Chapter 9
Sa kabilang dako naman, tuwang tuwa pa rin si Maria dahil nagawa na niya ang plano niya kay Mateo. Kailangan na may susunod na siyang plano at iyon ay ang bantayan ang bawat galaw ni Mateo. Hindi na niya hahayaan na makawala pa ang binata sa kamay niya. Lalo na at pwedeng mabuntis siya, sino na lang ang magiging ama ng bata kung hindi magpapakita si Mateo? Iniisip na din niya ang pamilya na kasama si Mateo. Sobrang saya ni Maria habang iniisip na hawak-hawak niya ang anak niya na nasa tabi niya ang pinakamamahal niyang si Mateo. Alam naman niya na susuportahan siya ni Mateo dahil mahal rin naman siya ng binata kahit papaano.
Habang lubos na nakangiti si Maria sa kawalan ay pumasok naman ang nanay niya sakanyang kwarto para sabihin na nasa baba ang kaibigan niyang si Mathilda. Si Mathilda ay isa sa mga kaibigan ni Maria at Mateo. Alam ni Mathilda na mahal na mahal ni Maria si Mateo, lahat ng sikreto ni Maria ay si Mathilda ang may hawak.
Bigla na lang napa-isip ang dalagang si Maria dahil hindi naman nila planong magkita sa araw na ito. Bakit kaya pumunta si Mathilda sa bahay nila Maria na wala man lang pasabi? May problema kaya ang dalaga o may ikekwento siya na hindi maganda kay Maria?
Dahan-dahan si Maria sa pagbaba papunta kay Mathilda dahil nakakaamoy ito ng hindi magandang balita mula sa kaibigan. Ayaw niya mang harapin si Mathilda ay gusto rin niyang malaman kung ano ang pakay nito sakanya. Ito kaya ay konektado sa mahal niyang si Mateo?
"Kamusta ka na Maria? Matagal na akong hindi nakakadalaw sa inyo rito ah. Mukhang masaya na masaya ka ngayong umaga. Anong meron?" tanong ni Mathilda kay Maria
"Alam mo, alam kong may sasabihin ka sa akin. Sabihin mo na habang hindi pa ako naiinis sa iyo. Ano ang pakay mo sa akin dito? Kilala kita, hindi ka naman pupunta dito na walang dalang balita. Sige na, ano ba iyon?" pilit na tanong ni Maria kay Mathilda
"Ikaw naman, kakadating ko lang eh ganyan na agad ang bungad mo sa akin? Grabe ka naman, wala naman kasi akong sasabihin sa iyo. Gusto lang talaga kitang kamustahin, hindi ba pwede iyon? Kaibigan mo ako eh, malamang kakamustahin kita." sagot naman ni Mathilda kay Maria
"Tigilan mo ako, Mathilda! Hindi mo sasabihin sa akin ang totoo? Gusto mong itapon ko sa mukha mo itong vase na malapit sa akin? Isa pa at makakatikim ka na talaga sa akin!" sagot naman ni Maria sa kaibigan niyang si Mathilda
"Ah, eh..Kasi, si Mateo. Wala na siya kanina sa bahay nila. Bibili sana ako ng sabon panlaba sa tiyahin niya pero noong papunta na ako doon sakanila ay sarado ang bahay nila. Pinagtanong-tanong ko na rin kung saan sila pupunta pero sinabi ng mga kapitbahay natin na hindi raw nila alam kung saan pupunta ang magtiyahin na iyon." sabi ni Mathilda kay Maria
Noong marinig ni Maria ang mga salitang iyon mula kay Mathilda ay biglang bumagsak ang kanyang mundo. Wala na si Mateo dahil sakanya, dahil sa nangyari sakanila. Bakit hindi man lang nag-paalam si Mateo sakanya?
"Totoo ba iyang sinasabi mo sa akin? Baka naman tulog lang sila dahil maaga pa. Ikaw naman, alam mo namang tanghaling gumising ang magtiyahin na iyon. Subukan mo ulit ngayon, baka gising na sila." sabi naman ni Maria kay Mathilda
"Hindi, totoo ang sinasabi ko sa iyo Maria. Wala na si Mateo at ang tiyahin niya, sabi ng isa nating kapitbahay ay nakita raw niya ang dalawa na pasakay ng dyip pero hindi na niya tinanong kung saan papunta ang magtiyahin. Nagtaka nga raw siya dahil dala nito ang lahat ng gamit nila." sagot naman ni Mathilda kay Maria
Kumaripas ng takbo si Maria dahil sakanyang narinig mula sa kaibigang si Mathilda. Maraming tanong ang nasa isip niya na kailangan ng sagot, at si Mateo lang ang maaaring makasagot ng mga tanong niyang iyon.
"Halika na, habulin natin si Mateo at ang tiyahin niya! Hindi pwedeng hindi ko sila makita, alam mo namang hindi ko kaya na mawala si Mateo sa akin hindi ba? Si Mateo ang buhay ko! Kapag nawala siya sa akin ay wala na rin ako. Mathilda, wala na rin ako." sabi ni Maria kay Mathilda
"Wala na nga sila sa bahay nila. Kahit habulin mo pa sila ngayon ay hindi mo na sila maaabutan, kanina pang madaling araw daw sila umalis. Ano ba kasi ang ginawa mo para umalis iyon dito sa lugar natin? Maayos naman kayo hindi ba? May alitan ba kayong dalawa ni Mateo? Sabihin mo nga sa akin Maria, ano ang ginawa mo kay Mateo?" tanong ni Mathilda kay Maria
"Saka ko na lang ipapaliwanag sa iyo ang mga sagot sa tanong mong iyan. Ang kailanga lang natin ngayon ay mahanap kung saan sumuot ang magtiyahin na iyon. Tutulungan mo naman ako hindi ba? Hindi mo naman ako iiwan sa laban na ito, hindi ka naman katulad ni Mateo hindi ba?" sabi ni Maria kay Mateo
"Oo naman, tutulungan kita sa paghahanap mo kay Mateo, pero saan naman tayo mag-uumpisa? Hindi naman ako manghuhula para mahulaan kung saan nagtago si Mateo at ang kanyang tiyahin." sagot ni Mathilda kay Maria
"Malalaman rin naman natin iyon, nararamdaman ko na malalaman rin natin iyon. BAsta sasamahan mo ako kahit saan ako dalhin ng paghahanap ko sakanya." sagot naman ni Maria kay Mathilda
Nakadating na sila sa tapat ng bahay nila Mateo, nakita nga ni Maria na sarado ang pintuan nila Mateo. Nakandado na ito at tahimik na ang paligid nila. Nialpitan niya at sinubukang katukin kahit alam niya sa sariling wala nang sasagot pa sakanya.
"MATEO! BUKSAN MO ANG PINTUAN NIYO! HINDI PWEDE ITONG GINAGAWA MO SA AKIN, NANGAKO KA SA AKIN NOON NA HINDI MO NA AKO IIWAN PA HINDI BA? NASAAN NA ANG PANGAKO MONG IYON? DINALA NA BA NG HANGIN? ALAM MO NAMANG MAHAL NA MAHAL KITA AT HINDI KO KAYANG MAWALA KA SA AKIN! BAKIT MO GINAWA SA AKIN ITO? BAKIT MO AKO SINAKTAN? WALA NAMAN AKONG GINAWANG MALI, MINAHAL LANG NAMAN KITA!" sigaw ni Maria habang kinakalampag ang pintuan nila Mateo
Pilit naman siyang pinapakalma ni Mathilda pero hindi pa rin siya nagpapatinag dito. Nasaan na nga ba si Mateo? Magkikita pa kaya sila ni Maria?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top