Chapter 15: Message

Ella's POV

"The answer for your question is... We don't need any pathologist to do the course of autopsy procedures because we already have sir Loid," sagot ni Kezia kay Flynn. Nangunot naman ang noo ni Flynn, parang hindi siya kumbinsido sa pahayag ni Kezia. Kahit nga ako eh, paano naman kasi malalaman ni sir Loid ang time of death ng katawan ng babae kung walang autopsy procedures?

"Kahit walang autopsy procedures ay pwede parin nating malaman ang time of death ng isang certain deceased person through the use of some fundamental estimations," sabi ni sir Loid habang lumalapit sa amin.

"There are three categorized time of death, namely the Psychological time of death, Estimated time of death and Legal time of death," sir added those words while pacing back and forth. Kaya nakakahilong sundan ang galaw niya.

Huminto si sir sa pabalik-balik na paglalakad at hinarap kami, tsaka siya nag cross ng arms. "There are apparently two methods to be used to know the time of death of a certain deceased body. First is to measure the body temperature and second is the rigor mortis. But we can't really use the rigor mortis because rigor mortis is a natural process which occurs in all of us when we die and it is the natural contracting and relaxation of body's muscles by changes in a body's chemical balances," tumugil si sir sa pagsasalita at nilapitan ang katawan ng biktima.

"And as what I've said, we can't use the method of rigor mortis because it normally begins roughly two ours after death and can last for anything for twenty to thirty ours," tumango kami ni Flynn sa nalaman. Naiintindihan ko naman ang sinabi ni sir kahit papaano.

"Kaya ginamit ko ang method of measuring the temperature of the body, pero 'di ko na ipapaliwanag kung paano ko ginawa iyon. I've just used the equation "37.5oC - 1.5 oC" to have the time of death."

"Sir, may nakakaalam na ba tungkol dito maliban sa atin?" Tanong ko kay sir habang tinititigan ang nakasulat na number na "68, 53, 20".

"Sa ngayon, tayo palang ang nakakaalam. Ayaw kasi naming magkagulo ang mga tao."

"Alam din nating lahat na magfifreak out ang passengers dito kapag nalaman nilang may pinatay," dagdag pa ni Kezia. Oo nga naman, mas mabuti na wala munang makaalam. Ano ba naman 'to, hindi namin mission ang isolve ang case na 'to at wala rin sa part ng mission namin ito.

"May lead na ba kayo sa suspects?" Tanong ni Flynn habang inaayos ang eyeglass niya.

"We're still working on it. Max is now hacking the system of the CCTV," sagot ni Kezia at lumapit kay Max at sumilip sa device nito. Lumapit na rin kami ni Flynn.

"Max bilisan mo nga, malapit ng mag-landing ang airplane na'to," utos ni Kezia kay Max. 1 hour and 30 minutes lang ang flight namin and time is fast approaching.

"I'm getting it.... and we're done," sabi ni Max sabay click sa enter. Pinanuod namin ang mga replays. At nalaman naming may limang taong pumasok sa CR, at isa si Ms. Cynthia roon. 'Di nga lang namin nalaman kung saang cubicle sila pumasok dahil ang camera ay naka focus lang sa labas ng CR.

Isa si Vanessa sa limang pumasok sa CR. Pinanuod namin ang video ng pagpasok niya, at maya-maya pa ay bigla na siyang nagsisigaw. Siya nga talaga ang unang nakadiskubre sa patay, kaya siya nanginginig kanina.

Inihack ni Max ang information ng apat na taong pumasok sa CR. Hindi na niya sinali ang information ni Vanessa dahil alam naman namin na wala siyang kinalaman sa krimen.

"Farah Mae Delgado... Erica Sanders... Ellis Ianna Carreon... and Cynthia Rose Hill who is our victim," sabi ni Max habang tinititigan ang Device niya.

Sa video na nakuha namin, magkakasunod na pumasok ng CR ang apat na babae at kabilang na dito si Ms. Cynthia. Unang pumasok si Cynthia kasabay si Ms. Erica. Pangalawa naman pumasok si Ms. Farah at panghuli si Ms. Ellis.

10:15 AM, lumabas ng CR si Ms. Farah at nagpalingalinga. 10:18 AM lumabas si Ms. Erica at 10:25 ay lumabas din si Ms. Ellis. Kung alam lang namin ang kung sino ang pumasok sa iisang cubicle, edi sana malalaman na namin kung sino ang pumatay.

"Ito nga pala ang mga informations na nakuha ko," panimula ni Max. "First is Cynthia Rose Hill. She's a chemist at may business din siya. 32 years old, lives at Tagaytay and she also stayed in London. Ka-business partner niya si Ms. Farah Mae Delgado."

"Next is Ellis Ianna Carreon. 30 years old. She's a model, a dancer, a performer at minsan ay naghohost din siya sa mga TV shows. At magkapatid sila sa biktima na si Ms. Cynthia sa ina. Pagmamay-ari ng pamilya nila ang isang Star Hotel at ang malaking Publishing Company dito sa pilipinas," so kapatid pala ng biktima itong si Ms. Ellis. Hindi sila magkapareho ng surname dahil magkapatid lang sila sa ina. Nagkatinginan naman kami ni Flynn sa nalaman. Ewan ko ba rito sa mga hunches ko.

"Next is Farah Mae Delgado, isa siyang business woman. Gaya nga ng sinabi ko, ka-business partner niya ang biktima na si Cynthia. 35 years old at ang sabi pa nga dito na may araw raw na nasira ang relasyon ng dalawa as business partners. Single pa siya kaya wala pang anak."

"And lastly, Ms. Erica Sanders. She's both a chemist and a scientist. And she's 32 years old like our victim. It is said here that Ms. Erica and Ms. Cynthia both graduated in the same university. At sabi pa ng marami, they were like sisters dahil sa closeness nila," tumango kami sa mahabang statement ni Max except kay sir Loid. Masyado parin kasi siyang busy sa Device niya.

"So to wrap it all up, lahat ng suspects natin ay may koneksyon sa biktima," pagbibigay konklusyon ni Flynn habang nakatingin sa kawalan.

Bigla namang pumasok si Vanessa at Kiara dito sa cubicle. Tama lang ang laki ng cubicle para hindi kami gaanong magsiksikan.

Sa nakikita ko, mukhang okay na si Vanessa dahil mukhang nawala na ang takot sa mukha niya. At parang nagbalik na siya sa pagiging Vanessa, ang matatag na Vanessa. Ang bilis naman niyang maka-move on.

"So, ano ng update?" Tanong ni Vanessa, hindi ko alam kung sino talaga ang tinatanong niya dahil parang kaming lahat dito sa loob ang tinatanong niya.

"May mga informations kaming nakalap. At may lead na rin kami sa mga suspects dahil sa tulong ng CCTV. Actually may tatlo kaming suspects, sina Erica, Farah, at Ellis. Isesend nalang ni Max sa device ninyong dalawa ni Kiara ang informations," pahayag ni Kezia kay Vanessa. Tumango naman si Vanessa at sinundan si Kiara para tingnan ang katawan ng biktima. No'ng una ay pipigilan ko sana siya pero hinayaan ko nalang. Sa tingin ko naman kasi ay kaya na niya.

"Ano na sir Loid? Nakuha mo na ba ang sagot sa code?" tanong ni Max kay sir Loid. Napakamot naman ng ulo si sir Loid at tila nalilito habang pinipindot ang device niya.

Si Flynn naman ay sumama na rin kina Vanessa sa pag-imbistiga sa katawan ng biktima.

Ako naman ay tumabi lang kina Max at Kezia sa pag-upo sa sahig. Hindi naman marumi ang sahig, ang linis nga eh, kaya ok lang na umupo rito.

"Ano bang ginagawa ni sir Loid?" tanong ko kay Kezia. Mas malapit kasi siya sa 'kin.

"He's trying to decode the code para maunravel ang nakatagong message nito," sagot sa akin ni Kezia.

"Aling code?" Pahabol na tanong ko.

"Ayun oh, 'yong nakasulat na 68, 53, 20 gamit ang dugo. Alam naman siguro nating ang biktima mismo ang sumulat ng mga iyan gamit ang dugo niya para bigyan niya tayo ng lead or clue kung sino ang pumatay sa kanya," tumango ako bilang pagsang-ayon.

"Ahmm. Kez, last ng tanong. Anong klaseng code ba 'yang 68, 53, 20?"

"Hnnn. Hindi ako sure pero sa tingin namin isa 'yang detective code."

Biglang nangunot ang noo ko sa narinig. "Detective code? Kung detective code 'yan, paano natin maaunravel 'yan eh wala namang detective sa atin dito? Ipaalam na kaya natin sa iba 'to?"

"Just leave it to the expert," sagot sa akin ni Kezia na animoy sigurado talaga siya sa isang bagay. Tinignan ko naman si Kezia ng may bahid na pagkalito.

"He's a detective," bulong sa akin ni Kezia. Ha? 'Di ba doctor si sir Loid? Kaya niya nga kami sinamahan sa mission namin dahil doctor siya. Ano 'yun? Doctor tapos detective?

Napailing si sir at sumama na sa amin sa pag-upo sa sahig.

"Hindi pa ako sigurado sa mga ito. Ginamit ko na halos lahat ng methods sa code. At dalawa ang message ng code. I've used Morse code, Calendar code, Enigma code, and even the wheel code. Pero hindi ko alam kung alin sa dalawang ito ang tama."

"Ano po ba ang message ng code?" tanong ni Max.

"Sa unang calculations ko, ang message na lumabas ay F-M-D, at ang pangalawang calculations ko naman using another decoder ay may message na E-I-C."

"Dalawa po ang message which are F-M-D and E-I-C. Ibig sabihin dalawang tao ang tinuturo ng message," sabi ni Max.

"Ano ngang pangalan ng suspects?" tanong ni Kezia kay Max.

"Farah, Erica and Ellis...."

"Full name." Max then scanned his device. Afterwards, he read the names loudly.

"Farah Mae Delgado..."

"Erica Sanders..."

"...and Ellis Ianna Carreon."

Biglang nagliwanag ang mga mukha nila Kezia, Max and sir Loid. Pati na rin si Flynn. Habang ako naman ay lutang, yong tipong mai-intimidate ka sa kanila dahil parang ang layo ng lamang nila sayo? Sina Vanessa at Kiara naman ay nakikinig lang habang seryosong nakatitig sa tig-iisang device nila. Nagbabasa parin siguro sila ng mga informations.

"Kung gano'n ay mababawasan na tayo ng isang suspect," sabi ni Max.

"Which is good," pagsang-ayon ni sir kay Max.

Ano bang sinasabi nila? Bakit mababawasan?

"Mawawala na sa listahan natin si Ms. Sanders..."

"Bakit po sir?" Nahihiya man ay nagawa ko paring magtanong, 'di ko na kasi sila masabayan.

"Ganito kasi 'yan Ella..." sabi ni Flynn habang lumalakad palapit sa amin, kaya sinulyapan ko naman siya.

"Ang nakuhang message ni sir galing sa code na 68, 53, 20 ay F-M-D at E-I-C. This two messages corresponds to the full names of our two suspects."

"F-M-D corresponds to the name Farah Mae Delgado."

"While E-I-C corresponds to the name Ellis Ianna Carreon," paliwanag ni Flynn sa akin.

Napanganga ako nang bahagya dahil sa nalaman. Kung gano'n, walang kinalaman si Erica rito.

"Ibig sabihin po sir dalawa ang pumatay? At sina Farah at Ellis ang mga 'yon?" sabat ni Kiara kaya nilingon namin siya.

"Hindi rin. Sigurado akong isang method lang ang ginamit ng biktima sa pag-iwan ng code. Kaya it's either Farah or Ellis," tumango nalang din kami sa sagot ni sir. Mukhang mahihirapan pa kaming alamin kung sino talaga sa dalawa ang pumatay.

"May ibang paraan pa po ba na pupwede nating gawin para malaman ang kung sino talaga sa dalawa ang pumatay?" Tanong ko kay sir, mukhang nawawalan na nga ako ng pag-asang ma-solve ang case na 'to.

"Meron pa, at 'yon ang interrogation. Kailangan na nating ma-interrogate ang mga suspects," sagot ni sir.

"Bago po 'yan. May kailangan po kayong mabasa. Isa po itong message. Nahanap namin nina Flynn at Kiara 'tong cellphone sa loob ng bulsa ni Ms. Cynthia," sabi ni Vanessa habang inaabot kay sir ang nakitang cellphone.

Isa-isa naming binasa ang message sa cellphone. At nang mabasa ko ang message ay kinilabutan ako.

"May bago na tayong lead," sabi ni sir at ngumiti.

Ang laman kasi ng message ay...



*****


Cliffhanger again, sorry for that guys.

I'll update as soon as I can, maybe the day after tomorrow.

Please vote and comment guys.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top