Chapter 28
Pumunta na ang tiyahin ni Mateo sa morgue para ito ay sunduin at tingnan kung ayos na ang bangkay ni Celeste. Habang tinitingnan niya ito, hindi niya mapigilan maalala ang pangyayari na iyon sa buhay niya. Hindi dapat si Celeste ang nasa kabaong kundi si Maria. Ano na lang ang sasabihin ng pamilya ni Celeste sa pamilya ni Mateo?
Ang bigat-bigat ng dala ng tiyahin ni Mateo dahil siya lang naman ang may alam kung anong nangyari sakanila ni Celeste. Maswerte pa nga siya dahil nakaligtas siya mula sa kamay ng baliw na si Maria, paano na lang kung pati siya ay napatay nito? Edi dalawa silang nakalagak dito?
Noong naayos na ang lahat at nakaburol na si Celeste ay marami ang nakiramay. Palihim na pumunta ang mag-ina para makita nila kung ano na ang nangyayari sa mga tao. Alam nilang hindi sila papayagan makalapit sa mga tao dahil sa kondisyon na meron si Maria pero dahil sa gusto nilang makibalita ay gumawa sila ng paraan.
Nasa malayo sila pero nag-iingay pa rin si Maria sa nanay niya, may mga guard at pulis din sa burol upang maiwasan ang gulo kapag nakita na nila si Maria. Iyon kasi ang utos ng tiyahin ni Mateo.
Sa kasamaang palad, nakita sila ng isa sa mga guard na nagmamasid sa paligid. Agad itong kinuha si Maria at ang kanyang ina pagkatapos ay dinala sa tiyahin ni Mateo. Wala nang sianayang na sandali ang matanda.
"Alam mo ba ang ginawa mo baliw ka?! Nakikita mo ba ang katawan na nandito ngayon sa kabaong? Ikaw ang may kasalanan niyan! Ikaw dapat ang nandyan!" sigaw ng matanda kay Maria habang sinusubsob ang mukha nito sa kabaong
"Hindi naman kasi talaga ako ang pumatay kay Celeste eh! Si Mathilda at Helena nga kasi ang may pakana ng lahat! Hindi naman ako!" sagot naman ni Maria sa matanda
"Kahit ano pa ang sabihin mo sa amin ay wala ka na magagawa dahil patay na si Celeste! Ano na lang ang sasabihin ko sa pamilya niya at kay Mateo?! Bukas rin ay lalayas na kayong mag-ina sa bahay ko! Wala kayong karapatan na tumira doon dahil mamamatay tao kayo! Mga hayop!" paninigaw ng tiyahin ni Mateo sa dalawa
"Paano na lang kung hanapin kami ni Mateo? Maglalaro pa kami ni Mateo at Helena! Isasama pa nga namin si Mathilda dahil masaya kapag madami. Hindi kami aalis sa bahay ni Mateo, kung gusto mo ikaw na lang! Masama ka naman eh, ikaw na lang sana ang mawala!" sigaw naman ni Maria sa tiyahin ni Mateo
"Hindi naman kayo hahanapin ni Mateo dahil sinisigurado ko na kapag bumalik siya dito ay kakamuhian ka niya dahil pinatay mo ang mahal niyang si Celeste!" sigaw naman ng tiyahin ni Mateo kay Maria
Sasampalin dapat ng tiyahin ni Mateo si Maria pero hindi ito natuloy dahil sinangga ito ng kanyang nanay. Hindi na rin niya kasi kaya ang giangawa ng tiyahin ni Mateo sakanyang anak. Mabuti kung siya na lang ang sinampal huwag lang si Maria.
"Huwag na huwag mong pagbubuhatan ng kamay ang anak ko. Alam kong may mali kami pero wala kang karapatan para gawin iyan sakanya. ako nga na nanay niya ay hindi siya ginanyan kahit kailan tapos ikaw na hindi naman namin kaano-ano? Aalis na kami dito kung iyon ang gusto mo! Huwag mo lang sasaktan ang anak ko!" sigaw naman ng nanay ni Maria sa tiyahin ni Mateo
"Aba! Dapat lang na umalis na kayo sa amin dahil perwisyo lang ang dala niyo sa pamilya ko! Buti naman at alam mo kung saan ang lugar ninyong mga baliw! Huwag na huwag ko na kayong makikita sa paligid ko!" sigaw naman ng tiyahin ni Mateo
Umalis ang mag-ina na galit na galit sa tiyahin ni Mateo. Nangako ang nanay ni Maria sakanyang sarili na babalikan niya ang matanda para turuan ng leksyon pero hindi muna agad. Te-tyempo siya kung kailan pwede at may plano siya laban sa tiyahin ni Mateo.
"Bakit tayo umalis doon? Paano na si Mateo? Hahanapin niya ako kapag bumalik na siya. Bumalik tayo doon! Kailangan ako ni Mateo! Maglalaro pa kami ni Mathilda at Helena!" pagwawala ni Maria sakanyang ina
"Anak, hindi muna tayo magpapakita sakanila. Saka na lang ulit kayo maglaro ni Mateo kapag okay na ang lahat anak ha? Sa ngayon, tayo muna ang maglalaro anak. Sasamahan ko kayo ni Mathilda at Helena. Ano nga ba ang bagong laro ninyo? Ituro mo muna sa akin." sagot ng nanay ni Maria
"Ayaw ko sa iyo, gusto ko si Mateo ang kalaro ko! Ayaw nga din sa iyo ni Mathilda at Helena eh. Ayaw nila sa iyo kaya ayaw ko din! Makikinig ako kung anong sinasabi nila sa akin!" sigaw ni Maria sa kanyang nanay
"Anak, wala na nga ang mga taong sinasabi mo! Kahit anong gawin mo ay hindi na sila mabubuhay pa! Anak, tayo na lang ang natitira at baka mawala ka pa kapag nalaman ni Mateo na ikaw ang pumatay sa nobya niya. Naiintindihan mo ba iyon? Kaya huwag ka na umasang makikipaglaro pa siya sa iyo dahil simula ngayon ay hindi na natin sila pwedeng galawin!" sagot naman ng nanay ni Maria
Dahil sa sinabi ng nanay ni Maria ay nagalit ang dalaga sakanya. Tumakbo ito nang tumakbo hanggang sa makarating ito malapit sa apartment na binili ni Mateo para sakanilang mag-ina. Doon ay nagtago siya.
Pagkasapit ng gabi ay umuwi na ang tiyahin ni Mateo para magpahinga. Pagpasok niya sa kwarto ay nakasara ang mga ilaw, binuksan niya ito at nagulat siya sakanyang nakita. Si Maria, nasa tapat niya at may hawak itong patalim, ang patalim na ginamit niya sa pagpatay kay Celeste.
"Anong ginagawa mo dito sa loob ng bahay namin? Akala ko ba--" hindi na natapos pa ng tiyahin ni Mateo ang kanyang sasabihin dahil pinugutan na siya ni Maria ng ulo
Isang buhay nanaman ang nawala. Kailan ba matatapos ang lahat? Kailan ba titigil si Maria sa pagpatay? Ano na ang mangyayari ngayon na patay na si Celeste at ang tiyahin ni Mateo? Kawawang Mateo, wala na siyang dadatnang buhay sakanilang bahay. Lahat ng mahal niya ay pinatay na ni Maria.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top