Chapter 8
Hindi alam ni Mateo kung paano sisimulan ang araw niya dahil iniisip pa rin niya ang nangyari sakanila ni Maria kagabi. Paano na lang kung ulitin iyon ni Maria sakanya? Magsusumbong na ba siya sa mga pulis o hahayaan nanaman niyang gamitin siya ni Maria? Pagod na siya magkunwari sa mata ng mga taong nakapaligid sakanila ni Maria, kailangan na niyang mag-isip ng paraan para maiwasan niya ang dalaga dahil nagkaroon na siya ng takot sa tuwing makikita niya ito. Kumbinsido na siya na nag-iba na ang kanyang kaibigan, baliw na ito dahil sa pag-ibig niya sa binatang si Mateo.
Habang nasa hapagkainan sila ay pilit iniisip ni Mateo kung tama nga bang sabihin niya sakanyang tiyahin ang katotohanan? Nakatulala siya habang sabay na kumakain kasama ang kanyang tiyahin. Maniwala kaya ito sa mga sasabihin niya? Pumayag kaya ito sa mga plano niya? Hindi niya alam kung ano ang kalalabasan pero gusto niya na talagang umalis sa lugar na iyon dahil takot na takot na siya kay Maria.
"Tiya, pwede ba kitang makausap? Tungkol lang ito kay Maria, sana maniwala ka sa sasabihin ko. Sana payagan mo ako sa gusto kong mangyari. Pinoprotektahan lang naman din kita at ang aking sarili dito sa gagawin natin." sabi ni Mateo sa kanyang tiyahin
"Sige ba, ano ba iyon? Pwede mo naman sabihin sa akin ang lahat. Makikinig naman ako. Ano bang tungkol sa kaibigan mo ang sasabihin mo sa akin?" tanong ng tiyahin ni Mateo sakanya
"Si Maria po kasi, tiya. Iba na po ang kinikilos niya at natatakot na po ako dahil doon. Iba na po ang mga bagay na sinasabi niya sa akin. Pakiwari ko ay baliw na po siya dahil sa pag-ibig niya sa akin." sagot naman ni Mateo sakanyang tiyahin
"Alam mo ba na napansin ko din iyan noong pumunta siya dito noong hinahanap ka niya sa akin at ikaw naman eh nasa palengke dahil may pinapabili ako sa iyo? Para bang hindi siya makali sa upuan niya noong mga oras na iyon. Para bang may hinahanap siya sa bawat sulok. Ayaw ko lang pansinin dahil baka mali lang ako dahil sa aking katandaan." sagot naman ng tiyahin ni Mateo sakanya
"Iba na nga po ang kinikilos niya. Kilos na po ng baliw iyon. Inaalala ko lang po kung alam kaya ng mga magulang niya na may ganoon na siyang kondisyon? Gusto ko po sanang tumulong sakanila pero natatakot na po kasi ako kay Maria." sagot naman ni Mateo sakanyang tiyahin
"Sana alam din iyon ng magulang niya para mapatingin siya sa doktor kung kinakailangan. Ano bang gusto mong gawin natin para makatulong sakanyang paggaling? Pwede mo naman sabihin sa akin, okay lang naman sa akin ang tulungan iyon dahil kababata mo iyon eh." sagot naman ng tiyahin ni Mateo sakanya
"Ang gusto ko lang po sana ay umalis na po tayo dito sa lugar natin. Hangga't nandito po kasi tayo ay delikado po ang lagay natin kay Maria. Ayaw ko naman po kayong madamay sa kabaliwan niya dahil matanda na po kayo, tiya. Hindi niyo na po kakayanin kung sakali na maglaban po kayo. Pwede po ba iyon?" mungkahi ni Mateo sa tiyahin niya
"Kung iyon ang alam mong sagot para maligtas tayo sa kabaliwan ni Maria ay papayag ako. Gusto din naman kitang maprotektahan dahil noong binigay ka sa akin ng nanay mo ay pinangako ko sakanya na aalagaan kita kahit ano man ang mangyari sa akin. Huwag ka mag-alala dahil sang-ayon ako sa plano mo. Bukas na bukas din ay aalis na tayo sa lugar na ito." sabi ng tiyahin ni Mateo sakanya
"Isa pa po pala sa gusto kong sabihin sa inyo ay pinilit po ako ni Maria na galawin siya. May nangyari na po sa amin, dalawang beses na po. Nilalason niya po ako kaya pinagbibigyan ko po siya sa gusto niyang mangyari. Natatakot na po ako na baka maulit iyon at hindi na po ako makaligtas sa lason na ilalagay niya sa pagkain na pinapakain niya po sa akin." sabi ni Mateo sakanyang tiyahin, gulat na gulat naman ito sa sinabi ng pamangkin
"Ha? May nangyari sa inyo ni Maria? Kailan pa iyan? Bakit hindi mo agad sinabi sa akin iyan? Dapat malagot ang babaeng iyan sa paglalason sa iyo. Makakatikim sa akin ang babaeng iyan, humanda siya kapag nakita ko siya!" pagwawala ng tiyahin ni Mateo
"Hayaan mo na po si Maria. Ayaw ko na po siyang makulong dahil sa ginawa niya sa akin. Mas kailangan po na mailagay siya sa mental hospital dahil iyon ang nararapat po sakanya. Umalis na po tayo dito, ayaw ko na po sa lugar na ito dahil bangungot lang po ang bawat gising ko sa dito." sabi ni Mateo sakanyang tiyahin, mangiyak-ngiyak siya dahil hindi na niya kinakaya ang ginagawa ni Maria sakanya
"Kung may nangyari sa inyo ay posible din na mabuntis siya hindi ba? Paano mo naman gagawaan ng paraan iyon kung sakali? Ano ang plano mo tungkol doon?" tanong ng tiyahin ni Mateo sakanya
"Kukunin ko po ang bata kay Maria, ayaw ko naman po na lumaki siya sa nanay niya na baliw. Mababalitaan ko naman po kung sakaling buntis si Maria dahil sa mga kaibigan po namin sa lugar natin. Ako na po ang bahala doon kung sakali man po na mabuo ang bata sa sinapupunan ni Maria." sagot naman ni Mateo sakanyang tiyahin
Masaya si Mateo dahil sa wakas ay may kakampi na siya laban kay Maria, noong una akala niya ay hindi maniniwala ang tiyahin niya sa mga sasabihin niya. Pansamantala ay nakahinga siya ng malalim. Sana ay magawa nila ang plano na hindi nalalaman ni Maria. Ito lang kasi talaga ang alam niyang paraan para matigil na ang kahibangan ni Maria sa binata. May parte sa pagkatao niya na naaawa sa dalagang si Maria pero mas namumuo ang takot sakanyang puso.
Kung hindi niya kasi gagawin ito ay hindi na niya alam ang maaaring nasa isipan ni Maria. Pwedeng mas malala pa sa mga nauna pa niyang ginawa, at iyon na ang hindi kaya ng isipan ni Mateo, ang makapatay si Maria.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top