Chapter 14: The Maze's Trick
Author's note:
Babala! Kailangan niyo itong basahin.
Sorry dahil matagal ang update. Puro basketball kasi inatupag ko nitong mga nakaraang araw.
Kaya gusto kong bumawi. 4 chapters ang update.
Enjoy reading!
----
Ella's POV
"Pero, pa'no niyo po nalaman ate?" Umalingawngaw ang boses ni Clark sa loob ng maze. Malamig ito, kasing lamig ng paligid. Mahina kaming naglalakad ngayon ni Clark, mahina dahil baka mapagod agad ang bata.
Ang tahimik din ng paligid, tanging yapak lang ng aming mga paa ang maririnig. Nakikita ko rin ang medyo 'creepy' na anino namin na gawa ng ilaw ng apoy.
Nakapokus lang ang mata ko sa madilim na daan, dahil sa ilaw ng mga torch, klaro pa rin sa aming dalawa ang paligid. Kanina pa abnormal na kumakabog ang puso ko dahil sa excitement. Tumingin ako kay Clark na kanina pa nakatingin sa'kin, naghihintay ng sagot.
"It was all a trick Clark!" Kumunot lang ang noo niya habang nakatitig sa'kin. "Hindi ba sinabi mo sa'kin na noon ang sagot sa first question?" Tumango siya kaya agad akong nagpatuloy. Medyo humigpit na ang pagkakahawak ko sa kaliwang kamay niya dahil excitement.
"It all makes sense! These two questions will lead us to that door they were talking 'bout. The escape!" Tingin ko dumilat na ang mga mata ko habang nagsasalita, kinuha ko ang note sa bulsa ko at binasa ang unang tanong.
" It is a specific time which is also called as midday. The term midday is also used colloquially to refer to an arbitrary period of time in the middle of the day. What is this specific time? Tama ang sagot mo Clark, noon nga ang sagot. Dahil 'di ba nga, midday ang other term ng noon? And noon is exactly an arbitrary period of time in the middle of the day. At alam kong makakatulong ito para makalabas tayo sa maze na 'to."
"Granted na tama nga ang sagot ko ate, pero pa'no naman po tayo matutulungan ng sagot na noon?" Napangiti na lang ako kay Clark, ang cute niya kasing tignan. Nakanguso at halata mong nag-iisip.
Alam ko namang matalino itong si Clark kaya naniniwala akong maiintindihan niya agad ako.
"Hindi ba period of time ang noon? Suppose that it is actually noon, where does the clock's hands point?" Sandali siyang nag-isip, nakasideview siya sa'kin kaya klaro ko ang matangos niyang ilong. Maya-maya pa'y bigla siyang huminto sa paglalakad at tumingin sa akin.
Napahinto na rin ako at humarap sa kanya.
"Tama ate! Every noon, the clock's hand point at 12. At kung sa direction naman, noon is north. Ang galing mo ate! Makakalabas na tayo dito! Yehey!" Talon siya nang talon habang sumisigaw sa saya ngunit bigla siyang napatigil.
"Pero ate, pa'no naman ang second question? Parang hindi naman kasi direction ang sagot na yes." We then continued our walk, the loose soil crunching underfoot.
"Hmm, about that. Kagaya ng first answer, trick lang din ang second para lituhin tayo. The second question is, are these three statements right? Yes or no? At sinabi mong yes ang sagot." Tumigil na muna ako para maabsorb niya ang sinabi ko.
"O tapos?"
"The second answer is still a direction, just like the first one. Pero pa'no mo nalaman ang sagot Clark? I mean, ang bata mo pa kasi." Parang ang hirap na kasi ng tanong na 'yon, to think na ang bata niya pa.
"Lets just say, I happen to read those. May mga binabasa kasi akong librong naiwan ni papa sa mini library niya ate. So ano na ate? Paanong naging direction ang sagot na yes?" Halata kay Clark ang excitement kaya napangiti na lang ako. Umaalingawngaw pa rin ang mga yapak ng paa namin. Pero bigla na lang akong nalungkot nang maalala kong nasunog na pala ang bahay niya. Ipinapangako ko, pag nakalabas na kami rito at nalagpasan namin ang lahat ng pagsubok, ako mismo ang mag-aalaga sa kanya.
"Makinig ka Clark, 'di ba ang tanong, are these three statements right? At ang sagot ay yes, which means right!" Nakipagtitigan si Clark sa'kin habang iniisip niya ang ibig kong ipahiwatig. "Hindi ko po gets ate eh, ano naman kung right?" Napakamot lang si Clark sa'kin habang nakanguso, ngumiti naman ako sa kanya. Huminto kaming dalawa sa paglalakad.
"Ganito 'yon, asan ba ang right hand mo?" Itinaas niya ang kanang kamay niya nang nagtataka. Halata pa rin sa mata niya na nag-iisip siya. "Oh ayan, hindi ba direction din ang right?"
Naguguluhan pa rin si Clark kaya nag-isip ako ng ibang paraan para madali niyang maintindihan.
"Itaas mo uli ang right hand mo," sinunod niya ako at tinaas niya nga ang kanang kamay niya. "So, saan ba nakaturo ang right hand mo?"
"Sa eas---" napatigil siya at biglang nanlaki ang singkit niyang mata. "Ate, tama! Sa east! The first question's pointing north and the second is pointing east! Ang galing! Makakalabas na tayo! Ang talino mo ate!"
Nakakagaan sa pakiramdam ang makita si Clark na ganito. Tumatalon siya at pumapalakpak dahil sa saya. Ang laki rin ng ngiti niya, abot hanggang tenga.
Halos mawala na rin ang mata niya dahil sa kasingkitan nito. Sinabi niya pa na matalino ako, kahit siya ang sumagot sa tanong.
"Pero ate, pa'no naman natin magagamit ang dalawang directions?"
"Ganito kasi 'yan, pupuntahan natin ang---" napatigil ako sa pagsasalita dahil sa narinig. Nagkatinginan kami ni Clark, nandidilat ang aming mga mata.
Hindi kami maaaring magkamali, mga cranks ang paparating. Hindi na kami nakatakbo pa dahil paglingon namin sa pinanggalingan ng ingay, ay nakita namin ang limang cranks. At papalapit sila sa amin.
Dahan-dahan akong tumayo at mahigpit na hinawakan ang kaliwang kamay ni Clark. Ilang distansya na lang ang layo namin ni Clark sa mga cranks. Galit silang nakatingin sa amin na animoy kakainin na kami ng buhay. Pinilit kong magpakatatag sa harap nila.
Bawat isa sa kanila ay walang armas, at hindi ko alam kung saan nanggaling. Puno sila ng pasa, galos at sugat sa katawan. Ang isa'y napunit ang bandang kilay. Nanginginig silang nakahawak sa sarili nilang armas, gustong-gusto na talaga nila kaming patayin.
Naramdaman kong pinagpapawisan na ang kamay ni Clark, siguro dahil sa takot.
"So, let's continue our unfinished business then. Shall we?" He said those words with a snarl, considering the threat in his gargled voice.
Napaatras ako nang tumakbo ang isa sa kanila papalapit sa amin, nakahanda ang patalim.
Charles POV
Pagkatapos naming pakalmahin si Dorothy mula sa pagkakaiyak nito, diretso naming tinungo ang Diamonds Mansion. Nasira kasi ang laptop ko not to mention na nawasak ang kwarto ko dahil sa labanan ni kuya Gally at kuya Arch.
Speaking of kuya Arch, kamusta na kaya siya? Panigurado napasok na niya ang maze, sana nailigtas na niya si Ella. King of diamonds si kuya Gally at Queen of diamonds naman si Dorothy. At papunta kami sa Diamonds Mansion para mamonitor namin ang kalagayan ni Ella pati na rin ang kay kuya Arch.
Kuya Gally took his card from his pocket then slide it directly to the device attached to the wall just beside the front door. With just a few clicks, the door opened.
Walang anu-ano'y pumasok si kuya Gally kaya't sumunod agad kami ni Dorth. Naglakad kami sa mataas at malawak na hallway. May mga students kaming nakasalubong kaya agad silang yumuko para magbigay galang sa amin. Members sila ng Diamonds Family.
Walang emosyong mababasa sa mukha naming tatlo, kailangan naming gamitin ito para sa image namin. Hinintay muna nilang madaanan namin sila bago sila umayos ng pagkakatayo.
Huminto kami sa harap ng elevator, pagkabukas nito mga gulat na mukha ng estudyante ang bumungad sa amin.
"Good morning po," they all greeted in no particular. Nakayuko silang lahat at mabilis na lumabas sa elevator. Natatakot sila kaya sila lumabas. Hindi naman kami masama o nangangain ng tao para maging ganoon katindi ang takot nila sa'min. Medyo OA lang siguro, parang gano'n.
Pinindot na ni kuya Gally ang seventh floor. Ilang sandali lang, tumunog ang elevator saka ito bumukas. Paglabas namin, may nakasalubong kaming dalawang babae. Masaya silang nagtatawanan ngunit natigil agad ito nang mapansin nila kami. Yumuko sila at binigyan kami ng daan.
"Good morning po." Bahagya lang akong tumango sa kanilang dalawa dahil hindi sila pinansin ni Dorth o kuya Gally man. Nanlaki ang mata nilang dalawa at para silang naistatwa. Hinayaan ko na lang sila at nagtuloy na sa paglalakad. Narinig ko pa silang sumigaw sa elevator.
"Waaaaahhhhhhh! Pinansin tayo ni King Charles... Yiiiieeeehhhhhhh!"
Noong narating namin ang kwarto ni kuya Gally, diretso na kaming pumasok dito. Pareho lang ang laki ng kwarto naming mga Kings at pati na rin ang Queens. Diretso kong tinungo ang refrigerator at kumuha ng can ng coke at dalawang chocolate bars.
Nakaupo na ang dalawa sa king size bed habang nakaharap sa laptop, sinamahan ko na rin sila. Umupo ako sa tabi ni kuya Gally. Bale nasa left side ako ni kuya at nasa right side naman si Dorothy. Sumandal ako sa headboard at sinimulang kainin ang chocolates. Nagsisimula pa naman kasi si Gally sa paghahack.
Seryoso lang na nakatutok si Dorth sa screen ng laptop habang nagtatype ng kung ano si Gally. Ilang sandali lang, umiinom ako ng coke nang biglang nagsalita si Gally.
"There, I have it. I already entered the maze's system. And all that's left is find the right hidden camera."
I leaned forward to have a better look while munching my chocolates. May ibang tinype si kuya Gally at biglang lumitaw ang mga larawan. No, mga live videos 'to. Biglang lumakas ang pintig ng puso ko nang makita ko si Ella, may hawak siyang bata.
"There, it's Ella..." nakakagaan sa pakiramdam ang bigkasin ang pangalang iyon. Kuya clicked the one I'm pointing at biglang nagzoom ang kinaroroonan ni Ella. Kausap niya ang bata.
"Granted na tama nga ang sagot ko ate, pero pa'no naman po tayo matutulungan ng sagot na noon?"
"Hindi ba period of time ang noon? Suppose that it is actually noon, where does the clock's hands point?"
"Tama ate! Every noon, the clock's hand point at 12. At kung sa direction naman, noon is north. Ang galing mo ate! Makakalabas na tayo dito! Yehey!"
"Pero ate, pa'no naman ang second question? Parang hindi naman kasi direction ang sagot na yes."
"Hmm, about that. Kagaya ng first answer, trick lang din ang second para lituhin tayo. The second question is, are these three statements right? Yes or no? At sinabi mong yes ang sagot."
"O tapos?"
"The second answer is still a direction, just like the first one. Pero pa'no mo nalaman ang sagot Clark? I mean, ang bata mo pa kasi."
Nagkatinginan kaming tatlo, nakangiti na silang dalawa. Good Ella, that's it.
"Alam kong makakaya ni ate 'yan. Makakalabas na rin sila ng maze." Nakangiting saad ni Dorth, tumango na rin kaming dalawa ni kuya Gally at ngumiti.
Pero biglang nangunot ang noo ni kuya Gally na tila may bigla siyang naisip.
"Si kuya Arch, asan siya?" Nagkatinginan kami, hindi pwede 'to.
Mabilis kong kinuha ang g-tech device ko, napansin kong nakatingin na sa akin ang dalawang kasama ko.
Natataranta kong inihack ang daan patungo sa maze. There are two doors patungo sa maze, one is sa library at two is sa isang pinto pero 'di ko alam ang daan na ito. It's completely sealed.
"Uhm. You can tell us what you're doing." I ignored Dorth, considering the sarcasm in her words.
I continued what I need to do, rummaging for that code.
"Kuya, it's 34EU721S99T!" Mabilis na namemorya ni kuya ang code at tinype ito sa laptop. Biglang lumitaw sa amin ang scene na nangyari kay kuya Arch.
"Shit!" Bulalas ko pa at naikuyom ko na lamang ang kamao ko.
Black!
*****
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top