mong sumunod mapipilitan akong kalabanin ka Albert."

"Alam mong wala kang laban sa'kin."

"Ate, baka mapahamak si kuya Arch. Ang daming bad guys oh."

Nagkatinginan kaming tatlo dahil sa nalaman. Ramdam ko rin ang bahagyang paglakas ng tibok ng puso ko.

"Anong pinaplano ni Black? At bakit niya kinalaban si kuya Arch?" Hindi kami nakasagot ni kuya Gally sa tanong ni Dorth. Nakahiga na si kuya Arch sa lapag, at sumusuka na ito ng dugo.

Then I found myself staring at Ella. She's crying, hardly. Alam na niya siguro ang katotohanan. Na kuya niya si kuya Arch.

Narinig kong humikbi si Dorth, umiiyak na naman siya sa nalaman. Masyadong mahirap paniwalaan ang mga nangyayari. Mahirap.

"That bastard," pabulong na saad ni kuya Gally. Nakakuyom na rin siya, at halos lumabas na ang ugat sa kamao niya.

"He can't be dead. It's just... impossible. Kuya natin siya, siya ang pinakamalakas sa atin. H-hindi pa naman siya patay hindi ba?" Nakaramdam ako ng kirot nang makita ko ang itsura ni Dorth. Nakakuyom na rin ang kamao niya. Patuloy na umaagos ang luha niya habang nagsasalita. Ramdam ko ang sakit sa bawat salitang binibitawan niya.

Pinatay na ni kuya Gally ang laptop. Tumayo si Dorth at nanginginig na nagpahid ng luha. Saka siya naglakad papuntang pinto.

"Sa'n ka pupunta?" Huminto lang si Dorth at hindi lumingon.

"Kuya... p-pinatay niya si kuya Arch, babawiin ko lang ang kinuha niya." Malamig ang pagkakasabi ni Dorth, ramdam ko ang galit dito. Nag-iba na rin ang boses niya dahil sa pag-iyak.

"No, hindi pwede." Tipid kong sabi, dahan-dahang lumingon si Dorth dahil sa sinabi ko. She stared at me with her bloodshot eyes. Ang sakit makitang umiiyak siya.

"What would you expect me to do? Tutunganga lang ako dito? Hahayaang may mamatay na naman sa atin? Patay na si kuya! At ayokong sumunod pa si ate Ella. For ten years nagpanggap ako! Nagpanggap ako na hindi ko mahal si ate Ella. Palagi ko siyang inaaway, hindi ko siya pinapansin k-kahit na gustong-gusto ko na siyang yakapin. Mahal ko si ate pero kailangan ko siyang saktan! At dahil iyon sa inyo!" Nakayuko na lang kami ni kuya Gally, wala kaming mukhang maihaharap, totoo ang lahat ng iyon. Humihikbi pa rin si Dorth, at rinig na rinig iyon sa loob ng kwarto.

Marahang sumandal si Dorth sa pinto, hanggang sa nakaupo na siya sa sahig.

"D-dahil sa inyo, ginawa ko ang lahat ng 'yon. Sinaktan ko si ate. D-dahil sa inyo. Inutusan niyo akong maging masama." Hindi pa rin kami naimik ni Gally, at umaalingawngaw pa rin ang iyak ni Dorth.

Nanginginig na ang kamay ni Dorth dahil sa pag-iyak.

"I-iligtas niyo si ate... Kung hindi niyo kaya ako ang gagawa." Nakatayo lang ako sa tabi ng kama, at nakaupo sa paanan ng higaan si kuya Gally. Napatakip na lang ng mukha si kuya at ako naman ay nakayuko lang.

Dumaan ang ilang minuto, nasa ganoong posisyon lang kami, walang umiimik. Tahimik.

"Dorth?" Kakaiba ang boses ni kuya Gally, siguro'y dahil sa ilang oras na hindi nagsasalita.

Dahan-dahan akong lumapit kay Dorth, nakatulog na siya. Sa ganyang posisyon. Maingat ko siyang binuhat at inihiga sa kama.

Napatitig ako sa mukha ng kapatid ko, kapansin-pansin sa kanya na galing lang siya sa pagkakaiyak. Mahal niya si Ella kaya nagawa niyang magpanggap. Mahimbing na siyang natutulog. Gaya namin, lubha na siyang nasasaktan sa mga nangyayari.

"We need a plan." Dahan-dahan kong tinignan si kuya Gally nang marinig ko ito. Marahan lang akong tumango sa kanya. I guess it's time to violate the rules.

"Yeah... a plan."



Ella's POV


Bumilis ang tibok ng puso ko, malalim na rin ang hinuhugot kong hininga. Papalapit na ang isang crank. Kailangan kong magpakatatag, kailangan kong lumaban. Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay ni Clark.


"Clark takbo!" Sigaw ko bago pa kami maabutan ng crank. Then both of us sprinted our way out.


"Waaaaaaaaahhhhhhhh! Ate, ang dami nila!" Umalingawngaw ang sigaw ni Clark sa paligid. At sinabayan pa ito ng mga nakakabingi at nakakakilabot na hiyaw ng mga cranks.

"Hindi kayo makakatakas sa'min!"

"Papatayin namin kayo!"

Hila-hila ko si Clark habang tumatakbo kami. At kahit hindi man ako lumingon alam kong malapit na nila kaming maabutan. Tagaktak na ang pawis ko at sumisikip na rin ang dibdib ko dahil sa lakas ng kabog nito.

Sa bawat segundong nagdaan, lalo lang sumakit ang aking dibdib. Alam kong pagod na si Clark pero pilit niya pa ring binibilisan ang pagtakbo.

"Grrrrrrrraaaaaaaarrrgggghhhhh!"

"Wala kayong kawala!"

Pinapangunahan na ako ng takot at alam kong kanina pa natatakot si Clark. Patuloy pa rin kami sa pagtakbo habang nasa likod pa rin namin ang mga cranks. Lumiko kami sa kanan at dumiretso na naman ng takbo.

Lumiko na naman kami sa kaliwa at dumiretso ng takbo. Paulit-ulit lang ang aming ginawa, liko sa kanan. Sa kilawa. Sa kanan. Diretso, tapos sa kanan na naman. Sumasakit na ang tuhod ko, nanlalambot na ito. At sa aming pagtakbo, isang bagay ang nalaman ko. Mas mabilis kami ni Clark sa pagtakbo.

Sumisigaw pa rin sa likod ang mga cranks. Nagagalit na ang mga ito. Hanggang sa biglaang nadapa si Clark, napasubsob siya sa semento.

"Clark!" Iyon lamang ang naging sigaw ko dahil sa gulat, mabilis ko siyang inalalayan sa pagtayo. Makakatayo na sana si Clark ngunit may isang crank ang biglang tumalon at tinamaan si Clark.

Nandilat ang mga mata ko sa sunod na nangyari. Dinaganan ng isang crank si Clark. Hindi na ako nakagalaw pa dahil sa bilis ng pangyayari, may isang crank na naman ang tumalon at dinaganan ako.

Sumubsob ako sa lapag, tumama ang aking mukha sa malamig na semento. Ramdam ko ang lamig nito. Hindi ako makagalaw sa bigat ng lalaking nakadagan sa akin, nagpumiglas ako pero wala akong nagawa, masyado siyang mabigat at malakas. Nakakabingi na ang lakas ng tibok ng puso ko, pakiramdam ko'y lalabas na ito.

Sigaw ako nang sigaw habang nagpupumiglas. Pilit kong ginagalaw ang bawat parte ng katawan ko.

Napasulyap ako kay Clark, nakadagan pa rin sa kanya ang crank. Nasa likod niya ang dalawa niyang kamay, hindi na siya gumagalaw. Tila bumagal ang takbo ng oras, at parang bumagal din ang galaw ng mga tao.

Lubha akong nanlumo sa nakita. Umiiyak na si Clark habang nakatitig sa akin, malakas ang agos ng kayang luha. Nakita ko at narinig ko kung paano niya binigkas ang salitang iyon.

Ate ...

Kinain ako ng adrenaline rush, tila nanumbalik ang aking lakas. Sumigaw ako sa abot ng aking makakaya at buong lakas kong sinuntok sa mukha ang lalaking nakadagan sa akin. Napahiyaw ang lalaki na ngayo'y nakahawak na sa kanyang dumudugong ilong.

Nag-init ang buong katawan ko. Labis na bumibilis ang pintig ng puso ko. Sinuntok ko ulit sa mukha ang lalaki at napahiyaw na naman siya. Gagantihan na niya sana ako pero agad ko siyang siniko sa may sentido. Humandusay siya sa malamig na semento dahil sa ginawa ko. Sumisigaw siya dahil sa sakit.

Mabilis akong bumangon at sa pagbangon ko, sumipa ang isang babae. Mabilis kong nailagan ito at binigyan siya ng malakas na suntok sa mukha. Napaatras siya dahil sa suntok ko. Sumigaw ang dalawang lalaki at magkasabay silang umatake sa'kin.

Mabilis kong iniwasan ang bawat atake nila. Nakahanap ako ng opening kaya malakas kong sinipa sa sikmura ang isang babae. Napaatras siya habang hawak ang tiyan.

Matatamaan na sana ako ng suntok ng isang babae pero mabilis kong nasalo ang kamao niya. Tinwist ko ang kamay niya kaya napahiyaw siya sa sakit. Halos hindi siya makagalaw dahil sa sakit kaya agad akong umikot at malakas kong siniko ang likod niya.

Rinig ko ang malutong na pagtama ng siko ko sa backbone niya. Sumigaw siya at diretsong sumubsob sa semento.

"Ano ba?! Nag-iisa lang ang babaeng 'yan! Bumangon kayo!" Sigaw ng lalaking nakadagan kay Clark, hindi pa rin gumagalaw si Clark. At tila umiiyak pa rin ito. Lumapit ako sa kanila at nakita ko kung paano nagbago ang ekspresyon ng lalaki, natatakot.

Makakalapit na sana ako sa kanila ngunit may biglang sumipa sa likod ko. Napaungol ako at na out of balance kaya diretso akong napadapa sa malamig na semento. Tumama ang baba ko sa lapag at naramdaman ko ang nag-iinit na kirot at hapdi.

Sinipa ako ng isa sa sikmura kaya napasigaw na lamang ako habang nakahawak sa tiyan. Sinipa na naman ako ng isa pang crank kaya namilipit na ako sa sakit.


Tingin ko'y mawawalan na ako ng hininga dahil pinagtutulungan na nila ako. Ramdam ko ang bawat sipang natatanggap ko. Sigaw lang ang tanging nagagawa ko sa bawat sipa nila.

"Ganyan nga, patayin niyo siya!"

"Ate..."

Hinawakan ako ng dalawang cranks sa magkabilang braso at pinilit nila akong tumayo. Lubha na akong nanghihina. Nanlalambot na ang tuhod ko.

Sinuntok ako sa sikmura ng babae na nasa harap ko. Ungol lang ang tanging tugon ko. Sinuntok na naman niya ako sa pangalawang pagkakataon. Nakahawak pa rin sa magkabilang braso ko ang dalawang cranks.

Susuntukin na niya sana ako ako pero kahit nanghihina, hinugot ko pa rin ang natitira ko pang lakas at sinipa siya sa sikmura. Napaungol ang babae at umatras. Hindi nakapagreact ang dalawang nakahawak sa akin kaya mabilis kong siniko sa mukha ang babae.

Sumigaw siya habang hawak ang dumudugo niyang ilong. Nakawala ang kanang kamay ko. Agad ko namang sinuntok ang babaeng nakahawak pa rin sa kaliwang braso ko. Sumigaw ako nang maramdaman kong malakas na tumama ang aking kamao sa kanyang pisngi.

Mabilis ang aking mga galaw, halos hindi na sila makapagreact. Sinipa ko sa ulo ang dalawang cranks na nakahandusay na sa semento. Hanggang sa nawalan na sila ng malay.

Sumipa at sumuntok ang isang babae pero nailagan ko ang lahat ng atake niya. Tinuhod ko ang sikmura niya kaya napaungol siya. Agad ko naman siyang sinapak ng pangalawang beses. Napahiga siya sa lapag kaya mabilis ko siyang sinakyan.

Pinagsusuntok ko siya ng ilang beses. Sigaw siya nang sigaw. Puno na ng dugo ang kanayang mukha noong mawalan siya ng malay.

Agad akong tumayo at lumapit sa natitirang lalaki. Hindi na siya nakadagan kay Clark. Nanginginig siyang napapausog paatras. Nakataas ang kanyang kamay na tila pinipigilan ako.

"Huwag! M-maawa ka!"

Hindi ko siya pinakinggan at patuloy lang ako sa paglapit sa kanya.

"Demonyo ka! Isa kang demonyo!"

Napangiti na lang ako sa kanya, ngiting demonyo.

"Yes,... I am."



*****


Anong masasabi niyo sa pagbabago ni Ella?

I am expecting your comments. And yeah, don't forget to vote.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top