Chapter 30

Noong pumunta siya doon ay hindi muna siya nagpakita sa ma-ina. Nakamasid lang siya at hinihintay ang oras kung saan pwede siyang sumalakay sa mag-ina. Namuo na ang galit sakanya dahil wala naman siyang ginawang masama kay Maria pero parang pinagbabayad siya nito. Sa totoo niyan ay tinulungan pa nga niya ito pero hindi niya alam na ito pala ang ibabayad ng baliw ni Maria sakanya.

Ilang araw din ang lumipas, nakikita niyang normal na namumuhay lang naman ang mag-ina. Si Mara ay nakikipaglaro sakanyang manika at parang may sinasambit ito samantalang ang kanyang nanay naman ay abala sa pagtimpla ng kanyang kape.

Ito na ang nakikitang pagkakataon ni Mateo para paaminin ang mag-ina sakanilang ginawang kasalanan sa mga mahal sa buhay ni Mateo. Wala na siyang sinayang na oras at pinasok na niya ang bahay ng mag-ina.

"Umamin kayo sa akin! Kayo ang nagtulungan para patayin ang tiyahin ko at si Celeste ano? Wala na kayong awa! Wala naman akong ginawang masama sa inyong mag-ina pero anong ginawa niyo sa akin? Hindi niyo ba alam kung gaano kasakit ang mawalan? Akala ko ay mababait kayo sa akin pero kayo pala ang sisira sa mga pangarap ko sa buahy! Nagsisisi ako na nakilala ko kayo at naging mabait ak sa inyo!" sigaw ni Mateo sa mag-ina

"Ano naman ang ginagawa mo dito? Akala ko ba ay nasa Bulacan ka para ayusin ang trabaho mo doon? Ano nanaman ang binibintang niyo sa anak ko? Wala kaming alam dyan at hindi kayang gawin iyan ng anak ko. Maawa ka sa anak ko Mateo, umalis ka na lang rito sa pamamahay namin kung ayaw mong magkagulo." sagot naman ng nanay ni Maria kay Mateo

"Maawa ako sa anak mo? Siya ba naawa sa nobya ko at sa aking tiyahin? Paano ako maaawa sa isang taong pumatay sa mahal ko sa buhay? sabihin mo nga sa akin! Alam mong may mali ang anak mo. Alam kong alam mo na siya ang pumapatay sakanila. Bakit hindi mo ituwid ang pagkakamali niya?" galit na galit na sagot ng ni Mateo sa nanay ni Maria

"Umalis ka na lang dito kung ayaw mong pati ikaw masaktan. Kung alam mo naman pala na siya ang pumatay sa mga iyon, bakit nandito ka pa sa harap namin? Hindi ka ba natatakot sa pwedeng gawin ni Maria sa iyo?" sagot naman ng nanay ni Maria kay Mateo

"Paano pa ako matatakot sa anak mo eh pinatay niya na ang mga mahal ko sa buhay? Patayin niya na lang din kaya ako para makasama ko na ang tiyahin ko at si Celeste! Naiintindihan mo ba ako? Wala na akong rason para mabuhay pa!" sigaw naman ni Mateo

"Mateo, ano bang sinasabi mo dyan? Hindi naman kita kayang patayin dahil kaibigan kita, mahal kita hindi ba? Alala mo pa ba noong mga bata pa--" hindi na natapos ni Maria ang sasabihin niya dahil sumabat agad si Mateo

"Ako? Mahal mo ako Maria?  Paano mo nasabing pagmamahal ang pinapakita mo kung pinapatay mo naman ang mga taong mahal ko? Hindi ka na naawa sakanila! Maria, tinulungan pa kita hindi ba?" sabi naman ni Mateo kay Maria

Dahil sa inis ni Maria ay tumakbo siya papalayo sa nanay niya at kay Mateo, hindi niya kasi gusto na hindi sumasang-ayon ang mga taong nakapaligid sakanya. Ayaw niya na sinasaway siya o di kaya naman ay pinapagalitan siya.

Hinabol naman siya ng kanyang nanay at sumakay naman si Mateo sa kotse niya dahil auaw niyang makatakas pa ang taong pumatay sa mga mahal niya, hindi na siya papayag na hindi makulong si Maria sa mga nagawa niya.

habang hinahabol niya ito ay bigla itong nawala, nalaman na lang ni Mateo na nasa likod lang pala ito ng kotse niya at nakatingin ng masama sakanya ang dalaga.

"Paano ka nakapunta sa kotse ko? Anong ginagawa mo dito? Hindi ba't hinahabol ka namin? Umalis ka dito! Huwag na huwag mo akong hahawakan dahil pinapangako ko, papatayin kita! Mas gugustuhin kong makulong ako na napatay kita dahil ayaw ko na namemerwisyo ka pa sa ibang buhay!" sabi ni Mateo kay Maria

"Hinahanap mo ako hindi ba? Nandito na ako, maglaban na tayo Mateo. Umpisa na ito ng kalbaryo mo. Mamamatay ka rin katulad nila." banta ni Maria kay Mateo habang ang mukha nito ay galit na galit sa binata

Hinawakan ni Maria ang manibela ng kotse ni Mateo at sa kasamaang palad ay nabangga ito sa poste. Ang huling narinig ni Mateo ay ang pagtawa ng malakas ni Maria na para bang papatayin na niya ang binata.

Paggising ng binata ay nagulat siya dahil nasa harapan niya mismo si Maria. Nakatingin pa rin ito ng masama sakanya. Hindi naman niya mafalaw ang kanyang binti dahil sa nabangga nga siya.

"Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok? Lubayan mo na ako, itigil mo na ang kasamaan mo at ang lahat ng ito. Maawa ka na lang sa sarili mo, baka may pag-asa ka pa para magbago." sabi ni Mateo kay Maria

"Akala ko ba ay gusto mo na mamatay para makasama mo na ang tiyahin mo at si Celeste? Binibigay ko lang naman ang gusto mo, ito papatayin na kita habang nandyan ka sa kama mo at hindi ka pa nakakagalaw. Tama ka, ako nga ang pumapatay sakanila. Ako ang pumatay kay Mathilda, celeste at sa tiyahin mong walang ginawa kundi pagplanuhan na lasunin ako!" sagot ni Maria kay Mateo

Papalapit na si Maria kay Mateo at balak na siyang saksakin nito. Hanggang ang nagawa na lang ni Mateo ay ang pumikit at manalangin sa Diyos na huwag ituloy ni Maria ang gusto niyang mangyari sa binata.

"Sir, nananaginip po kayo. Nandito po kayo ngayon sa ospital kasi nabangga nga po ang kotse niyo. Buti na lang po at may nakakita sa inyo na lalaki at dinala po kayo rito kaso umalis na po siya." iyon naman agad ang narinig niya, nananaginip lang pala siya

"Wala bang babaeng baliw na pumasok rito sa kotse ko? Wala bang sumunod sa lalaking tumulong sa akin?" tanong naman niya sa nagbabantay sakanya

"Wala naman po. Iyon po ba ang napapanaginipan ninyo? May tinatawag po kasi kayong Maria kanina." sagot naman ng lalaki na kausap niya

Hindi na siya nakapagsalita pa, napangiti na lang siya dahil ligtas na pala siya sa kamay ni Maria. Ligtas na nga ba o simula pa lang ito ng kalbaryo niya?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top