Chapter 12

After 5 years..

Dala na rin sa sobrang kahirapan ng buhay nina Maria at Mathilda ay naisipan ni Mathilda na makipagsapalaran sa Maynila para naman makatulong sa pamilya niya at sa pamilya na rin ni Maria. 

Dahil nga may sakit na sa utak si Maria ay hindi na siya pinapalabas pa ng bahay. Nabaliw na ito noong nawalan siya ng anak, ang tanging sinasambit na lang niya ay ang maghihiganti siya kay Mateo dahil ito raw ang naging dahilan kung bakit nawala ang kanyang anak. Awang-awa na si Mathilda sa magulang ni Maria kaya kahit mahirap para sakanya ay tinulungan niya ito.

"Kayo na po ang bahala kay Maria, ibigay niyo lang po ang manika sakanya kapag hinahanap niya ang anak niyang si Helena, hindi naman po kayo sasaktan ng anak niyo dahil nakakakilala pa rin naman siya kahit papaano. Huwag niyo lang po sasabihin na patay na ang anak niya dahil tinitiyak ko po na magwawala si Maria kapag nalaman po niya iyon." paalala ni Mathilda sa magulang ni Maria

"Oo, salamat Mathilda ha? Dahil sa iyo ay buhay pa rin kami hanggang ngayon. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung wala ka sa pader namin. Alam ko namang hindi mo kami dapat alalahanin pero ginawa mo pa rin iyon para sa anak kong si Maria. Salmat ng marami sa iyo. Mag-iingat ka doon sa Maynila." sagot naman ng nanay ni Maria kay Mathilda

"Magpapadala naman po ako ng pera kapag nakasweldo na po ako doon. Para na rin po sa gamot ni Maria, medyo kinukulang na din po kasi dahil namahal na po ang gamot niya pampakalma." sagot naman ni Mathilda

"Hayaan mo, hangga't wala ka pang padala ay gagastusin ko muna ang pera na nakukuha ko sa mga benta ko sa palengke. Kasya naman na siguro iyon para sa gamot niya, maraming salamat talaga Mathilda." sagot ng nanay ni Maria

Bago lumabas ng bahay si Mathilda ay niyakap niya si Maria, habang naglalaro ng manika si Maria. Mangiyak-ngiyak ito dahil ayaw man niyang iwan ang kaibigan pero kailangan na dahil kulang na kulang na siya sa pambili ng gamot ni Maria.

"Bakit ka aalis? Hindi ba maglalaro pa tayo ni Helena? Sabi mo sa akin, magbabahay-bahayan tayo pati na rin lutu-lutuan. Bakit dala mo na ang lahat ng gamit mo?" sabi ni Maria kay Mathilda habang naglalaro pa rin ito ng manika na tinatawag niyang Helena

"Kailangan ko pa kasi bumili ng pagkain para sa atin ni Helena kaya aalis muna ako ha. Magpapakabait ka dito. Mahal na mahal kita, Maria. Huwag kang makulit ha? Hindi ka kaya ng mga tao dito. Babalik ako, hintayin mo ako ha? Madami akong pasalubong pagbalik ko. Madadagdagan na rin ng kalaro si Helena." sagot ni Mathilda kay Maria

Papalayo na si Mathilda kay Maria habang pinupunasan niya ang mga luha sakanyang mata. Naging ate na kasi si Mathilda kay Maria simula noong nabaliw ito dahil sa pagkawala ng anak niya. Wala naman silang pera para ipagamot maigi si Maria kaya nanatili na lang ito sa bahay at binibilhan na lang ng gamot pampakalma. Ayaw rin kasi mahiwalay ni Mathilda sakanyang kaibigan kaya hindi niya ito nilalagay sa mental hospital.

Makalipas ang limang taon ay abala na sa buhay niya si Mateo. Siya ay may desente nang trabaho at may balak na rin mag-asawa dahil bente-tres anyos na ito, natanda na rin ang tiyahin niya kaya gusto na nitong magka-apo. Para kung sakali man na wala si Mateo sa bahay nila ay may mag-aalaga rito.

"Tiya, aalis na po ako ha? Alagaan niyo po ang sarili niyo dito. Alam niyo naman po ang hirap dito sa Maynila. Madami na ang napapabalita na nakawan kung saan-saan kaya hindi na rin po ako nalabas pagkatapos ng trabaho." sabi ni Mateo sakanyang tiyahin

"Ikaw naman kasi, ayaw mo pang pakasalan si Celeste. Ilang taon na rin kayo noon, wala ka bang balak pakasalan ang babaeng iyong minamahal, Mateo?" tanong ng tiyahin ni Mateo sakanya

"May balak naman ako tiya, kaso syempre ay nag-iipon pa naman ako para sa kasal namin at sa magiging anak kung sakali. Mabuti na ang handa dahil iba pa rin kapag may sarili na akong pamilya. Hindi ko naman nakakalimutan na ang anak ko ang mag-aalaga sa inyo kapag tumanda na kayo hindi ba? Lagi ko po iyon iniisip." sagot naman ni Mateo sa kanyang tiyahin

"Basta, aalagaan mo ang sarili mo sa trabaho ha? Huwag ka magpapalipas ng gutom dahil alam kong mapapagalitan ka ni Celeste kapag nalaman niyang nagpapabaya ka sa iyong sarili." sagot naman ng tiyahin ni Mateo sakanya

Si Celeste ay nakilala ni Mateo noong nagkolehiyo ito sa Maynila. Isang masayahin at magalang sa magulang na babae si Celeste kaya agad naman siyang minahal ni Mateo. Hindi lang niya minahal ang kanyang pamilya kundi pati na rin ang tiyahin ni Mateo. Minsan, naaalala pa rin niya si Maria kay Celeste pero sinusubukan na niyang kalimutan ang kababata lalo na kapag naaalala nito ang ginawa ni Maria noong binata at dalaga pa sila.

Umalis na ng bahay si Mateo gamit ang kotse niya, umasenso na talaga ang buhay nila magtiyahin sapagkat may kumupkop sakanila noong dumating sila sa Maynila. Pinatira sila at pinakain at ang kapalit noon ay ang pagsisilbi nito sa pamilya noon.

Namatay ang mga magulang noong pinasukan nilang pamilya at dahil mabuti ang kanilang mga puso, pinamanahan sila ng pera at lupa para mapagtayuan ng sarili nilang bahay. Samantalang si Mateo ay naghanap ng trabaho at naging manager na rin ng isang kompanya sa Maynila. Masasabi ni Mateo na tahimik na ang kanyang buhay simula noong lumipat sila sa Maynila. Wala na silang takot na baka masundan pa sila ni Maria at ang pamilya nito dahil hindi naman nila pinaalam sa mga taga roon kung saan sila lilipat.

Habang nagmamaneho si Mateo ay biglang may nabundol siyang babae. Agad niya itong inalalayan at dinala sa loob ng kanyang kotse. Kumaripas siya ng takbo para maisugod ito sa pinakamalapit na ospital. Wala na siyang pakialam basta magawa lang niya ang dapat niyang gawin at ito ay ang matulungan ang babae na mistulang kaedad naman niya.

Pagdating nila sa ospital ay agad niya itong tinulungan at pinabuhat sa mga nurses na nandoon. Nagulat na lang iya noong binaba sa stretcher bed ang babae, mukhang nakita na niya ito. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top