Chapter 18

Pagkatapos ng limang araw ay nagpasya na ang nanay ni Maria na ipalibing na si Mathilda dahil mukhang wala naman nang dadating pa na kamag-anak ng dalaga. Lubos pa din ang pag-iyak nila sa kabaong ni Mathilda. Iniisip ng matanda kung paano na niya bubuhayin si Maria ngayon na wala na ang bumubuhay sakanilang dalawa.

"Kung iniisip niyo po kung saan kayo titira ni Maria ay naayos ko na po iyan noong Lunes pa. Binilhan ko po kayo ng apartment na malapit sa bahay ko para kung may kailangan kayo mula sa akin ay maibibigay ko na po kaagad sa inyo. Aalis na po tayo sa lugar na ito at maninirahan na po kayo kasama ako. " sabi ni mateo sa nanay ni Maria

"Sigurado ka ba dyan sa sinasabi mo, Mateo? Alam mo naman ang ginawa sa iyo ni Maria noon hindi ba? Hindi ka ba natatakot sa anak ko? Hindi mo ba naiisip na pwedeng mangyari ulit ang dati? Ako ang natatakot para sa iyo, pinapaalala ko lang sa iyo iho, hindi na maayos ang lagay ni Maria." sabi naman ng nanay ni Maria kay Mateo

"Bibigyan po natin ng doktor si Maria sa Maynila para magamot pa siya kung sakali. Lahat po noong hindi nagawa ni Mathilda sa inyong anak ay ako na po ang magpapatuloy. Isa pa, hindi na po kayo iba sa amin, kababata ko po si Maria kaya wala na po sa akin ang mga nangyari sa nakaraan." sagot naman ni Mateo sa nanay ni Maria

Wala na nga ba talaga? Paano na lang ang sikreto ni Maria na nagkaanak siya kay Mateo? Kailan kaya balak ng nanay ni Maria na sabihin iyon sakanya? Dapat pa nga bang sabihin o huwag na lang para maiwasan na ang gulo? Mas lalo pa kasing titindi ang galit ni Maria kay Mateo kung ipaalala pa sakanya ang nakaraan.

"Naku, maraming salamat naman sa alok mo ngunit hindi pa rin ako desidido kung sasama kami sa iyo sa Maynila. Alam mo naman na andito ang iba pa naming kamag-anak na hindi naman namin maiwanan." sagot naman ng nanay Maria

Labis ang tuwa sa mga mata ng nanay ni Maria na nakita niya muli ang binata. Napakatagal na noong huli silang nagkasama, alala pa niya noon na pinapagalitan niya ito sa tuwing sinasama niya si Maria kung saan. Ang hindi niya alam ay si Mateo pala ang tutulong sakanila para makaahon sa hirap at makaalis sa bangungot na ito sakanila.

"Kayo po ang bahala, hindi po muna ako babalik sa Maynila hangga't hindi pa po kayo nakakapagdesisyon. Alam niyo naman po kung saan ang bahay ko kaya puntahan na lang niyo ako doon kapag nakapagdesisyon na kayo." sabi ni Mateo sa nanay ni Maria pagkatapos ay nginitian niya ito

"Mathilda, maglaro na tayo! Paano na si Helena? Sino na ang kalaro naming dalawa? Tumayo ka na dyan, gumising ka na! Iiyak si Helena at Maria kasi ayaw mong makipaglaro sakanila! Gumising ka na dyan!" biglang sabi naman ni Maria noong nakita niya na ibababa na sa lupa ang kabaong ni Mathilda

"Maria, anak ko! Huwag ka nga dyan, hindi ba sinabi ko sa iyo na huwag ka na pupunta rito? Sino naman ang nagpahintulot sa iyo na pumunta rito? Nasaan na ba si Mang Pedring? Siya ang pinagbantay ko sa iyo anak ah. Nasaan na siya?" tanong naman ng nanay Maria sa dalaga

Ilang minuto pa ay natakbo si Mang Pedring papalapit kina Maria at Mateo. Hingal na hingal ito dahil nakipaghabulan pala ito kay Maria. Matanda na si Mang Pedring, siya ay 65 anyos na at siya ay isa sa mga kapitbahay nina Maria.

"Bakit nandito kayo ni Maria MAng Pedring? Hindi ba't sinabi ko na huwag niyong hahayaan na makapunta dito ang anak kong si Maria dahil delikado siya sa maraming tao? I-uwi niyo na lang po ang anak ko. Uuwi na rin po kami kapag natapos na ang misa para kay Mathilda." sabi naman ng nanay ni Maria kay Mang Pedring

"Ang kulit kasi ng anak mo, gusto raw niyang makita si Mathilda. Ilang beses kong sinabing hindi siya pwede rito pero nagpumiglas pa rin. Tangka pa nga niya akong sakalin buti na lang at napigilan ko siya. Kung hindi ay sigurado ako na susunod na ako kay Mathilda." sagot naman ni Mang Pedring sa nanay ni Maria habang hinahapo pa rin

"Naku, pasensya na po kayo sa inasal ng anak ko. Alam naman ninyo ang kalagayan niya kaya sana ay palagpasin niyo na lang po ang nagawa niya sa inyo." nagmamakaawang sagot naman ng nanay ni Maria kay Mang Pedring

Pagkatapos noon ay umalis na sina Mang Pedring at Maria pabalik sa bahay nila. Naiwan naman sa sementeryo ang nanay ni Maria at si Mateo dahil hindi pa naalis ang iba pang dumalo sa libing ni Mathilda. 

Habang naglalakad ang dalawa papunta sa kotse para umuwi na ay nagtangkang magtanong si Mateo sa nanay ni Maria dahil kanina pa umiikot ang tanong na iyon sa isip niya. Sino nga ba si Helena? Sino ang babaeng binanggit ni Maria kanina na kalaro daw nilang dalawa ni Mathilda?

"Mawalang galang na po pero pwede po ba ako magtanong sa inyo? Sino po ang babaeng binanggit ni maria doon sa sementeryo? Iyong sinasabi niyang Helena na kalaro raw nilang dalawa ni Mathilda? Wala naman po kasi akong matandaan na ganoong pangalan noong bata pa po kami. Wala naman pong tumira sa atin na may ganoong klaseng pangalan." sabi ni Mateo sa nanay ni Maria

Napatigil saglit ang nanay ni Maria, hindi niya alam kung papaano lulusutan ang tanong na ito ni Mateo. Kailangan na nga ba iyang sabihin sa binata ang katotohanan o mananatili pa rin siyang tikom ukol sa anak ni Maria at Mateo?

"Ah, wala iyon. Si Helena ay ang manika na dala-dala ni Maria kahit saan siya magpunta. Bibilhan pa sana siya ni Mathilda ng isa pa kaso nangyari nga ang trahedya na ito kaya hinahanap-hanap pa rin ni Maria si Mathilda." palusot naman ng nanay ni Maria kay Mateo

Bahagyang nalungkot si Mateo sa narinig niya, talaga palang malala na ang kondisyon ni Maria. Mukhang kailangan na nga niya itong tulungan upang makapunta sa doktor at mapatingnan ang kanyang kalagayan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top