Chapter 10: Paralysis
Arch's POV
Dahil sa galit ko, hindi ko namalayan ang bilis ng mga galaw ko. Hindi na magawang magreact ang limang cranks sa harap ko dahil sa bilis ng mga atake ko. Magkakasabay silang umatake sa'kin ngunit wala itong epekto sa akin. Bawat atake nila ay eksperto kong naiilagan. At sa bawat atake nilang iyon, ay siya namang atake ko sa kanila.
Paikot kong sinipa ang lalaki sa dibdib at dahil sa lakas ng pagsipa kong ito, paatras siyang lumipad. Tumama ang kanyang likod sa pader na lumikha ng malutong na tunog, tunog ng bagay na bumalibag. Dilat ang mata ng lalaki nang malakas siyang bumagsak sa semento.
Napaatras ang dalawang cranks nang makita ang nangyari sa kasama nila. Hindi ko na sila binigyan ng pag-asa na makatakas kaya't isa-isa ko silang sinuntok sa sikmura. Napahiyaw sila dahil sa lakas ng pagkakatama ng kamao ko sa kanila.
Umigwas uli ako ng suntok at malakas itong tumama sa baba ng lalaki. Ramdam ko ang sakit sa kamao ko dahil sa lakas ng suntok ko ngunit 'di ko ito pinapansin dahil kinakain na ako ng galit ko.
Sumipa ang babae kaya mabilis akong umilag. Mabilis ang kanyang galaw kaya mabilis din ang aking pag-ilag at depensa sa lahat ng atake niya. Sumipa siya sa bandang tuhod ko, sa tiyan, sa ulo at sa bawat sulok ng aking katawan ngunit lahat ng atake niya'y naiilagan ko.
Pinapagod na ako ng babaeng 'to kaya mabilis kong hinila ang kanyang leeg at malakas siyang sinakal. Ginamit ko ang dalawang kamay ko para sakalin ang babae. At maya-maya pa'y hindi na siya nakaapak sa lapag habang sinasakal ko pa rin siya ng buong lakas.
Nakabuka na ang kanyang bibig at halos mawalan na siya ng ulirat dahil sa pagsakal ko sa kanya. Mahigpit din ang hawak niya sa aking kamao habang kinakapos na ng hininga.
Halos mawala na ako sa sarili dahil sa galit ko. Nakita ko ang babaeng 'to habang walang awa niyang pinagsisipa ang kapatid ko. Ngunit tila bumalik ako sa sarili ko nang marinig ko ang isang nanghihinang sigaw.
"T-tama na!"
Napatingin ako sa sumigaw at unti-unti nang lumuluwag ang pagkakasakal ko sa babae.
"Ella," saad ko at naramdaman ko nalang ang pag-init ng mata ko. Binalibag ko sa pader ang babae at mabilis na nilapitan si Ella na ngayo'y nakahiga pa rin sa lapag.
"E-Ella, a-ako 'to. Si kuya Arch mo. I'm so s-sorry," wala sa sarili kong saad at niyakap ko agad ang kapatid ko. Napapikit ako at naramdaman ko nalang ang bahagyang pagpatak ng nagbabantang luha.
"H-hindi kita kilala," mas lalo lang pumatak ang luha ko nang marinig ko siyang magsalita. Hindi dahil malungkot ako dahil hindi niya ako kilala. Lumuha ako sa saya ko.
Humiwalay ako sa pagkakayakap ko sa kapatid ko at nakita kong nakadilat na ang nanghihina niyang mata. Puno na rin ng dugo ang kanyang mukha. Puno rin ng pasa ito.
"Itatakas kita rito, sa susunod ko na ipapaliwanag ang lahat," kinarga ko siya na parang bagong kasal at isinandal siya sa pader. Nakaupo na siya ngayon at unti-unti ng nanunumbalik ang kanyang lakas. Hinubad ko ang jacket ko at pinampunas ko ito sa mga dugong nagkalat sa kanya.
"Wag kang mag-alala, nandito lang si kuya." Saad ko habang natatarantang nililinisan ang masaganang dugo sa kanya.
"S-salamat po sa pagligtas sa amin kuya. Ano pong pangalan niyo?" Tanong ng batang lalaki, bumalik ang galit ko sa mga cranks nang makita kong may mga galos at pasa rin ang bata. May dugo rin ang kanyang damit at namamaga rin ang kanang bahagi ng labi niya.
"Tawagin mo 'kong kuya, kuya Arch." Saad ko at nginitian ang bata. Nagpatuloy agad ako sa pagpupunas kay Ella at nakita ko nalang ang bahagyang paggalaw ng mata niya. Napangiwi pa siya dahil sa sakit.
"S-salamat," saad niya. Kapansin-pansin sa kanya ang iniindang sakit.
"Wag ka munang magsalita," tipid kong sabi.
"Ikaw! Sinampal mo ako kanina! Hyaaaa!" Napalingon ako sa bata, sa pagkakaalala ko Clark ang binanggit ni Dorth na pangalan niya.
Nilapitan ni Clark ang mga tulog na cranks at isa-isa itong sinisipa sa tagiliran. Wala naman itong epekto sa mga cranks dahil mahina ang sipa niya.
"Maghihiganti lang po ako kaya sorry," saad ng bata at sinipa ang cranks. Lumipat na naman siya sa isa pang cranks at nagsalita ulit.
"Para po ito kay ate Ella ko, hyaaaaaa!" Pinagsisipa niya ang cranks hanggang sa bumalik siya sa amin ni Ella na pawisan na.
"Hooooo! Napagod ako kuya!" Saad ng bata habang pinupunasan ang kanyang pawis gamit ang kanyang damit.
Napatigil ako sa ginagawa nang makarinig ako ng ingay. At nalaman kong mga cranks ito.
"Halika na Ella, nandito na sila. Kelangan mailabas na kita rito." Bubuhatin ko na sana siya pero bigla siyang nagsalita.
"K-kaya ko na," saad niya at dahan-dahang tumayo. Inalalayan ko na lamang ito. Nakaakbay siya sa akin at nakaalalay lang ako sa kanya habang naglalakad.
Paika-ika siya kung maglakad at mabagal ito. Nasa right side ko siya habang ang bata naman ay hinahawakan ang kanang kamay ni Ella.
May limang cranks ang sumalubong sa amin sa daan pero nagpatuloy lang kami sa paglalakad.
"K-kuya! Nandiyan na sila!" Sigaw ng bata pero patuloy pa rin kami sa paglalakad habang tumatakbo na ang cranks patungo sa amin. Umalingawngaw na rin ang mga ingay ng mga cranks.
"Ako'ng bahala, basta magpatuloy lang kayo sa paglalakad." Sumunod lang si Ella kahit nanghihina na ito.
"Dito lang kayo," saad ko at iniwan silang dalawa na nakatayo. Ginamit na lamang ni Ella ang bata bilang suporta sa pagtayo. Habang ang bata naman ay nahihirapan sa bigat nito.
"Go kuya! Yakang-yaka mo ang mga monsters na 'yan! Ako'ng bahala kay ate!" Sigaw ng bata kaya napasmirk nalang ako.
Tumakbo na ako at sinalubong ang papalapit na cranks. Sinakop ng ingay ang kabuuan ng maze. Hindi ako nagsayang ng oras kaya binilisan ko ang aking galaw. Sabay-sabay silang umatake ngunit nailagan at nadepensahan ko ang mga ito. Buong lakas kong sinuntok at sinipa ang bawat isa sa kanila kaya ilang minuto lang ay nakahandusay na ang limang cranks sa malamig na semento.
Mabilis kong binalikan si Ella at inalalayan agad ito sa paglalakad. Nakita ko pa ang nandidilat na singkit na mata ng bata at nakanganga pa ito. Napailing nalang ako.
May sumalubong na naman sa aming daan at sa oras na ito, hindi ko na mabilang ang dami nila. Hindi ko na hinintay na makalapit sila sa amin kaya patakbo ko na silang sinalubong.
Mabilis ang galaw ko kanina, pero mas mabilis na ito ngayon dahil sa dami ng cranks. Umalingawngaw sa kabuuan ng maze ang ingay ng yapak ng mga paa, sigaw, hiyaw at impit ng mga cranks.
Hindi ko sila hinahayaang makalapit kay Ella at sa bata kaya bawat cranks na lumalapit ay mabilis kong pinapatumba. Sunod-sunod sila sa pag-atake kaya sunod-sunod din ang mga napapatumba kong cranks. Tagaktak na ang pawis ko at nakakaramdam na ako ng pagod pero hindi pa rin nauubos ang mga cranks.
Bawat cranks na natatamaan ng suntok at at sipa ko ay diretsong napapaatras o kaya'y napapatumba. Patuloy pa rin ako sa mabilis na galaw at atake. Bawat atake nila'y mabilis kong naiilagan. Hanggang sa isang cranks nalang ang natitirang nakatayo.
"K-king! H-hindi ako lalaban hindi! Aaaaahhhhh!" Natatarantang saad ng lalaking cranks at mabilis na tumakbo habang sumisigaw pa ito dahil sa takot.
"Wahahahahahaha! Duwag! Hoy bumalik ka dito! Natatakot ka ba sa'kin?" Pilyong sigaw ni Clark habang nilalabas kuno ang kanyang muscle sa braso.
"Tara na." Sabi ko at inalalayan uli si Ella. Hinihingal din ako habang naglalakad kami at napansin ko namang napatingin sa akin si Ella.
"Kaya ko na po," inosenteng sabi niya at ibinaliktad ang posisyon namin. Ako na ngayon ang nakaakbay sa kanya. Umiwas ako ng tingin saka lihim na napangiti.
"Kuya Arch ang itawag mo sa'kin," nangunot naman ang noo niya at natahimik. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Ilang lakad pa ang ginawa namin. Nadaanan pa namin ang mga sugatang cranks na nakalaban ko kanina. Mabuti nalang at naaalala ko pa ang daan palabas.
Tinungo ko na sana ang pinto ngunit bigla nalang itong pabagsak na bumukas.
"Albert, iwan mo si Ella. Sinisira mo lang ang plano ni Black." Sabi ng lalaking nasa harap namin ngayon, may iba pa siyang kasama sa likuran niya.
"So ikaw nga talaga ang traydor," saad ko at tumingin sa mga kasama nito sa likod. "At nagdala kapa ng kasama ha."
"Hindi mo alam ang ginagawa mo Albert, kung ako sa'yo sumuko ka nalang." Kalmadong sabi ng lalaki sa harap namin. Napasmirk lang ako sa kanya.
"Ano ba ang kinatatakutan mo kay Black at ganoon na lang ang pagsunod mo sa lahat ng utos niya?" Tanong ko kanya pero 'di niya ito pinansin.
"Kung ayaw mong sumunod mapipilitan akong kalabanin ka Albert," sabi niya at bahagyang napakuyom.
"Alam mong wala kang laban sa'kin," kalmadong saad ko pero may diin ang pagkakasabi ko nito.
Palakad na siyang lumapit sa akin at hinintay ko lang ang pag-atake niya.
Ella's POV
Kanina'y nanghihina ako pero ngayo'y unti-unti nang bumabalik ang lakas ko dahil nakakaya ko ng tumayo sa sarili ko. Kinakabahan ako para sa lalaking nagligtas sa amin ni Clark. Akala ko'y makakatakas na kami pero dumating pa 'tong mga asungot na 'to. Manghang-mangha rin ako sa lalaking 'to. Ang bilis at ang galing niya sa pakikipaglaban. Dinaig pa si Jet Li.
"Alam mong wala kang laban sa'kin," sabi ni ewan, hindi ko matandaan ang pangalan na sinabi niya.
"Ate, baka mapahamak si kuya Arch. Ang daming bad guys oh," sabi ni clark na ngayo'y mahigpit na nakahawak sa kanang kamay ko. So Arch pala ang pangalan ng lalaki.
"Magiging okey siya," at pagkasabi ko ng ganoon ay nagsimula na sila sa labanan. Nagulat ako sa aking nakikita ngayon. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong klaseng labanan.
Masyadong mabilis ang mga galaw nilang dalawa na halos hindi na ito masabayan ng mga mata ko. Umalingawngaw lang sa paligid ang ingay ng kanilang labanan. Umatras din kami ni Clark sa malayo dahil alam kong matatamaan lang kami.
Hindi nagpapatalo sa bilis ang dalawang lalaki, bawat atake ng lalaki ay mabilis na naiilagan ni Arch. Hindi ko masyadong makita ang detalye ng kanilang labanan dahil sa bilis nito. Ngunit isa lang ang sigurado ako, lamang si Arch sa labanan.
Magkasing bilis lang si Arch at ng kanyang kalaban ngunit natatamaan naman ito ni Arch. Iyong ibang suntok at sipa nila ay tumatama lang sa pader at kadalasan ay sa hangin.
Hanggang sa sunod-sunod na natamaan ni Arch ang kanyang kaaway. Sinipa niya ang lalaki sa sikmura kaya napaatras ito. Sinundan niya agad ng suntok ang lalaki kaya tumalsik ang dugo mula sa bibig nito. Hindi pa nakuntento si Arch kaya tumalon siya sa ere at habang hindi pa siya bumabagsak ay malakas niya agad sinipa sa baba ang lalaki.
Bumalibag ang lalaki sa pinto. Duguan na ang mukha niya at marumi na ang puting suot nito. Mabilis na lumapit si Arch para sipain na naman ang lalaki ngunit bigla nalang itong sumigaw.
"NGAYON NA!!!" Umalingawngaw sa paligid ang kanyang sigaw at natulala nalang ako sa sunod na nangyari.
Nagpalabas ng parang baril ang isa sa kasama ng lalaki at pinaputok ito kay Arch. Masyadong mabilis ang pangyayari at sunod ko nalang nalaman ay nakahandusay na sa lapag si Arch.
"Kuya!" Nag-echo ang sigaw ni Clark na siyang nagdala ng takot sa akin. Mabilis kaming napadapa ni Clark sa harap ni Arch. Natataranta kong hinawakan ang magkabilang balikat ni Arch. Pigil ang iyak ko, naramdaman ko ring uminit na ang mata ko, senyales ng nagbabantang luha. Hindi ko alam kung bakit naiiyak ako. Kakaiba ang pakiramdam ko sa lalaking 'to, na parang matagal na kaming magkakilala.
Niligtas niya ako pero hindi ko man lang magawang suklian siya. Natamaan lang siya sa kanang braso pero bakit ganito ang epekto sa kanya ng bala?
"Hindi basta-basta bullet ang tumama sa'yo Albert, isang bullet na may kasamang lason. Kapag tinamaan ka, mabilis na kakalat ang lason sa buong katawan mo na magiging dahilan ng iyong kamatayan." Napakuyom nalang ako sa narinig. Nanginginig na rin ako sa pag-aalala.
"E-ella, ako si Arch, a-ang kuya mo. Nice meeting you. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka ni kuya," hindi na natuloy ang sinabi ni Arch dahil sumuka na ito ng maraming dugo at dahan-dahang napapikit. Niyugyog ko siya pero ayaw na niyang gumalaw kaya napahagulhol na ako sa iyak.
"Hindi mo dapat iniiyakan ang lalaking 'yan Ella. Isa kang napakahalagang bahagi ng plano kaya't hindi ka dapat masayang." Napakuyom nalang ako at mabilis na tumayo. Walang anu-ano'y malakas ko siyang sinuntok sa mukha. Nagbago ang ekpresyon ng mukha niya at nakita ko na lang ang pagtulo ng dugo sa kanyang ilong.
Dahil sa inis ay malakas niya akong sinampal gamit ang likod ng palad niya. Dahil sa lakas ng sampal niya'y napahandusay ako sa semento. Narinig kong sinigaw ni Clark ang aking pangalan at patakbong lumapit ito sa akin.
Ramdam ko ang sakit ngunit pinilit ko pa ring tumayo. Pero huli na ang lahat dahil nakatutok na ang baril niya sa akin at agad itong pinaputok.
Diretso akong napahiga sa lapag dahil sa sakit at ramdam ko ang pagtama ng bala sa binti ko. Unti-unti ko ring naramdamang naninigas ang aking buong katawan.
"Wag kang mag-alala. Hindi ka mamamatay sa balang 'yan. It will only put you into paralysis. Apparently ten minutes kang mapaparalyze. Kaya pahinga ka muna," saad ng lalaki at nagsimula ng umalis. Pero napatigil siya sa paglalakad at may pahabol na sinabi.
"Oh, and by the way. This is not the way out of the maze. You should solve its puzzle inorder to get out of this maze. Good luck."
Hindi ko na magawang igalaw ang buong katawan ko. Ang alam ko lang ay hinihila na nila si Arch palabas ng maze hanggang sa padabog na sumara ang pinto.
"Ate, ate?" Naririnig kong paulit-ulit na banggit ni Clark habang niyuyogyog ako.
Paulit-ulit na nag-echo sa utak ko ang huling sinabi ni Arch bago siya mamatay. At napaluha nalang ako.
Ako ang kuya mo.
Ako ang kuya mo.
Ako ang kuya mo.
*****
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top