Chapter 10
Dumaan ang ilang buwan at nabuntis nga si Maria. Dahil doon ay nagkaroon ng lakasi si Maria para lumaban sa buhay. Pinangako niya sa sarili na aalagaan niya ang batang iyon dahil iyon na lang ang nagkokonekta sakanila ni Mateo. Iyon na lang ang natitirang ala-ala ng binata sakanya, hindi na niya hahayaan pang mawala ito sakanya.
Alam ni Maria na mahirap ang maging ina pero alam rin niya na ito ang pinakamasarap na pakiramdam sa lahat. Wala na siyang pakialam sa kung ano man ang nakaraan niya, ang mahalaga sakanya ay may anak na siya at iyon ang magiging lakas niya. Iyon ang magbibigay ng bagong umaga para kay Maria.
Unti-unti na siyang gumagaling, unti-unti na niyang natatanggap sa sarili na hindi na muling babalik si Mateo sakanya, sinabi naman niya sa sarili na ayos lang iyon sakanya basta kasama niya ang pinakamamahal niyang anak.
"Alam mo, ito na lang ang nagbibigay ng lakas sa akin. Itong bata na lang na ito ang nagbibigay ng saya sa bawat umaga ko, Mathilda. Hindi ko na alam kung anong mangyayari sa akin kapag nawala pa ang batang ito sa akin. Magiging mabuti akong ina, hindi ako gagaya sa nanay ko na iniwan ako sa kung saan." sabi ni Maria kay Mathilda
"Masaya ako para sa iyo dahil nakita mo na ang saya sa puso mo. Akala ko talaga mababaliw ka na talaga noong nawala si Mateo sa buhay mo eh. Lagi mo lang tatandaan, Maria kapag may nawala ay panigurado akong may papalit na mas maganda sa buhay natin. Tingnan mo, nawala man si Mateo sa buhay mo ay nagkaroon ka naman ng anghel na magpoprotekta sa iyo." sabi ni Mathilda kay Maria habang nakangiti siya sa kaibigan
"Salamat din dahil hindi mo ako iniwan sa laban na ito. Alam kong hindi natin nahanap si Mateo pero alam mo kung ano ang nahanap ko? Nahanap ko ang sarili ko sa pamamagitan ng batang ito." sagot ni Maria kay Mathilda pagkatapos ay nagyakapan sila
Sa hindi inaasahang pangyayari, biglang sumakit ang tiyan ni Maria. Agad naman siyang pinaupo ni Mathilda para makahinga siya ng maayos. Natatakot na si Maria at Mathilda dahil wala naman ang mga magulang nito para samahan siya sa ospital. Wala nang nagawa si Maria kundi umiyak na lang dahil sa sakit na nararamdaman niya sakanyang tiyan.
"Maria, kumapit ka lang ah. Konting tiis na lang, babalik rin ang nanay mo dito sa bahay niyo. Madadala ka na rin namin sa ospital, tiis ka lang ah." sabi ni Mathilda kay Maria
"Mathilda, hindi ko na kaya ang sakit. Manganganak na yata ako! Paanakin mo na lang ako dahil hindi ko na yata mahihintay pa si nanay!"sigaw ni Maria kay Mathilda
"Hindi naman ako maalam niyan, saka baka maimpeksyon kung ako ang magpapaanak sa iyo, Maria. Ayaw ko!" sagot naman ni Mathilda kay Maria
"Hindi ba kumadrona ang nanay mo? Malamng ay alam mo ito dahil nanunuod tayo sakanya noon hindi ba? Wala ba siyang naituturo sa iyo kahit konti man lang? Maawa ka naman sa akin." pagmamakaawa ni Maria kay Mathilda
"Oo, kumadrona nga ang nanay ko pero matagal na siyang nagretiro sa trabaho niyang iyon. Wala na akong maalala sa mga ginagawa niya noong bata pa ako." sagot naman ni Mathilda kay Maria
"Alam kong hindi mo ako matitiis, Mathilda. Gawin mo na ang dapat mong gawin para sa inaanak mo. Mahal mo kami hindi ba? Sige na, ipagkakatiwala ko na sa iyo ang anak ko. Gawin mo ang lahat para lang maligtas mo kaming dalawa." sagot ni Maria kay Mathilda
Dahil mahal ni Mathilda si Maria at ang bata ay wala na siyang nagawa kundi ang paanakin si Maria. Dahil sa panganganak ay nahimatay si Maria, si Mathilda naman ay pinaanak pa rin siya kahit hirap na hirap na ito. Dahil nga hindi siya sanay magpaanak ay puno ng kaba ang kanyang puso. Nilakasan na lang niya ang kanyang loob para kay Maria at para na rin sa bata.
Sa di inaasahang pangyayari ay nailabas ni Mathilda ang bata pero wala na itong buhay. Dahil na rin siguro sa dahilan na kulang ito sa buwan kaya hindi na ito nakaligtas pa. Ngunit paano naman sasabihin ni Mathilda ang katotohanan kay Maria na wala na ang kanyang anak?
Ito pa naman ang nakikitang pag-asa ni Maria para mabuhay at magbagong simula ulit. Alam ni Mathilda na kapag nalama ni Maria na wala na ang kanyang anak ay masisira nanaman ang mundo nito at maaari na mawala nanaman ito sa katinuan. Akala pa man din ni Mathilda na magiging maayos na ang lahat pero isa pala ito sa magiging kalbaryo ng pinakamamahal niyang kaibigan.
Sinubukan niya na gisingin ang bata pero wala na talaga itong pulso pagkalabas sa sinapupunan ni Maria. Dahil na rin siguro ito sa bata pa si Maria kaya hindi niya kinayang ilabas nang buhay ang bata. Nakatingin lang ito sa mag-ina habang naiiyak dahil naaawa ito kay Maria, lalo na sa bata.
Dali-dali niyang kinuha ang bata sa tabi ni Maria at nilinis ito. Pagkatapos ay pumunta siya sa bakuran nila Maria, nilibing niya doon ang bata pagkatapos ay nagdasal siya. Habang pabalik siya sa kaibigan na si Maria ay hindi niya alam kung paano niya sisimulan sabihin kay Maria na ang pangarap niyang pagiging ina sa bata ay wala na sa isang iglap.
Umiiyak si Mathilda habang pabalik siya sa kwarto ni Maria, gulong-gulo na ang isip niya dahil ayaw niyang masaktan ang kaibigan niya. Ngunit mas masakit naman kung lokohin niya ito para lang hindi ito magwala sa harapan niya. Malalaman rin naman ni Maria ang lahat kapag nagsinungaling siya dito kaya mas mabuti na lang na harapin ni Mathilda ang lahat.
Pagkapasok niya sa kwarto ni Maria ay nakangiti ang dalaga sakanya. Pilit na hinahanap ang anak niya, puno na ng tanong ang mukha ni Maria noong hindi niya makita ang pinakamamahal na bata. Habang si Mathilda naman ay naginginig at naluuluha sa harapan ng kaibigan na si Maria. Doon pa lang ay nagwala na ang kawawang si Maria.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top