Chapter 29

Pagsapit ng ika-apat na araw ni Mateo sa Bulacan ay tumawag sakanya ang mga kasambahay para sabihin sakanya ang nangyari sakanyang nobya na si Celeste at sakanyang tiyahin. Agad naman niya itong sinagot na sobrang saya pa.

"Tiya, makakauwi na po ako sa makalawa ha. Hintayin niyo po ako dyan, marami po akong pasalubong at--" hindi na niya natapos pa ang sasabihin niya sa kabilang telepono dahil biglang sumagot na ang kasambahay

"Sir, sorry po pero isa po ako sa mga kasambahay ninyo. May nangyari po kasi kay Celeste at sainyong tiyahin. Kailangan niyo na pong umuwi dito sa Maynila. Hindi na po namin alam ang gagawin, takot na takot na po kami." sagot naman ng kasambahay kay Mateo

"Ano ang sinasabi mo? Anong nangyari kay Celeste at tiya? Okay naman daw sila sabi ni tiya kahapon ah? Nakausap ko pa nga si tiya." sagot naman ni Mateo sa kasambahay niya

"Saka ko na po sasabihin sa inyo kung ano po ang nangyari sakanila. Basta po, kailangan niyo na umuwi dito. Sobrang ibang-iba na po sa bahay na ito simula noong pumunta po kayo dyan sa Bulacan." sagot naman ng kasambahay kay Mateo

Agad namang nagpaalam si Mateo sakanyang boss at sinabi niyang may emergency na nangyari sa bahay nila kaya pinayagan siya agad. Pagdating ng hapon ay nakadating agad siya sakanilang bahay, nagulat siya na maraming pulis ang nandoon at naiyak ang mga kasambahay niya.

"Ano ang nangyayari? Bakit ang daming tao? Nasaan si Celeste at si tiya? Bakit wala sila dito?" tanong ni Mateo sa kasambahay nila

"Wala na po sila pareho, namatay po kahapon si Celeste at ngayon naman po paggising namin kaninang umaga natagpuan na lang po ang tiyahin niyo na wala na pong ulo. Pasensya na po, nakikiramay po kami sa inyo." sagot naman ng kasambahay niya sakanya

Noong narinig ni Mateo iyon ay hindi na niya alam kung paano pa titingnan ang lugar kung saan madaming pulis at mga tao ang nagkukumpulan. Para bang nawalan siya ng paa noong mga oras na iyon. Walang boses na maririnig mula sakanya, tulala lang siya na lumapit doon.

"Kayo po ba ang kamag-anak ng biktima? Nasaan po kayo kagabi noong mangyari ang insidente? Hindi po ba kayo nilooban o wala po ba kayong kahina-hinalang tao na alam niyong papatay sa tiyahin ninyo?" tanong agad ng pulis kay Mateo

Hindi iyon pinansin ni Mateo, sa halip ay agad niyang pinuntahan ang labi ng kanyang tiyahin. Ang taong nagpalaki sakanya at halos nagturo na sakanya ng lahat. Ang taong parang nanay na sakanya ngayon ay wala nang buhay na nakahandusay sa harapan niya. 

"Anong nangyari sa iyo tiya? Sino ang gumawa sa iyo nito at bakit niya ito ginawa? Anong motibo niya?!" sigaw ni Mateo sakanyang tiyahin habang naiyak siya

Inaayos na ang katawan ng tiyahin niya para dalhin ito sa morgue. Isang tao lang ang alam niyang may kakayahan para gawin iyon sa mga mahal niya sa buhay. Walang iba iyon kundi si Maria kaya agad siyang pumunta sa apartment kung saan nakatira ang mag-ina pero nabigo siya dahil wala na ito noong hinanap niya.

Paglabas niya ng bahay ay durog na durog pa rin siya dahil sa pangyayari. Parang mababaliw na din siya dahil dalawang tao na mahalaga sakanya ang haharapin niya sa kabaong. Hindi niya alam kung paano gagawin iyon pero dapat niyang tatagan ang kanyang loob.

Pumunta muna siya sa burol ni Celeste at nakita niya doon ang mga magulang ng dalaga. Galit na galit ito kay Mateo noong nakita nila ang binata. 

"Paano nangyari ito? Sabihin mo sa amin Mateo! Umalis lang kami para sa tarbaho namin sa ibang bansa pagkatapos pagbalik namin ay wala nang buhay ang anak namin? Paano mo ipapaliwanag sa amin ito? Akala ko ba ay aalagaan mo ang anak namin? Akala namin ay okay siya sa piling mo pero nagkamali pala kami. Kung hindi namin pinayagan na maging kayo noon ay sana buhay pa ang anak namin! Pagbayarin mo ang gumawa nito sa anak namin kundi ikaw ang pagbabayrin namin!" galit na galit na sabi ng tatay ni Celeste

"Hindi ko din po alam na mangyayari ito sa amin ni Celeste, umalis lang po ako para sa trabaho ko sa Bulacan at pagdating ko po kanina ay nalaman ko na lang po sa mga kasambahay ko na wala na nga po si Celeste. Mahal na mahal ko po siya at pinapangako ko po na pagbabayarin ko po talaga ang taong gumawa nito sakanya." sabi naman ni Mateo sa mga magulang ni Celeste

Hindi na nagtagal pa doon si Mateo dahil hindi na siya pinayagan pa ng mga magulang ni Celeste na dumalaw pa. Wala na siyang nagawa kundi umuwi na lang sakanila at ayusin naman ang burol ng kanyang tiyahin.

Habang padating na ang mga tao sa burol ay pilit niyang hinahanap ang mag-ina dahil alam niyang sila lang ang may alam kung sino ang pumatay sakanyang tiyahin. Nangako si Mateo sakanyang sarili na mananagot si Maria sakanyang ginawa sa mga mahal ni Mateo.

"Nakita mo na ba ang mag-ina? Nasaan na ba si Maria? Hindi ba dapat ay nasa apartment lang sila? Hindi niyo ba napansin kung saan pumunta ang dalawang iyon?" tanong naman niya sa mga kasambahay

"Hindi na po namin alam dahil natatakot na po kami sa baliw na iyon, baka po kasi guluhin kami kaya hindi po namin pinapansin noong wala kayo sa bahay. Ngunit malakas po ang kutob namin na ang baliw na iyon po ang may gawa nito kay Celeste at sa tiyahin niyo po dahil bigla na lang po silang nawala noong nangyari na po ito." sagot naman ng kasambahay ni Mateo sakanya

"Sige salamat, malakas din ang kutob ko na si Maria ang may gawa nito. Pwede bang kayo muna ang bahala dito? May pupuntahan lang ako, may kailangan magbayad sa lahat ng ito. Hindi pwedeng manahimik lang ako." sagot naman ni Mateo sa mga kasambahay niya

Agad niyang kinuha ang kanyang kotse at umalis papunta sa probinsya nila. Alam niyang doon lang sila pumunta dahil wala namang alam ito na ibang lugar pa sa Maynila. Kakalabanin niya si Maria dahil hindi niya na kaya pa ang ginagawa nito sa mga taong mahal niya.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top