EPILOGUE
After 2 years..
Ang nanay ni Maria ang nakulong dahil siya ang umako sa lahat ng pagpatay na ginawa ng katawan ni Maria. Dahil ayaw niyang mapahamak ang anak ay siya na lang ang nagbayad noon. Hanggang sa huli, pinatunayan niya na siya ay isang mabuting ina kay Maria.
"Nanay, salamat dahil ikaw ang nagbayad ng kasalanan ko, ako ang dapat nandito sa loob ng kulungan pero kayo po ang naghihirap. Pasensya na po kayo kung nagawan ko po kayo at nasabihan ng masamang mga bagay noon." sabi ni Maria sakanyang ina
"Anak, wala ka namang kasalanan hindi ba? Ginamit lang ang katawan mo kaya ka nakapatay pero hindi naman ibigsabihin noon na ikaw na ang pumatay sakanila. Kailangan lang talagang may magbayad dahil marami na ang buhay na nawala, ginusto ko naman ito dahil mahal na mahal kita anak. bayad na ito sa mga nagawa ko noon, sa mga pagkukulang ko bilang ina. Sana sapat na ito para sa lahat ng iyon." sabi ng nanay ni Maria sakanya
"Nanay, napatawad ko na po kayo noon pa at alam niyo po iyon. Maayos na po tayo at sobra pa nga po itong ginawa niyo para sa akin. Ako po dapat ang magsorry dahil hindi ako naging mabuting anak sa inyo." sagot naman ni Maria sakanyang ina
Hindi na sumagot ang kanyang nanay sa halip ay niyakap na lang nito si Maria habang naiyak siya. Pagkatapos noon ay kumain sila mag-ina sa kulungan na magkasama. Sinama ni Maria si Mateo dahil pagkatapos ng pagbisita nila sa nanay ni Maria ay bibisita naman sila sa puntod ni Helena, Mathilda, Celeste at sa nanay ni Mateo.
"Sige na, mauna na kayo dahil mahirap naman kung hapunin na kayo sa sementeryo. Mamaya umulan pa at magkasakit kayo. Salamat sa pagbisita mga anak ha, masaya ako para sa inyo dahil kayo ang nagkatuluyan kahit ang daming nangyari sa buhay nating lahat." sabi ng nanay ni Maria kay Mateo at Maria
"Salamat din po dahil ginawa niyo ito para sa amin, babalik na lang po kami ulit sa makalawa. Mag-iingat po kayo dito." sagot ni Mateo pagkatapos ay hinalikan sa noo ang matanda
Umalis na si Maria at Mateo sa kulungan pero hindi pa rin matigil si Maria sa kakaiyak dahil sa kakaisip sakanyang ina na nagbabayad ng kasalanan niya. Nagsisisi na siya dahil hindi siya naging mabuting anak dito.
"Tama na ang pag-iyak mahal ko. Alam ko naman ang mga naiisip mo, pero huwag mo na isipin iyon dahil maayos na ang lahat hindi ba? Ginusto naman ng nanay mo ang pagsalo sa mga kasalanan mo kaya huwag ka na umiyak pa." sabi ni Mateo kay Maria habang pinapakalma ang mahal niyang si Maria
"Naiisip ko lang, ano kaya kung naging mabuti lang sana akong anak? Sana wala siya sa kulungan ngayon, kung hindi sana ako sinaniban ng mga esperitu nila, sana kasama ko pa siya ngayon. Kung kailan maayos na ang lahat ay saka naman hindi ko na siya pwedeng makasama pa." sagot naman ni Maria
Hindi na lang sumagot si Mateo sa ahlip ay hinawakan niya ang kamay ni Maria para iparamdam sakanya na andoon lang siya sa tabi ng dalaga kahit anong mangyari pa. Sasamahan niya si Maria kahit pa ikamatay niya, kahit pa may nakaambang na panganib para sakanilang dalawa.
Nakadating na sila sa sementeryo pagkatapos ay nilapag na nila ang bulaklak na para kay Helena, Mathilda, Celeste at sa nanay ni Mateo. Parehas silang napangiti dahil sa wakas ay tapos ang problema nila. Tapos na ang lahat ng paghihirap nila sa mga hindi matahimik na kaluluwa.
"Ang layo na pala ng narating natin mahal ko. Hindi ko inaasahan ang araw na ito, akala ko ay hindi mo na ako mamahalin na katulad noong pagmamahal ko sa iyo. Salamat at inayos mo ulit ang buhay ko. Salamat dahil minamahal mo na ako, ito ang pangarap ko. Ang makasama kita hanggang dulo." sabi ni Maria kay Mateo
"Oo nga eh, pasensya ka na mahal ko dahil hindi ko nakita ang kahalagahan mo noon. Pangako ko sa iyo ngayon na sasamahan na kita sa lahat ng laban na tatahakin mo. Sasamahan na kita kahit kapalit pa noon ang buhay ko. Ito na ang simula ng maayos na buhay natin, magsimula ulit tayo nang malinis at masaya. Mahal na mahal kita, mahal ko." sabi ni Mateo kay Maria
"Sayang lang mahal ko dahil hindi na nila nakita ang pagbabagong ito sa buhay natin, hindi na nakita ng anak nating si Helena na tinupad mo ang pangako mo sakanya na aalagaan mo ako at mamahalin na tulad ng pagmamahal ko sa iyo." sagot naman ni Maria kay Mateo
"Oo nga mahal ko pero alam ko naman na masaya na ang anak nating si Helena ngayon dahil natupad ko na ang kahilingan niya. Alam kong masaya na rin ang aking ina dahil nakikita niya ngayon na ako ay masaya na sa piling mo. Sayang lang talaga dahil mas masaya sana tayo kung kasama natin sila." sabi ni Mateo kay Maria
Hindi na sumagot ang dalaga sa halip ay niyakap na lang niya si Mateo at hinalikan ito. Napakasaya ng puso ni Maria dahil mabubuhay na siya sa mundo na kasama ang taong mahal niya, tahimik at masaya.
"Gusto ko sana na hingin ang kamay mo sa harap ng mga taong ito para makita nila na ikaw talaga ang mahal ko." sabi ni Mateo kay Maria habang kinukuha na niya ang singsing sakanyang bulsa
Umiyak naman si Maria dahil sa ginawa ng binata. Kakaiba man sila dahil sa sementeryo hiningi ni Mateo ang kamay ni Maria pero hindi ibigsabihin noon na hindi na niya sasagutin ang pinakamamahal niya.
"Seryoso ka ba mahal ko? Alam mo bang matagal ko na hinihintay ang araw na ito? Oo naman, oo ang sagot ko!" sigaw ni Maria pagkatapos ay niyakap niya si Mateo
Pagkalipas ng tatlong buwan ay nagpakasal na ang dalawa at nabuntis naman agad si Maria. Tuwang-tuwa na ang mag-asawa dahil tahimik na ang mundo nila, tanging hiling na lang nila ngayon ay sana ay mabuhay ng maayos ang magiging anak nila. Magiging tahimik nga ba o pagsisimulan nanaman ng kababalaghan sa buhay nilang mag-asawa?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top