Chapter 26

Dahil sa takot sa nangyari ay hindi agad nakapagsalita ang tiyahin ni Mateo. Tanging iyak na lang ang nailabas niya at walang boses na lumabas sakanya. Hindi niya alam kung paano ito sasabihin sakanyang pamangkin na si Mateo. Alam niyang madudurog ang puso nito kapag nalaman agad niya ang nangyari kay Celeste.

"Anak, hindi pwede mangyari sa iyo ito! Magbabayad si Maria dahil sa ginawa niyang ito sa iyo. Ano na lang ang sasabihin ko kay Mateo? Ano na lang ang sasabihin ng pamilya mo sa pamilya namin?! Anak, tulungan mo naman kami na makuha ang hustisya para sa iyo." sabi ng tiyahin ni Mateo sa walang buhay na katawan ni Celeste

Wala na nagawa ang tiyahin ni Mateo kundi tingnan na lang ang katawan ni Celeste na binubuhat ng mga kalalakihan para dalhin ito sa morgue. Agad namang nagising ang nanay ni Maria at nagulat siya dahil nakita niyang dala-dala ng mga lalaking hindi niya kilala ang bangkay ni Celeste.

"Ano ang nangyari kay Celeste? Bago naman ako matulog ay maayos pa siya. May nakapasok ba sa bahay niyo at nangyari ito sakanya?" laking pag-aalala niya na sinabi sa tiyahin ni Mateo iyon

"Ang anak mo ang may kasalanan ng lahat! Hindi mo ba alam na mamamatay iyang anak mo? Pinatay niya lang naman si Celeste, pinagsasaksak niya ito at pagkatapos ay binitin niya ito patiwarik! Walang awa iyang anak mo!" sabi naman ng tiyahin ni Mateo sa nanay ni Maria

Dahil sa bintang ng tiyahin ni Mateo sakanyang anak ay hinanap niya si Maria sa apartment pero wala ito dito. Lalo siyang kinabahan dahil baka naglayas na si Maria dahil sa gulo na napapasok nito. 

Nilibot niya ang lahat ng mga lugar kung saan pwede magsuot si Maria pero niya makita ang kanyang anak, naiiyak na lang siya dahil baka nakalayo na ang kanyang anak at hindi na niya ito makita pang muli. 

Hanggang sa narinig na lang niya ang boses ng anak na tinatawag ang pangalan nila Mathilda ay Helena, nandoon pala si Maria sa isang kwarto sa bahay ni Mateo. Agad niya itong nilapitan habang siya ay naiyak dahil pagod na pagod na rin siya sa kakabantay sakanyang anak pero wala naman siyang magagawa dahil kahit baliktarin niya ang mundo ay mag-ina pa rin sila.

"Maria, saan ka ba galing anak? Kanina pa kita hinahanap. Ano bang nangyari kay Celeste? Bakit ikaw nanaman ang sinisisi nila? Ikaw ba talaga ang pumatay sakanya? Sabihin mo naman sa akin anak, hindi ko na rin kaya." sabi ng nanay ni Maria sakanya

"Hindi ko naman pinatay si Celeste eh, si Mathilda at Helena ang pumatay sakanya! Hindi ako! Ginagamit lang nila ako!" sigaw naman ni Maria sakanyang ina

"Anong ibig mong sabihin? Sumasanib ba sa iyo sina Helena at Mathilda anak? Pasensya ka na anak kung ganitong buhay ang naibigay ko sa iyo. Kung nabantayan lang sana kita nang maayos noon ay hindi na sana aabot pa sa ganito." sagot naman ng nanay ni Maria sakanya pagkatapos ay niyakap niya ito

"Naglalaro lang kaming tatlo tapos biglang pumasok sina Celeste at iyong matandang iyon. Nakaramdam silang dalawa na may balak sina Celeste na patayin ako kaya inunahan na namin sila. Pinatay ni Mathilda si Celeste para maprotektahan niya ako." sagot naman ni Maria sakanyang ina

Lalo pang naiyak ang nanay ni Maria dahil sa narinig niya. Totoo nga ang hinala niya na si Maria ang pumatay kina Mathilda at Celeste. Agad siyang lumabas ng bahay at pumunta sa apartment para linisin ang kalat na nangyari. 

"Hindi pwedeng ituro ka nila anak, ayaw ko! Hindi ako papayag! Kailangan natin linisan lahat noong ibidensya nila laban sa iyo dahil kung hidni ay lagot tayo kay Mateo. Ayaw ko naman na mangyari iyon, ayaw kong mawala ka sa akin. Hindi na tayo ulit maghihiwalay anak ko." sabi ng nanay ni Maria sa dalaga

"Gusto kong lumabas nanay. Maglalaro muna kami nina Mathilda at Helena. Gusto mo bang sumama sa amin? May bagong laro kaming ituturo sa iyo! Dali na, sumama ka na sa amin!" magiliw na sabi ni Maria sakanyang ina

Hindi naman pumayag ang nanay ni Maria dahil may mga nag-iimbestiga pa sa labas ng apartment nila. Noong narinig nila na papasok na ang mga pulis ay agad silang nagtago sa sulok para hindi sila makita.

"Ang baliw po na si Maria ang may gawa ng lahat! Hindi po ako pwede magkamali mamang pulis! Siya po ang kasama namin ni Celeste noong mangyari po ang krimen na iyon kanina! Pakihanap po at pakihuli ang baliw na iyon para makapagbayad na salahat ng krimen na ginawa niya!" sabi ng tiyahin ni Mateo sa mga pulis

"Sigurado po ba kayo na isang baliw ang pumatay sa nobya ng inyong pamangkin na si Mateo? Paano naman po magagawa iyon ng isang baliw eh wala naman po silang kakayahan? Baka naman po nalooban kayo na hindi niyo po alam." sagot naman ng pulis sa tiyahin ni Mateo

"Malinaw na malinaw po sa aking dalawang mata na ang baliw na pong iyon ang pumatay kay Celeste! Hindi po ako pwedeng magkamali, para nga po siyang normal noong sinasabi niya po sa amin na papatayin niya kaming dalawa ni Celeste. Kasama po dapat ako sa mga balak niyang patayin pero sa awa ng Diyos ay nakatakas naman po ako sakanya." sagot naman ng tiyahin ni Mateo sa mga pulis

"Kung ganoon po, nasaan na po ang baliw na sinasabi niyo sa amin? Atsaka wala naman pong palantandaan na pinatay ang nobya ni Mateo ah? Wala naman pong deadly weapon ang nandito sa kwarto. Tanging lubid lang naman po ito na nagsasabi na may posibilidad na nagpakamatay nga po si Celeste." sagot naman ng pulis sa tiyahin ni Mateo

"Ah basta, kailangan niyong mahuli ang babae na iyon dahil siya naman talaga ang pumatay kay Celeste!" sagot naman ng tiyahin ni Mateo sa mga pulis

"Hindi po kaya kayo na ang baliw dahil sa kakasama niyo sa baliw na iyon? Sa tingin niyo po?" tanong naman ng mga pulis

Nainis ang tiyahin ni Mateo sa mga pulis at ang nanay naman ni Maria ay tinatago pa rin ang kanyang anak sa sulok ng kwartong iyon. Mahuli na kaya si Maria o matakasan nanaman niya ang kasalanang nagawa niya?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top