Chapter 21

Naginginig na lumapit sina Celeste at ang tiyahin ni Mateo kina Maria. Halos tumakbo na nga ang dalawa dahil nakita nila na madungis si Maria at halatang-halata na wala ito sa katinuan. Agad na lumapit sina Celeste at ang tiyahin ni Mateo sakanya para masinsin na makausap ito.

Nagtipon ang tatlo sa sulok habang abala ang mag-ina sa pagkain na hinanda nila. Alam ni Mateo na papagalitan siya ng dalawa pero wala na silang magagawa dahil buo na ang desisyon niya. Tutulungan niya ang mag-ina sa abot ng kanyang makakaya.

"Ano na ba ang nangyayari sa utak mo? Bakit mo sinama iyan dito sa Maynila? Kaya naman pala nagtagal ka doon dahil inalagaan mo pa ang baliw na iyan sa dati nating lugar!" pananaway ng tiyahin ni Mateo sakanya

"Babybunch, what are you thinking? Don't tell me na dito titira ang babaeng iyan at tayo ang magbabantay dyan? Ikaw ba ang nababaliw? Bakit mo hinayaan na makapasok iyan sa bahay mo? Ayaw ko siya dito, please alisin mo siya dito!" pagwawala naman ni Celeste kay Mateo

"Tita and Celeste, pansamantala lang naman sila dito. Hindi naman po sila tatagal. May binili naman po akong apartment dyan malapit dito sa atin para doon po sila tumira. Kapag may kailangan na lang po si Maria ay ako na lang po ang pupunta doon para ako na mismo ang tutulong sakanila." sagot naman ni Mateo sa dalawa

"Mali na nga ang pag-iisip mo, ano ka ba naman? Alam mo naman na delikado ang baliw na iyan tapos tinulungan mo pa silang mag-ina ngayon? Hindi ba't takot ka nga dyan dati kaya tayo umalis at lumipat sa Maynila? Ikaw na yata ang nababaliw, Mateo!" sigaw naman ng tiyahin ni Mateo sakanya

"Alam ko po na takot ako sakanya noon pero matagal na po iyon. Buo na po ang desisyon ko na tumulong sakanila. Isa pa po, hindi naman po tayo ang mag-aalaga kay Maria lagi. Nandito naman po ang nanay niya kung sakali na umalis tayo. Ayaw niyo po ba noon tiya, may katulong na po kayo na mag-asikaso dito sa bahay natin." sabi naman ni Mateo sa dalawa

"Ayaw ko pa rin sakanya, I will never help you with this! Naiintindihan mo ba ako? Nakakadiri, hindi mo ba nakita na ang dungis-dungis ng baliw na iyan tapos pinapasok mo dito? Ang putik tuloy sa loob ng bajay." sagot naman ni celeste kay Mateo

"Mateo, kumain na tayo. Naghihintay sa atin si Mathilda at Helena eh. Gutom na sila, gutom na rin ako. Alam ko gutom ka na rin kaya halika na. Umupo ka na rito." magiliw na sabi ni Maria kay Mateo

"Oo sige, susunod na ako. May pinag-uusapan lang kami ni Celeste at ni tiya. Kilala mo pa ba si tiya?" tanong naman ni Mateo kay Maria

"Ah, pasensya ka na Mateo ha? Hindi ko na kasi siya matandaan eh pero pwede ba kami maglaro ni Celeste?" magiliw na tanong naman ni Maria kay Mateo

Dahil sa tanong ni Maria ay lalong nainis si Celeste sakanya. Hindi maipinta ang mukha nito at parang sasabunutan niya kahit ano mang oras si Maria. Kaso, wala naman siyang magagawa dahil si Mateo pa rin ang masusunod dahil siya naman ang may ari ng bahay.

"Ah, pwedeng-pwede mo siyang makalaro. Para na rin makilala niyo ang isa't isa. Siya nga pala ang girlfriend ko. Celeste, kamayan mo naman si Maria oh? Gusto ka niyang makilala eh. Pagbigyan mo na." sabi ni Mateo kay Celeste

"Ah, hello Maria! Okay ka lang ba dito sa bahay ng boyfriend kong si Mateo? Gusto mo ba mamaya iikot kita sa buong bahay para makita mo kung gaano kaganda ito? Okay lang naman sa akin, wala rin naman akong gagawin." pilit na sagot ni Celeste kay Maria

"Talaga? Sasamahan mo ako dito sa magandang bahay na ito? Gusto ko din na maglaro tayo doon sa taas!" sabi ni Maria sabay turo doon sa kwarto sa itaas ng abhay ni Mateo

"Hala, hindi tayo pwede doon. Kwarto kasi namin iyon ni Mateo. Baka may masira ka doon, malaki pa ang mabayaran namin. Dito na lang tayo sa baba maglaro. Dito tayo sa sala para kita ni Mateo mga ginagawa mo." sagot naman ni Celeste kay Maria

Dahil hindi pumayag si Celeste ay nagalit si Maria sakanya. Agad itong nagwala at nagbasag pa ng mga pinggan sa bahay ni Mateo. Walang makapigil sakanya, kahit ang nanay niya o si Mateo ay hindi niya pinakikinggan.

"Sumagot ka na lang kasi ng oo, Celeste! Gusto mo bang lagi siyang maging ganito kapag hindi nasusunod ang gusto niya? Gusto mo bang bigla na lang masira ang bahay ko dahil sa iyo? Umayos ka nga. Makipaglaro ka na lang kay Maria kung ayaw mong mag-init ang ulo ko sa iyo!" sigaw ni Mateo kay Celeste

"Aba, hindi naman pwede na parati na lang manalo ang baliw na iyan dito. Paalala ko lang sa iyo, nakikitira lang naman iyang mga iyan dito! Sala silang karapatn na magreklamo. Kung ayaw ko ay ayaw ko. Tapos ang usapan!" sigaw naman ni Celeste kay Mateo

Dahil sa sigawan na narinig ni Maria ay patuloy siyang nagwala. Lalo tuloy siyang hindi napigilan nina Mateo at ng kanyang ina. Iyak na siya ng iyak, para bang nawawalang bata sa lansangan. Walang ginawa ito kundi ang tumakbo ahbang nakatikip ang mga kamay niya sakanyang tenga.

"Maria, bumalik ka dito! Anak, magusap tayo! Hindi ka pwedeng magwala dito, nakakahiya kay MAteo! Anak tumigil ka na, maawa ka naman sa akin. Pagod na pagod na akong mag-alaga sa iyo." sabi naman ng nanay ni Maria habang naiyak ito at hinahabol kung saan pumunta ang kanyang anak

"This is the last time na gagawin niyo ito kay Maria. Sana naman sa suusnod ay intindihin niyo na lang ang kalagayan niya. Wala naman siyang ginagawang masama kundi ang makipaglaro lang naman sa inyo. Kinupkop ko sila dahil patay na si Mathilda. Wala na silang matitirhan at wala na ang tutulong sakanila.' sagot ni Mateo sa dalawa pagkatapos ay hinabol naman niya ang mag-ina

Naiwan na nakatulala ang tiyahin ni Mateo at si Celeste, hindi nila akalain na ganito ang mangyayari sa pamamahay nila. Ito na nga ba ang umpisa ng kanilang kalbaryo?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top