Chapter 12: The Trick
Someone's POV
"Welcome to porte d'etrée. Please. Come in." The man said, with a stiff nod, gesturing me inside. I just gave him a curt smile then went inside the mansion.
Pagkapasok ko sa loob, hindi na ako nagulat sa nakita. May mga malalaki at naggagandahang chandelier ang nakasabit sa kisame.
The chandelier's elegant light illuminated the whole place, giving me a slight chill in my bones. I started off, proceeding to where I am suppose to.
Ang pagkakaalam ng nakararami, isa itong mansion na pagmamay-ari ng isang bilyonaryong manunulat. Ngunit ang totoo'y mansion ito ng Emperor ng isang clan. This mansion is the Miroku Mansion.
Kumatok muna ako ng pangatlong beses bago pumasok sa opisina ng leader ng Miroku clan. Humugot ako ng malalim na hininga at pumasok.
My heart started to pound hardly and loudly against my chest as I saw him, sitting in his straight-backed chair in front of his glass desk.
"Good morning sir." I greeted, with a tone less detached and clinical and more professorial. Not even a flicker of change passed over the man's expression.
He just gave me a condescending glance, so I continued talking.
"Emp. Your princess is now on the top class challenge."
"I know. What's the progress?" His voice is terrifyingly cold and calm, considering the threat in his words.
I paused, choosing my words carefully. "She's still on the first stage of the challenge."
"And?" He added, looking for more details. Hindi ko pinahalata sa kanya ang kaba ko.
"A-and she's doing well ... But she has a hard time pretending. Also---" Hindi ko natuloy ang aking sasabihin dahil may biglang pumasok. Padabog na pumasok ang hindi katandaang babae sa loob ng opisina kaya lalo lang lumala ang kaba sa dibdib ko.
"What on earth is the matter with you?! Why her? From all the people why her?!"
Sinakop ng nakakabinging katahimikan ang opisina. Napayuko na lang ako dahil hindi ko na lugar ito.
Galit na lumapit ang Queen ng Miroku clan at itinukod ang dalawang kamay sa mesa ng Emp.
"Please ... why are using my princess? OUR daughter?"
Dahan-dahan na akong lumabas ng opisina para bigyan ng privacy ang mag-asawa. Nawala na ang aking kaba. Nakahinga na rin ako ng maluwag.
Hindi ko rin maintindihan ang Emp kung bakit niya pinasok ang prinsesa sa isang delikadong misyon.
Pagkalabas ko ng mansion, sumakay na ako sa kotse ko at dumiretso sa Blue Moon High. I still have lots of things to do.
Ella's POV
I was in a dream...
7 years old ako, at hindi ko alam kung paano ko nalaman iyon. Siguro'y hapon iyon. Nasa park ako, nakaupo sa bench. May mga batang naglalaro sa paligid kasama ang kanilang magulang. Kapansin-pansin sa kanilang maaliwalas na mukha ang kakaibang saya. Mga ngiting nakakagaan sa pakiramdam.
"Baby Ella, here's your ice cream." Umupo si kuya sa tabi ko at binigay sa akin ang ice cream.
"Thank you po kuya Arch," nginitian ko siya at ginantihan niya naman ako ng ngiti. Ang gwapo ng kuya kong 'to. Ang tangos ng ilong, at dinaig pa ang babae sa haba ng kanyang mga pilik. Bumagay rin sa kanya ang kaputiang taglay.
"Why are staring baby? Gwapo si kuya no?" Nakangiti niyang saad at inakbayan ako.
Nagkunwari naman ako na parang nag-iisip. "Hmmmm..." napasmirk na lang siya sa inasal ko.
"Come on baby, sabihin mo nang gwapo si kuya at ibibili na naman kita ng ice cream." Bigla namang nangislap ang aking mga mata dahil sa narinig.
"Opo kuya! Ang gwapo, gwapo niyo po! Hihi." Inakbayan niya ako at ginulo ang buhok.
"Ikaw talagang bata ka, lagi mong tatandaan na mahal ka ni kuya ha." Pagkatapos niyang sabihin 'yon, hinalikan niya ako sa noo. Ngumiti naman ako.
"Mamimiss kita..."
"Bakit po? Aalis ka po ba kuya?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Hindi niya ako sinagot, napabuntong hininga lang siya at tumitig sa kawalan.
Puno ng kuryosidad ko siyang tinitigan sa mukha. Ang lalim ng iniisip niya. Hindi na lang ako umimik at hinayaan siyang tulala. Hanggang sa bumalik siya sa reyalidad nang mapansin niya ang tatlong lalaking naka black tuxedo. Papalapit sila sa kinauupuan namin.
Biglang nagsalita si kuya noong nasa harapan na namin ang tatlong lalaki.
"Don't touch her..." Madiin ang pagkakasabi ni kuya. Parang nagbabanta. Napatingin lang ako sa tatlong lalaki.
"Hello po sa inyo!" Magiliw na bati ko sa kanila. Hindi nila ako pinansin, seryoso lang silang nakipagtitigan kay kuya Arch.
"Sir, you need to understand. Mr. White is waiting and---" naputol sa pagsasalita ang lalaki dahil pagalit na sumabat si kuya Arch.
"No! Uuwi na kami. Try to do something stupid. At ako ang makakalaban niyo." Hindi nakaimik ang tatlong lalaki.
Napadako naman ang tingin ni kuya sa akin.
"Ella, uwi na tayo. Sakay ka na sa likod ni kuya." Malambing na utos ni kuya sa'kin. Sumakay na ako sa likod niya at agad naman siyang naglakad paalis. Napatingin ako sa tatlong lalaki na ngayon ay nakatayo pa rin. Nakita ko pang nakakuyom na kamao ng isa.
Then everything went black...
***
I woke up groggily, then the lingering fog of sleep started to vanish. I notice Clark, kneeling at my side.
Kanina ay hindi ko maigalaw ang buong katawan ko. A couple of minutes have passed, I lost count. At unti-unti ko nang naigagalaw ang aking katawan. Una ay ang aking mga daliri, sunod ay ang aking paa.
Pilit akong bumangon at napaungol na lang ako.
"Ate?" Narinig kong tawag ni Clark na ngayo'y nasa tabi ko lang. Alam kong hindi maipinta ang mukha ko dahil sa sakit ng buong katawan ko. Pakiramdam ko binugbog ako ng palo ng bat sa bawat parte ng katawan ko.
Kahit mahirap, pinilit kong tumayo at paika-ika na naglakad patungo sa isang pader. Mahigpit na nakahawak sa kanang kamay ko ang dalawang kamay ni Clark, as if to support me.
Marahan akong sumandal sa pader sa oras na narating ko ito. Umupo sa tabi ko si Clark at tinitigan ako nito habang nakapout. Ngumiti ako sa kanya at ginulo ang buhok niya kahit masakit igalaw ang katawan ko.
"Okay na po kayo ate?" Maingat lang akong tumango sa kanya bilang tugon.
Sariwa pa rin ang alaala ng pangyayari kanina. Nakita ko kung paano binawian ng buhay si Arch. Umalingawngaw sa loob ng utak ko ang huling sinabi niya sa akin.
Ako ang kuya mo...
Ako ang kuya mo...
Ako ang kuya mo...
Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko sa aking pisngi. Mahirap paniwalaan ang sinabi niya pero bakit ganito ang epekto sa akin? Pakiramdam ko'y nawalan ako ng malaking parte ng buhay ko.
Kakaiba rin ang naramdaman ko noong niligtas niya ako. Lalo na noong hinawakan niya ako. Pakiramdam ko matagal na kaming magkakilala. Napadako ang tingin ko kay Clark na namamaga pa ang mata.
Iyak siya nang iyak kanina nang iwan kami ng mga lalaki. Habang ako naman ay paralyzed.
Bigla kong naalala ang panaginip ko kanina lang. At napahagulgol na lang ako sa iyak. Alam kong hindi lang panaginip iyon. Isa iyong alaala.
Patuloy akong umiyak na umalingawngaw pa sa loob ng maze. Hinaplos haplos ni Clark ang likod ko para mapakalma ako.
Kuya Arch...
Sorry...
Hindi ko magawang iligtas ka...
"Ate Ella, tahan na." Umiiyak na rin si Clark.
Naikuyom ko na lang ang kamao ko nang maalala ko ang mga lalaking pumatay kay kuya Arch. Pinapangako ko, papatayin ko sila!
Muling nanumbalik ang lakas ko. Tumayo ako at tinungo ang pinto kung saan lumabas ang mga lalaki. Pinilit ko itong buksan, ngunit ayaw nitong bumukas. Buong lakas ko na ang ginamit ko pero wala. Tumulong pa si Clark sa pagbukas habang humihikbi.
Lumuhod ako sa harap niya at pinunasan ang kanyang mga luha. "Sorry, nahawa ka pa sa pag-iyak ko. Wag ka ng umiyak ah, makakalabas din tayo rito. Pangako." Mabilis na tumango ang bata at pinunasan ang kanyang pisngi gamit ang sariling damit. Habang nakatitig ako sa kanya ay bigla ko na lang naalala ang huling sinabi ng lalaki.
"Oh, and by the way. This is not the way out of the maze. You should solve its puzzle in order to get out of this maze. Good luck."
You should solve its puzzle in order to get out of this maze.
You should solve its puzzle in order to get out of this maze.
You should solve its puzzle in order to get out of this maze.
Bigla akong sinakop ng adrenaline rush. Mabilis kong kinapa ang bulsa ko at nalaman kong naroon pa ang note. Kinuha ko ito at binasa.
"Clark, natatandaan mo pa ba ang sagot sa nakita nating note kanina?" My heart started to beat rapidly.
"Umm... Ano nga po 'yong tanong ate?" Binasa ko naman ang dalawang tanong habang seryosong nakikinig ang bata.
1. It is a specific time which is also called as midday. The term midday is also used colloquially to refer to an arbitrary period of time in the middle of the day. What is this specific time?"
2.
* Wi-Fi does not actually stand for anything. It is a play on the term Hi-Fi. Many people believe Wi-Fi is short for 'Wireless Fidelity'
*Lead is the heaviest stable element in the periodic table. All heavier elements decay over time.
* Even on Earth, gravity is not even. The Earth is not a perfect sphere, and its mass is distributed unevenly. This means that the strength of gravity can change slightly from place to place.
Are these three statements right? Yes or no?
Napapout muna si Clark bago sumagot. "Hmmm... Noon po ang sagot sa number one ate, at yes naman po ang sagot sa number two.
Napaisip ako sa sagot ni Clark. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, ang daming words ang lumitaw sa utak ko. Lumipas ang ilang minuto, nakatulala lang ako, nag-iisip.
Biglang may nag-click sa utak ko, napakunot pa ang noo ko sa naisip. Hindi kaya?
It was just a trick!
Mabilis akong tumayo at tiningnan si Clark.
"Clark, mukhang alam ko na kung paano tayo makakalabas dito."
*****
Hey there guys, may iilang nag-pm sa'kin na isali ko raw ang BM High sa wattys2016.
Napaisip ako pero 'di pa ako nakapagdesisyon. Ano sa tingin niyo? Sasali ba tayo? Please comment.
Alam ko namang hindi mananalo ang BM High. Haha
kuya_mark
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top