Chapter 11: First Mission
Ella's POV
"Yes, you Ms. Stern. Pwede ka nang lumabas sa klase ko," sabi ni sir. Para naman akong nabingi sa narinig ko. Ito na nga siguro ang consequence na sinasabi niya.
Tumayo na lang ako dala-dala ang bag ko at lumabas. Nakakahiya talaga 'to. Baka ipatapon na talaga nila ako. At baka nalaman na nilang bobo ako.
Aalis na sana ako pero biglang nagsalita si sir. "Ms. Stern sabayan na kita."
"Po?" tanong ko nang nagtataka.
"Yes. Sasabayan na kita. And students, class is dismiss. Next meeting na natin pag-usapan ang results ninyo."
Lumabas na si sir at sinabayan akong lumakad habang nakangiti. Naku itong si sir, parang ang saya naman ata niyang parusahan ako. Pero saan naman kami pupunta? At ano namang consequence ang ibibigay niya? Hindi kaya? Pero imposible naman 'tong iniisip ko. Sa nakikita ko kasi kay sir, may pagka-gentleman siya. Pero sabi nga ng kuya Charles ko "physical appearance is deceitful." Bahala na nga.
Malapit na kaming makalabas ng building nang makasalubong namin si Flynn na nagmamadaling naglalakad. Ngayon ko lang napansin na late pala siya.
"O Mr. Collins. Since you're here why don't you come with us?" ngiti-ngiting sabi ni sir kay Flynn.
"Bakit po?" nangunot naman ang noo ni Flynn sa narinig.
"Natatandaan mo noong binigyan tayo ng test ni sir?" Tamango lang siya bilang sagot. "Hindi ba may consequence ang kung sino man ang hindi magawang iperfect ang test? Kaya ayan, sabi ni sir dalawa raw sa buong klase niya ang hindi naperfect. At tayong dalawa 'yon. Hindi ko nga inakalang isa ka sa dalawa. Basta ihanda na lang natin ang sarili natin sa kung anong consequence ang sinasabi niya," pagbibigay konklusyon ko.
Natawa lang si sir sa sinabi ko tsaka umiling at nagpatuloy lang sa paglalakad. Hindi na lang din umimik si Flynn at sumabay na rin sa paglalakad.
Tahimik lang kami sa buong lakad namin. Nakakapanis nga ng laway eh. Diretsyong pumasok si sir sa isang opisina. Opisina niya siguro, nang mapansin niya kami ni Flynn na hindi pumasok ay nagsiya. "Well, come along. Malalanta lang kayo nang panghabangbuhay kung tatayo lang kayo diyan."
Nagkatinginan lang kami ni Flynn at pumasok na rin. Pagpasok namin ay nakita kong nakaupo na si sir sa harap ng desk niya.
"Please, both of you take your sits."
All white ang office ni sir - from ceiling, walls and then to floor. Pati sofa ay kulay puti. Glass ang desk at pati inuupuan namin ni Flynn ay kulay puti.
Dr. Michael faked a cough to start the talking. "Nandito tayo sa opisina ko para pag-usapan ang ilang bagay," panimulang sabi ni sir. Tumango lang kami ni Flynn dahil alam na namin kung ano ang pag-uusapan.
"At napapansin ko na mali ang iniisip ninyong dahilan kung bakit ko kayo dinala rito," ano naman ang mali sa hinala namin?
"Now, where will I start? Okay, pinapunta ko kayo rito sapagkat sa buong klase ko ay kayong dalawa lang ang nagawang i-perfect ang test na binigay ko."
"Ano po? Pero---"
"Ops! Wala munang tanong Ms. Stern. Hayaan niyo na muna akong magpaliwanag," hindi na lang ako naimik. Ano ba kasing sinasabi ni sir? Na kaming dalawa lang ang pumasa sa isang section? Maniniwala pa ako kung pumasa si Flynn, pero ako? Hindi. Paano naman ako makakapasa, wala nga akong ni isang nasagot sa test? And take note, naperfect pa raw talaga ako.
"As I was saying ay kayong dalawa lang ang pumasa kaya ko kayo dinala rito. And take note. Hindi na rin kayo pwedeng pumasok sa white section."
"Bakit naman po? Ipapatapon na ba kami ng---"
"I said no questions!" Natahimik ako bigla, ang ingay ko nga talaga siguro. "Now, hindi na kayo pwedeng pumasok sa white section dahil. Tignan niyo ang ID niyo. Go on tignan niyo."
Sinunod lang namin si sir, tinignan ko ang ID ko at wala namang nagbago rito except sa kulay. Imbis na puti ay kulay pula na ito. At may letter C ang nakasulat sa lace ng ID. Tinignan ko 'yong ID ni Flynn at kulay pula rin ang ID niya, kaya lang letter A ang nakasulat sa lace ng ID niya.
"Ibig sabihin---" sabi pa ni Flynn na parang may na-realize. First time niyang nagsalita simula noong pumasok kami rito.
"Yes Mr. Collins you're right," pagsang-ayon ni sir saka ngumiti.
Ha? Ano bang pinagsasabi nila?
"Pero bakit niyo po kami nilagay sa Red cognitive type?" tanong ni Flynn.
"I'm sorry to disappoint you Mr. Collins pero hindi ako ang naglagay sa inyo sa posisyon na 'yan kung 'di kayo na mismo. How will I say this? Well, may genetic code kasi ang tao at 'yang ID, ring and necklace niyo ay isang code na nakakonekta sa code ng utak niyo, puso niyo at sa mismong buhay niyo."
"Wait, can we take a break? Kasi wala talaga akong naiintindihan," singit ko pa, pero hindi nila ako pinansin.
Binigay ni sir sa amin ang test paper namin noong Monday. And wala ngang sagot ang papel ko.
"Now carefully read the instructions. And please be reminded that the test is to test your skills in following instructions," sinunod namin siya at binasa ang instructions ng test.
"You are all White type in terms of cognitive, and this test is for GREEN TYPE. This test is to TEST your ability to follow instructions. If you know the answer then answer it perfectly. But if you don't then DON'T! Reminder: FOLLOW INSTRUCTIONS"
"Tama," tumango-tango si Flynn na parang may naaalala. Ako lang yata ang walang naintindihan dito.
"Anong tama?" Tanong ko kay Flynn, nilingon niya ako at sinagot.
"Natatandaan mo ba 'yong sinabi ko sayo Ella na ginaya lang kita no'ng test?" Tamango ako bilang tugon, napaisip din ako kung ano ang ginaya niya sa akin eh wala nga akong sagot.
"Totoong ginaya kita Ella. Ganito, basahin mo nga 'tong instruction," ipinakita niya sa akin ang last line ng instruction.
"If you know the answer then answer it perfectly. But if you don't then DON'T! Reminder: FOLLOW INSTRUCTIONS"
"O tapos?" Tanong ko nang wala paring nakukuha, nagmumukha na akong slow at bobo nito.
"Ganito, Hindi ba ang sabi if you KNOW the answer, then answer it perfectly. But if you DON'T then DON'T. Inisip ko kasi na GREEN type ang test na 'to kaya hindi natin kayang iperfect. At nakita kitang hindi sumasagot kaya hindi na rin ako sumagot. Napaisip din kasi ako na kailangan mag-follow ng instructions at dalawa lang ang instructions," he paused for effect then continued.
"Unang instruction ay, kung alam mo ang sagot dapat sumagot ka nang tama at perfect."
"Ang pangalawa namang instruction ay, kung hindi mo alam ang sagot ay huwag kang sumagot. Kaya 'di ko sinagutan ang test. At ang point ng test ay itest ang ability natin sa pag-follow ng instructions. And luckily tama tayo, nagfollow tayo ng instruction kaya tayo pumasa. Tama ho ba 'ko Dr. Mike?" Marahang tumango si sir bilang tugon.
Habang ako naman ay dahan-dahang naaabsorb ang lahat ng sinabi ni Flynn. Naiintindihan ko na, pumasa kami ni Flynn dahil hindi namin sinagutan ang papel. And we followed the instruction na kung hindi mo alam ang sagot ay huwag mong sagutan. Mabuti nalang at hindi ko sinagutan ang test paper. Kung 'di baka nahuli na ako na bobo ako.
"Amm. Sir pwede na ho ba akong magtanong?"
"Yes you can Ms. Stern. Ano 'yon?"
"Bakit po naging red ang cognitive type namin? Kayo po ba ang pumalit ng cognitive color namin?"
"Hindi Ms. Stern. Kayo ang gumagawa ng type niyo, all I did was record your test result then encode it. Nagulat nga ako at nag-level up agad ang cognitive color niyo."
"Bale, ganito kasi 'yan Ella." sabat ni Flynn kaya nilingon ko siya. "Tumaas ang lebel ng pag-iisip nating dalawa kaya nag-level up ng red ang utak natin. Ibig sabihin, tuwing tumataas ang talino natin ay nagbabago ang ranking natin. Noong hindi pa tayo gaanong matalino ay white pa ang cognitive color natin. Ngayon na tumaas na nang konti ang talino natin ay naging red na ito. Kuha mo?"
Tumango ako bilang sagot. Ibig sabihin tumaas ang talino ko dahil naging red ang cognitive color ko. Pero matalino na nga ba talaga ako?
"Sir Mike, may posibilidad po ba na maging white ulit kami?"
"Oo, pero malaki ang posibilidad na ma-green pa ang lebel ng pag-iisip niyo. Kaya pagsikapan niyong mag-progress ang talino niyo, lalo na sa'yo Ellizabeth."
"Bakit naman po?"
"Bibihira lang kasi ang mga batang tulad mo lalo pa't white ka pa pero nagawa mong i-hack ang system ni Professor Dizon at i-set ito as a bomb."
"Pero aksidente lang po 'yon sir," nahihiya ko pang sabi.
"Alam kong may tinatago kang talino Ella. Kaya hindi ako naniniwalang aksidente 'yon," sabi sa 'kin ni Flynn saka siya ngumiti.
Lumabas na kaming dalawa ni Flynn at dumiretso sa next class namin which is the omega class. Hanggang ngayon ay 'di parin ako makapaniwala na matalino ako. Kasi nga diba? Aksidente lang and lahat ng 'to.
Una sa gate, sabi nila Vanessa matalino ako dahil nasagutan ko in 20 seconds ang mga tanong sa gate. Pero alam ko na ang sagot dahil kay kuya Charles.
Pangalawa ay sa hacking system, sabi ni sir Mike matalino ako dahil naka-hack ako ng hindi pangkaraniwang bomba. Pero aksidente pa rin 'yon. 'Di ko nga alam kung paano ko ginawa iyon.
At pangatlo ay ang test ni sir Mike. Sabi ni sir Mike matalino ako dahil na-follow ko ang hidden instruction logically. Pero aksidente pa rin iyon dahil hindi ko naman kasi alam ang sagot kaya hindi ako sumagot.
Napabuntong hininga nalang ako sa naisip. Ano ba kasi 'tong pinasok ko?
I was then lost to my remedy because Vanessa bellowed distractingly.
"Hoy Ella! Ang lalim ng iniisip natin ah?"
"Wala, huwag mo nalang akong pansinin. Hehe," tsaka ako ngumiti.
"Wala ka diyan!"
"Tumahimik ka na nga Nessa, parating na si maam," suway ni Kiara kay Vanessa kaya tumahimik na lang ito at bumalik na sa upuan niya.
"Good Morning Class," greet ni ma'am sa amin saka may pinindot sa g-tech device niya. May bago na pala siyang device, balita ko kasi nasira 'yong isa. Hehe kasalanan ko na naman.
"Mabuti naman at magaling ka na Ms. Stern," sabi ni maam sa akin sabay ngiti. Nginitian ko na rin siya, medyo awkward pa rin para sa akin lalo pa't ako ang sumira ng device niya.
"I made teams for this class and each team consists of 3 members. And because we have a class total of 31 students, there will be 10 teams. Open your G-tech Device, I've sent you the list of the names of your group mates."
Binuksan ko ang device ko. Nang makita ko ang list ng names ay ngumiti ako nang malapad dahil sa nalaman. Nilingon ko sina Vanessa at Kiara at malapad din silang nakangiti sa akin.
Sobrang saya ko dahil sa lahat ng kaklase ko ay sina Vanessa at Kiara ang naging group mates ko. Nakita ko silang dalawa na naka-thumbs up.
"Wait, Ms. Stern, Ms. Lewis and Ms. Steele," sabi ni maam. Agad naman kaming nakinig sa kanya, baka kasi napansin niyang 'di na kami nakikinig sa sinasabi niya.
"Sa grupo niyo ay madadagdagan kayo ng isa dahil 31 kayong lahat dito at walang grupo ang isa sa inyo," sino naman kaya ang walang grupo?
"Mr. Collins, ilalagay kita sa grupo nila Ms. Stern. Kiara, Vanessa and Ellizabeth? Makakasama niyo sa grupo niyo si Flynn Collins. So I guess that settled everything."
Lumingon ako kay Flynn at ang lapad ng ngiti niya. Pati rin sina Vanessa at Kiara, ang saya naming apat dahil kami talaga ang nagka-group mates. Halata nga kina Kiara at Vanessa na gusto nilang lumundag dahil sa saya.
"Ma'am, excuse me po. Para saan po pala 'tong groupings na ito?" tanong ng kaklase ko.
"About that. That is your omega group para sa first mission niyo sa labas ng school."
"Ano po?" tanong naman ng isa ko pang kaklase.
"'Yan ang team ninyo sa first mission na iaasign ko sa inyo. So you must be prepared dahil bukas na magsisimula iyon."
What?
Bukas na ang first mission namin?
*****
Abangan ang first mission ni Ella kasama sina Flynn, Vanessa at Kiara. :))
Please vote and comment.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top