Chapter 19
Habang papasok na sina Mateo at ang nanay ni Maria sakanilang tahanan ay nakarinig sila ng sigawan. Agad-agad na nagmadali ang dalawa para makita kung sino ang nasigaw na iyon dahil may pakiramdam sila na ito ay si Maria. Labis ang kaba ng dalawa dahil kumpulan ang mga tao sa tapat mismo ng bahay nina Maria.
"Bakit niyo kinukuha ang anak kong si Maria? Anong kailangan niyo sakanya? Maawa naman kayo sa anak ko, huwag niyo na siya pahirapan! Ako na lang ang sasalo ng mga kasalanan niya kung meron man!" sigaw ng nanay ni Maria sa taumbayan at sa mga pulis na nakapaligu=id sa dalaga
Kinuha ni Mateo si Maria sa taumbayan at tinakpan ang kanyang ulo para hindi ito matamaan ng kung anong mga bagay na tatama sakanya. Habang ang nanay naman niya ay nakikipag-usap sa maraming tao at inaalam kung bakit hinuhuli ng mga pulis si Maria.
"Nalaman na po namin kung sino ang pumatay kay Mathilda. Nakita po ang mga finger print sa kwarto ni Mathilda at sa kutsilyo na ginamit doon. Si Maria po ang sumaksak sa biktima. Kaya po gusto po namin siyang imbitahan sa pulisya para maipaliwanag niya ang kanyang sarili." sabi naman ng mga pulis sa nanay ni Maria
"Hindi niyo ba nakikita na hindi naman makakapagpaliwanag ng mabuti sa inyo ang anak ko dahil wala siya sa tamang pag-iisip? Siya ba ang baliw o kayo? Wala siyang kakayahan para ipaliwanag ang nangyari. Kung siya man ang pumatay kay Mathilda ay sigurado ako na napatawad na siya ni Mathilda." sagot naman ng nanay ni Maria
"Paano po ang kaso ni Mathilda? Hindi naman po pwedeng wala tayong kasuhan dahil alam naman po natin na dapat kasuhan si Maria." sagot naman noong pulis sa nanay ni Maria
"Pwede po bang huwag niyo na lang ituloy? Natatakot na din po kasi si Maria sa inyo eh. Baka naman po pwedeng huwag na lang ituloy ang kaso kasi alam niyo naman po kondisyon ng suspek hindi po ba? Sana po ay huwag niyo na siyang kasuhan. Ako na po ang nakiki-usap sa inyo." sagot naman ni Mateo sa mga pulis
"Kilala ko naman kung sino ang pumatay kay Mathilda eh, hindi naman ako iyon. Si Helena ang pumatay sakanya. Siya ang hulihin niyo, huwag ako!" sabat naman ni Maria pagkatapos ay tumingin siya sa manika na hawak-hawak niya
Nagsigawan ang taumbayan at gusto nilang ipadala sa mental hospital si Maria pero nagmakaawa naman ang nanay ni Maria dahil ayaw niyang mahiwalay dito. Alam niyang kailangan iyon ng anak niya pero wala naman siya doon para ipagtanggol si Maria kaya mas mabuting dito na lang siya sa bahay habang nakakandado sa kanyang munting kwarto.
Wala namang nagawa ang mga pulis kundi ang umalis na lang dahil hindi nga nila maipakukulong si Maria dahil ito pala ay baliw. Dahil na rin sa awa kaya hindi nila tinuloy pa ang pag-iimbestiga sa dalaga.
Pumasok na ng bahay sina Maria at ang kanyang ina kasama si Mateo. Labis ang takot ng ina ni Maria dahil akala niya ay mawawala na sakanya ang pinakamamahal niyang anak. Alam niya na hindi siya naging tutok dito noon kaya ngayon na lang siya nabawi sa kanyang anak. Mas kailangan ni Maria ang gabay niya ngayon dahil wala na ito sa matinong pag-iisip. Isa pa, wala na rin si Mathilda para samahan siyang mag-alaga dito.
"Anak, bakit mo naman kasi ginawa iyon? Naging mabuti namang kaibigan si Mathilda sa iyo hindi ba? Bakit ikaw ang tinuturo ng mga pulis na pumatay sakanya? Anak, ikaw ba talaga ang pumatay sakanya?" pilit na tanong ng nanay ni Maria sa dalaga kahit alam naman nito na hindi siya sasagutin ng maayos
Tanging Mathilda at Helena lang ang sinasabi ni Maria kaya naman lalo pang naiyak ang nanay ni Maria. Gusto niyang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng anak-anakan niya pero gusto rin naman niya na maprotektahan ang kalagayan ni Maria. Halos hindi na niya alam kung saan siya papanig. Kulang na lang ay siya rin ay mabaliw katulad ng anak niyang si Maria.
"Mas makakabuti po talaga kung sumama na po kayo sa akin sa Maynila. Huwag po kayong mag-alala kasi hindi ko naman po kayo pababayaa doon, lalo na po si Maria at ang kondisyon niya. Sana po ay tanggapin niyo na ang alok ko na umalis na po sa lugar na ito kaysa naman po ganito ang nangyayari. Hindi na po matatapos ang issue na ito hangga't nandito po kayo." sabi naman ni Mateo sa nanay ni Maria
"Napag-isipan ko na rin iyan, tama ka sa inaalok mong iyan dahil sa nakikita ko ay magiging tampulan na ng tukso ang anak ko dito sa lugar natin. Hayaan mo aalis rin tayo bukas na bukas, magpapaalam lang ako sa mga kamag-anak namin ngayon at mag-aayos ng gamit para handa na kami bukas ni Maria. Maraming salamat sa tulong na binibigay mo sa amin ah?" sabi naman ng nanay ni Maria kay Mateo
"Wala naman po sa akin iyon, basta para po kay Maria at sa inyo. Hanggang sa nakakatulong po ako sa kapwa ay gagawin ko. Hindi ba't sinabi ko na nga po sa inyo na itutuloy ko kung ano man ang hindi nagawa ni Mathilda kay Maria," sagot naman ni Mateo sa nanay ni Maria
"Mag-iingat ka lang nga sa anak ko ha? Alam mo naman na delikado na ang lagay niya ngayon. Lalo pa at may posibilidad na siya raw ang pumatay kay Mathilda. Sana ay hindi siya ang pumatay kay Mathilda." sabi naman ng nanay ni Maria
"Alam ko naman po na hindi magagawa iyon ni Maria, mahal na mahal po nila ang isa't isa noong bata pa kami kaya imposible po ang pinaparatang nila sa kaibigan ko. Hindi man po ako nanatili sa tabi ni Maria noon ay hindi naman po siya nawala sa puso at isip ko." sabi naman ni Mateo sa nanay ni Maria
"Salamat naman iho dahil sa kabila ng lahat noong nangyari sa inyo dati ay pinili mo pa rin ang intindihin ang anak ko. Sana mapatawad mo rin ako sa inasal ko dati sa iyo. Gusto kong malaman mo na hindi na iyon ang tingin ko sa iyo. Mabait kang bata at alam ko na maaasahan ka." sagot naman ng annay ni Maria kay Mateo
Pagkatapos ng usapan na iyon ay napatingin na lang sila kay Maria. Ang hiling nila ay sana matapos na ang lahat ng ito at gumaling na si Maria para mapatunayan niya na wala siyang kinalaman sa mga nangyayari.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top