Chapter 13

Noong naalala na ni Mateo pagkatapos ng trabaho kung sino ang babaeng nabundol niya ay binalikan niya ito sa ospital kung saan niya ito sinugod pagkatapos ay nagdala rin siya ng makakain nito. Si Mathilda pala iyon, ang matalik niyang kaibigan noong bata pa sila.

"Mathilda, maayos na ba ang kalagayan mo? Pasensya ka na dahil masyadong mabilis ang mga pangyayari. Hindi ko na napansin na ikaw pala ay paparating, kamusta ka na pala sa mga sugat mo? Ito, dinalhan kita ng makakain mo ngayong gabi at saka olang pirasong prutas para gumaling ka agad. Saan ka na ba nakatira ngayon? May trabaho ka na ba?" bungad ni Mateo kay Mathilda 

Labis na kinagulat ito ng dalaga, hindi niya inakala na ang nakabundol pala sakanya ay ang matalik niyang kaibigan na si Mateo. Ang lalaking naging dahilan kung bakit nabaliw ng husto si Maria. Hindi agad nakapagsalita dahil sa gulat si Mathilda.

"A-ayos lang naman ako. Pasensya ka na dahil bago lang naman ako dito sa Maynila. Hindi ko alam ang pasikot-sikot kaya naman tanga pa ako kung saan ako dapat dadaan. Salamat na rin dahil sinugod mo ako dito sa ospital. Kung hindi ikaw ang nakabundol sa akin, malamang ay pinaglalamayan na ako ngayon." sabi naman ni Mathilda pagkatapos ay ngumiti siya kay Mateo

"Mabuti naman na maayos ka na, may kasama ka ba dito sa Maynila? Kamusta na pala sa lugar natin? Pasensya ka na dahil hindi na ako nakadalaw sa atin dahil naging busy na rin ako sa trabaho ko. Kung naghahanap ka ng trabaho mo ay ipapasok na lang kita sa opisina ko bilang sekretarya ko. Ayos lang ba sa iyo iyon? Bayad na rin sa nagawa ko sa iyo." sagot naman ni Mateo kay Mathilda

Hindi muna nakasagot si Mathilda dahil inisip niya muna si Maria. Alam niyang magagalit ito sakanya kapag nalaman na kay Mate siya nagtrabaho. Ngunit naiisip rin naman niya na para sa mga gamot naman ni Maria ang trabaho na papasukan niya sa Maynila kaya hindi na problema kung kay Mateo siya mamasukan. Isa pa, baliw naman si Maria kaya hindi na niya malalaman pa iyon.

"Sigurado ka bang ayos lang sa iyo na ako ang maging sekretarya mo? Hindi pa ako gaano marunong ha? Pero gagawin ko ang lahat ng iuutos mo sa akin, salamat sa pag-alok mo ng trabaho. Malugod ko iyong tinatanggap, Mateo." sagot naman ni Mathilda kay Mateo

"Sige, ipapaayos ko na ang magiging opisina mo simula bukas para kapag gumaling ka na ay nakahanda na ang lahat. Salamat at pumayag ka sa trabaho na inalok ko sa iyo, natutuwa na nakita kitang muli. Kamusta na nga pala si, Maria?" tanong naman ni Mateo kay Mathilda

Saglit na napatigil si Mathilda dahil sa narinig niyang tanong mula kay Mateo, naalala pa pala niya si Maria kahit madami na itong ginawang hindi maganda sa binata. Dapat bang malaman niya na nagkaanak sila ni Maria o mas mabuti na lang na itago niya ang impormasyon na iyon kay Mateo?

"Ah, maayos naman siya sa lugar natin. Simula noong nawala ka sa buhay namin ay nabaliw na siya. Gusto namin siyang ipagamot pero wala naman kaming sapat na pera para ipagamot siya dahil nga mahirap naman ang buhay sa probinsya. Alam mo naman siguro iyon hindi ba? Pinapakalma na lang namin siya minsan para hindi siya magwala sa buong bayan." sagot naman ni Mahilda kay Mateo

"Natuloy na pala ang pagkabaliw ni Maria, hindi ko naman ginusto iyon. Sana maintindihan mo ako, hindi ko naman plano na saktan ang pinakamamahal mong kaibigan. Mahal ko rin naman siya kaso hindi nga lang kami pantay ng pagmamahal na binibigay sa isa't isa. Alam mo naman iyon hindi ba?" sabi ni Mateo kay Mathilda pagkatapos ay ngumiti ang binata kay Mathilda

"Naiintindihan naman kita doon, matagal ko na din sinasabi kay Maria noon na tanggapin na ang desisyon mo na hindi mo na siya mamahalin pa pero matigas na talaga ang ulo ng babaeng iyon. Kahit kailan ay hindi na nakinig sa akin. Hindi mo kasalanan iyon, ginusto niya magpakabaliw sa iyo kaya iyon ang nangyari sakanya." sabi naman ni Mathilda kay Mateo

"Salamat naman kung ganoon, naiintindihan mo naman pala ang sitwasyon ko. Sana isang araw ay magkita kami ni Maria para naman makamusta ko siya sa kalagayan niya ngayon. Pwede mo ba akong dalhin sakanya?" sabi naman ni Mateo kay Mathilda

Hindi na dapat malaman pa ni Mateo na nagkaanak sila ni Maria. Isa pa, sigurado si Mathilda na sasaktan lang si Mateo ni Maria kaya mas mabuting itago na lang ni Mathilda ang nalaman niya tungkol kay Mateo.

"Ah, baliw nga siya hindi ba? Sigurado ako na hindi ka na niya kilala pa. Saka na lang kayo magkita kapag nakakatiyak na akong maayos na siya para hindi na ako matakot kung sasaktan ka ba niya. Kapag kasi nakakita siya ng bagong tao sa paligid niya ay nagiging bayolente siya at nagwawala pa kung minsan kaya mas mabuting hindi muna kayo magkita." sagot naman ni Mathilda kay Mateo

"Ah, ganoon ba? Sige, hindi muna ako magpapakita sakanya ngayon. Sabihin mo na lang sa akin kung kailan pwede ha? Gusto ko na rin siyang makausap at makahingi sana ng tawad sakanya dahil sa mga nagawa ko dati. Sana kapag nagkita na kami ay napatawad niya na ako, bata pa lng naman kami noon kaya baka ngayon ay magkaayos na kami." sabi ni Mateo kay Mathilda

Alam naman ni Mathilda na malabo na iyong mangyari dahil malala na ang kondisyon ni Maria. Kailangan niyang protektahan si Mateo mula kay Maria. Hindi pwedeng magkita ang dalawa dahil kapag nangyari iyon, mababalik nanaman kay Maria ang lahat at baka ituloy niya ang planong pagpatay kay Mateo noon. 

Sa ngayon ay hindi pa niya ang gagawin niyang plano para maitago niya si Mateo pero makakabuti nga na maging sekretarya siya nito para alam niya ang bawat kilos ni Mateo. Wala na kasi siyang hiling noon pa man kundi ang kaligtasan ni Mateo dahil may lihim na pagmamahal ito sa binata, bata pa lamang sila. Tinago lang niya dahil mahal niya rin ang kaibigan niyang si Maria at ayaw niya itong masaktan dahil sakanya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top