Chapter 20

Kinaumagahan ay nag-ayos na ang mag-ina dahil sinabi ni Mateo na susunduin sila nito 7 am pa lang ng umaga para hindi sila ma-trapik sa daan. Iba naman kasi sa Maynila, kahit saan ay hindi ka makakalusot kapag hindi mo inagahan ang iyong alis sa probinsya.

"Halika na anak, umalis na tayo dito para hindi na tayo magulo ng mga tao." sabi ng nanay ni Maria sa dalaga

"Saan naman tayo pupunta? Pupunta ba tayo kay Mathilda? Gusto na namin siya makita ni Helena. Miss na miss na namin siya. Sige, umalis na tayo!" sabi ni Maria sakanyang nanay

"Hindi anak, hindi na natin mapupuntahan pa kahit kailan si Mathilda. Gustuhin ko man siyang makita pero hindi na natin iyon magagawa. Pasensya ka na, si Mateo na ang bahala sa atin. Lilipat na tayo ng bahay." sabi naman ng nanay ni Maria

"Mateo? Makikita na ulit natin si Mateo? Iyong kalaro ko noong bata pa ako? Siya ba ang tutulong sa atin? Yehey! Gusto ko na rin siyang makita!" sagot naman ni Maria habang todo ngiti ito sakanyang ina

"Oo anak, si Mateo. Ang kababata mo dati. Buti naman at natatandaan mo pa siya. Akala ko ay nakalimot ka na, siguro mahal na mahal mo talaga si Mateo kaya kahit ganyan ka na ay malinaw pa rin sa iyo kung sino siya." sagot naman ng nanay ni Maria sa anak niya

Nakaupo lang sa harap ng bahay nila ang mag-ina habang naghihintay kay Mateo. Alam ng nanay ni Maria na ginagawa lang naman niya ito para maprotektahan ang kanyang anak. Wala na kasi siyang alam na paraan para maiwas si Maria sa gulo. Kung hindi niya gagawin ito ay mapapahamak silang dalawa ng kanyang anak.

Ilang minuto pa ay dumating na si Mateo para sunduin sila mag-ina. Kita naman ang saya sa mga ngiti ni Maria. Masaya siya na nakita niya muli ang kababatang si Mateo. Masaya siya na nakita na naman niya ang taong pinakamamahal niya.

"Ikaw na ba si Mateo? Iyong kababata ko dati? Ikaw ba talaga iyan? Parang hindi mo naman kamukha ang kaibigan ko eh, niloloko mo lang kami ano?" pagtatanong ni Maria kay Mateo

"Hindi ko kayo niloloko ah, ako talaga ito. Kahit itanong mo pa sa nanay mo kung sino ako, kilala niya ako. Buti naman at naaalala mo pala ang pagkatao ni Mateo. Akala ko kasi ay hindi mo na ako kilala dahil sa kalagayan mo eh." sabi naman ni Mateo kay Maria

"Pagpasensyahan mo na ang anak ko, alam mo naman ang kalagayan niya kaya intindihin na lang natin siya. Makulit lang talaga anak ko, kailangan talaga na mahaba ang pasensya natin para sakanya dahil minsan nagwawala siya kapag hindi niya gusto ang nangyayari." sabi naman ng nanay ni Maria kay Mateo

"Alam ko naman po iyon at maaasahan niyo po ako pagdating dyan. Halika na po, umalis na po tayo dito para makapagpahinga na si Maria sa tirahan na hinanda ko po para sa inyo." sabi naman ni Mateo sa nanay ni Maria

Inalalayan naman ni Mateo ang mag-ina papunta sa kotse at umalis na sila. Sa wakas ay makakaalis na sina Maria at ang kanyang ina sa bangungot na dala ng lugar na iyon. Makakaalis nga ba o simula pa lang ng bangungot para sakanila?

Pagdako ng alastres ng hapon ay nakadating na sina Maria sa Maynila. Pagod na pagod sila dahil mainit at pasikot-sikot ang mga lugar dito. Wala pa silang kain at maayos na tulog. Buti na lang dahil pinahanda ni Mateo ang mga pagkain na paborito ni Maria.

"Nakakatuwa naman dahil puro paborito ito ni Maria, Mateo. Salamat dahil hindi mo naman pala nakalimutan ang anak ko kahit pumunta ka na dito sa Maynila." sabi ng nanay ni Maria kay Mateo

"Oo naman po, mas matagal ko pa rin namang nakasama si Maria kaysa ang pakikipagsapalaran ko dito sa Maynila kaya naman kilala ko pa rin siya kahit papaano at kahit kailan po ay hindi naman ako nakalimot." sagot naman ni Mateo sa nanay ni Maria

Pagkatapos noon ay kumain na silang tatlo. Wala ang tiyahin ni Mateo dahil umalis ito kasama si Celeste para bumili ng mga pagkain dahil kulang na sila sa stock. Habang kumakain sila ay nakikipaglaro si Maria sa manika na hawak niya, tuwang-tuwa ito dahil may bago na siyang tirahan at kasama na niya si Mateo.

"Mateo, mamaya maglalaro tayo sa bakuran ha? Iyong katulad noong ginagawa natin dati sa bahay namin. Tanda mo pa ba iyon? Isasama natin si Mathilda at Helena para hindi tayo malungkot." sabi ni Maria kay Mateo

"Anak, ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na wala na si Mathilda? Patay na nga siya hindi ba? Huwag ka na makulit, hindi na siya muling babalik pa sa atin anak." sagot naman ng nanay ni Maria sakanya

"Anong sinasabi mo na wala na si Mathilda? Kasama nga natin siya ngayon, naghihintay na nga siya ng pagkain niya. Gutom na gutom na rin siya dahil hindi pa siya nakain simula noong bumyahe tayo. Mateo, pwede mo bang palagyan ng plato, kutsara at tinidor si Mathilda?" hiling ni Maria kay Mateo

Hindi na nakapagsalita si Mateo, bagkus ay ginawa na lang niya ito. Nagpa-utos siya na maglagay ng plato, kutsara at tinidor sa kalapit ni Maria. Takot na takot naman ang mga kasambahay niya dahil dito ngunit wala rin silang nagawa dahil sa takot na baka kapag hindi nila sinunod ang gusto ni Maria ay bigla na lang itong magalit sakanila at manakit.

"Naku, pasensya ka na talaga sa anak ko. Hindi pa rin siguro niya tanggap na wala na si Mathilda kaya kahit dito ay nakikita niya ang pinakamamahal niyang kaibigan." sabi naman ng nanay ni Maria kay mateo

"Wala po iyon, naiintindihan ko. Baka po miss na miss niya na rin si Mathilda kaya nagpapakita po ito sakanya. Nakakatakot lang po dahil ganito na siya ngayon. Ibang-iba na po sa Maria na nakilala ko noon" sagot naman ni Mateo sa nanay ni Maria

Ilang minuto pa ay nakauwi na ang tiyahin ni Mateo at si Celeste. Nagulat sila sa nakita nila, takot na rin para sa kalagayan ni Mateo. Lalo na at lumayo nga ang magtiyahin dahil nababaliw na si Maria pero ang mangyayari pala ay kukunin ito ni Mateo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top