Chapter 11
Walang salita na lumalabas kay Mathilda, tanging ang mga luha lang ang nagpapahiwatig kay Maria na may masamang nangyari sa anak niya. Tahimik lang si Mathilda at Maria na para bang nakikiramdam sa isa't isa, lumapit si Mathilda kay Maria para ipaliwanag ang nangyari sa anak niya. Naiiyak na sila pareho dahil sa nangyayari.
"Nasaan ang anak ko? Saan mo dinala ang anak ko? Bakit umiiyak ka dyan? Ipakita mo na sa akin ang anak ko, Mathilda! Hindi ba sabi mo ay ililigtas mo kaming dalawa ng anak ko? Nasaan na siya ngayon?! Utang na loob, ilabas mo na ang anak ko! Gusto ko siyang makita, Mathilda!" sabi ni Maria kay Mathilda
"Pasensya ka na Maria, paglabas kasi ng bata ay wala na itong buhay. Sinubukan ko siyang buhayin pero hindi talaga gumana iyon. Huwag ka sanang magalit sa akin. Nasaktan rin naman ako dahil sa nangyari sa bata." sagot naman ni Mathilda kay Maria
"HINDI TOTOO IYANG SINASABI MO NGAYON SA AKIN! BUHAY PA ANG ANAK KO! HINDI SIYA PWEDENG MAMATAY DAHIL SIYA NA ANG BUHAY KO NGAYON! MATHILDA, NASAAN ANG ANAK KO?!" sigaw ni Maria kay Mathilda
"Hindi ko sinasadya, Maria. Wala na akong magagawa dahil hindi na rin kinaya ng bata. Pitong buwan ka palang buntis, hindi pa gaanong buo ang bata kaya noong nilabas mo siya ay wala na siyang buhay." naiyak na sagot ni Mathilda kay Maria
"Mathilda, siya na lang ang natitirang lakas ko sa laban kong ito. Bakit kailangan niya pang mawala? Ayaw ko na bumalik sa dati kong pagkatao. Balak ko nang magbago kasama siya hindi ba? Bakit ba ginagawa sa akin ng Diyos ito?! Siya na lang ang natitirang koneksyon ko kay Mateo, siya na lang ang maaari kong magamit para mabalik ko si Mateo sa piling ko pweo bakit siya nawala?!" pagwawalang sagot ni Maria kay Mathilda
"Hindi ba sinabi ko na sa iyo na kapag may nawawala ay may papalit na bago? Baka naman may hinanda ang Diyos para sa iyo na mas maganda, baka hindi talaga para sa iyo ang batang iyon, Maria. Patawarin mo na ang sarili mo, huwag mong sisisihin ang Diyos sa mga nangyayari sa iyo dahil may plano ang Diyos sa bawat tao." sagot ni Mathilda kay Maria
"Sabihin mo nga sa akin, anong plano niya at pinapahirapan niya ako? Noong una, iniwan ako ng mahal kong si Mateo pagkatapos ngayon naman ay namatay ang anak namin?! Sabihin mo nga sa akin, anong plano niya?!" tuloy na pagwawala ni Maria
"Hindi ko pa alam sa ngayon pero hayaan mo na Siya ang gumawa ng paraan para maiayos ka. Wala namang masama kung iyon ang gagawin mo hindi ba? Nandito naman ako para gabayan ka sa lahat, kaibigan mo ako hindi ba?" sagot naman ni Mathilda kay Maria
Sa nangyari na iyon kay Maria ay para siyang nawalan ng pag-asa. Sa pangalawang pagkakataon, nawalan nanaman siya ng dahilan para mabuhay at maging masigla muli. Para bang pinaglalaruan na lang siya ng mundo dahil sa mga nangyari sakanila ni Mateo noon. Ito na nga siguro ang bayad sa mga pagkakamali niya kay Mateo.
"Saan mo siya nilibing Mathilda? Gusto ko siyang makita kahit sa konting sandali. Gusto ko siyang mayakap kahit malamig na siya, gusto ko makita kung sino ang kamukha niya sa amin ni Mateo. Pwede mo ba akong dalhin sakanya?" hiling ni Maria kay Mathilda
Dahil alam ni Mathilda na iyon na lang ang huling magpapasaya sa kaibigang si Maria ay pinagbigyan na niya ito sakanyang hiling. Alam niyang masasaktan ang dalaga sakanyang makikita pero kung ito naman ang ikakatahimik ng puso ni Maria ay mas mabuting amngyari na.
"Nilibing ko siya sa bakuran niyo. Halika na doon at pupuntahan natin ang anak mo. Kung gusto mong ipahukay nating muli ang anak mo ay gagawin ko kung iyon ang ikakasaya mo. babae ang anak mo, Maria." sab ni Mathilda kay Maria
Pumunta na sila sa bakuran nila Maria, kahit hinang-hina pa ito dahil sa nangyari sakanya ay kinaya niyang pumunta doon para lamang makita ang pinakamamahal na anak. Ang bawat hakbang niya papalapit sa bangkay ng anak ay ang pagdurog ng bawat piraso ng puso niya. Ang dami niya sanang plano para sa anak niya pero wala na siyang magagawa ngayon dahil wala na ito sa piling niya.
"Alam mo bang Helena dapat ang ipapangalan ko sakanya? Dahil para sa akin siya ang ilaw ko. Siya ang magbibigay sa akin ng daan pabalik kung saan ako nararapat. Paano ko naman magagawa iyon ngayon? Wala na siya, wala na ang ilaw ng buhay ko." sabi naman ni Maria kay Mathilda
"Huwag mo naman sasabihin iyan sa sarili mo, nandito pa naman kami para sa iyo eh. Alam ko na hindi namin mapapaltan ang saya na kayang ibigay sa iyo ng anak mo pero nandito naman kami para takpan ang mga luha sa mata mo. Gagawin ko ang lahat para maging maayos ka lang ulit, Maria." sabi naman ni Mathilda kay Maria
Kinuha nila ang sanggol sa bakuran kung saan unang nilibing ang bata. Pinayuhan ng nanay ni Maria si Mathilda na mabigyan sana ito ng desenteng burol at libing para makapunta ito sa langit nang matiwasay. Sumang-ayon naman si Maria at Mathilda. Sino ba namang ina ang ayaw mapabuti ang kanyang anak hindi ba?
Puno ng luha ang sementeryo dahil sa pagkawala ng anak ni Maria. Lahat ng nakiramay sakanila ay gusto na rin kasung makita ang bata ngunit hindi na kailan man matutupad ni Maria ang lahat ng iyon.
Pagkatapos ilibing ng anak ni Maria ay umupo ito sa gilid para magpahinga. Pagod na pagod na rin kasi siya dahil wala na siyang tulog at hindi pa siya nakain simula noong mamatay ang kanyang anak. {inarusahan niya ang sarili dahil nawala na ang kanyang anghel.
"Isa lang ang malalagot sa trahedyang ito sa aking pamilya, walang iba iyon kundi si Mateo, Mathilda. Humanda siya sa akin kapag nagkita kaming dalawa. Pagbabayarin ko siya sa mga ginawa niya sa akin at sa anak niya." galit na galit na sabi ni Maria kay Mathilda
"Huwag mo naman sisihin ang taong walang kinalaman sa nangyaring iyon sa anak mo. Hindi naman niya alam na buntis ka at wala naman talaga siyang kasalanan. Sadyang iyon talaga ang tinakda ng Diyos para sa iyo, walang kinalaman si Mateo doon." sagot naman ni Mathilda
Wala na magagawa si Mathilda dahil buo na ang desisyon ni Maria na sirain ang buhay ni Mateo sa oras na makita silang dalawa. Magkita na nga kaya sila?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top