Bloody Victim (OneShot)
Naglalakad ako sa may eskinita na daanan papunta sa bahay namin, medyo ginabi na nga ako umuwi .
May pa groupings groupings pa kasing nalalaman. College na, may ganun pa? Well, para din naman yun sa pag-aaral. Hayaan na.
Nakakapagtaka naman, ang dilim. Patay na yung mga street lights. Tinignan ko ung relo ko, alas-diyes na ng gabi.
May nakita akong mga nagiinuman dun sa dulo ng eskinita. Sa totoo lang nakaramdam ako ng takot. Mukha kasing lasing na lasing na talaga sila. But no choice, dadaan at dadaan ako dun.
Malapit na ko sa kanila, napansin pa ako ng isa.
"Huy sexy! Missh, taghay muna bago ka lumagpas." yumuko lang ako diretso sa paglakad pero hinarang ako nung isang kasamahan nito. Takot na takot ako.
"Missh sexy, masyado ka namang nagmamadali. Ayaw mo bang maligayahan?" kinilabutan ako sa sinabi niya. Nanginginig na ang tuhod at kamay mo sa takot.
Napatingin sila sa gawing likod ko, bigla silang sumigaw at nagtakbuhan. Gulat pa din ako sa nangyari. May humawak sa braso ko, nagulat ako at napasigaw. Napatingin ako sa likod ko.
Medyo kinilabutan ako, nasa harap ko kasi ang isang babae na maganda, maputi, at balingkinitan ang pangangatawan, naka itim syang blusa at palda.
Ngumiti siya sakin pero hindi umabot sa kanyang mga mata. Nagsalit sya at lalong nadagdagan ang pagtaas ng mga balahibo ko.
"Miss, umuwi ka na. Delikado dito. Madilim pa. Alam mo bang may krimeng nangyari dun sa kabilang kanto? may babae dung ginahasa."
Sobrang lamig ng tinig niya. Bago pa ko makapagsalita, tumalikod na siya.
Kinabukasan, papasok na ko ng school. Naglalakad ako, sa may kabilang kanto pa ung sasakyan ng jeep. Nung papunta na ko dun,may nadaananakong burol. May matandang babae na iyak ng iyak. Hindi ko alam, pero kinilabutan nanaman ako. Ayoko sanang tignan, pero hindi ko alam kung anu ung humahatak sakin para tignan un.
Paglingon ko andun ung babaeng nakita at tumulong sakin kagabi. Kumakaway siya sakin. Nginitian ko sya at kumaway din ako.
Napatingin ako sa gilid niya.... Nabato ako sa aking kinatatayuan. At eto, mas lalo akong kinilabutan at pinagpawisan nanaman ako ng malamig. Ung larawan na nasa ibabaw ng kabaong...
.
.
.
.
Siya ung babaeng nagligtas sakin, siya ung babaeng kumaway sakin.
Tumingin ulit ako sa gawi niya. Hindi ko namalayan na tumutulo na yung luha ko.
Nakatayo pa din siya sa gilid ng kabaong. May magulong buhok, madumi at puro galos at pasa ang katawan. Sira sira ang damit. May dugong umaagos sa ulo niya pati na rin sa may tiyan nya.
Nakita ko ang pagmamakaawa sa mga mata nya, ang paghingi ng hustisya, at ang sakit sa kinahantungan ng kanyang buhay.
Napapikit ako, pagbukas ng mata ko......
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nakita ko ang babaeng iyun sa harapan ko, tumatawa. Hindi ako makahinga. Hindi ako makalabas. Sigaw ako na sigaw...
Pero walang makapansin sakin.
Dahil nasa loob ako ng kabaong......
(c) Eilramisu
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top