Chapter 33
Naluluha siyang nakatingin kay Maria habang ang itsura nito ay galit na galit sakanya. Alam niya na si Juan ang sumanib kay Maria dahil naging malaki ang boses ng dalaga. Tahimik lang itong nakatingin kay Mateo at pagdaan ng ilang minuto ay nagsalita na.
"Kamusta ka na? Ikaw ang dahilan kung bakit hindi ako minahal ng taong mahal ko! Ikaw ang dahilan kung bakit nawala siya sakanyang sarili at napatay niya ako. Ikaw ang simula kaya tatapusin na kita!" sabi ni Juan na nasa katawan ni Maria
"Ililigtas ko si Maria ngayon na alam ko na ang tunay na nangyayari sakanya. Hindi pwedeng habang buhay na lang siya masaniban!" sabi naman ni Mateo
"Ano naman ang magagawa mo na pagligtas sakanya? Alam mo bang malalakas kami kaya nakakaya namin na mapasok ang katawan ni Maria? Papatayin kita gamit ang katawan niya!" sigaw ni Juan na nasa katawan ni Maria
Unti-unti ulit niyang naririnig ang boses ni Maria na sinusubukan na lumabas doon at pilit na nilalabanan si Juan, gusto na rin niyang matapos ito dahil pagod na pagod na siya sa mga ginagawa sakanya noong mga kaluluwa.
"Mateo, umalis ka na. Kaya ko na ito. Ayaw kong mamatay ka din katulad nila. Hindi na ako papayag pa. Ikaw ang mahal ko kaya ngayon ay ako ang magliligtas sa iyo." sagot ni Maria kay Mateo
"Ako na ang bahala, magtutuos kami ni Juan kung kinikailangan. Maghintay ka lang Maria. Ililigtas kita sa kamatayan." sagot naman ni Mateo
"Akala niyo ba na magtatagumpay kayo sa gagawin niyo? Maria, alam mo kung gaano kalakas ang pagsanib namin sa iyo. Alam mong talo ka dito." sabay tawa ng malakas ni Juan
"Tama na Juan, ayaw ko na! Huwag mo na gamitin ang katawan ko kahit kailan sa kasamaan! Hindi ko na kaya pa ang ginagawa niyo sa akin. Pagod na pagod na ako." sabi ni Maria kay Juan
"Malakas ka na nga dahil napipigilan mo na ang pagpasok namin sa katawan mo pero hindi ka pa rin magtatagumpay dahil mas malakas kami sa iyo." sagot ni Juan kay Maria
"Alam ko na noon kung bakit hindi ako pumayag na maging tayo. Hindi ka naman kasi kamahal mahal at ganyan ang ugali mo. Sa tingin mo, sasaya ako kung sakim naman ang minamahal ko? Mas pipiliin ko pa rin pala talaga si Mateo. Siya na lang kaysa sa iyo." sabi naman ni Maria kay Juan
"Tama ka, siya nga ang pinili mo pero hindi niyo na ako mapipigilan dahil kukunin na kita sakanya. Kukunin ko na ang katawan mo at magiging sa akin ka na. Wala ka nang takas pa!" sabi ni Juan sabay tawa nang malakas
"Huwag na huwag mo siyang kukunin, hindi pwede! Mahal ko siya at ililigtas ko siya mula sa kapahamakan na dulot mo." sagot naman ni Juan kay Mateo
"Mahal mo siya? Kung mahal mo siya sana noon mo pa siya niligtas. Noong wala pa siyang napapatay na tao. Paano mo na mamahalin ang isang tao na pumatay sa mga mahal mo sa buhay?" tanong ni Juan kay Mateo pagkatapos ay tumawa nang malakas
"Alam ko na ang lahat kaya malinaw na sa akin ang nangyari. Itigil mo na ito. Pagod na kami at ayaw na namin masaktan ang isa't isa." sagot naman ni Mateo kay Juan na hanggang ngayon ay nasa katawan pa rin ni Maria
Ilang minuto pa ay nag-iba naman ang boses ni Maria, naging boses bata ito pagkatapos ay kinuha ang manika na nasa sahig. Nilaro-laro niya ito pagkatapos ay tumingin na siya kay Mateo nang masama. Sa mga oras na iyon ay alam na ni Mateo na hindi na si Juan ang kaharap niya kundi ang anak na nila ni Maria na si Helena.
"Anak, patawarin mo ako sa mga nagawa ko sa nanay mo. Pasensya ka na dahil hindi ka nabigyan ng pagkakataon na mabuhay dito sa mundo. Anak, palayain mo na ang nanay mo. Huwag mo na siyang pahirapan pa at maging masaya ka na rin sana sa langit. Anak, tama na ito." sabi ni Mateo sa anak niyang si Helena na nasa katawan ngayon ni Maria
"Alam mong mahal ko si nanay. Ayaw ko siyang masaktan kaya nga pinatay ko si Juan at Mathilda dahil gusto ko na kayo pa rin ang magkatuluyan sa huli. Salamat dahil tinawag mo akong anak sa huling pagkakataon. Mahal na mahal ko kayo ni nanay. Sayang lang dahil kahit kailan ay hindi ko na kayo makakasama pa. Aalagaan mo siya ha? Narinig ko kanina na sinabi mong mahal mo siya kaya ililigtas mo siya, tuparin mo ang sinabi mo. Iligtas mo si nanay, itay." sagot naman ni Helena kay Mateo
Hindi alam ni Mateo na umiiyak na pala siya dahil nakausap na niya ang anak niya. Ang masakit ay alam niya rin sa sarili niyang ito na rin ang huli. Pinangako niya sa sarili na tutuparin niya ang pangako sa anak na si Helena, ililigtas niya ang nanay nito mula sa mga nasanib sakanya.
Lumapit naman si Helena na nasa katawan pa rin ngayon ni Maria. Lumuhod ito sa harap ng kanyang ama para magpasalamat, magpatawad at magpaalam. Umiiyak na rin ito dahil alam niyang ito na ang huli, gusto niya na rin kasing magpahinga ang kanyang ina.
"Tatay, salamat dahil bumalik ka sa buhay ni nanay. Nakita ko na ginawa mo naman ang lahat para ayusin ang mga pagkukulang mo sakanya noon. Pinapatawad na kita sa mga ginawa mo sakanya, pinapatawad na kita sa kasalanan mo noon na iniwan mo kami kahit alam mong hindi dapat. Alam ko naman na pinoprotektahan mo lang ang sarili mo. Kaya ngayon ay magpapaalam na ako tatay, gusto ko na ring maging malaya si nanay sa sakit. Tama ka, tama na nga ang paghihiganti. Pagod na rin ako sa ginagawa ko. Mahal na mahal kita, tatay." sabi ni Helena sakanyang ama
Pagkatapos noon ay hindi na nagsalita si Mateo sakanyang anak na si Helena. Sa halip ay niyakap niya na lang ito at nakita niya na lumuha ito. Masaya si Mateo na tanggap na ng anak niya ang lahat ng nangyari. Alam niyang malapit na matapos ang lahat ng paghihirap.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top