Chapter 7

Hindi nakauwi sina Mateo at Maria sakani-kanilang bahay kaya ganoon na lang ang pag-aalala ng kani-kanilang pamilya dahil sa bata pa nga ang dalawa at hindi pa nila alam ang ginagawa nila. Lalo a ngayon na mapusok na ang mga kaedad nila, hindi maiwasan ng mga kapamilya nilang ma-isip na may nangyaring milagro sa dalawa.

"Kapag may nangyari sa unica ija ko, pamangkin mo ang malalagot! Nasaan na nga ba kasi sila? Hindi ka ba tinawagan ng magaling mong pamangkin?! Kapag inabot ng bente-kwatro oras ay wala pa rin sila ay ipapakulong ko talaga ang pamangkin mong si Mateo! Tatandaan mo iyang matanda ka!"pagwawala ng nanay ni Maria sa tiyahin ni Mateo

"Alam mo naman na magkaibigan ang dalawang batang iyon kaya alam kong poprotektahan iyon ng aking pamangkin na si Mateo, maghintay lang tayo. Hindi lang naman si Maria ang nawawala dito kundi si Mateo rin. Nag-aalala din ako para doon sa batang iyon." sagot naman ng tiyahin ni Mateo 

"Wala akong pake sa pamangkin mo, ang mahalaga lang sa akin ay ang anak ko! Malaman ko lang talaga na may ginawang milagro ang dalawang iyon, ipapakulong ko si Mateo! Alam mo naman na hindi na bata ang mga iyon, may pwede nang mangyari sakanila kaya hindi na sila pwedeng magkita pa." sagot naman ng magulang ni Maria

"Alam naman nila ang tama at mali kaya hindi naman nila siguro ginawa iyon. May tiwala ako sa pamangkin ko at kahit kailan ay hindi niya iyon gagawin sa kaibigan niyang si Maria dahil mahal na mahal niya iyon. Alam kong kahit saan sila pumunta ay aalagaan niya si Maria dahil iyon ang malupit kong bilin sa pamangkin ko." sagot naman ng tiyahin ni Mateo

"Hindi mo alam ang takbo ng isip ng mga kabataan ngayon. Hindi ka lang nakatingin ay may ginagawa na pala na milagro. Hintayin na lang natin sila, lagot talaga ang dalawang iyan sa akin!" pagwawala na sabi ng nanay ni Maria

Ilang oras pa ay dumating na si Maria at Mateo, si Maria ay sobrang saya pagkatapos si Mateo naman ay parang pinagbagsakan ng langit at lupa. Hindi maintindihan ng nanay ni Maria kung bakit ganoon, pati na rin ang tiyahin ni Mateo kaya gulat na gulat sila sa mga reaksyon ng dalawang bata.

"Anak, ayos ka lang ba? Anong ginawa ng lalaking iyan sa iyo ha? Pinagsamantalahan ka ba niya o sinaktan? Sabihin mo sa akin para maturuan ng leksyon ang lalaking iyan. Sinasabi ko na nga ba, may hindi magandang idudulot sa iyo anak ang lalaki na iyan. Simula ngayon ay lumayo ka na sakanya ha? Ayaw ko talaga sa lalaking iyan noong una pa lang!" sabi ng nanay ni Maria

"Hindi mo papaalisin si Mateo sa buhay ko. Wala ka rin namang pakialam sa akin simula noong bata pa ako kaya ano ang karapatan mong sabihin sa akin iyan? Ang kapal naman ng mukha mo. Huwag na huwag mo akong ilalayo sa taong mahal ko! Si Mateo ang natitirang lakas ko sa buhay kong ito! Subukan mo lang na palayuin siya ay ako mismo ang lalayo sa pamilya natin!" pananaway ni Maria sa nanay niya

"Anong pinakain ng lalaking iyan at ganyan ka na magsalita sa akin ha, Maria? Ako pa rin ang nanay mo kaya trabaho mo ang respetuhin mo ako. Kahit kailan talaga hindi na naging mabuti ang kaibigan mong si Mateo eh. Umuwi na nga tayo, huwag na huwag ka na makikipagkita sa lalaking iyan kundi ipapakulong ko ang mahal mong si Mateo!" sabi naman ng nanay ni Maria sakanya

"Tama ang nanay mo, Maria. Umuwi ka na at magpahinga. Saka na lang tayo magkita at mag-usap kapag maayos na ang lahat. Alam kong pagod ka rin kaya kung pwede ay umuwi na kayo. Pagod na rin kasi ako, baka pwede na akong mahiga sa kama ko? Umaga na rin kasi tayo umuwi, Maria." sagot naman ni Mateo 

"Sigurado ka ba dyan? Uuwi na talaga ako Mateo. Pasensya ka na sa akin kahapon at kagabi ha. Salamat rin sa oras mo. Magkita na lang tayo sa ibang araw ha? Salamat dahil binantayan mo ako kagabi, pasensya na din sa iya mo dahil hindi tayo nakauwi. Inulan po kasi talaga kami kaya hindi na po kami agad nakabalik." sagot naman ni Maria

"Osya iha, umuwi ka na sa inyo dahil galit na galit na sa amin ang nanay mo. Baka ipakulong pa niyan si Mateo, ayaw naman nating mangyari iyon kaya kung pwede lang ay umalis na kayo dito sa pamamahay namin." sagot naman ng tiyahin ni Mateo

"Ano naman ang sinasabi niya na may balak kang ipakulong si Mateo? Nahihibang ka na ba, matanda ka?! Alam mo namang mahal ko siya hindi ba? Bakit mo iyon gagawin sakanya?" sabi ni Maria sakanyang ina pagkalabas nila sa bahay nila Mateo

"Ipapakulong ko na ang lalaking iyon para hindi ka na mabaliw sakanya. Hindi mo ba napapansin ang sarili mo? Isa ka nang baliw dahil sa pag-ibig mo kay Mateo! Hindi ka na nakakapag-isip ng matino kaya mas mabuti kung mawala na lang si Mateo sa piling mo! Hindi na ikaw ang anak na kilala ko, parang awa mo naman na, ibalik mo na sa dati ang anak ko!" sabi naman ng kanyang ina kay Maria

"Wala kang karapatan para gawin iyon sa mahal ko, kung gagawin mo iyon ay isama mo na lang ako sa kulungan, mas mabuti na nandoon ako kaysa kasama naman kita pero para akong nasa empyerno! Bitawan mo nga ako, kaya kong umuwi mag-isa!" paninigaw ni Maria sa kanyang ina

Dahil sa inis ay nasampal ng ina ni Maria ang anak, hindi na niya mapigilan ang bibig nito at napansin niyang iba na rin ito magsalita laban sakanya. Naiisip na niyang kailangan na ni Maria na magpatingin sa doktor pero paano? Wala naman siyang pera para sa gamot ng kanyang anak. Kahit hindi niya gustong saktan ang anak niya ay kailangan niya itong gawin dahil gusto na rin niyang magising si Maria sa katotohanan na hindi siya mahal ni Mateo. Naaawa siya sakanyang anak at nagagalit rin siya sakanyang sarili dahil wala siya noong mga panahon na kailangan siya ni Maria.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top