Chapter 25

Kinagabihan ay isinagawa na ng tiyahin ni Mateo at Celeste ang kanilang pagpatay sa mag-ina. Hinanda na nila ang mga kailangan at sinigurado na wala nang natitira pa na kasambahay sa loob ng bahay ni Mateo. Dahil wala nga si Mateo ay doon muna mamamalagi si Celeste dahil wala namang mag-aalaga sa tiyahin ni Mateo.

"Sigurado ka na dito ha? Wala na atrasan ito. Huwag ka matakot sa baliw na iyon. Para lang iyong bata na laging gustong maglaro." sabi ng tiyahin ni Mateo kay Celeste

"Para pong kinabahan ako bigla, para pong iba ang makakalaban natin ngayon. Hindi ko po alam, bahala na kung ano man po ang mangyari." sagot naman ni Celeste sa tiyahin ni Mateo habang hawak-hawak ang lubid

"Ano kaya kung barilin na lang natin para tapos na ang laban? Hindi na makakalaban pa iyon kapag iyon ang ating ginawa sakanya." sabi naman ng tiyahin ni Mateo

"Ayoko po na bumaril, isa pa maghahanap po sila ng suspek kapag nakita nila na may ginamit eh kung nagbigti po ang nakita nila ay agad nilang masasabi na suicide po ang nangyari hindi ba? Wala pong pagbibintangan kapag iyon ang ating ginawa." sagot naman ni Celeste sa tiyahin ni Mateo

Wala na nasabi pa ang matanda, sinunod na lang niya ang plano ni Celeste. Tama nga naman ang sinabi ng dalaga, kapag binaril nila iyon ay si Celeste agad ang pagbibintangan dahil siya lang naman ang may motibo na gawin iyon.

Ang kwarto ni Maria ay nasa kabilang apartment na binili ni Mateo para sa mag-ina pero ang kanyang nanay ay pansamantalang natutulog sa kwarto ng mga kasambahay dahil pumasok ito bilang isa sakanila para naman daw makabigay ng bigat masyado kay Mateo ang dalawa. 

Mag-isa lang si Maria sa apartment kaya may pagkakataon sina Celeste at ang tiyahin ni Mateo na gawin ang kanilang plano. Agad nilang pinasok ang apartment dahil may susi naman sila noon sapagkat wala nga si Mateo kaya sila muna ang pinagbantay sa bahay at sa apartment na iyon.

Umakyat na sila sa taas para tingnan si Maria at gawin na ang plano nilang pagpatay dito. Dahan-dahan nilang binuksan ang ilaw ng apartment at agad na pumunta sa kwarto ni Maria.

"Maria, nasaan ka? Maria, magpakita ka na."sabi ni Celeste habang hinahanap si Maria sakanyang kwarto

"Maria, may hinanda kaming surpresa para sa iyo. Lumabas ka na dyan para makita mo. Dali na, maganda ito at sigurado ako na magugustuhan mo." sabi naman ng tiyahin ni Mateo

"Ako ba ang hinahanap ninyo? Anong kailangan niyo sa akin? May balak ba kayong patayin ako?" nagulat ang dalawa sa narinig nilang boses, si Maria pala ay nasa likod nila

"Naku, hindi naman. Ano ka ba? Wala kaming balak na patayin ka. Dinalhan ka lang namin ng pagkain baka kasi nagugutom ka na, balit kasi namin ay hindi ka kumain kanina. Kumain ka na, ito ang dala naman sa iyo oh." sagot naman ng tiyahin ni Mateo

"Akala niyo ba na mauuto niyo akong dalawa? Alam kong may binabalak kayong masama sa akin at hindi ko papayagan na mangyari iyon. Mamamatay muna kayo sa kamay ko bago niyo magawa iyon!" sigaw ni Maria sakanila na tila para bang hindi siya nababaliw

Lalabas na sana ang dalawa ng kwartong iyon para tumakas pero hinila sila ni Maria papunta sa kama at doon na sinagawa ng dalaga ang matagal na niyang gustong gawin sa dalawa. Iyak na ng iyak si Celeste dahil matindi ang pagkahawak ni Maria sakanya.

"Maria, bitawan mo ako! Hindi mo ako kalaban dito! Gusto lang namin ikaw tulungan! Please, huwag mo naman gawin ito dahil ayaw ko pang mamatay!" sigaw ni Celeste kay MAria

"Talaga bang ayaw niyo akong mamatay? Bakit may dala kayong lubid? Para saan iyan? Akin na iyan! Ako ang tatapos sa mga buhay ninyo!" sigaw ni Maria habang natawa ito na parang nananakot

"Huwag mo akong sasaktan, gusto ko pang mabuhay! Gusto ko pang  makasama si Mateo! May mga pangarap pa kaming bubuuin na dalawa. Huwag ka namang ganyan sa akin, Maria!" sigaw ni Celeste kay Maria

"Ako ba walang karapatan mabuhay dito sa mundo? Bakit gusto niyo na akong patayin? Noong namatay ba ang anak kong si Helena ay naawa ba kayo sa akin? Hindi naman hindi ba? Bakit ako maaawa sa inyo? Sagutin niyo ang tanong ko!" sigaw ni Maria sa dalawa

"Maawa ka sa amin Maria, hindi ka na namin sasaktan. Pangako namin iyan, palagpasin mo lang ito. Hindi ka na namin guguluhin pa ulit. Huwag lang talaga Maria, nagmamakaawa na kami sa iyo." pagmamakaawa ni Celeste kay Maria

Nakatakas ang tiyahin ni Mateo sa kamay ni Maria dahil siya ang mas malapit sa pintuan, agad siyang lumabas ng apartment para humingi ng tulong sa mga kapitbahay nila kahit gabing-gabi na. Wala siyang pakialam basta ang importante ay mailigtas niya si Celeste mula kay Maria.

Naiwan naman si Celeste kay Maria at wala na itong nagawa kundi ang magdasal na lang na magbago sana ang isip ng baliw na si Maria. Gusto pa niyang mabuhay, may mga pangarap pa siyang bubuuin kasama ang pinakamamahal niyang si Mateo pero sa kalagayan niya ngayon ay paano na mangyayari ang lahat ng iyon?

"Mahal na mahal kita, Mateo. Maging bayad man ito sa mga kasalanang nagawa ko ay ayos lang. Ang importante sa akin ay makaligtas ka. Mahal ko, sana nga ay makaligtas ka mula sakanya at huwag mo na sapitin pa ang nangyari sa akin. Paalam na, mahal kong Mateo." ito na lang ang huling mga salita na lumabas sa bibig ni Celeste habang napatak ang kanyang mga luha at pumikit na ang kanyang mga mata

Sinaksak ni Maria sa leeg at puso si Celeste atsaka niya ito binitin nang patiwarik, ginamit niya ang dala-dalang lubid noong dalawa. Kawawang Celeste, siya dapat ang papatay kay Maria pero siya pala ang mamamatay dahil sa galit ni Maria sakanya. Ang mga pangarap na kasama si Mateo ay hindi na mangyayari kahit kailan.

Umalis si Maria sa kwarto na iyon na para bang walang nangyaring krimen. Noong dumating na ang mga tao at ang tiyahin ni Mateo sa apartment ay nagulat sila sakanilang nakita. Wala nang buhay si Celeste noong ito ay natagpuan nila.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top