Chapter 13: Analysis

Someone's POV

Kahit hindi pa ako nakakapasok, naririnig ko na ang boses ni Sabrina mula sa loob ng Secret Lab. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago tuluyang pumasok sa loob ng laboratory.

Nakaupo si sir Black sa isang mahaba at kulay pulang couch sa gilid. Kaharap naman niya si Sabrina na ngayon ay pinapalibutan ng iba't-ibang klase ng screen.

Alam kong napansin na agad ni sir Black ang pagdating ko pero hindi niya ako binigyan ng kahit tango man lang. Napasmirk na lang ako sa inasal niya at nanatiling nakatayo malapit sa nakasarang pinto. I then crossed my arms and gave Sabrina an intent look.

Tatlo lang kami rito sa loob ng lab. Ako, si sir Black at si Sabrina na ngayon ay busy sa harap ng mga monitors.

Napansin ko sa peripheral vision ko na napatingin si sir Black sa'kin.

"How's he? How's Albert? ... I mean Arch?" He said those words with passion, like perfect enunciation is required.

Tinanguan ko lang siya at naintindihan niya naman agad ang ibig kong ipahiwatig. He curved his lips into a half smile. Halatang good news sa kanya ang malamang matagumpay kong napatay si Arch.

"Sabrina, what's the progress? Her brain?" Sandali akong napatitig kay sir Black at agad na tumingin kay Sabrina na nakatutok sa screen.

"I already got some information about her brain by her responses, reactions and intuition and also by the procedures of some analysis I made." Huminto siya sa pagsasalita at may pinindot na kung ano.

"She has a way of following her thoughts that normal people don't. Her tendency towards freethinking is what ultimately determined that she is different. " Tumigil na naman si Sab sa pagsasalita at tumingin kay sir.

"In conclusion, Elizabeth's brain is drastically different from normal people." Biglang sumakop ang katahimikan sa loob ng laboratory. Nakipagtitigan lang si sir Black kay Sabrina.

Nangunot naman ang noo ko. Unti-unti ko ng naiintindihan kung bakit ganito na lamang kahalaga para sa kanila si Ella. Maraming klase ng tao ang umaaligid sa kanya. And as a spy kailangan ko pang kumalap ng impormasiyon tungkol sa kanya.

"What else do you have?" Sir Black asked, professorially. Mabilis na gumalaw ang mga daliri ni Sabrina sa pagpipindot at mabilis din ang galaw ng kanyang mga mata.

"Not much. But ... In Elizabeth's brain, the split between long and short connections leans heavily towards one or the other. She most likely had a large amount of long connections." Nag-angat siya ng ulo para tumingin kay sir Black. Seryoso lang si sir Black na nakikinig. Napatitig na lang ako kay Sabrina, para maabsorb lahat ng sinasabi niya.

"While there certainly may be physical or tangible characteristics in her brain compared to others. And the patterns of her way of thinking and her approach of a certain problem." She paused, again. Maybe choosing her words carefully.

"When she solves a problem, ideas are not eliminated based on efficacy or practicality. Everything is considered. Thoughts are not immediately disqualified. She tries many avenues to arrive at a desired result, rather than simply deciding which ones will work and which ones won't. Also---"

I see. Pinag-aaralan nila ang utak ni Ella habang nasa challenge ito ng maze. Tignan natin kung kaya mong isolve ang nakatagong test sa loob ng maze.

Elizabeth. You really are special.

Unti-unti na rin akong nacucurious sa kung anong kaya mong gawin Ella.



Flynn's POV


Nagkalat ang mga walang malay na katawan ng tao sa paligid. Sinakop ng amoy ng dugo ang paligid. Halos mawalan na ako ng ulirat dahil sa sobrang pagod. Pakiramdam ko pinalo ng bat ang bawat parte ng katawan ko. Mabibigat ang bawat hiningang hinuhugot ko.

Nalasahan ko pa ang sarili kong dugo. Puno ako ng pasa sa katawan. Duguan ang mga taong nakahandusay sa malamig na semento, wala silang mga malay. Nandidilim na rin ang paningin ko. Pakiramdam ko, ilang segundo na lang ay mawawalan na ako ng malay.

Pabagsak akong napaluhod at itinukod ko ang dalawa kong kamay sa semento. Napalunok ako sa nanunuyo kong lalamunan. Marahan akong pumukit, pinakiramdaman ko ang malakas at nakakabinging tibok ng puso ko. Naninikip na rin ang dibdib ko dahil sa lakas ng tibok nito.

Pumikit ako para magrelax, ngunit nagsisi ako. Nakaramdam ako ng hilo. Wala akong ibang nakita kung 'di dilim sa pagpikit ko. Pakiramdam ko umikot ang mundo. Tila babaliktad na ang aking sikmura ilang segundo lang.

Nanghihina na ako. Gusto ko ng magpahinga. Ang sakit ng buong katawan ko. Hanggang sa nalaman ko na lang na nakahiga na pala ako sa sahig. Ramdam ko ang lamig nito sa likod ko.

Hanggang ngayon ay nakapikit pa rin ako. Nakarinig ako ng ingay, mga taong pumapalakpak.


"Congratulations. You all made it to---"


Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi ng kung sino man. Nakapikit pa rin ako, pero unti-unti ng nawawala ang hilo ko. Nakakarinig pa rin ako ng palakpak at hiyawan ng mga tao.

Not catcalls. Instead, they're cheers. The noise have grown louder and louder. Loud cheers. Claps.

Nakaramdam ako ng presensya sa tabi ko. "Hoy Flynn, bangon ka na diyan. Alam kong gising ka." Niyugyog niya ako pero hindi ako gumalaw.

"Flynn? Bangon na. May stage two pa, baka madisqualified pa tayo." Para akong nabuhay nang makilala ko ang boses. Imposible, pero alam kong siya itong yumuyugyog sa'kin.

Umungol ako, at sinubukan kong gumalaw. Napangiwi ako dahil sa naramdamang kirot na dulot ng paggalaw ko.

"Hays, tulungan na nga kita. Lika," inalalayan niya akong umupo at nagtagumpay naman ako.

Nandidilim pa ang paningin ko noong tinitigan ko siya. Hindi ako makapaniwalang siya nga ito.

"Ella? Pa'no ka nakarating dito?" Ngumiti ako dahil sa nararamdamang saya.

Nakangiti siya. Ngunit nawala ang ngiting iyon sa hindi ko malamang dahilan.

"Flynn, anong Ella?" Napakunot ang noo niya na siyang ipinagtaka ko. Hindi ako nakaimik.

"Flynn, si Vanessa 'to. The one and only." Kumunot ang noo ko sa narinig. Vanessa?

Unti-unting luminaw ang paningin ko. At nakumpirma kong si Vanessa nga ang babaeng nasa harap ko. Humugot ako ng malalim na hininga saka nagsalita.

"Binibiro lang kita." Sabi ko at dahan-dahan na tumayo. Mahirap pero pinilit ko. Tumayo na rin si Vanessa at nakita ko pa siyang nakatingin sa akin habang nakataas ang kilay. Nagkunwari akong busy.

Nakita ko si Kiara na papalapit sa amin. Gaya ni Vanessa, duguan din siya mula sa suot hanggang sa mukha. Naka-white shirt si Vanessa kaya kapansin-pansin ang dugo sa suot niya.

Paunti-unti na ring bumabalik ang lakas ko. Nakangiting naglalakad si Kiara palapit sa amin sa kabila ng mga pasa at sugat na natamo niya sa stage 1. Nakita ko rin ang lalaking puti ang buhok pati ang dalawang babaeng hindi ko kilala.

Naipasa naming lahat ang pagsubok. Well, maybe not all of us. Si Ella at Clark, eliminated na sila. Nakaramdam ako ng konting kirot dahil gusto kong maipasa naming lahat kasama si Ella at Clark ang challenge.

Lumapit samin ang lalaking may puting buhok. Pati na rin ang dalawa pang babae. Inilibot ko ang aking tingin sa paligid. Nakakasilaw ang ilaw pero may naaaninag akong mga tao. Pumapalakpak sila sa amin. They're like cheering us.

"Congratulations. The six of you here passed the stage 1 of the challenge. You may now proceed to stage 2.'' Pagkatapos sabihin iyon ng babae sa microphone, biglang bumukas ang front door at pumasok ang dalawang lalaking nakablack tux.

Hindi na kami naghintay ng signal at diretso na kaming lumapit sa dalawang lalaking nasa pinto. Noong nakalapit na kami sa kanila, agad silang tumalikod at naglakad. Nagkatinginan kami nila Kiara at Vanessa saka kami sumunod sa kanila. Sumunod din ang dalawang babae at ang lalaking may puting buhok.

Maraming estudyante ang nasa labas ng crest building. Noong nakita nila kami, mabilis silang yumuko at umatras para bigyan kami ng daan. Tsk. Hindi ako sanay sa ganito. Nagkibit balikat lang si Kiara nang tignan ko siya at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Maya-maya pa'y nalaman ko na sa field kami patungo. At may dalawang helicopter na ang naghihintay sa amin.

"Dyan tayo sasakay?" Pasigaw na tanong ng lalaking may puting buhok. Masyado kasing maingay ang rotor blades ng helicopter na kinailangan pa naming sumigaw. Nagkibit balikat lang ako sa kanya. Masyado ring malakas ang hangin kaya nakatakip na ang lower arm ko sa mata ko.

"Ako si Gab!" Pasigaw na pagpapakilala niya kaya tinanguan ko na lang siya.

"Flynn! Ako si Flynn!" Tumango rin siya sa'kin at ibinaling ang tingin sa daan.

"Mamaya na kayo magpakilala! Mukhang kailangan na nating sumakay sa helicopter na yan!" Sigaw ni Vanessa at hinila kami ni Kiara patungo sa helicopter. Doon kasi nagtungo ang dalawang lalaki. Kinailangan pa naming yumuko sa paglalakad, just in case.

"Sasakay talaga tayo dyan? Sigurado kayo?" Tanong ni Kiara pero hindi kami nakasagot ni Vanessa. Hindi rin kasi kami sigurado.

"Ya need to get inside. Ihahatid niya kayo sa stage 2. Vanessa, Kiara and Flynn. Magkasama kayo rito. Cynthia, Annabeth and Kyler Gab. Sa kabilang helicopter kayo." Sabi ng isang lalaki noong nakalapit na kami sa kanya. Nagkatinginan muna kami nina Kiara at Vanessa saka kami pumasok sa loob ng helicopter.

Lumipad agad sa ere ang helicopter sa oras na nakasakay na kaming tatlo rito. Magkatabi kaming nakaupo nina Vanessa at Kiara kaharap ang lalaki. Nasa kabilang helicopter ang tatlo pa naming kasama.

Tahimik lang kami hanggang sa hindi na nakapagpigil si Vanessa at nagsalita na ito.

"Uhm. Sir, s-saan po ang stage 2?" Kapansin-pansin ang mga pasa na natamo naming tatlo sa mukha. Ngumiti ang lalaki kay Vanessa. Half smile.

"You'll know." Matipid niyang sagot kay Vanessa kaya napatingin na lang ako sa kanya. Halata ko kay Vanessa na pinipigilan niya lang ang sarili na huwag umirap.

"P-pero si Ella at Clark po. Eliminated na po ba sila? Asan na po sila ngayon?" Mainosenteng tanong ni Kiara. Tinitigan niya muna kami ng matagal bago siya sumagot.

"I do not know why I should be saying this ... but I do know na may karapatan kayong malaman ang isang bagay." Tumigil siya sa pagsasalita na nakapagbigay lang ng kaba sa aming tatlo.

"Ella ... and that little boy Clark is not eliminated." Nagkatinginan ulit kaming tatlo dahil sa gulat. "They are still on the first stage of the challenge. But different from yours. And they are already making their way for stage 2. In terms of further details, I won't give you. Kailangan niyo pa rin magfocus sa stage 2. Try to relax habang hindi pa tayo nakakarating."

Natahimik na lang kaming lahat. May kanya-kanyang iniisip. Hindi ko maintindihan ang saya ko nang malaman kong hindi pa eliminated si Ella. Na may pag-asa pa siyang pumasa. Nasa stage 1 pa sila ni Clark.

Sinabi ng lalaki na kakaiba ang stage 1 ni Ella. At sigurado akong mas mahirap ito kumpara sa napagdaanan namin.


Ella, please humabol ka...





*****

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top