Chapter 11: That Vanessa
A/N:
Gusto kong bumawi, kaya two chapters ang update ngayon.
Enjoy guys!
Chapter 11
Someone's POV
"Best, pwede mo ba 'kong samahan sa library? Isasauli ko lang 'tong Hydraulics." Lumingon ako kay Danna saka ko siya tinanguan. Ready na siya para umalis habang hawak sa kanang kamay ang makapal na libro ng Hydraulics. "Sure, ligpit ko lang 'tong mga gamit ko."
Pagkatapos kong ligpitin ang mga gamit ko, dumiretso na kami ng kaibigan ko sa library. Kaming dalawa lang kasi rito sa loob ng classroom. Araw ng Top Class Challenge ngayon kaya lahat ng estudyante ay walang pasok. Priority kasi ng Blue Moon High ang Top Class Challenge. Ang ibang mga kaklase namin ay dumiretso sa Crest Compound para makibalita sa progress ng challenge. Ang sabi nila, isa raw si Ella sa mga challengers. Kilala ko siya dahil siya 'yong naghack ng g-tech device system ni ma'am Dizon.
Kung kasali ka sa challenge, siguradong sisikat ka sa loob ng campus. Malapit na naming marating ang library nang bigla na lang huminto sa paglalakad si Danna at nagtago sa sulok. "Anong ginagawa mo?" Sa halip na sagutin niya ako ay mabilis niya lang akong hinila sa tabi niya para magtago. Nagsalita ulit ako pero binigyan niya lang ako ng signal na tumahimik. Napairap na lang ako. Problema niya?
Dahan-dahan siyang sumilip sa pinto ng library kaya taas kilay ko na lamang siyang tiningnan. Gumapang ako palapit sa kanya para sumilip din pero tinulak niya ako kaya napaupo ako sa likuran niya. Magsasalita na sana ako para magreklamo pero 'di ako natuloy dahil sa narinig ko.
Parang may mga lalaking nagbubulungan. Mga yapak ng paa. Lumingon si Danna sa akin at nakita ko sa mata niya ang pangamba at takot. Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa ekspresyong pinakita ng kaibigan ko. Sumilip siya ulit habang ang puso ko naman ay pabilis ng pabilis ang tibok. Lumakas na rin ang ingay at napagtanto ko na lang na palapit ito ng palapit sa amin.
"Saan ba natin dadalhin 'tong si King Arch?" Nandilat na lang ang mata ko dahil sa narinig. Muli namang napatingin si Danna sa akin. Lalong lumala ang takot na rumehistro sa kanyang mukha.
Hindi na ako nagpapigil at maingat akong sumilip. Tila nabuhusan ako ng malamig na tubig nang makita ko ang mga nakaitim na lalaki. Buhat-buhat nila ang duguang si King Arch. Ayoko mang isipin ngunit alam ko sa sarili ko na wala na siyang buhay. Biglang napalingon ang isang lalaki sa aming gawi kaya agad akong nagtago.
Kilala ko ang lalaki, anong ginagawa nila?
Napalunok ako at pakiramdam ko'y mawawalan na ako ng hininga dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Palapit nang palapit na ang mga yapak nila sa aming gawi. At mas lalo namang tumitindi ang kaba ko.
"Umalis na tayo rito, baka mahuli pa nila tayo." Nanginginig na tumango si Danna sa bulong ko sa kanya. Tagaktak na rin ang pawis naming dalawa. At napansin ko sa pisngi niya ang pagtulo ng kanyang luha. Maging ako man ay natatakot na. Kung napatay nga nila si King Arch, ang pinakamalakas na king ng campus, siguradong kakaiba sila.
"Basta, sumunod lang kayo. Walang dapat makakita sa'tin."
Narinig kong nagsalita ang lalaki kaya kahit nanlalambot man ang tuhod ko, pinilit ko pa ring tumayo. Pahila ko ring pinatayo si Danna. Lumuluha na siya. Idinikit ko ang aking daliri sa labi ko para bigyan siya ng signal na tumahimik.
Halos mabingi na ako sa lakas ng tibok ng puso ko habang dahan-dahan kaming naglakad paalis, nag-iingat na 'di makalikha ng ingay. Makakatakas na sana kami ni Danna ngunit bigla na lang pabagsak na nalaglag ang malaking libro niya. Nakalikha ito ng padabog na ingay. Sh*t!
"Who's there?!" Narinig naming tumakbo na palapit sa amin ang mga lalaki kaya agad na rin akong tumakbo habang hila-hila ko si Danna.
"Stop right there or we'll shoot!"
Patuloy pa rin kami sa pagtakbo ni Danna, at alam kong nasa likod lang namin sila. Umalingawngaw sa hallway ng building ang ingay ng aming pagtakbo.
"Bilisan mo!" Sigaw ko sa kasama ko. Nakarinig ako ng isang kakaibang putok. At sunod kong narinig ang impit ni Danna. Padabog siyang humandusay sa lapag kaya bigla na lang akong napahinto at mabilis siyang nilingon.
Nakita ko ang mga lalaking nakaitim na patakbong lumalapit sa amin habang nakatutok ang kanilang baril.
"Make a move then we'll shoot."
'Di ako tumakbo hindi dahil sa banta nila kung 'di dahil sa kaibigan ko. Dilat ang kanyang mga namumulang mata, hindi siya makagalaw. May tumulong dugo sa kanyang ilong. At bigla na lang siyang sumuka ng pulang likido.
Hindi ko namalayang nakaluhod na pala ako. Halos mawala na ako sa sarili ko. Nakatitig lang ako sa walang buhay niyang katawan, nakatulala, 'di ko alam kung anong gagawin. Nag-init ang mga mata ko at biglaang umagos ang luha mula rito.
"Sorry, nadamay pa kayo. Wala kasing dapat makaalam eh."
Nag-angat ako ng mukha para tignan ang nagsalita, nanlilisik ang aking mga mata. Hindi ako natinag kahit nakatutok na ang baril niya sa dibdib ko. Nawala ang lahat ng takot ko dahil sa galit.
Ngumisi siya saka pinaputok ang kanyang baril. Diretso akong humandusay sa lapag at saka sumigaw dahil sa nararamdamang sakit. Para akong kinukuryente. Dumaloy ang kuryente hanggang sinakop na nito ang buong katawan ko. Napapikit at napakagat ako sa ibabang labi dahil sa sakit. Hindi pa rin nawawala ang kuryente hanggang sa hindi na ako makagalaw.
Isa siya sa mga estudyanteng ginagalang ng lahat, kaya hindi ako makapaniwala sa kanyang ginawa. Pinatay niya si King Arch.
Lubha na akong nanghihina. At bago pa man ako mawalan ng malay, narinig ko pa ang kanilang usapan.
"Baka magalit pa si sir Black nito dahil dinamay pa natin ang dalawang babaeng 'to."
"Wag kayong mag-alala. Sigurado akong matutuwa pa siya."
Vanessa's POV
"Vanessa sa likod mo!"
Lumingon ako sa likod ko at agad akong yumuko para iwasan ang bat na tatama sana sa ulo ko. Dumaan lang sa likod ko ang bat. I then swung my leg in an arc to kick her knee. Na-out of balance ang babaeng may dalang bat at diretso siyang napahiga sa lapag, her back flat on the ground. Mabilis akong tumayo at walang anu-ano'y sinipa ang ulo ng babae.
Napahiyaw ang babae dahil sa lakas ng sipa ko at napaimpit na lamang sa sahig. Tumingin ako kay Kiara saka ngumisi. I then mouthed the word 'Thank You'.
Kanina pa ang labanan ngunit hanggang ngayo'y hindi pa natatapos ito. Pinuno ng ingay ng labanan ang paligid. Unti-unti na rin akong nanghihina dahil sa pagod. Patuloy pa rin sa pakikipaglaban si Kiara at Flynn, at kapansin-pansin sa lahat ang pawis at dugo. Ngunit kahit pagod na kami ay sige pa rin kami sa laban.
Nagpalipad ng sipa ang babae kaya maagap kong sinalo ang kanyang binti. I then punch her leg causing her to bellow in pain. Sunod kong sinuntok ang kanyang mukha. Napaatras siya habang hawak ang kanyang dumudugong ilong. Tumalon ako at paikot siyang sinipa.
Padabog na bumagsak ang babae sa lapag. Kitang-kita ko kung paano nabagok ang kanyang ulo sa semento.
I'm tired of this shit! Usal ko sa sarili. Maybe, just this moment. I won't pretend.
Marami pa ring kalaban kaya ginawa ko na ang dapat gawin. Bumilis ang aking mga atake. Magkasabay na umatake ang tatlong babae, ngunit naiilagan ko ang lahat ng atake nila.
Sinipa ko sa tiyan ang isang babae kaya napaatras ito. Mabilis ko namang sinuntok sa mukha ang pangalawa at siniko sa dibdib ang pangatlo. Halos hindi sila makareact sa bilis ng mga galaw ko. Hindi ako tumigil sa pagsuntok sa kanila hanggang sa nakahandusay na sila sa semento.
Tinungo ko ang iba pang mga kalaban at mabilis na pinatulog ang mga ito. Pagod man, napapangiti na lang ako dahil unti-unti ng lumiliit ang bilang ng aming mga kalaban.
Naliligo na ako sa sariling pawis dahil sa pagod. Buong lakas kong binibigyan ng suntok at sipa ang mga makakasangga ko. Duguan na ang dalawang kamao ko. Mahapdi ang ibang parte ng aking katawan dahil sa mga pasang nakukuha ko. Ngunit 'di ko na lamang pinapansin ang mga ito.
Napapahiyaw at minsan pa ay sumusuka ng dugo ang mga natatamaan ng suntok at sipa ko. Tumunog ulit ang timer at bumukas ang pinto. Gusto ko ng matapos ito kaya mabilis akong nagtungo sa pinto.
Alam kong 20 plus students ang papasok dito. Sinalubong ko ang bawat estudyanteng pumapasok sa pinto.
Pumasok ang lalaki kaya mabilis ko siyang binigyan ng suntok, ngunit nailagan niya ito. Agad ko siyang sinipa sa may tagiliran ngunit paatras niya itong nailagan. Hindi ko siya tinantanan kaya umikot agad ako at siniko ang kanyang mukha. Napasigaw siya sa sakit at umatras.
Napapalibutan na ako ng marami ngunit 'di ako natakot. Eksperto kong naiilagan ang magkakasabay nilang atake. Nandilat na lang ang kanilang mga mata dahil sa gulat. Isa-isa ko silang napatumba at napapangisi na lang ako sa oras na nakahandusay na sila.
I am fighting like a snake. Hindi ko na mabilang ang mga estudyanteng nakahandusay sa paligid ko. At patuloy pa rin ako sa mabilis na atake.
"Konting tiis na lang Vanessa. Mauubos na sila!''
*****
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top