Bloody Station
Bloody Station
Marahan kong sinuntok suntok ang batok ko. Masyadong maraming ginawa ngayon sa office. Nagpakawala ako ng malalim na hininga, tsaka tumunog ang elevator na sinasakyan koㅡhudyat na nasa ground floor na ako.
Hinawakan kong mahigpit ang sling bag ko habang naglalakad. Pagod na pagod ako. Gusto ko nalang humiga sa kama ngayon at matulog.
Pinatunog ko ang aking sasakyan. Nadatnan ko pa si Vince na nasa harap ng kanyang sasakyan. Nginitian ko siya. Pinatong ko ang dala kong tumbler sa tuktok ng aking sasakyan.
"New car?" tanong ko, "Nice."
"Yup!" sagot niya tsaka tinuro ang BMW kong sasakyan, "Mas astig sasakyan mo."
Nagtawanan kami sa aming kalokohan. Nagpaalam ako sa kanyang mauuna na akong umuwi.
Alas diez palang ng gabi pero sobrang dilim na sa dinadaanan ko. Napatingin ako sa linya ng gas at napamura ako nang makita na iisang linya nalang iyon.
Maagap akong naghanap ng gas station. Normal lang sa lugar na ito na kaunti lang ang dumadaan kahit na hindi pa masyadong gabi.
Dumiretso ako sa gas station na madalas kong puntahan. Tanging ilaw lamang mula sa sasakyan ko ang naging gabay ko sa daanan.
"Himala at walang kahit isang sasakyan ang dumadaan ngayon dito," bulong ko habang nakakunot ang aking noo.
Short-cut kasi iyon ngunit dati ay may isa o dalawang sasakyan ang nakakasabayan ko. Ngayon ay wala talaga. Wala pang street lights kaya medyo nakakatakot dito.
Niliko ko ang daan para pumasok sa loob ng gas station ang sasakyan ko. Akmang magsasalita na sana ako ngunit wala iyong binatang lalaki na madalas duty tuwing ganitong oras. Bukas ang ilaw ngunit halatang wala ni-isang tao ang narito.
Kung pupunta naman ako sa susunod na gas station ay baka maubos na ang gas ko. 3 kilometers ang layo no'n dito.
Bumaba ako ng sasakyan. Halos mabingi ako sa sobrang tahimik ng lugar. Tanging huni ng iba't ibang hayop ang naririnig ko.
"Kuya Ben!" tawag ko sa security na madalas akong biruin tuwing nagpapagas ako.
Dahan dahan akong naglakad papunta sa cashier. Lumingon lingon pa ako sa likod ko dahil pakiramdam ko ay may sumusunod sa akin ngunit wala naman. Umihip ang malakas na hangin kaya napayakap ako sa sarili ko.
"Is anybody here?" tanong ko. Hindi iyon malakas ngunit nagecho sa buong gas station.
Hinawakan ko ang bintana ng cashier dahil bukas ang ilaw doon at nagbabaka sakaling may tao roon. Tumingkayad ako para silipin kung may tao.
"AHHHHHH!" I shout in horror.
I saw bodies... bathing in a pool of blood.
Nabitawan ko ang hinahawakan kong bintana at napaupo ako sa sahig. Hindi ko magawang tumayo para tumakbo dahil nanghihina ang tuhod ko. Nagslide ako patalikod para manlang makalayo.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nanginginig ang buong katawan ko at wala akong magawa kundi nagtakip na lamang ng bibig. Should I call the police? Ano ba! Pakiramdam ko ay nawawala na ako sa katinuan.
Kitang kita ko ang nakamulat nilang mga mata habang nakanganga na parang biglaan ang pagkakapatay sa kanila. Hindi ko alam kung binaril ba sila, sinaksak o ano 'cause all I could see was blood. Full of blood.
Lumingon lingon ako sa paligid para maghanap ng tao ngunit wala. Napapaligiran ako ng mga damo, puno. In short, nasa kalagitnaan ako ng bukid. Kahit na alam kong ganito ang dinadaanan ko gabi-gabi ay hindi ko alintana ang takot. Pero ngayon, ramdam na ramdam ko ang takot.
Lumunok ako dahil pakiramdam ko ay mauubusan na ako ng tubig sa katawan. Pumikit ako ng mariin ngunit agad ding napamulat dahil ang mata ng babaeng cashier at ang ibang employee ang nakikita ko. Hingal na hingal ako na parang ilang kilometro ang tinakbo ko sa sobrang pagod.
Para akong iniwan ng puso ko at tumalon kung saan nang biglang may humawak sa balikat ko. Mahigpit ang pagkakahawak niya roon at naramdaman ko ang lamig ng kanyang kamay. Sisigaw sana ako ngunit mabilis kong nakilala kung sino iyon.
"Ma'am, ano hong ginagawa niyo?"
Nagulat siya nang makita akong punong puno ng pawis at takot na takot. Biglang sumulpot ang binatang gasoline boy na hindi ko alam kung saan galing. Hawak pa rin ni Kuya Ben ang balikat ko.
"Anong nangyayari sa iyo, hija?" ulit na tanong niya.
"M-manong..." lumunok akong muli. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila ang nakita ko. Natatakot ako sa nakita ko at natatakot akong mapagbintangan.
"Magga-gas ho ba kayo?" tanong ng binatang gasoline boy habang hawak ang hose.
"M-may... D-dugo..." utal utal kong sabi.
Hindi ko alam kung masasabi ko ba ng maayos dahil ngayon palang ay hirap na akong magsalita. Hanggang ngayon ay naglalaro pa rin sa isip ko kung paano sila namatay. Kung sinong pumatay sa kanila at kung ano ang dahilan ng pagkapatay nila.
"Mabuti pa, Gio, bigyan mo siya ng tubig para kumalma," ani Kuya Ben tsaka inakay ako patayo. Kung hindi niya siguro hawak ang kamay ko ay baka hindi ako makakatayo. Pinaupo niya ako sa isang monoblock na inuupuan niya tsaka pinaypayan.
Naghalf-run si Gio at inabot agad sa akin ang tubig. Ininom ko iyon at gumaan ng kaunti ang pakiramdam ko nang lumandas ang malamig na tubig sa lalamunan ko.
"S-saan kayo galing?" tanong ko nang matapos akong uminom. Bakit sabay pa silang umalis at hindi manlang nila alam ang nangyari sa mga kasama nila?
Nagkamot ng batok si Gio at pilit na ngumiti. Inayos niya ang kanyang buhok. Napakunot ang noo ko nang may makita akong blood stain sa kanyang suot na white v-neck sa bandang braso.
"Umihi ako sa bukid," sabi niya tsaka nagturo sa bandang kanan kung saan naroon ang cr, "Kanina pa ako kumakatok sa cr, pero naka-lock at walang sumasagot."
Nilingon ko naman si Mang Ben para sa sagot niya sa tanong ko. Hindi siya nakatingin sa akin ngunit alam kong alam niya ang tanong ko kaya naghintay pa rin ako. Nagbaba siya ng tingin sa akin at kitang kita ko sa mata niya ang pagod.
"May nakita kasi akong tao mula roon," tinuro naman niya ang bandang kaliwa, "Sinundan ko ngunit pagpunta ko roon ay wala naman. Siguro ay guni-guni ko lang sa sobrang pagod at antok..."
Narito lang sila sa paligid kaya paniguradong hindi baril ang ginamit ng suspect para patayin ang cashier. Kung sinaksak naman siya ay paniguradong hindi lang isa ang ginawa at dapat sisigaw ang mga iyon, pero bakit hindi nila narinig? Ah, ewan!
"N-nakita ko ho kasi ang c-cashier at ang ibang e-employee," lumunok ako dahil nahirapan nanaman ako sa pagsasalita, "P-punong puno sila ng dugo at hula ko ay patay na sila."
Nagulat silang dalawa. Nanlaki ang kanilang mata at hindi na rin alam kung ano ang gagawin. Tumayo si Kuya Ben para tumakbo sa cashier at napaupo siya nang masilip ang nasa loob. Ganoon ang reaksyon ko kanina.
Kumunot ang noo ni Gio at siya naman ang sumunod. Napatakip lamang siya sa kanyang bibig ngunit alam kong nagulat din siya. Tumayo ako sa kinauupuan ako para lapitan sila.
"D-dapat na ho ba akong t-tumawag n-ng p-pulis?" nanginginig na tanong ko. Akmang kukunin ko na sana ang cellphone ko sa aking bulsa ngunit pinigilan ako ni Kuya Ben.
"Huwag, hija." pigil niya sa akin. Hindi ko malaman kung bakit pinipigilan niya ang pagtawag ko ng pulis. Seryoso at matalom siyang nakatingin sa may bukid. "Nandito pa ang killer,"
Kinilabutan ako sa sinabi niya. Kahit si Gio ay hindi na makagalaw sa gilid ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung iiyak naman ako ay alam kong hindi makakatulong iyon ngayon. Mababaliw na yata ako. Bakit kailangan pang mangyari ito?
"M-marami ang pwedeng mangyari kapag hindi tayo tumawag ng pulis ngayon, Mang Ben!" sa wakas ay nagsalita na rin si Gio. Kahit anong tingin ko sa kanya ay sa blood stain na nasa damit niya pa rin ang pumupukaw ng pansin ko.
Tumingin sa amin si Kuya Ben na parang ayaw na niyang ipilit ang gusto niya at inuutusan niya kaming tumawag ng pulis. Nilabas ko ang cellphone ko pero mabilis na tumakbo si Gio sa payphone para tumawag.
Tinignan ko lang si Kuya Ben na malalim ang iniisip ngayon. Sobrang pagod at antok na ako galing sa trabaho tapos ay ganito pa ang mangyayari sa akin ngayon?
Ilang minuto lang din ang tinagal at biglang dumanting ang mga pulis. At ang ibang sasakyan na dumadaan ay napapatigil at pilit inaalam kung ano ang nangyari rito sa gas station. Isa-isa kaming kinausap ng tingin ko ay detective tapos may sinusulat siya. Inaalam niya ang testimony namin.
"Kung ganoon, hindi nakalikha ng ingay ang pagpatay sa mga kasamahan ninyo?" tanong ng detective. That's exactly what I want to know!
"W-wala ho talaga akong narinig," sabi ni Gio. Tsaka tinignan si Kuya Ben. Hindi ko na nasundan ang usapan nila nang makita ko si Vince na bumaba sa kanyang sasakyan. Kumunot ang noo niya na nakatingin sa akin.
"What are you doing here, Hira?" kunot noong tanong niya. Gusto ko rin sanang itanong kung anong ginagawa niya rito dahil sa pagkakaalam ko ay hindi ito ang daan pauwi sa kanila. "I'm about to visit my tito. May nakapagsabi sa akin na short-cut ito papunta sa kanila kaya rito ang dumaan. But then, I saw you here, kaya bumaba muna ako para alamin kung ano ang nangyari."
Sinulyapan ko ng tingin ang detective at si Kuya Ben na ang kinakausap niya. Next na ako. Pilit kong tinatago ang takot ko kay Vince pero pakiramdam ko ay hindi uubra dahil kahit ang kamay ko ay nanginginig ngayon. Hinawakan ni Vince ang balikat ko nang manginig iyon. Ang imahe nang nakita ko ay hindi biro. Nakakakilabot at tinatanong ko sa aking sarili kung tao pa ba ang gumawa ng ganung bagay.
"Hey," hinila niya ako papunta sa kanyang dibdib, "Don't worry, I'm here for you."
Tumango tango ang detective sa sinabi ni Kuya Ben. Hindi ko mabasa kung ano ang tumatakbo sa isip niya habang nakikinig sa testimony. Kung naniniwala ba siya o kung naghihinala siya. Hindi ko alam. Natatakot ako na baka ako ang paghinalaan nila dahil ako ang unang nakakita.
"Ikaw, Miss?" tanong sa akin ng detective habang nakatingin ng matalim. Humiwalay ako sa yakap ni Vince para sumagot sa mga tanong niya, "Ano ang ginagawa mo rito? Ng ganitong oras?"
Expected ko na na itatanong iyan pero bakit parang nagulat pa rin ako. Hindi talaga ako sanay na napapagbintangan or pinaghihinalahan. Lumunok ako dahil sa mga barang nakaharang sa lalamunan ko.
"Ganitong oras naman ho talaga ang uwi ko galing trabaho. Ganitong oras din ako madalas magpa-gas dito at ngayon lang naman nangyari ang ganito."
Umigting ang panga niya sa narinig niya. Mukha pa siyang bintana at hula ko ay mga 26 or 27 palang siya ngunit nakakakot na siya. Hindi mabasa kung ano ang nasa isip niya dahil tagong tago iyon.
"At ikaw?" ngumisi siya kay Vince, "Ano naman ang ginagawa mo rito?"
"Bakit ako nasali rito?" galit na sambit ni Vince, "Napadaan lang ako dahil papunta ako sa bahay ng tito ko. Kilala ko siya kaya bumaba muna ako sa saglit para malaman kung ano ang nangyayari rito."
Ngayon ko lang din napansin na may mga ibang tao na rin pala rito. Alam kong wala naman silang balak tumulong, gusto lang nila makasagap ng balita. Ganyan ang tao.
"Tinatanong ko lang," tumalikod ang detective at may sinabing kung ano sa pulis.
Naroon silang lahat sa loob at tinitignan kung ano ang totoong nangyari sa mga employee. Nasabi rin ni Gio na sarado ang pinto sa may CR kaya pilit nilang sinisira ang pinto para makapasok sa loob.
"Hindi ko gusto tabas ng dila no'n, ah? Tama bang paghinalaan din ako? Tsk." hindi ko masisisi si Vince kung maiinis siya sa detective na iyon dahil ano nga ba ang alam ni Vince sa nangyayari rito? Napadaan lang naman siya.
Lumapit kami sa mga pulis at pinakinggan kung ano ang mga opinyon nila. Mariin akong pumikit nang makita ko nanaman ang bangkay nila. This time, nakapikit na ang mga mata nila. Biglang nagsalita ang detective kaya napamulat ako ng mata.
"Ayon sa mga narito kanina," simula niya, Wala silang narinig na kahit anong ingay nang magawa ang krimen. Hmm, bakit kaya?" sarkastiko niyang tanong na parang may iniinis siya gamit ang kanyang ngisi.
"Gusto ninyo bang malaman kung bakit wala?" tumingin siya sa amin isa-isa. Hindi kami sumagot pero nagpatuloy pa rin siya sa pagsasalita. "Dahil planado ang lahat. Pinaamoy muna ang mga biktima ng chemicals kaya posibleng na-coma muna sila bago pinaslangㅡ"
"Sir, may patay sa CR!" natigil ang pagsasalita ng detective. Napatingin kaming lahat doon at halos masuka ako sa nakita ko. Sobrang dami nanaman ng dugo ngunit iisang tao lang naman ang naroon.
Ang janitor.
Hindi ko na alam kung paano pa nakakaya ng mata ko ang mga nakita ko ngayong gabi. Parang mas gusto ko nalang mapag-isa at umiyak sa sulok dahil sa takot. Takot na takot ako at tinatanong ko kung ano ba ang nagawa ko para mangyari ito.
"Ngayon, alam ko na talaga." bulalas ng detective. Tumaas lahat ng balahibo ko nang bigla siyang ngumisi.
Lumingon siya sa amin at halos mapaatras ako nang makita ko ang tingin niya. At lalo akong natakot sa sunod na sinabi niya habang nakatingin sa amin.
"Isa sa inyo ang pumatay."
Nagkagulo ang mga taong nanunuod. Nakarinig ako ng mga conclusion galing sa kanila kung sino sa amin ang suspect. Agad ding nagsalita si Gio at Vince para idepensa ang kanilang sarili.
"H-hindi ako iyon! I-inosente ako. H-hindi ko k-kayang gawin ang mga ganyang bagay." pumupiyok na ang kanyang boses at anytime ay iiyak na siya.
"Aba, leche. Napadaan nga lang ako rito, hindi mo ba naiintindihan iyon? Wala akong alam sa nangyayari rito!"
Nanatiling tahimik kami ni Mang Ben. Wala akong masabi. Iyon ang rason ko kaya hindi ako makapagsalita ngayon. Hindi ko lang alam ang dahilan si Mang Ben kung bakit siya tahimik ngayon.
"May isa sa inyo na mali ang testimonya," pinatunog niya ang kanyang leeg, "Haaay! Muntik na akong malusutan doon, ha?"
Alam ko sa sarili ko na hindi ako iyon. Hindi ako! Malinis ang konsensya ko at hindi ko kailangan ipaliwanag ang side ko. Baka si Kuya Ben iyon kaya tahimik siya ngayon, o 'di kaya ay si Gio, dahil may blood stain siya sa kanyang damit. Hindi pwedeng kami ni Vince ang suspect.
"Siguro iyang babae ang pumatay, nagkukunyare pa na magpapa-gas daw."
"Hula ko naman ay iyang security guard. Hindi manlang pumalag no'ng sinabi na isa sa kanila ang pumatay!"
"Siya rin ang hula ko dahil anong klase siyang guard kung aalis sa oras ng duty, hindi ba?"
"Pero tignan ninyo naman iyong damit ng gasoline boy!"
Puro galing sa mga nanunuod na tao ang naririnig ko. Kung sino sino ang hula nilang pumatay pero ako ay wala pa rin talagang ideya. Kung si Kuya Ben man o si Gio, alam kong hindi nila magagawa iyon. Pero hindi nga ba?
Ano ang dahilan ng pumatay na iyon para ganoon nalang ang gawin niya?
Para namang narinig ng detective ang mga tanong ko kaya napatingin siya sa akin. Nagulat ako kaya yumuko nalang ako. Hawak niya ang kanyang notebook na naglalaman ng mga testimony namin.
"Isang tao lang ang gustong patayin ng suspect, pero hindi niya magawa dahil marami sila rito. Kaya pinatay niya muna ang ilaw bago isa-isang pinaamoy ng lason." lumapit siya sa amin habang patuloy pa rin sa pagsasalita, "Nakita siya no'ng Janitor kaya pinatay niya rin iyon sa CR para magmukhang hindi siya iisang tao lamang. Pero nakalimutang itapon ang mga panyong ginamit niya na may tatak na agila sa may gilid."
Kumunot ang noo ko. Agila? Nanlaki ang mata ko at napanganga ako sa narinig ko. Pamilyar sa akin ang panyong ganoon dahil mayroon akong ganoong panyo.
"Tama nga ang hinala mo, dalaga."
Galing ang panyo na iyon sa isang tao noong basang basa ako ng pawis. Nanginig ang kamay ko at hindi ko kayang lumingon sa paligid ko. Nanghina ang tuhod ko kaya napaupo ako sa sahig.
Lahat ng luha na pinigil ko kanina ay biglang bumuhos na parang gripo mula sa mga mata ko. Hindi ko kayang mag-isip ng matino dahil sa mga nalaman ko. Umiling ako ng umiling.
"H-hindi..."
Hindi pwede.
Nilingon ko si Vince na nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. Hindi pwedeng siya ang pumatay.
Hindi pwedeng si Vince!
"Magkasabay kami kanina sa parking lot kaya hindi pwedeng siya."
Hindi ko alam kung bakit hindi nagsasalita ngayon si Vince. Hindi niya magawang despensahan ang sarili niya sa mga sinasabi ng detective. Pumikit ako nang itaas ng detective ang mga panyong may ukit na agila sa gilid.
"Hindi mo ba alam na may mas short-cut pa kaysa sa dinadaanan mo?" nilagay niya ang dalawang kamay sa kanyang likod, "At testimony ni Mang Ben ang nagturo sa akin para malaman ko ang suspect."
Si Vince ang nakita ni Mang Ben kanina sa may bukid kaya ito umalis? At saan galing ang dugo sa damit ni Gio? Masukal sa bukid at siguro ay nasugat siya roon no'ng umihi siya dahil sarado nga ang CR.
Ngayon alam ko na. Pero bakit? Bakit gagawin ni Vince ang ganito kagimbal gimbal na pangyayari?
"Girlfriend ko iyong cashier," mahina ang boses na sabi ni Vince, "Nasaktan ako nang sobra nang makita ko silang dalawa ng kaibigan ko. Sa kama ko mismo! Tangina. Sa sobrang galit ko, gusto ko silang patayin noong panahon na iyon pero hindi ko nagawa dahil natatakot ako."
Isa isa ng pumunta ang mga pulis sa likod ni Vince para pusasan ito, "Naisip ko na puwede kong gawin iyon sa ibang paraan. Sa paraan na walang makakaalam at tanging ako lamang."
Hindi ko mapigilan ang ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. Hindi ako makapaniwalang kayang sikmurain ni Vince ang lahat ng iyon. Kitang kita ng dalawang mata kung paano ang kalagayan ng ginawa niya.
"But I guess I was wrong." ngumiti siya habang hinihila na siya ng mga pulis. "Magaling ang napili nilang detective."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top