Chapter 4
Kahit puno ng takot si Mateo sa pwedeng mangyari sa pagkikita nila ni Maria ay mas pinili niyang maging matapang para matakot si Maria sakanya, nagbabaka sakali siya na kapag nagalit siya sa dalaga ay hindi na siya pansinin nito. Baka sakali iwasan na siya at kusa na itong lumayo. Hindi naman masamang subukan hindi ba?
"Bakit ka naparito? Wala naman na tayong dapat pag-usapan pa. Nakuha mo na ang gusto mo hindi ba? Ayos na iyon, huwag ka na pumarito kahit kailan. Simula ngayon ay hindi na tayo magkaibigan." bungad ni Mateo kay Maria na labis namang ikinagulat ng dalaga
"Ano bang sinasabi mo dyan Mateo? Nagsisimula pa nga lang ang kwento natin hindi ba? Naalala mo pa ba ang nangyari sa atin kagabi o sobra ang pagkalasing mo kaya hindi mo na rin tanda ang ginawa mo sa akin kagabi? Saka, bakit ganyan ka ba magsalita sa akin? Hindi ka ba nasarapan sa ginawa natin kagabi?" sagot naman ni Maria pagkatapos ay ngumisi ito sa binata
"Itigil mo na nga iyang kahibangan mo ha? Kalimutan mo na ako at ang nangyari sa atin kagabi Maria. Walang nangyari sa atin at kailan man hindi mo na ako malolokong muli. Akala ko kaibigan kita pero anong ginawa mo sa atin? Hindi mo na ginalang ang sarili mo. Alam mo bang nagsisisi ako na nakilala ko ang isang tulad mo? Bakit ba bigla ka na lang nagbago at naging masamang tao?" tanong ni Mateo kay Maria
"Hindi ako nagbago, Mateo. Pinapakita ko na lang talaga ang totoong ako sa iyo. Hindi ko na kayang hindi ipakita at iparamdam sa iyo na gusto kita noon pa man. Wala namang magagalit hindi ba? Wala ka namang ibang mahal hindi ba? Ako na lang kasi, ako na lang." pamimilit namang sagot ni Maria kay Mateo
"Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na wala akong gusto sa iyo? Sa tingin mo, sa ugali mong iyan ay magustahan ka ng isang lalaki? Ayusin mo ang sarili mo, hindi ganyan ang Maria na kilala ko. Mahal kita bilang kaibigan kaya huwag mo na hayaang mawala pa iyon. Makakauwi ka na sa inyo at huwag ka na magpakita pa sa akin." sagot naman ni Mateo kay Maria
Alam ni Mateo na hindi naman talaga niya gustong sabihin iyon sa dalaga dahil aminado naman siya na naging mabuting kaibigan pa rin ito sakanya kaso hindi niya din naman masisi ang sarili sapagkat kailangan na magising sa katotohanan ni Maria. Iba na ang kinikilos niya kaya dapat na maagapan na ni Mateo iyon at matigil na agad niya ang kahibangan na namumuo sa isip ng dalaga.
"Kaya mo naman akong mahalin, ayaw mo lang talaga siguro! Ano pa bang kulang sa akin Mateo? Binigay ko na nga ang sarili ko sa iyo kagabi para mapatunayan ang pagmamahal ko para sa iyo. Wala ka bang naramdaman dyan sa puso mo kagabi? Hindi ba naging masaya ka rin naman? Kailangan bang maulit iyon para maramdaman mo na talaga ang pagmamahal mo para sa akin?" sabi naman ni Maria kay Mateo
"Nagkakamali ka, may mahal na akong iba at masaya kami parehas kaya kung ano man ang nangyari sa atin kagabi ay ibaon mo na lang sa limot. Pasensya ka na talaga dahil hindi ko kayang tumbasan ang pagmamahal na binibigay mo sa akin Maria. Pwede mo naman ibigay iyan sa mas mamahalin ka pero parang awa mo na, huwag lang talaga sa akin." sabi naman ni Mateo kay Maria, dahil doon ay kita nag lungkot ng dalaga sakanyang mga mata
Sinabi lang iyon ng binata para hindi na siya kulitin pa ni Maria. Baka kung sakaling malaman ni Maria na may ibang mahal na si Maria ay tigilan na siya nito. Wala na din kasi siyang maisip na paraan para malayo ito sakanya. Sana lang ay maniwala talaga si Maria.
"Alam kong nagsisinungaling ka sa akin, kung meron ka na ibang mahal dapat nakilala ko na siya dahil sinabi mo noon na kapag may nakilala kang babae na gusto mo ay ako ang unang makakakilala hindi ba? Wala ka namang pinapakilala sa akin kaya hindi iyan totoo, wala kang ibang mahal kaya kung pwede ay ako na lang Mateo. Hindi ka naman magsisisis kailan man sa akin, pangako ko iyan sa iyo." sagot naman ni Maria
"Hindi ko lang siya pinapakilala sa iyo dahil alam ko na magseselos ka sakanya. Tahimik lang ang relasyon namin kaya naman sana bilang kaibigan ay maging masaya ka na para sa akin. Mabait siya, taga kabilang bayan. Halos kaugali mo nga siya at kamukha. Sana makilala mo siya kapag maayos ka na." sagot naman ni Mateo sa dalaga
"Alam mo kapag nakilala ko ang babaeng sinasabi mo? Papatayin ko iyan, pagsisisihan mo na minahal mo siya at hindi ako Mateo! Pagsisisihan niyong dalawa ang ginawa niyo sa akin. Humanda ka na sa akin dahil ako ay maghihiganti sa iyo! Tandaan mo iyan at itaga mo iyan sa bato!" sigaw naman ni Maria kay Mateo
Lumabas na si Maria na luhaan at mabigat ang puso. Wala siyang ibang maisip kundi ang paghigantihan ang lalaking pinakamamahal niya. Mali ba ang magmahal? Mali ba na ipakita niya ang nararamdaman niya para sa binata? Kulang pa ba ang pinakita niya? Ito ang mga tanong sa isip niya na pilit niyang gustong sagutin pero kahit kailan yata ay hindi na niya magagawa pa. Pinangako niya sa sarili na hindi siya susuko hangga;t hindi napapasakanya si Mateo, ilalaban niya ang binata hanggang huli.
Naiwan naman si Mateo sa sala ng kanilang bahay na tulala pa rin dahil sa nangyari sakanila ni Maria. Iniisip niya ang bawat salita na lumabas sa bibig nito noong kausap niya ito kanina. Mali ba ang ginawa niya? Mas mali naman ang pilit na pag-ibig hindi ba? Ayaw naman niyang lokohin ang sarili para lang mapagbigyan si Maria. Makikita pa rin kasi iyon ni Maria kahit magkunwari siya. Naaawa siya sa dalaga, lalo na at iba pa ang kinikilos nito. Para bang baliw na baliw na ito dahil sa pag-ibig niya kay Mateo. Hiling ni Mateo na sana ay huwag dumating sa kasukdulan ang nararamdaman ni Maria para sakanya dahil hindi niya alam kung anong pwedeng magawa niya sa dalaga.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top