Chapter 16

Sa di inaasahan, narinig pala ni Maria ang boses at ang pag-uusap ni Mathilda at Mateo. Dahil matagal na niyang kilala ang binata ay alam niya na si Mateo iyon. Nakita niya na pinapatakbo ni Mathilda si Mateo kaya naman namuo na ang galit ni Maria sa kaibigan niyang si Mathilda. Nangako kasi ang dalawa na magtutulungan sila sa paghahanap kay Mateo.

Hindi naman nagpahalata si Maria na may nakita siya, sa katunayan ay maligaya pa niyang sinalubong ang kaibigan na si Mathilda. Walang bahid ng galit ang kanyang mukha noong nakita niya ang kaibigan. 

"Mathilda, umuwi ka na pala. Sabi mo sa akin bibili ka lang ng makakain ni Helena pero bakit ang tagal mo yata bago ka naka-uwi? May pasalubong ka ba sa akin?" sabi ni Maria kay Mathilda pagkatapos ay ntumawa ito na para bang bata 

"Pasensya ka na kung natagalan ako sa kakahanap ng pagkain para sa ating tatlo ni Helena ha? Wala kasi akong mahanap eh. Pero mamaya, bibili na tayo ng pwede nating kainin para hindi na kayo magutom ni Helena." sagot naman ni Mathilda kay Maria

Pagpasok ni Mathilda sa bahay nila ay sinalubong naman siya ng nanay ni Maria. Masaya ang matanda dahil may makakasama na ulit siya sa pag-aalaga sakanyang anak. Hirap na hirap na din kasi ito noong umalis si Mathilda at pumunta sa Maynila. 

"Kamusta naman po dito? Ayos naman po ba si Maria? Hindi po ba kayo inaway o kinulit? May gamot pa po ba siya pampakalma niya" bungad na tanong ni Mathilda nanay ni Maria

"Ayos naman siya, kaso hinahanap ka niya lagi sa akin. Gusto ka na nga niyang sundan sa Maynila pero lagi ko na lang siyang pinipigilan at kinakandado sa kwarto niya para hindi na makawala pa sa akin." sabi naman ng nanay ni Maria kay Mathilda

"Okay naman po pala, hindi na po tayo magigipit sa gamot ni Maria dahil may magbibigay na po ng buwan-buwan na sustento sa akin para po sakanya. Sa awa po ng Diyos ay nasagot na ang matagal na nating dasal." sabi naman ni Mathilda sa nanay ni Maria

"Ah, sino naman iyan? Gusto ko siyang pasalamatan dahil papatagalin pa niya ang buhay ng anak ko. Kilala mo ba siya, Mathilda? Pwede mo ba akong dalhin sakanya para personal ko siyang makita?" sabi naman ng nanay ni Maria

Hindi na umimik pa si Mathilda at sa halip ay ngumiti na lang ito sa matanda. Mas mabuti na ang ganito, hindi nila alam kung sino ang natulong sakanila dahil kapag nalaman ni Maria na si Mateo ang nagsusustento sakanila ay tiyak ni Mathilda na mapapahamak si Mateo sa kamay ni Maria.

Kumain muna si Mathilda dahil hindi sila nakakain ni Mateo sa byahe. Kasabay pa niyang kumain si Maria habang abala ito sa kakalaro niya kay Helena. Habang nakain si Mathilda ay tahimik naman siyang nakatingin kay Maria. Iniisip niya kung paano na ba gagaling ang kaibigan dahil awang-awa na ito sa dalaga.

Dahil sa kapaguran ni Mathilda sa byahe ay hindi na niya napigilan ang hindi matulog sa kwarto niya. Alasingko pa lang ng hapon ay napahiga na ito sakanyang kama, ni hindi na nga siya nakapagpalit pa ng damit at kanyang sapatos. 

Habang siya ay mahimbing na natutulog sa kanyang kwarto ay narinig niya na may nagbukas ng kanyang pinto. Hindi niya iyon pinansin dahil ang nasa isip niya eh baka nanay lang naman iyon ni Maria at baka may kukunin lang naman sa kwarto niya.

"Mathilda, maglaro naman tayo. Matagal na kitang hindi nakakalaro eh. Pwede ba iyon?" boses ni Maria ang narinig ni Mathilda kaya naman agad siyang napabangon dahil sa gulat kay Maria

"Anong ginagawa mo dito, Maria? Hindi ba nasa kabilang kwarto ka? Hindi ako pwede makipaglaro ngayon dahil pagod ako sa byahe. Babawi na lang ako kapag nakabawi na ako ng lakas bukas." sagot ni Mathilda kay Maria pagkatapos ay ngumiti ito sa dalaga

Hindi napansin ni Mathilda na may dalang pansaksak si Maria, hawak-hawak niya iyon sa kamay niya at itinago lamang niya sakanyang likod. Nagulat na lamang siya dahil sinaksak siya ni Maria sa tiyan. 

"MARIA, ANO BA? HINDI MO DAPAT GINAGAWA ITO SA AKIN, MAGKAKAMPI TAYO HINDI BA? ALAM MO NAMAN IYON, BAKIT MO AKO SINAKSAK SA AKING TIYAN?!" sigaw ni Mathilda kay Maria

"ANONG SINASABI MONG KAKAMPI KITA? ALAM MO PALA KUNG NASAAN SI MATEO, ALAM MONG MAY BALAK AKONG PATAYIN SIYA HINDI BA? BAKIT MO SIYA TINAGO SA AKIN? AKALA KO BA AY KAIBIGAN KITA PERO BAKIT MO PINOPROTEKTAHAN ANG TAONG SUMIRA SA AKIN?" sigaw naman ni Maria kay Mathilda

"Ginawa ko iyon dahil iyon ang alam kong tama, wala namang kasalanan si Mateo sa iyo at sa pagkamatay ng anak niyo pero siya ang sinsisi mo sa lahat ng nangyari sa iyo? Isa kang baliw!" sabi naman ni Mathilda kay Maria habang hawak-hawak nito ang tiyan na may saksak

"GANOON BA? PWES, KUNG HINDI KO MAPAPATAY SI MATEO AY IKAW NA LANG SIGURO ANG UUNAHIN KO! PINILI MO SI MATEO KAYSA SA AKIN HINDI BA? MAGDUSA KA! PAPATAYIN KITA MATHILDA!" sigaw ni Maria kay Mathilda

  "Mahal na mahal kita Mateo, mas gugustuhin kong ako na lang ang mamatay kaysa ikaw pa ang mapahamak sa kamay ni Maria. Buhay ko ang kabayaran sa kaligtasan mo. Huwag mo sanang sapitin ang sinapit ko." ito na ang mga huling salitang nasambit ni Mathilda bago siya mawala  

Sinaksak ni Maria si Mathilda sa leeg at likod. Ang tumapos sa buhay ni Mathilda ay noong sinaksak na siya ni Maria banda sa puso, hindi na rin niya kasi kinaya ang dami ng saksak na tinamo niya. gusto niya pa sanang humingi ng tulong mula sa nanay ni Maria pero nalagutan na siya ng hininga, wala na ring boses na lumalabas sakanya.

Habang nag-aagaw buhay si Mathilda ay tawa naman nang tawa si Maria dahil sa wakas ay wala na ang sagabal sa pagpatay niya kay Mateo. Kung naging maayos lang sana kausap si Mathilda ay hindi niya sana ito sasapitin mula sa kamay ni Maria.

Iniwan ni Maria ang kutsilyo na ginamit niya sa pagsaksak kay Mathilda at lumabas ng kwarto ng dalaga na para bang walang nangyari na patayan. Naiwan ang kaawa-awang katawan ni Mathilda. Ito na nga ang kabayaran para sa buhay ni Mateo. Sino naman kaya ang balak isunod ni Maria? Ikaw? May alam ka ba?


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top