Chapter 17
Kinaumagahan ay susunduin sana ng nanay ni Maria si Mathilda dahil tanghali na pero hindi pa rin ito nalabas ng kwarto para kumain. Hindi naman iyon ugaling gawin ni Mathilda kaya labis na lang ang pag-aalala ng nanay ni Maria kay Mathilda. Si Mathilda pati ang pinakamaagang gumising sakanila para magluto at maglinis ng bahay pero walang Mathilda na lumalabas kaya hindi na nakatiis ang matanda na pasukin ang kwarto ni Mathilda.
"Mathilda, halika na at kakain na tayo. Bakit ba napakatanghali mo na gumising dyan? Pagod na pagod ka ba sa byahe mo kahapon? Papainumin mo pa ng gamot si Maria." sabi ng nanay ni Maria bago pumasok sa kwarto ni Mathilda
Nagulat na lang ang nanay ni Maria sakanyang nakita. Nakahandusay na ang walang buhay na katawan ni Mathilda. Walang boses na lumalabas sa bibig niya at tanging luha lang ang kayang lumabas sa matanda. Hindi niya lubos maisip na ang anak-anakan niya ay patay na. Wala namang senyales ng depresyon o kalungkutan si Mathilda kaya hindi maisip ng nanay ni Maria kung anong dahilan ng pagkamatay ni Mathilda.
"Mathilda! Gumising ka anak, huwag mo akong biruin ng ganito. Sino na lang ang mag-aalaga kay Maria? Hindi ba at sasamahan mo pa ako na alagaan siya hanggang sa pagtanda niya? Ang daya-daya mo naman anak, hindi ba sabi mo ipapagamot pa natin si Maria? Bakit lumisan ka na?" nangi-ngiyak na sabi ng nanay ni Maria kay Mathilda
Naging mabuting anak-anakan si Mathilda sa nanay ni Maria. Halos ito na nga ang pumalit sa pwesto ni Maria noong nag-umpisang mabaliw ang dalaga. Walang araw na hindi nangako si Mathilda na ipapagamot niya ang kaibigan dahil naaawa ito sa magulang ni Maria. Kinupkop na nga ni Mathilda ang mag-ina dahil hindi na sila nakabayad ng utang sa dating tinitirhan nila sapagkat iyon ang ginagamit na pampagamot ni Maria.
"Maria, anak.. May alam ka ba sa nangyari kay Mathilda? Sabihin mo naman sa akin anak. Sino ang pumatay sa kaibigan mong si Mathilda? Parang awa mo na, ituro mo na sa akin ang pwedeng gumawa nito sakanya." pagmamakaawa na sabi ng nanay ni Maria
"Mathilda, akala ko ba ay maglalaro tayong tatlo ni Helena? Gumising ka na dyan, umaga na! Maglalaro pa tayo, iiyak si Helena at Maria kapag hindi ka pa bumangon dyan sa higaan mo!" sabi naman ni Maria sa nakahandusay na katawan ni Mathilda
"Anak ko, wala na ang kaibigan mong si Mathilda. Patay na siya anak, pinatay siya. Kawawang Mathilda, wala namang ginawang masama ang bata na ito kundi ang tumulong lang sa atin. Hindi niya nga tayo ka-ano ano pero kinupkop niya tayo na parang kapamilya niya na rin." naiyak pa rin ang nanay ni Maria
"Hindi ka pwedeng mamatay, Mathilda! Maglalaro pa tayo ni Helena hindi ba? Sino na lang ang kalaro namin kung wala ka na? Gumising ka na dyan, Mathilda! May bago kaming laro ni Helena na ituturo namin sa iyo." sagot naman ni Maria, hanggang ngayon ay nakatingin pa rin ito sa katawan ni Mathilda
Tiningnan ng nanay ni Maria ang mga gamit ni Mathilda para malaman niya kung may nawawala ba sa mga ito, kung meron ay pinagnakawan sila kagabi habang mahimbing silang natutulog. Ngunit noong tiningnan nila ang mga gamit ay nakaayos naman ito at paranng wala namang nawawala.
Inisip naman ng nanay ni Maria na baka nagpakamatay si Mathilda dahil sa hirap ng kanyang buhay. Hindi na siguro nito nakayanan ang pasan-pasan na dami ng problema niya, idagdag pa ang mag-ina na halos wala naman naitutulong kay Mathilda dahil matanda na ang nanay ni Maria at wala nang tumatanggap pa dito. Si Maria naman ay parang isang batang nawawala, wala ring silbi kay Mathilda.
Tinawag na ng nanay ni Maria ang mha pulis at ang ambulansya para mabuhay pa sana si Mathilda pero isa na siyang malamig na bangkay sabi ng mga doktor kaya naman dineretso na siya sa morgue kung saan lilinisin siya at aayusan.
Dahil salat naman sa pera ang nanay ni Maria ay nagbaka sakali ito na may iba pang kamag-anak si Mathilda na pwedeng mahingan ng tulong pinansyal dahil wala namang naipon na yaman si Mathilda dahil naubos na rin ito sa kakabili ng mga gamot ng kaibigan niyang si Maria.
Walang ni isang sumagot sa kanyang mga tinawagan, hanggang sa isa na lang ang hindi niya pa nasusubukan. Si Mateo, sinubukan niya itong tawagan. Hindi niya nga alam na ito ay ang Mateo na kilala niya noon.
"Hello? Pwede po ba kay Mateo? tiyahin ito ni Mathilda. Kinalulungkot kong sabihin na wala na siya. Ka-ano ano ka ba niya iho?" tanong ng nanay ni Maria sa kabilang linya
"Kaibigan niya lang po ako pero handa po akong tumulong kung kinikailangan. Hindi ko po inaasahan na wala na po si Mathilda sapagkat kasama ko lang po siya kahapon dahil sabay kaming umuwi sa bayan. Buti na lang po ay hindi pa ako nakakauwi sa Maynila. Makakapunta pa po ako sa inyo at makakatulong pa ako sa gastusin sa pagpapaburol at libing sakanya." sagot naman ni Mateo sa matandang kausap niya sa kabilang linya
"Naku, maraming salamat iho. Hulog ka ng langit sa amin. Pasensya ka na at hindi namin alam kung kanino kami lalapit sapagkat hindi naman niya kami tunay na kapamilya, kinupkop lamang niya kami noong nabaliw ang anak kong si Maria." sabi naman ng nanay ni Maria
Dahil sa gulat ay hindi na nakapagsalita pa si Mateo, ang kausap pala niya ay ang nanay ni Maria. Hindi na nagdalawang-isip pa ang binata at tumungo na agad sa morgue kung saan nandoon ang labi ni Mathilda.
Habang papunta si Mateo sa morgue ay inalala niya ang bawat sandali na kasama niya si Mathilda, simula pitong taon pa lamang ay magkakasama na silang tatlo ni Maria. Nalayo lang si Mathilda noong nalipat ang kanilang bahay sa kabilang baryo pero hindi nakakalimutan ni Mathilda na dumalaw paminsan-minsan kina Maria at Mateo.
Pagkita ni Mateo sa katawan ni Mathilda ay bumagsak ang mga luha sakanyang mga mata. Hindi niya akalain na panay saksak ang dalaga, si Mathilda na puno ng pangarap sa buhay ay ngayo'y wala na.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top