Chapter 1: Kidnapped

Chapter 1: Kidnapped

Ella's Point of View

"I guess that's it then. Kayo na'ng bahala sa iba," tumingin si kuya Arch sa paligid. "Gally and I will get the van ready." Tumango kami saka umalis si kuya Arch at kuya Gally.

Sinundan ko ng tingin ang dalawang kuya ko habang naglalakad palayo. Napapasulyap ang mga taong nadadaanan o nakakasalubong nila rito sa mall.

Nasa mall kasi kami ngayon at katatapos lang ng mission namin na kasama ang tatlong kings at queen ng Blue Moon High. Sa lahat ng mission namin, ito iyong pinakamahirap at pinakanag-enjoy kami.

Mahirap ang mission pero kinaya namin dahil kasama naman namin ang mga kapatid ko. At ako siguro iyong pinakanag-enjoy sa amin dahil nga kasama ko sila.

"Ella, nakita mo iyong ginawa ko kanina?" pagmamayabang ni kuya Charles habang sinusuntok ang hangin. Pinagtitinginan na nga siya ng mga taong dumadaan dito. Una siguro dahil gwapo siya. Pangalawa, gwapo siya pero baliw nga lang. "Ha? Ang galing ko 'diba? Ha? Ubos lahat sila."

Hindi kasi sumunod sa plano si kuya Charles. Sumugod siya sa base ng kalaban ng hindi naaayon sa plano. Bago pa kami makapasok ay inubos na niya lahat ng bantay. Kaya nasira lahat ng plano.

"Magaling ka na, pero hindi mo parin sinunod ang plano," sabi ko sa kanya kaya siya napatigil.

"I agree," dagdag ni Dorothy. "Muntik nang pumalpak ang plano. Buti nalang nakaisip ng paraan si kuya Arch."

"Si kuya Arch na naman ang bida?" reklamo ni kuya Charles. "Eh 'diba ako nga bida rito?"

Maraming tao sa loob ng Mall at ang lively pa ng paligid. Halos mapuno na rin ang mga tao sa elevator at escalator. Napansin kong nawala sa tabi ko si Clark. Agad kong inilibot ang paningin ko.

Matataranta na sana ako nang makita ko si Clark kasama ang ibang MBA bata. Nakaharap sila sa isang naka-mascot na barney. Manghang-mangha pa ang ibang mga bata sa kaharap na barney.

"Alam n'yo, Barney is popularly known as a type of dinosaur, called tyrannosaurus rex." hindi gaanong malayo si Clark kaya rinig ko ang mga pinagsasabi niya sa kasamang mga bata. Nakikinig naman ang mga bata na parang naiintindihan nila pinagsasabi ni Clark. "Pero may mga arguments din na Barney is not actually a dinosaur but a dragon. Kasi 'diba dinosaurs and dragons ay parehong large reptiles---"

"Bibili lang kami ng makakain natin sa biyahe," singit ni Kezia nang nakangiti.

"Sino kasama mo?" tanong ni Vanessa.

"Si Max," agad na sagot ni Kezia habang tinuturo si Max.

"Ako? Gusto mo lang yatang makasama ako, eh," panunukso naman ni Max kaya napairap si Kezia.

"Yes, gusto kitang makasama dahil kailangan ko ng tagabuhat. And I believe you're perfect for that role," napanganga si Max sa narinig kay Kezia. Hanggang ngayon ay parang aso at pusa parin ang dalawa.

"Sasama rin ako sa inyo," Kiara represented.

"Ako, sasama. Mas mabilis pag marami tayo," tumango kami sa sinabi ni Gab.

"Madiskarte rin itong si Gab, gusto lang magkapoints kay Kiara," pabirong hinampas ni Kiara si Vanessa dahil sa sinabi nito. "Namula naman itong si Kiara," dagdag pa ni Vanessa.

Parang wala lang kay Gab ang biro ni Vanessa at ngumiti lang ito.

Napansin kong tahimik lang sa tabi ko si Flynn. Napatingin ako sa kanya.

"Ikaw Flynn? Sa'n ka?" tanong ko kay Flynn dahil kaming dalawa lang ang tahimik dito.

"Sa'yo ako," tipid niyang sabi at biglang namula. "I mean, s-sa'yo ako sasama. Sasabay ka sa kanila 'diba?" ngumiti nalang ako dahil nakaramdam ako ng ibang atmosphere.

"Ganito nalang, tayong lahat nalang bibili ng makakain natin," kuya Charles suggested. Dorothy was quick to react.

"Uh-uh, not me. May iba pa akong bibilhin," pinasok ni Dorothy ang hawak na g-tech sa bulsa. "Kita nalang tayo mamaya." Saka siya umalis.

Kuya Chalres smirked. "Panigurado bibili na naman ng mga make up iyon."

"Ate," napatingin ako kay Clark na ngayon ay nasa tabi ko na. Nakatingala siya sa akin at nagpapacute. "Bili tayo ng ice cream, pleaaaase. May nakita po ako sa labas kanina."

"So ano? Tayo na?" tanong ni kuya Charles at saktong nakatingin siya kay Vanessa.

"T-tayo na?" nag-iwas ng tingin si Vanessa at namula ito. "Ang bilis naman ata? S-sige."

"Okay sige tara na," excited na sabi ni kuya Charles na parang siya ang pinakabata sa grupo namin.

"Kayo nalang, nagpapabili ng ice cream itong si Clark," nagtatalon naman si Clark sa narinig. Tumango naman sila. Inilabas ni kuya Charles ang wallet mula sa kanyang bulsa at tinapon ito sa akin. Sinalo ko naman ang wallet niya.

"Use that, alam kong mahirap ka lang," tipid niyang saad.

"Samahan ko na kayo Ella," Flynn offered. Mabilis na nakalapit si kuya Charles at inakbayan si Flynn.

"Ooops! Nandito na ang bakod," nakangisi si kuya Charles habang nakaakbay kay Flynn. Halata sa mukha ni Flynn ang disappointment. "Sige na Ella, ako nang bahala kay Flynn. Ang bilis nitong batang 'to eh." Ngumiti nalang ako saka ko hinawakan sa wrist si Clark.

Ngumisi si Clark saka kami lumabas ng Mall.

Biglang nagvibrate ang g-tech device ko noong nasa labas na kami ng Mall. I fished it out and found a message from Flynn.

Flynn Collins

Ella, alam kong hindi mo 'to alam.

Pero simula last week boyfriend mo na ako. But I wll surely court you.

Kailangan ko muna pumasa sa mga kuya mo.

Liligawan kita.

Noong una ay kumunot ang noo ko. Napangiti nalang ako na parang ewan habang umiiling.

"Ba't ka nakangiti ate Ella?" inosenteng tanong ni Clark. "Are you happy na bibili tayo ng ice cream? Ako masaya ko!"

Hindi naman kami natagalan sa paghahanap ng ice cream. Mainit at nakakasilaw ang araw sa labas ng mall, around 10:00AM na kasi. Sa labas ay may mga round table. At bawat table ay may malaking payong na nakatayo sa gitna.

Gaya sa loob ng mall ay marami ring tao sa labas. Maririnig ang mga busina ng kotse at mga usapan ng mga tao.

"Ate hurry!" patakbo akong kinaladkad ni Clark patungo sa ice cream stand. Doon ay may nadatnan kaming bata na parang kasing-edad lang ni Clark. Parang pinapagalitan siya ng lalaking nagbabantay sa ice cream stand.

"Ano ba bata? Asan na ba ang mga kasama mo? Apat na cone na nakakain mo hindi ka pa nagbabayad."

"Bayad? Anong bayad? Sa amin nga libre naman po ang chocolate ice cream kahit ilan kainin mo," sagot ng bata at nagpatuloy sa ice cream nito. "Tsaka gusto ko pa po isa."

"Gusto mo pang isa? Gusto mo upakan kita? Malulugi ako sa'yo. Asan na ba kasi magulang mo?"

"Excuse me po," sabat ko sa nagbabantay. "Ako nalang po magbabayad ng ice cream ng bata." Noong una ay nagdalawang isip pa ang lalake pero sa huli ay hinayaan naman niya ako.

"Ako si Clark, anong pangalan mo?" sinimulang kainin ng bata ang ice cream niya.

"Trunks. Ako si Trunks," medyo marumi na ang kamay ng bata dahil sa ice cream.

"Eto naman si ate Ella ko," ngumti ako sa batang nagngangalang Trunks daw.

"Hello po," ngumiti nang matamis ang bata. Naku dalawang cute na ang kaharap ko. Nagpatuloy lang sa pag-uusap si Clark at Trunks.

Naghanap ako ng table na malapit lang sa dalawang bata. Sinabi ko rin kay Clark na doon lang ako tatambay para alam niya. Mukhang hindi pa kami makakaalis dahil madaldal din ang kausap ni Clark. Nakatayo lang silang dalawa sa gilid ng ice cream stand habang patuloy sa kung anong topic nila.

Sa round table na tinungo ko ay may nakaupo nang magandang babae. Mag-isa lang siya na tila naiinip na sa kahihintay.

"Excuse me, pwedeng makishare?" she raised her eyebrow as if asking who I am.

"Hindi ko naman pagmamay-ari ito kaya sige," sabi niya at inirapan ako. Nagcross-arms siya at tumingin sa paligid. Ngumiti nalang ako nang pilit at umupo. Nakakahiya naman, mukhang bad mood itong babae.

"Ang tagal naman ng Ada na 'yon," iritable niyang bulong sa sarili.

Napatingin ulit ako kay Clark, nag-uusap parin sila ng bagong kakilala niyang si Trunks. Malapad ang ngiti ng dalawa habang nag-uusap.

May napansin akong lalake, nakasuot ito nang itim na cap. He is kind of suspicious. Kanina pa siya nakatayo malapit sa stand ng ice cream.

Mainit ang paligid kaya ang probability na may hinihintay siyang kasama ay 5% lang.

May babaeng tumatakbo papalapit sa amin. Nakasuot ito ng glasses. Humihingal pa ito noong tumigil sa harapan ng kaharap kong babae. Nakikita ko si Kiara sa kanya.

"Freya, sorry natagalan ako. Marami kasing tao sa CR," nalaman ko na Freya pala ang babaeng kaharap ko ngayon. And I assume na Ada ang pangalan ng babaeng nakaglasses since siya naman itong kararating lang at hinihintay ng Freya.

"Trunks!" tawag ni Freya at napatingin sa direksyon nila Clark.

"Okay po!"

What a coincidence! Magkasama pala itong si Trunks at Freya. Pero ba't parang hinayaan niya lang ang bata kanina?

"Sige Clark, aalis na kami---" it all happened in just a blink of an eye.

May biglang sumabog na tila putok ng baril, sinundan pa ito ng tatlong putok kaya biglang nagkagulo ang mga tao. Kanya-kanyang takbo ang mga tao sa paligid. Sinasabayan pa ito ng kanilang pagsigaw.

Agad kong hinanap si Clark. Nandilat ang mata ko nang makitang may kumakaladkad kay Clark pati na rin sa batang si Trunks.

"Clark! Sigaw ko," bigla ring naalerto ang babaeng si Freya at Ada.

"Bitawan niyo 'ko! Ateeeeeeee!!!! Waaaaaahhhhh!" sigaw ni Clark at nagsimulang umiyak. Habang ang batang si Trunks naman ay kalmado lang na kumakain ng ice cream na tila hinahayaan niya lang na madukot sila.

"Iyong ice cream ko!" galit na sigaw ni Trunks at hirap na dinilaan ang ice cream niya.

May nakita akong bote ng 12 ounce na coke. Kinuha ko ito sa mesa at tinapon sa itaas. Habang nasa ere pa ang bote, kalevel ng eyesight ko, tumalon ako at sinipa ang bote.

Lumipad ang bote at tumama sa ulo ng lalake kaya nabitawan niya ang dalawang bata. Agad akong tumakbo palapit sa dalawang bata. Napansin ko rin sina Freya at Ada.

Tatakbo na sana sina Clark nang may dumating na tatlong lalake at hinawakan sila sa braso.

Noong nakalapit ako, sinipa ko agad sa sikmura ang isang lalake kaya siya napaatras. Sakto namang nasa likod niya si Freya. Agad na sinuntok ni Freya sa mukha ang lalake at sinundan ito ng dalawang sampal sa mukha.

I smiled, this Freya can fight!

Agad kong hinarap ang dalawa pang lalake. Bumunot sila ng baril at itinutok ito sa akin. Wala akong nagawa kundi ang itaas ang mga kamay ko.

Ngumiti ang dalawang lalake.

"Astig 'tong chika babes na 'to, ah," sabi ng kaharap kong mukhang manyakis na lalake at nilapitan ako. I smirked and then reached for his wrist. I twisted his wrist which made him shout in agony.

Napaluhod ang lalake at nabitawan niya ang hawak na baril. Nandilat ang isa pang lalake at nanginginig na tinutukan ako ng baril.

Hindi pa tuluyang bumagsak sa lapag ang baril. Sinipa ko ito saka ko sinalo ang baril gamit ang bakante kong kamay.

Ngumiti ako at mabilis na tinapon ang baril, tumama ang dulo ng baril sa mukha ng lalake kaya diretso itong bumagsak at nakatulog.

Binitawan ko ang nakaluhod na lalake. Napapaimpit sa sakit habang nakatingin sa kanyang kamay. Hinanap ko agad si Clark at lubha akong nadismaya sa nakita.

"Ate," tawag sa akin ni Clark. May limang lalake ang nakahuli sa kanila ni Trunks at may nakatutok pang baril.

Naramdaman kong may nakatutok na baril sa likod ng ulo ko.

"Ang angas mo ah?" bulong na sabi ng lalaking nasa likuran ko.

Nakita ko sa gilid ng mata ko na may baril din na nakatutok kay Ada at Freya.

"Wag mo nang subukang tumakas, kundi sabog ang ulo ng mga bata, pati 'yang dalawang kasama mo." Kaya kong patumbahin ang lalaking nasa likuran ko. Pero baka kung ano pa ang mangyari sa mga kasama ko.

Wala akong nagawa kundi ang magtaas ng kamay.

May biglang dumating na van at doon ay pinilit nila kaming pumasok.

***

Sa loob ng van ay iyak nang iyak si Clark. Magkatabi kami ni Freya at Ada at magkatabi naman sa harapan namin ang dalawang bata na si Trunks at Clark.

"Huwag kanang umiyak Clark," pagpapatahan ni Trunks. Unlike clark, Trunks is relax and calm. Na parang hindi niya alam na nasa peligro ang buhay namin. "Lalake tayo Clark, and real men don't cry like a baby. You're like a baby."

"Hindi ako baby!" sigaw ni Clark at medyo tumahan na.

"Pero umiiyak ka, huwag ka nang matakot."

"Hindi naman ako natatakot, eh." Tumigil na sa pag-iyak si Clark. "Iyong ice cream ko kasi, nahulog kanina. Hindi ko pa nauubos." Humikbi si Clark.

"Tsaka hindi naman sila nakakatakot eh," Clark added. "Mas nakakatakot pa nga 'yong mga monster na Cranks sa amin. Mga zombie sila."

"Oh? Mas zombie sa inyo?" Trunks exclaimed. "Nakakatakot ba mukha nila?"

"Oo, ang pangit nila."

"Woooow!" Trunks couldn't hide his excitement. "Sa amin meron kaming Lost shadow tsaka Claws sa Peritia Academy! Mga pangit din gaya ng mga kumidnap sa'tin!"

"Pffft!" rinig kong pigil ng lalakeng nagmamaneho. Nakita ko ang mukha niya sa rearview mirror. Parang magkasing edad lang kami.

"May nakakatawa ba, Gin?" seryosong tanong ng lalaking nasa front seat.

"Sorry po," sagot naman ng lalaking Gin daw ang pangalan. Ang mga lalaking nakaupo sa likuran namin ay nakatutuok ang baril sa likod ng ulo namin.

"Pwede bang ibaba n'yo 'yang baril n'yo?" iritableng saad ni Freya. "As if naman makakatakas kami." Hindi nila pinansin si Freya kaya napairap nalang siya.

"Ikaw, anong pangalan mo?" tanong ni Freya sa'kin.

"Ella," I casually answered.

"Ako si Freya," ngumiti siya. "And this is Ada. By the way, magaling ka ha."

"Thank you?" I wasn't sure why she's being casual and talks like we're not in danger.

Hindi rin naman ako natatakot. Naaawa pa ako sa mga kumidnap sa'min at baka kung anong gawin nila kuya pag nalaman nila ito. Kaya kailangan kaming makatakas bago pa malaman nila kuya ang nangyari. Pero sa mga oras na ito mukhang alam na nila ang kalagayan namin ni Clark.

Maya-maya pa ay biglang nagvibrate ang g-tech ko. Napansin ng lalakeng may tumatawag nga sa akin. Sinabi niya na sagutin ko raw para makahingi raw siya ng pera kapalit ng buhay namin.

Sa oras na sinagot ko ang g-tech ay lumabas sa screen ang malaking mukha ni Vanessa.

"HI EVERYTHING!!!" Sigaw ni Vanessa, muntik na akong napatawa sa kanya. Nagkatinginan ang mga lalake sa loob ng van. Inilayo ni vanessa ang camera at nakita ko ang mga kasama ko. Nasa labas na sila ng mall. "Guys! Nandito na si Ella! Hahaha, kinidnap!"

"Ella okay ka lang ba?" sigaw na tanong ni Flynn. Inagaw ni kuya Charles ang g-tech mula kay Vanessa.

"Akin na nga 'yan!" inilapit ni Charles ang mukha niya kaya sinakop ng mukha niya ang buong screen. "Ella! Nakikita mo ako?! Ang gwapo ko 'no?!" May biglang umagaw ng g-tech mula kay kuya Charles.

"Ella," si kuya Arch naman ngayon ang nasa screen. Patalon-talon si kuya Charles habang kumakaway sa likuran ni kuya Arch. Habang medyo busy naman ang iba. "Ayos ka lang ba? Ililigtas kita."

"Hindi Ella ako liligtas sa'yo!" sigaw ni kuya Charles sa kabilang linya at parang inaagaw pa ang g-tech kay kuya Arch.

"Ella, pakibigay ng g-tech sa leader nila," narinig ito ng lalaking nasa harapan kaya agad niya itong ipinakuha. Ibinigay ko naman ito ng kusa.

"Ella, 'wag mong ubusin ha! Magtira ka ng bubugbugin namin! Aray ko, ano ba Kezia!" sigaw naman ni Max.

"Shut up, guys! Can't you take this seriously?" rinig kong boses ni Dorothy.

"Mga kaibigan mo sila?" hindi makapaniwalang tanong ni Ada. I awkwardly nodded.

Pati ako nahihiya para sa mga kaibigan ko.

"Kung sino man ang leader sa inyo, please listen," nagsimulang magsalita si kuya Arch. Nasa lalaking nakaupo sa front seat na ang g-tech ko. "This is not a bluff, we already know kung saan kayo pupunta. But we recommend to please proceed. Pupunta kami at babawiin namin si Ella at Clark. Hindi na kami kailangan ni Ella para iligtas siya. Kaya niyang patumbahin kayong lahat...." Biglang natahimik si kuya Arch.

"But she's our precious sister. At hindi namin hahayaang may mangyaring masama sa kanya."

***




How's chapter 1? Namiss n'yo ba sila?

Sana nag-enjoy kayo!

God bless!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top