Chapter 6

  "Ano ka ba naman Maria?! Alam mo namang gabi na at takot ako sa mga multo pagkatapos ay gugulatin mo pa ako? Nakadamit ka pang puti kaya lalo kang nakakatakot. Madilim pa naman dito sa tagpuan natin. Ano ba ang sasabihin mo ha? May wine ka nanaman at pagkain, may masama ka nanamang bang binabalak sa akin? Kung meron, hindi na ako tutuloy dito. Uuwi na lang ako sa amin." bungad ni Mateo kay Maria 

Gusto nang umalis ni Mateo pero may bumubulong sakanya na huwag muna, na may dapat muna siyang malaman tungkol sa babaeng kaharap niya ngayon na si Maria. May iba kay Maria na hindi niya talaga maipaliwanag.

"Mateo, ano ka ba naman? Kung ano-ano nanaman ang iniisip mo sa akin ah. Hindi ba sinabi ko na sa iyo na hindi na ako uulit sa ginawa ko sa iyo dati? Sabi ko naman sa iyo na tanggap ko na kung ano ako sa buhay mo ay iyon ay ang kaibigan mo lang ako. Alam mo bang masaya ako para sa iyo dahil nakita mo na ang babae na makakasama mo habang buhay?" sabi ni Maria kay Mateo, nagulat na lang ang binata dahil biglang lumiwanag ang mukha ng dalaga noong nagsalita ito

"Sigurado ka ba dyan sa sinasabi mo? Hindi ka na magagalit sa akin ah, hindi mo na ipipilit ang gusto mo. Okay na ang ganito tayong dalawa, masaya naman na magkaibigan lang tayo hindi ba? Sana mahanap mo na rin ang lalaking para sa iyo. Huwag ka mag-alala dahil sasamahan kitang mahanap siya." sagot naman ni Mateo sa dalagang si Maria

"Halika, maupo ka muna rito. Hindi ka na takot sakin hindi ba? Ayos lang ba kung samahan mo akong kumain? Okay lang naman siguro sakanya iyon hindi ba? Sayang rin naman kasi itong hinanda ko para sa atin eh." pagmamakaawa ni Maria kay Mateo

Dahil naaawa siya kay Maria ay pinagbigyan niya na ito. Gutom na rin kasi siya dahil hindi naman siya kumain sa bahay nila bago siya pumunta doon kung saan gusto makipagkita ni Maria sa kanya. Umupo si Mateo na may pilit na ngiti sakanyang mga labi, para lang matapos na ang lahat ng agam-agam ni Maria sakanya ay ginagawa niya ito.

Gusto rin niyang malaman kung ano ang mali sa dalaga, uunti-untiin niya ito hanggang sa malaman niya. Kailangan hindi siya mahalata ni Maria na nag-iimbestiga siya para mas maisakatuparan niya ang plano sa dalaga. Alam niyang masasaktan niya ito dahil sa gagawin niya pero mas masasaktan naman ni Maria ang mas maraming tao kung tama nga ang hinala ni Mateo sa dalaga.

"Sige ba, miss ko na rin kasi ang luto mo. Alala mo pa ba ang niluto mong adobo para sa akin? Miss ko na iyon, sana matikman ko iyon sa mas lalong madaling panahon. Aasahan ko iyan ha? Maghihintay ako sa adobo mo at sa iba mo pang lulutuin." pang-uuto pa ni Mateo kay Maria

"Oo naman, hindi lang ikaw ang lulutuan ko ng adobo kundi pati na rin ang tiyahin mo. Alam mo ba na nababaitan ako sakanya noon pa man? Alam ko na kung kanino ka nagmana." sagot naman ni Maria kay Mateo

Sa pagkakataon na iyon, parang gumaan ang pakiramdam ng dalawa para sa isa't isa. Parang dati lang noong bata pa lamang sila, sana ganoon na lang lagi ano? Sana madali lang na hingin sa Diyos na ayusin na ang lahat para wala nang gulo pero hindi pa rin eh. Iba sa realidad at iba ang nasa isip lamang kaya nakakalungkot.

Masarap naman ang kain ni Mateo sa hinanda ni Maria para sakanilang dalawa. Parang pinag-aralan talaga ni Maria ang bawat sangkap na nilagay niya doon sa pagkain na hinain niya. Sarap na sarap si Mateo sa pagkain at sa wine na hinanda ni Maria. Unti-unting bumabalik na ang sigla sa dalawa.

Iyon ang akala ni Mateo, hindi niya alam na may nilagay si Maria na pampatulog doon para mapatulog niya ang binata at maisagawa niya ang plano niya. Ito ay ang may mangyari sakanila ni Mateo sa pangalawang pagkakataon. Sa pagkakataon na ito, sisiguraduhin niya na hindi na makakawala pa si Mateo sakanya. Sisiguraduhin niya na may hahabulin siya sa binata, ang balak niya ay magpapabuntis siya kay Mateo para may anak silang dalawa. Mas madaling mapapasakanya si Mateo hindi ba?

Hindi naglaon ay nahihilo na si Mateo dahil tumatalab na ang gamot na nilagay ni Maria sa pagkain niya. Abot-langit na ang ngiti ni Maria dahil nakikita na niya ang pabago-bago na itsura ng mukha ni Mateo na nakatingin sakanya.

"Ano ba ang nilagay mo sa pagkain ko? Bakit iba ang nararamdaman ko dito! May nilagay ka nanamang lason ano? Kahit kailan talaga hindi ka na yata magbabago. Binigyan kita ng pagkakataon para patunayan mo ang sarili mo sa akin. Binigyan kita ng pagkakataon para ayusin mo ang sarili mo pero bakit hindi mo naman sinusunod ang payo ko?! Ano pa bang gusto mo?" pagwawala ni Mateo kay Maria

"Ano ang gusto ko? Isa lang naman ang gusto ko hindi ba? Alam mo naman kung ano iyon pero ano ang ginawa mo sa akin? Hindi mo ako pinagbigyan sa gusto ko hindi ba? Hahayaan na kitang malason kung ayaw mong mapasakin. Mamatay ka na sana para wala na akong problema, hayop ka!" pagwawala din naman ni Maia kay Mateo

"Ano ba ang gusto mo? Ang sumama ako sa iyo at ang may mangyari sa atin? Iyon ba ang gusto mo? Sige, pagbibigayan kita sa gusto mo para matapos na ang kahibangan mong ito! Wala ka nang masasaktan maliban sa akin, Maria. Hindi ko na hahayaan pang may masayang na buhay dahil lang sa kabaliwan mo!" sigaw naman ni Mateo kay Maria

Dahil doon ay napangiti si Maria ng sobrang laki. Nagtagumpay nanaman siya sa gusto niyang mangyari. Wala nang magawa si Mateo kundi sumang-ayon na lang sa kabaliwan ni Maria dahil ayaw na rin niya na may madamay pa na iba. Iyak ng iyak si Mateo dahil naaawa siya sa kaibigan niya, hindi niya inaasahan na ganito kalala ang idudulot ng pag-ibig sa dalagang si Maria.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top