Chapter 27
Kinaumagahan ay nagising na lang sila dahil sa isang sigaw. Si Maria ay hindi mapakali dahil nakikita niya daw si Celeste na kasama si Mathilda. Halos lahat naman ng kasambahay ay gulong-gulo na dahil sa sinasabi ni Maria sakanila.
"Anak, ano ba ang nangyayari sa iyo? Ano ba ang sinasabi mo na nakita mo si Mathilda na kasama si Celeste? Anak, patay na sila. Wala na silang dalawa! Maawa ka naman sa sarili mo anak, tama na ito! Pagod na rin ako, napapagod na ako!" sigaw ng nanay ni Maria sakanya
"Oo, nakita ko si Celeste na hawak-hawak si Mathilda. Galit na galit sila hindi ko alam kung bakit! Ayaw ko na dito, hinahabol nila ako. Paano kung mahuli nila ako? Hindi pwede, hindi nila ako dapat mahuli!" sigaw naman ni Maria sa nanay niya
"Anak, kumalma ka naman. Ang dami na nangyayaring kakaiba dahil sa mga iyan. Ano ba talaga ang kinalaman mo sakanila? Anak, bumalik ka na." pagmamakaawa ng nanay ni Maria
"Dahil iyan sa pagpatay mo sakanila, kaya ka nila dinadalaw kasi kinokonsensya ka na sa mga ginawa mo. Bakit hindi mo aminin na matino ka naman talaga at palabas mo lang ang lahat ng ito dahil gusto mong maghiganti sa aking pamilya?" nagulat naman ang mag-ina sa boses na narinig nila
Pumunta ang tiyahin ni Mateo sakanila at sila ay hinarap nito. galit na galit ang mata at para bang gusto na rin silang patayin dahil sa nangyari kay Celeste. Paano na niya sasabihin kay Mateo na patay na ang kanyang nobya? Hindi niya alam kung saan magsisimula, sobrang sakit nito para sakanila.
"Huwag naman po kayo mambintang sa anak ko, alam niyo naman po ang kalagayan niya hindi ba? Isa pa po, kilala ko po ang anak ko at hindi niya magagawa kay Celeste ang ibinibintang po ninyo." sagot naman ng nanay ni Mara sa tiyahin ni Mateo
"Kilala mo nga ba ang anak mo? Kung kilala mo ang anak mo ay alam mo din na siya ang pumatay sa nobya ni Mateo. Gawin mo ang tama, itama mo ang pagkakamali ng anak mo. Isuko mo siya sa mga pulis dahil iba na ang kinikilos niya, ang hindi mo alam pati ikaw mismo ay gusto na niyang patayin." sagot naman ng tiyahin ni Mateo
"Naging ina na po ba kayo? Alam niyo po na hindi magagawang mahiwalay ng ina sa anak niya. Sana naman po maintindihan niyo iyon. Ayaw ko lang po mapahamak ang anak ko." sagot naman ng nanay ni Maria
"Ayaw mong mapahamak ang anak mo pero ang ibang tao ay ayos lang mamatay dahil sa anak mo? Kung matino ka, alam mo na ang dapat gawin. Kung ako sa iyo ay dinadala ko na siya sa mental hospital para hindi na makapanakit pa." sagot naman ng tiyahin ni Mateo
Naputol ang usapan nila dahil biglang tumunog ang cellphone ng tiyahin ni Mateo, pagkakita niya dito ay nagulat siya dahil si Mateo ay natawag sakanya. Ano na lang ang sasabihin niya sa pamangkin niya? Handa na nga ba siyang sabihin ang totoo dito o itatago muna niya?
"Pamangkin, ano na? Kamusta ka diyan sa Bulacan? Ang bilis mo naman, napatawag ka agad sa amin. Kumain ka na ba? Magandang umaga pala." sabi ng tiyahin ni Mateo habang kabado na kabado ito
"Nasaan na po ba si Celeste? Tinatawagan ko po siya pero hindi naman siya nasagot. Pakitingnan naman po siya sa kwarto niya. Pwede po ba?" hiling ni Mateo sa tiyahin niya
"Naku, tulog pa si Celeste eh. Ayaw ko naman gisingin dahil baka magalit iyon sa akin. Alam mo naman na ayaw na magpapaistorbo noon diba? Mamaya na lang siguro kapag gumising na siya ay patatawagin kita. Okay ba iyon? Busy ka rin naman dyan hindi ba?" palusot ng tiyahin ni Mateo
"Ano po? Tulog pa rin po siya ngayon? Paki-check nga po, naninibago ako eh. Hindi naman po siya ganyan matulog hindi ba? Mas maaga pa nga magising sa akin iyon kasi magluluto pa siya ng umagahan namin. Ano naman kaya ang ginawa niya kagabi at tinanghali siya ng gising?" pagtataka ni Mateo
"Ah, wala ka naman hindi ba? Kaya tanghali na siya gumising. Ayaw mo ba noon? Nakarelax din sa wakas ang girlfriend mo sa pag-aalaga sa iyo. Eh sige na, baka may gagawin ka na dyan. Ako rin eh magluluto na dito para kay Maria." sabi naman ng tiyahin ni Mateo
"Oo nga po pala, kamusta na silang mag-ina? Okay naman po ba sila? Sana po nakakakain naman ng mabuti dyan si Maria para naman po kahit papano ay kumalma siya. Kayo na po ang bahala sakanila ha? Babawi na lang po pagkabalik ko." sagot naman ni Mateo sakanyang tiyahin
"Ayos naman siya, sige ako na ang bahala sakanya ha? Huwag mo na sila alalahanin, magtrabaho ka dyan para sa inyo ni Celeste." sagot naman ng tiyahin ni Mateo
Hindi na sumagot pa si Mateo at binaba na ang kanyang cellphone. Bumalik naman ang tiyahin ni Mateo sa mag-ina at tiningnan ito nang masama. Indikasyon na galit pa rin ito kahit tinago niya kay Mateo ang totoo na wala na si Celeste.
"Nakita mo ba ang ginawa mo? Hindi ko na alam kung anong paraan ang gagawin ko para hindi masaktan si Mateo! Ano na lang ang mangyayari kapag bumalik na siya galing sa Bulacan? Hindi mo ba alam kung gaano kasakit iyon para sakanya? Oo nga pala, ikaw ang pumapatay sakanila paano mo naman mararamdaman ang sakit na dinulot mo sa amin?" galit na galit na sabi ng tiyahin ni Mateo
Umiyak na lang ang mag-ina dahil wala silang magawa sa nangyari. Hindi mo naman masisisi ang tiyahin ni Mateo, hindi naman talaga madali ang pangyayari na iyon. Umalis naman ang tiyahin ni Mateo dahil aasikasuhin na niya ang damit na susuotin ni Celeste sa burol niya.
Hindi kasi maasikaso ng mga magulang ni Celeste ang burol dahil nasa ibang bansa naman ito dahil sa trabaho. Nakakalungkot na pagbalik nila ay wala na ang nag-iisa nilang anak. Malamang ay si Mateo ang mapapagalitan sa lahat dahil pinagkatiwala nila ang anak nila dito. Si Maria lang pala ang sisira sa lahat ng pinaghirapan nila.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top