Chapter 14
Pagkatapos ng isang linggo ay lumabas na ng ospital si Mathilda. Nag-umpisa na rin itong magtrabaho kay Mateo dahil nahihiya na siya sapagkat napakatagal na niyang nakapagpahinga sa ospital. Masaya naman siya dahil kasama na niya ang mahal na si Mateo kahit palihim lang siyang tumitingin dito.
"Are you new here? Ngayon lang kita nakita dito ah. Sino ang naghire sa iyo?" bungad kay Mathilda ni Celeste
"Ah, opo. Bago lang po ako dito. Si Mateo po ang nagpasok sa akin dito sa opisina bilang sekretarya niya. Nagtatrabaho din po ba kayo dito?" tanong ni Mathilda kay Celeste
"Ah, yes. I'm working here atsaka girlfriend din ako ni Mateo. bakit pala Mateo lang ang tawag mo sa babybunch ko? You should call him Sir Mateo, hindi ka ba naturuan noon?" pagtataray na sabi ni Celeste
"Pasensya na po, nasanay lang ako. Kaibigan po kasi ako ni Sir Mateo noong bata pa lang kami. Iba na nga po pala ngayon, boss ko na siya at secretary na niya ako. Salamat po sa paalala niyo. Ano nga po pala ang pangalan niyo?" sagot naman ni Mathilda kay Celeste
"You should know my name by now, I'm Celeste. Mateo's fiancé. Pwede mo ba akong dalhan ng kape sa opisina niya? Hihintayin ko ang kape ko sa loob. Maraming Salamat, ano nga ba ang pangalan mo?" tanong naman ni Celeste kay Mathilda
"Mathilda po ang pangalan ko. Hintayin niyo na lang po ang kape niyo at dadalhin ko na lang po iyon sa loob. Mauna na po ako, gagawa pa po ako ng kape ninyo." sagot ni Mathilda pagkatapos ay umalis na siya sa kanyang pwesto para gumawa ng kape ni Celeste
Nadurog naman ang puso ni Mathilda noong malaman niya na may pakakasalan na si Mateo dito sa Maynila. Kaya naman pala halos parang wala na siyang balak na umuwi sa lugar nila ay dahil ikakasal na siya sa isang babaeng taga Maynila.
Pagkatapos makagawa ng kape ni Mathilda para kay Celeste ay pumasok na siya sa opisina ni Mateo para iabot ito sa dalaga. Lalabas na sana siya ng kwarto na iyon kaya lang biglang sumigaw si Celeste.
"AAAAAAH! BAKIT ANG PAIT-PAIT NITONG KAPE KO? MATHILDA, ANONG NILAGAY MO DITO AT GANITO ANG LASA NITO? ARE YOU OUT OF YOUR MIND?!" sigaw ni Celeste kay Mathilda
"Pasensya na po, nasanay po kasi ako sa timpla namin sa aming lugar kaya pati po dito ay nadala ko ang kagawian na iyon. Hayaan niyo po at papalitan ko na lang ang kape ninyo." sabi ni Mathilda kay Celeste
"Huwag mo na akong pagtimplahan ng kape, tawagin mo na lang ang isa pang sekretarya ni Mateo. Tawagin mo na lang si Barbara, siya ang pagtimplahin mo ng kape ko. Kaya mo naman siguro iyon hindi ba?" pagtataray pa lalo ni Celeste kay Mathilda
Wala nang nagawa si Mathilda kundi sundin na lang ang utos ni Celeste. Tinawag niya si Barbara at sinabihan ito na ipagtimpla ng kape ang maarteng babaeng iyon. Sa totoo lang ay inis na inis na si Mathilda kay Celeste pero pinipigilan niya lang ang kanyang sarili dahil may respeto pa rin naman siya at hiya kay Mateo.
"You know what? I don't like that girl, nakita mo ba ang ginawa niya sa akin kanina? Gusto niya yata akong mag-amoy mapait na kape dahil sa sobrang pait ng kape na binigay niya sa akin! I suggest, you fire her babybunch." sabi ni Celeste kay Mateo
"Ano ka ba naman? Kakapasok lang niyan si Mathilda tapos aalisin ko agad siya sakanyang trabaho? Nahihibang ka na yata. Bakit naman kasi siya ang pinagtimpla mo ng kape mo eh alam mo naman na hindi niya alam ang paborito mo? Hayaan mo na si Mathilda, ako na ang kakausap sakanya." sabi naman ni Mateo kay Celeste
"Wow, inaaway mo ako dahil sa isang secretary? Ngayon lang nangyari iyan ah. Sabihin mo nga sa akin, may gusto ka ba sa babaeng iyan at ayaw mong pumayag na paalisin iyan? Tell me, Mateo! Are you cheating on me?!" pagwawala na reaksyon ni Celeste kay Mateo
"Excuse me, hindi naman kita inaaway ah. It is just that I'm telling you to give chance on Mathilda. Bago lang naman siya at hindi pa niya alam ang pasikot-sikot sa opisina ko. Pakihabaan naman ang pasensya mo, mahal ko." sagot naman ni Mateo kay Celeste
Dahil sa inis ni Celeste kay Mathilda at Mateo ay lumabas na lang ito ng opisina ng nobyo niya para makalanghap ng sariwang hangin at maialis niya ang inis kay Mathilda. Sa di inaasahang pangyayari ay nakasalubong niya si Mathilda at nabangga nila ang isa't isa.
"ANO KA BA NAMAN MATHILDA? KABAGO-BAGO MO DITO SA OPISINA EH PURO NA LANG PERWISYO ANG DALA MO! ALAM MO, ITO ANG TATANDAAN MO! HINDI KA ILILIGTAS NI MATEO DITO, HINDI PORKET KABABATA MO SIYA AY ISUSUMBONG MO NA ANG LAHAT SAKANYA. NAIINTINDIHAN MO BA ANG SINASABI KO SA IYO BABAE KA?!" sigaw ni Celeste kay Mathilda
"Wala naman po akong ginagawang masama. Hindi ko naman po sinasadya na ang matimpla ko ay mapait na kape para sa inyo. Hindi pa po kasi mapait para sa akin iyon kaya iyon po ang tinimpla ko. Hayaan niyo po, pagbubutihin ko na ang trabaho ko sa susunod. Huwag lang po kayo magalit sa akin dahil bago pa rin naman po ako dito, hindi ko pa po alam ang pasikot-sikot dito." pagmamakaawa ni Mathilda kay Celeste
"SIMULA NGAYON, DAPAT MATUTO KA NA. NAIINTINDIHAN MO BA? HUWAG KANG SIPSIP SA BOYFRIEND KO! BAKA MAMAYA LANDIIN MO PA SIYA AT IPAGPALIT NIYA PA AKO SA IYO. EW, KADIRI!" sabi ni Celeste kay Mathilda pagkatapos ay sinadya nitong banggain ang dalaga
Namuo ang takot ni Mathilda dahil sa nangyaring iyon sakanila ni Celeste. Akala niya ay magiging madali na ang lahat para sakanya dahil kasama na niya si Mateo pero mali pala siya sakanyang iniisip. Isa pala ito sa mga magiging problema niya, hindi pala madali ang buhay sa Maynila.
Parang gusto na lang niya bumalik sa lugar nila pero inisip niya naman ang kalagayan ni Maria. Gusto na talaga niyang maipagamot ang kaibigan dahil hirap na hirap na din silang mag-alaga dito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top