Chapter 13: Ring
Ella's POV
Sunday, 9:23 AM
Alone. Yes, alone is a right word for me at this time because I'm here sitting, with a book in my lap, and trying to busy myself through reading. My eyes kept on reading the book "Looking for Alaska" written by John Green. Just because I'm alone doesn't mean---
Tama na nga ang english, dumudugo na ilong ko eh. Nandito ako sa airport dahil flight na namin ngayon. Mag-isa lang ako dito dahil may inaasikaso pa si sir Loid kasama sina Vanessa, Flynn, Kiara, Max at Kezia na mga papeles para sa flight namin. Ayoko namang sumama dahil nakakapagod din kaya nagpaiwan nalang ako rito sa upuan. Ganon talaga ako katamad kaya huwag na kayong magtaka.
Kahapon talaga ang schedule ng flight namin kaya lang ng dahil sa nangyari sa akin noong Biyernes ng gabi, hindi kami natuloy.
Napailing nalang ako nang maalala ko ang nangyari kahapon ng umaga.
FLASHBACK...
"Hoy Ella."
"Ella..."
May yumuyogyog sa akin ngayon. Tao siguro. Maya-maya pa ay lumakas na ang pagyugyog na ito.
"Hoy babae. Adik ka..."
"Nakadrugs ka ba?"
"Anong tinira mo?"
Ang ingay. Mga istorbo. Ano ba naman 'to, ang sarap na ng tulog ko tapos gigisingin pa ako. Hindi ko pinansin ang nagsasalita at gumulong lang ako sa kabilang banda ng hinihigaan ko para makapagpatuloy sa pagtulog.
"HOY ELLIZABETH!!!"
Napabangon ako ng wala sa oras, paano ba naman kasi inilapit ni Vanessa ang bibig niya sa kaliwang tenga ko saka sumigaw nang malakas.
"Kanina ka pa namin ginigising ayaw mong gumising."
"Ha? Sorry napasarap kasi ang pagtulog ko." I said groggily as I shook out my sleep.
"Anong ha? Tsaka ano bang trip mo at sa sahig ka natulog? Ganyan na ba talaga ka tindi ang pagiging tamad mo at hindi mo na magawang humiga sa kama mo?" Bigla namang nangunot ang noo ko.
Nakatulog pala ako sa sahig nang hindi ko namamalayan. Ano ba kasing nangyari?
Nakita ko sa kanang kamay ni Kiara ang eyeglass na bigay ni mama. At sa 'di malamang dahilan ay biglaang nagbalik ang alaala ng nangyari kagabi. Simula no'ng sinuot ko ang eye glasses hanggang sa paghandusay ko sa sahig dahil sa epekto.
"Teka? Bakit namumutla ka?" tanong ni Vanessa sa akin. Kitang-kita sa mga mata nina Kiara at Vanessa ang pagtataka.
"Ha? Hindi," sabi ko sabay tayo.
"Sige na, huwag niyo nalang akong pansinin. Mauna na kayong maligo dahil maaga pa ang mission natin."
"Mission? Gusto mo ng mission sa lagay na 'yan? Eh ang putla-putla mo nga eh," sermon ni Vanessa sa akin.
"Oo nga Ella. Concern lang naman kami sayo. At ano ba kasing nangyari? Nahimatay ka ba?"
"At bakit mo ba tinapon 'tong ssalamin mo? Ngayon lang namin nalaman na may glasses ka pala ha," isusuot na sana ni Vanessa ang eyeglass kaya mabilis ko itong inagaw sa kanya.
"Ang daya, parang sinusukat lang eh," reklamo ni Vanessa.
"Ha? Ahh, h-hindi, k-kasi ano.. hindi ko kasi sinusuot 'to dahil masyado 'tong importante sa akin. OO. Yun."
Nag-pout si Vanessa. "Sige na nga, maghahanda nalang ako ng breakfast natin."
"Order nalang din ako sa cafeteria" kanya-kanya na silang nagpunta sa kani-kanilang gawain. At ako naman ay maliligo na.
Bubuksan ko na sana ang CR nang makaramdam ako ng pagkahilo at unti-unti ring nandilim ang paningin ko.
END OF FLASHBACK
Kahapon ay natagpuan ako ni Vanessa na nakahandusay na sa sahig (sa pangalawang pagkakataon). Nalaman din nila Flynn, Kezia at Max ang nangyari kaya napagpasyahan nilang ipagpabukas nalang ang flight. Pinilit din nila ako na sabihin ang dahilan ng pagkahilo ko pero sinagot ko lang sila na 'di ko rin alam. Kaya wala na rin silang nagawa.
Sa kabila ng aking pagbabasa ay naramdaman kong may tumabi sa akin. Nakikita ko sa peripheral vision ko na nagbabasa rin siya ng libro. Dahil na rin siguro sa curiosity ko ay pasimple kong sinulyapan ang librong binabasa niya.
Gaya ko, Looking for Alaska rin ang kanyang binabasa. 'Di ko nalang siya pinansin at nagpatuloy nalang ako sa pagbabasa.
Dumaan ang ilang minuto at nainip na ako sa kakahintay sa mga kasama ko. Asan na ba kasi ang mga 'yon?
Lumingon-lingon ako at nakita ko ang katabi kong babae na may hawak na singsing. Tinititigan niya ito at hinalikan. Kinilig pa siya pagkatapos halikan ang singsing na hawak. Ay, gano'n?
Umiling nalang ako. Nagpatuloy na lang ako sa pagbabasa nang may biglang nagsalita.
"Mabuti naman at nahanap mo 'yan miss akala ko nawala ko na. Salamat," sabi ng babae. Akala ko ako kinakausap niya ngunit nagkamali ako ng hinala dahil 'yong katabi ko pala ang kinakausap niya.
"Ang alin ba miss?" tanong ng katabi kong babae.
"'Yang singsing. Naiwan ko kasi 'yan dito dahil nag-CR pa ako. Kaya salamat sa'yo," sabi ng babae sabay ngiti.
Bigla namang nangunot ang noo ng katabi kong babae. "Ito ba tinutukoy mo?"
"'Yan nga miss at gusto ko na sanang kunin sa'yo 'yan."
"Excuse me? Akin ang singsing na ito. Hindi 'to sa'yo. Inipit ko pa nga 'to sa libro ko para di mawala tapos aangkinin mong iyo?!" sigaw ng babae.
"Aba! Ibang klase ka rin ah! Akin yang singsing na 'yan! Naiwan ko lang 'yan dito dahil nag CR pa ako!!!" sigaw naman ng isa.
Grabe. Ang OA nila ah. At talagang nagsigawan pa sila.
Sa sobrang ingay ng pagtatalo nilang dalawa ay nagising ang babaeng natutulog sa harap ko. Lagot na.
"SHUT UP BITCHES! CAN'T YOU SEE SOMEONE STRUGGLING TO GET A SLEEP?! KUNG GUSTO NIYONG MAG-AWAY HUWAG DI-----" napatigil ang babae sa pagsigaw nang may makita. Sinundan ko ang mga mata niya para malaman kung ano ang tinititigan niya. At hindi nga ako nagkamali, 'yong singsing ang tinititigan niya.
"MY RING! BOTH OF YOU! YOU BITCHES! WHY DID YOU TOOK MY RING?! DON'T YOU EVEN KNOW THAT'S A DEPRIVATION OF PROPERTY?!" bulyaw niya at sumabay na rin sa pakikipag-agawan.
Waw ha?! At nadagdagan pa sila ng isa? Hindi kaya masira iyang ring? Hindi ko na napigilan kaya inawat ko na sila.
"Hoy! Tumigil na nga kayo. Singsing lang 'yan ano ba," awat ko sa kanila.
"Huwag ka ngang maki-alam!" sabay nilang sigaw sa akin at tinulak pa ako. Kaya ang ending, lumanding ang pwet ko sa sahig. Aray ko naman.
"Bahala nga kayo!" sigaw ko at niligpit ang gamit ko. Lilipat nalang ako ng upuan. Tsaka nakakahiya na rin sila, masyado nang marami ang taong pumapalibot sa kanila.
Sa pagtalikod ko ay sakto namang dumating si sir Loid kasama ang mga kaibigan ko.
"Anong nangyayari Ella?" Bungad na tanong sa 'kin ni Flynn.
"'Yan kasing tatlong babae. Akala mo kung anong pinagaagawan eh singsing lang naman," inis na sagot ko habang sinusuot ang bagpack ko.
"Ha? Nang dahil lang sa singsing?" sabat ni Kiara, natawa naman sila sa nalaman.
"Baka naman kasi talagang importante ang singsing na 'yan para sa kanila," kumento ni sir.
Nagkibit balikat nalang ako. "Baka naman kasi Friendship Ring 'yan, o kaya naman ay marriage," sabat ni Vanessa.
"Oo nga, importante 'yon sa may-ari pero ang tanong ay kung sino talaga ang may-ari," nasabi ko nalang, masyado nang maingay ang tatlong babae mabuti nalang at hindi pa sila dinampot ng guard.
'Di ko napansin na bigla na lang lumapit si sir sa mga babae.
"Excuse mga miss?" mahinahong tanong ni sir.
"WHAT?!"
"Gusto ko lang sanang itanong kung, uyyy! Ano 'to?" tanong ni sir at mabilis na inagaw sa mga babae ang singsing.
"Give me back my ring! Ako ang nagmamay-ari ng singsing na 'yan!"
"No! It's mine!
"Hindi! Ako!"
"Whoa whoa whoa. Ladies," sir Loid held his hands in a conciliatory gesture. "Siguro naman isa lang ang nagmamayari ng singsing na 'to."
"Oo! Ako nga ang may-ari! At sino ka ba?! Ba't ka ba nangingialam?! Akin na nga 'yan!"
"No! It's mine!"
"No way can do! That's mine!"
"Pwede ba tumahimik muna kayo? To make it fair for everyone why don't we just listen to each one's statement?" Natahimik naman ang tatlong babae at pumayag na rin.
"Max? Kezia?" tawag ni sir. Agad namang lumapit sina Max at Kezia.
"Bale ganito po, itatanong po namin kayo isa-isa sa patunay niyo na kayo ang mayari ng ring," panimula ni Max.
"Siguraduhin niyo lang po na hindi kayo magsisinungaling. Dahil pwede kayong makulong dahil sa pag-angkin ng gamit na 'di inyo. Uunahin po natin siya," dagdag ni Kezia habang tinuturo ang babaeng katabi ko kanina.
"Well, all I can say is that I sure am is the owner of that ring. 'Yan ang bigay ng fiance ko noong nag-propose siya sa akin. At sinadya ko pang ilagay sa libro kong LOOKING FOR ALASKA ang singsing na iyan. 15 at 16 ang favorite number naming dalawa kaya sinadya ko ring ilagay ang singsing in between page 15 and 16 dahil namimiss ko na siya," paliwanag niya.
"Ang sweet naman niya. Mukhang siya talaga ang may-ari ng ring. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit inaagaw niya talaga ito. Eh bigay pala 'yan ng boyfriend niya," bulong ni Vanessa sa amin.
Agad ko namang iniscan ang libro ko dahil sa pagkakaalam ko, magkapareho kami ng libro. Pinuntahan ko rin ang page ng 15 and 16.
"So that's it. Kayo naman po," sabi ni Kezia sabay tingin sa babaeng nagising kanina.
"Hindi ko inaangkin ang singsing dahil akin talaga ang singsing na 'yan. Sa katunayan nga ay sobrang mahalaga ang singsing na 'yan sa akin. Dahil 'yan nalang ang kaisa-isang alaala ko sa mama ko. Namatay siya last week because of brain cancer at hindi ako makakapunta sa burol niya. Bago siya namatay, ay inihabilin niyang ibalik daw sa akin ang singsing na binigay ko sa kanya. 'Yan ang singsing na binigay ko sa mama ko. Kanina lang ay natanggap ko 'yan as mail sa bahay ko. At dumiretso na ako rito para mag-ibang bayan. Hawak-hawak ko ang singsing na 'yan habang nakapikit ako at di ko namalayang nakatulog pala ako. Nagising ako dahil sa ingay ng dalawang babae at nakita ko nalang na pinag-aagawan na nila ito," tumango-tango naman si Max.
"Kawawa naman siya, ang singsing nalang pala ang nagsisilbing alaala niya sa mama niya tapos kukunin pa," malungkot na bulong ni Kiara samin. Maging ako man ay nalungkot din.
"And kayo naman po," sabi ni Max sa huling babae.
"Hindi madrama ang dahilan ko para makuha lang ang singsing na 'yan at hindi ko rin kailangang gumawa ng dahilan para mapaniwala ko kayong akin talaga ang singsing na 'yan. Ang singsing na 'yan ay regalo ng mama ko no'ng mag 18 ako at P85,000 ang bili ng mama ko sa singsing na 'yan kaya hindi na ako magtataka kung bakit pinag-iinteresan 'yan ng tao. Hindi ko sinusuot ang singsing na 'yan kung 'di ginagawa ko lang siyang kaisa-isang necklace. Kanina ay nag CR muna ako kaya nahulog 'yan dito at napulot ng iba. That's all I wanna say."
"Ang yabang naman ng babaeng 'yan. Pero di malayong siya ang may-ari," pagkukumento ni Vanessa. Lagi nalang siyang nagkukumento.
"Ano ba naman 'yan. Nalilito na tuloy ako kung sino talaga ang may-ari dahil mukhang silang tatlo naman talaga ang may-ari," reklamo ni Kiara. Hindi gaanong malakas ang boses nila kaya tama lang na kami-kami lang ang nakakarinig.
"Amm. Maraming salamat po at nagkaintindihan po tayo. At sa amin pong narinig ay alam na po namin kung sino talaga ang may-ari nitong singsing."
"Alam niyo na agad? Bakit sigurado ba kayo?" Sabat ni Vanessa, nag-wink lang si Max sa kanya.
"Uunahin na po namin kayo," sabi ni Max sa babaeng nagising kanina.
"Isang bagay lang po ang masasabi ko at 'yon ay nagsinungaling po kayo sa isang bagay."
"WHAT?!" sigaw ng babae.
"Huwag po muna kayong magalit dahil magpapaliwanag pa po ako. Sinabi niyo po sa amin kanina na kayo ang may-ari ng singsing dahil natanggap niyo po ang singsing kaninang umaga sa mail. Nahuli ko kayong nagsisinungaling dahil sa sinabi niyong 'yon."
"At bakit mo naman nasabing nagsisinungaling ako?" mataray na sabat ng babae.
"Hnnn. Anong araw ho ba tayo ngayon? 'Di ba nga po Sunday? At sa pagkakaalam ko at sa pagkakaalam rin ng nakararami, walang dumarating na MAIL tuwing linggo," mukhang nahiya naman ang babae dahil nahuli siya. Hindi rin biro ang hiyang 'yon. Ang dami kayang tao ang nanunuod, nagkaroon naman ng bulong-bulungan sa paligid.
Baka isipin ng lahat na sobrang OA na kami at nakialam pa.
Pero ang galing naman ni Max, hindi ko kaagad naisip 'yon. Totoo naman kasing walang mail kapag linggo. Kaya halatang nagsinungaling siya.
"Kayo naman po ang susunod miss," usal ni Kezia sa babae. Siya 'yong huling nagsalita kanina.
"Una po ay 'yong sinabi niyo na hindi niyo po sinusuot ang ring at ginawa niyo lang itong KAISA-ISANG necklace. At sabi niyo pa nahulog ang singsing nang pumunta po kayo sa CR," tumango lang 'yong babae bilang pagsang-ayon.
"Masasabi ko pong nagsinungaling kayo sa part na nahulog ang singsing niyo dito dahil kung nahulog po ito edi sana ho ay nalaglag din ang necklace na kinakapitan ng singsing," napahawak naman ang babae sa may bandang leeg niya kung saan nakasabit ang necklace niya.
Wow hindi ko nahalata 'yon ah.
"Pangalawa naman po ay ang part na sinabi niyong P85,000 ang singsing na 'yan. Sa pagkakakilala ko sa singsing na hawak ni Max ay isa itong Double-Prong Solitaire Round with 2 carat center stone. At sa pagkakatanda ko rin sa nabasa ko ay 46,820 pesos and 50 centavos po ang price ng singsing, hindi 85,000 pesos. Kaya masasabi ko ring nagsinungaling po kayo do'n."
"Wow ha? Alam na alam ni Kezia ang ring pati price," bulong sa akin ni Vanessa.
"At pangatlo po ay 'yong sinabi niyo pong nag CR kayo."
"Of course it's true, akin nga ang singsing na yan!"
"Sorry po, wag po kayong magalit. Kanina po kasi nagpunta ako ng CR pero 'di ako nakapasok dahil under renovation ito kaya hindi pwedeng gamitin. Sinabi niyo po na nag CR kayo kanina kaya masasabi ko rin pong nagsinungaling kayo dahil hindi naman talaga pwedeng gamitin ang CR dahil under renovation pa sa ngayon. At sa----" hindi na natuloy ni Kezia ang sasabihin dahil sumabat na ang babae.
"Okay. You win. At bakit ba ako nag-aaksaya ng panahon dito?"
"Ibig sabihin siya talaga ang may-ari ng singsing," sabi ni Vanessa.
"Sinabi ko naman kasing akin ang singsing eh. Aagawin niyo pa. So pwede ko na bang makuha ang singsing ko."
"Ah. Opo, ito po. Wala naman kaming napansin na nagsinungaling kayo," ibibigay na sana ni Max ang singsing nang magsalita ako.
"Teka lang Max," actually hindi lang pala ako. Pati rin si Flynn. Magkasabay kaming nagsalita.
"Oh bakit? May problema ba?" takang tanong ni Max, napatingin na rin sa amin sina Kezia.
"Amm. Hindi ko po sinasadyang kunin ang libro niyo, magkapareho po kasi tayo ng libro kaya akala ko ay sakin 'to," binigay ko kay Flynn ang libro at tinanggap naman niya ito.
"Ikaw na mauna Flynn at baka may gusto kang sabihin."
"Kanina ho kasi sabi niyo na inipit niyo ang singsing sa book. At sabi niyo pa na inipit niyo ito in between 15 and 16 pages dahil favorite niyo ng boyfriend mo ang number 15 and 16. Ini-scan ko po ang 15 and 16 at wala po akong nakitang ni isang marka ng singsing. Hinanap ko na rin sa kahit anong pages ang marka na inipit mo ang singsing pero wala talaga. Sobrang malinis po ang book ninyo at kung inipit niyo ho talaga ang ring, edi sana nagkamarka ng kahit konti man lang ang book," sabi ni Flynn. Napangiti naman sina Kezia at Max sa bagay na nalaman. Binalik sa akin ni Flynn ang book at ako naman ang nagsalita.
"Sinabi niyo kanina na inipit niyo in BETWEEN pages of 15 and 16 ang ring. Kaya ini-scan ko po ang book. And because of the scanning I made, I can tell that you lied. Looking For Alaska, like all other books, has odd-numbered pages on the right. Therefore, pages 15 and 16 are the front and back of a single page, and nothing can be found between them."
"Sa madaling salita po ay wala naman pong in between 15 and 16 ang book kaya bakit niyo po sinabing inipit nyo ang singsing niyo sa in between 15 and 16?" pagtatapos ko.
"Okay. Fine! WHATERVER!!" sabi ng babae habang itinataas ang dalawang kamay tanda ng pagsuko.
Umalis nalang ang tatlong babaeng nag-agawan kanina at nawala na rin ang kumpulan ng mga tao.
"Wala naman palang tunay na nagmamayari ng singsing. Nagsinungaling pa sila. At congrats pala, ang galing niyo. Gano'n pala talaga kayo katalino? Lalo na rin sa inyo Ella and Flynn," sabi pa ni Kiara na animoy sobrang namangha. Ngumiti nalang kami bilang sagot sa kanya. At nakakahiya rin kasing sagutin ang taong nagco-compliment sa'yo.
Susunod na ang flight namin kaya naglakad na kami papunta sa loob. Hindi palang kami nakakalayo ay lumingon ako at sa paglingon ko ay may nakita akong lalaki. Siguro kasing edad ko lang. Nakaeyeglass siya habang may dalang libro. At napansin ko namang may hinahanap siya kaya nilapitan ko na.
"Anong problema? Baka may maitulong ako sayo," usisa ko sa kanya.
"Ha? Ah may hinahanap lang kasi akong ring. Nahulog ko ata dito."
"Ano bang itsura ng ring?"
"Hnnn. Sabi ng girlfriend ko Double-Prong Solitaire Round and pangalan ng ring tapos ang alam ko silver 'yong bato. Lagot ako sa girlfriend ko kapag 'di ko nahanap 'yon. Kanina pa ako hanap ng hanap pero 'di ko parin nakikita 'yong ring. Naiwan na nga ako ng airplane na sasakyan ko dapat," saad niya habang busy sa paghahanap.
"Ella likana, baka 'di pa tayo umabot," sigaw sa akin ni Vanessa.
"Max lika muna dito," sigaw ko kay Max at lumapit naman siya.
"Bigay mo sa kanya 'yong ring."
"Ha? Bakit?"
*****
Thanks for reading.
Please vote and comment.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top