Chapter 12: She's five and He's six

Ella's POV


Sinend ni maam sa device naming lahat ang mga instructions at kung ano ang mission namin. Binasa ko ang laman ng isinend ni maam na file.

Simple lang naman ang mission namin at ito ang medical mission, like literally. Dumiretso na kaming apat sa laboratory para magkaroon ng training sa basics ng pagtreat ng wound at ibang illnesses. At hindi rin naman kami nahirapang matutunan ang mga iyon. It also took us 2 hours mastering those basics.

"Tara na sa headquarters," sabi ni Vanessa pagkalabas namin sa lab.

"Bakit nga pala tayo pupunta sa headquarters? Doon ba natin emi-meet ang makakasama natin bukas?" Tanong ko, ang alam ko kasi dapat naming puntahan 'tong five at six of spades. Eh sino ba kasi sila?

"Sa headquarters ng spades tayo pupunta dahil doon naman kasi ang meeting place ng five at six of spades," sagot ni Vanessa sa tanong ko.

"Who are these five and six of spades anyway?" Singit na tanong ni Kiara, kanina pa kami nag-uusap samantalang si Flynn ay tahimik lang.

"Nabasa ko kasi sa handbook, hindi ba sinabi ko sa inyong basahin niyo ang handbook?" Napakamot nalang kami ni Kiara sa ulo dahil hindi pa pala namin nababasa ang handbook.

"Anyway, may tinatawag kasi ang school na "The Deck Of Cards", 'di ba nga binubuo ang 52-cards deck ng symbols na heart, spade, diamond and clubs? At bawat symbol ay may 13 members namely the ace, 2, 3, four, five, six, seven, eight, nine, ten, jack, queen and king. Kaya ang five and six of spades ang makakasama natin sa mission. Actually para lang tayong assistant sa kanila kung baga," mahabang paliwanag ni Vanessa.

"Ibig sabihin, kung may king, queen or five and six of spades ay meron ding king and queen of hearts," sabi ni Kiara habang tumatango. Ako ay napatango na rin sapagkat naintindihan ko naman.

"Tama Kiara, at kung may 13 members ang hearts and spades meron ding 13 members ang clubs at diamonds," dagdag pa ni Fynn na sumang-ayon din sa sinabi ni Kiara.

"Ahh. So bale officers ng school ang mga members ng hearts, diamonds, clubs and spades?" tanong ko pa.

"Hindi rin Ella. Kung sa normal school kasi, nangyayari muna ang voting  para magkaroon ng officers. Dito naman, kung alpha-green-gold type ka ay paniguradong magiging member ka sa system ng 52-deck cards," paliwanag ni Flynn sa akin.

Tumango nalang ako, ano ba naman 'yan, puro tango nalang ang ginawa ko.

"So to wrap it all up, masasabi nating malalakas ang members ng 52-deck cards dahil alpha type sila, sobra rin silang matatalino dahil green ang cognitive brain nila at malakas din ang pakiramdam nila dahil gold ang Affective type nila," pagbibigay konklusyon ni Vanessa. "O andito na pala tayo."

Sa pag-uusap namin ay hindi namin namalayan na nakarating na pala kami. Hindi ko nga alam kung saang parte na ng school 'to.

"Tama bang tawaging headquarters 'to? Eh ang laking building nito ah?" tanong ni Kiara na may halong pagkamangha. Kahit nga ako ay namangha rin. Pero hindi naman gaanong malaki, may pagka-OA lang talaga itong si Kiara.

"Ito ang building ng Spade members. At dito rin namamalagi ang 13 members mula sa Ace, King hanggang sa two." Kinuha ni Vanessa ang G-tech Device niya at may pinindot. Maya-maya pa ay lumitaw ang isang card at map sa ibabaw ng Device. "Kunin niyo na rin ang card at device niyo."

Kinuha na rin naming tatlo ang card at map gamit ang G-tech Device. Binigyan kasi kami ni maam Clare ng authorization card para makapasok kami sa building. After swiping the card ay pumasok na kami.

Ayon sa mapa ay may anim na floors ang building na 'to at ang headquarters ay nasa ikalawang floor kaya dumiretso na kami sa 2nd floor. Ginamit lang namin ang hagdan dahil malapit lang naman ang aakyatin naming steps.

Nang marating na namin ang pangalawang floor ay agad naming hinanap ang kwartong may label na 5N6 ROOM. Kakatok na sana si Vanessa sa pinto ngunit bigla nalang itong bumukas.

"We are expecting you, please come inside," aniya ng babae. Maganda ito. Maputi at may kahabaan ang tuwid na buhok.

Hindi kami nag-atubiling pumasok sa kwarto. Malaki ang kwarto at may malaking square-shape na table ang pumapagitna rito. Sa bandang kaliwa ay may lalaking nakaupo sa kulay gray na sofa na animoy walang ganang manuod ng telebisyon. At sa kanan naman ay may tatlong set ng computer.

"Hoy Max! Likana nga dito at magsisimula na tayo!" sigaw ng babae habang nakapamewang.

"Magsisimula eh hindi pa nga dum---" biglang napatigil si Max daw nang mapansing dumating na kami at daliang tumayo.

"Nandito na pala kayo. Mabuti naman, kanina pa namin kayo hinihintay," saad  niya habang lumalakad palapit sa amin. "Max Bane nga pala, six of spades," pagpapakilala niya sabay lahad ng kamay. Pagkatapos ay nag-shake hands na rin kami.

"Ako naman si Kezia Ethos, the 5 of spades (as in KEZEYA)," pagpapakilala rin ni Kezia at nag-shake hands rin kaming lahat. "And actually siya si Maximus Bane, hindi lang Max. Sinabi lang niyang Max kasi nahihiya siya sa Maximus," sabi pa ni Keza habang naka crossed arms siya at saka umirap.

"'Kez, pinahiya mo na naman ako," bulong ni Max sa kasama. "Anyway kayo naman magpakilala, you are?" Una nang nagpakilala si Vanessa kaya nagpakilala na rin kaming tatlo nila Flynn at Kiara.

"Okay dahil magkakilala na tayong lahat let's get started then," sabi ni Kezia sabay ngiti. Umupo kaming lahat upang makapagsimula na.

"The government sent our school a request of providing a medical help to a certain place here in the Philippines. So our school assigned us to fulfill the request and both of us are expecting that the four of you already got the training for the basics of treating some illnesses and certain wound," pagsisimula ni Keza.

"Madali lang naman ang misyong binigay sa atin ng school kaya hindi malabong matatapos natin ito ng walang kahirap-hirap," dagdag ni Max.

"Ah. So saan naman ang lugar na pupuntahan natin?" tanong ni Vanessa kaya kami napatingin sa kanya.

"Sa baryong Narra. Medyo may kalayuan ito kaya kailangan pa nating mag-airplane," diretsong sagot ni Keza.

"Nakakakilabot naman, pangalan palang ng baryo nakakatakot na. Akalain mo 'yon, may Baryong Narra palang nag-eexist?" saad ni Kiara habang yakap-yakap ang sarili niya, natawa nalang kaming lahat sa reaction niya.

Hindi ko na rin napigilan at nagtanong na rin ako. "Tayong anim lang ba ang pupunta doon? Nakakatakot naman kasi kung tayo-tayo lang."

"Huwag kang mag-alala Ella dahil sasama sa atin si sir Loid," sagot niya sa tanong ko at ngumiti. Kaya tumango nalang ako bilang tugon.

"Kailan naman ang punta natin doon?" tanong ni Flynn

"Bukas na bukas din ay aalis na tayo. Kaya naman pagkatapos nating pag-usapan ang lahat ay pwede na kayong bumalik sa dorm niyo at mag impake ng ilang gamit. Pero hindi ko sinasabi na pinapaalis ko na kayo ngayon ha. Mas gusto ko nga na dito muna kayo kasi masyadong boring kausap itong si Max."

"Ako boring? Hindi kaya. Sa gwapo kong 'to boring ako?"

"Eeeewwww. Mangilabot ka nga sa sinasabi mo Max. Grrrrr," sagot ni Keza at umaktong nangilabot, napakamot nalang sa batok si Max. Haha, ang cute lang.

"Pumunta ka nalang doon sa kusina at kumuha ka ng makakain natin para may silbi ka naman," utos ni Kezia kay Max, kawawang bata naman itong si Max. Uto-uto at sinunod rin si Kezia.

"Huwag niyo nalang pansinin 'yon. So may mga tanong pa kayo?"

"Actually meron ako. If you don't mind my asking lang naman," singit ni Vanessa.

"Okay lang ano ba 'yon?"

"Boyfriend mo ba 'yong si Max?" tanong ni Vanessa.

"Ha? Ano kaba, hindi no. Bakit? Type mo?" mapanuksong tanong ni Keza.

Umiling si Vanessa at sabay sagot. "Hindi rin. Haha. Ano ba naman 'tong pinag-uusapan natin," napangiti nalang kaming lahat. Nessa naman kasi.

Marami pa kaming napag-usapan at maya-maya ay dumating na rin si Max dala-dala ang pagkain.

"Here's your order," magiliw na sabi ni Max sabay lapag sa pagkain. He brought us six bottles of softdrinks, sandwiches and junkfoods. Ang galing nga eh, may sarili silang pagkain.

"Where did you get this?" tanong ni Keza habang nagsisimula ng nguyain ang sandwich.

"Ate summer made it and then she offered giving us so," Max answered and then he shrugged.

Patuloy lang kaming apat na babae sa pag-uusap habang sina Flynn at Max naman ay nagkasundong maglaro ng basketball sa computer. Ang sarap nga sa pakiramdam na nadagdagan na naman ang mga kaibigan ko. Idagdag pa na ang sarap ng sandwich. Namiss ko pa tuloy ang luto ni yaya, kumusta na kaya sina mama? Alam kaya nila na mali ang school na pinasukan ko? Malamang hindi nila alam, kasi kung alam nila edi sana sinundo na nila ako dito.

'Di bale na nga. Pag-iigihan ko nalang na tumalino para 'di nila malaman ang sekreto ko. Masaya naman ako sa first week ko rito sa Blue Moon High. Nagkaroon din ako ng mabuting kaibigan. Tapos marami na rin akong natutunang mga bagay na imposible kong matutunan sa normal school ko.

Sa pagpatak ng alas singko ng hapon ay lumabas na kami. Dumiretso kaming tatlo nina Vanessa at Kiara sa Cafeteria para magdinner, wala si Flynn dahil dumiretso na siya sa dorm niya.

Nang makabalik na kami sa dorm ay kanya-kanya na kaming nag-impake ng konting gamit namin. 3 nights lang naman daw kami doon and after that ay uuwi agad kami. Kaya 5 pairs of shirts and shorts lang ang dinala ko. First aid kit at iba pang gamit na sa tingin ko ay makakatulong.

Medyo kinakabahan pa ako pero excited din at the same time, makakalabas na kasi ako ng school. Paano kaya kung tumakas ako? Wag na oy! Itutuloy ko nalang 'to.

Nauna na sila Kiara at Vanessa sa pagtulog dahil mabilis din silang natapos. Sa gitna ng aking pag-iimpake ay nahanap ko ang eyeglass na bigay ni mama at pati ballpen na bigay sa'kin ni Dorothy.

Sinubukan kong isuot ang eyeglass na bigay ni mama ngunit nang sinuot ko ito ay biglang may iba't-ibang larawan o bagay ang lumitaw sa aking isipan. Sobrang bilis ng mga ito, may mga words, letters, numbers, shouts at iba pang bagay ang nagfa-flash sa utak ko. At hindi ko maintindihan ang mga ito. Sa dami ng lumitaw sa utak ko ay sobrang sumakit ang ulo ko. Hindi ito normal na sakit ng ulo dahil parang pinipiga at tinutusok ng karayom ang utak ko, napakapit ako ng mahigpit sa higaan ko.

Tinapon ko sa sahig ang eyeglass dahil hindi ko na matiis ang sakit. Gusto kong sumigaw dahil sa halu-halong sakit na nadarama pero 'di ko ginawa. Hindi ko rin gustong makaabala pa kina Vanessa at Kiara.

Napaiyak ako ng mahina at hindi ko namalayan na napahiga na pala ako sa sahig habang hawak-hawak ang ulo ko. Hindi ko kakayanin ang ganitong klasing sakit, mas gugustuhin ko pang mamatay kesa maranasan ang ganito. At nanginginig din ang aking buong katawan. Napakagat ako sa ibabang labi para pigilan ang nagbabantang iyak.

And in the middle of the deafening tranquil night, my sobs are the only sound that can be heard.



KINABUKASAN

*****

Anong meron sa eye glasses?

Please vote and comment. Bukas ulit.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top