Chapter 1

Mahal na mahal ni Maria si Mateo. Hindi man niya ito sinasabi sa binata pero lagi na lang niya pinaparamdam iyon sa tuwing magkasama silang dalawa. Matalik na kaibigan ni Mateo si Maria simula bata, lagi silang naglalaro kung saan nila gusto. Nagsilbing tagaprotekta ni Maria si Mateo, hindi na nakakapagtaka kung bakit hindi niya napigilan na hindi mahumaling sa binata. Ikaw ba naman, lagi mo siyang kasama eh hindi ka ba mahuhulog sa kanya? Nangako si Maria na si Mateo na ang gusto niyang makasama habang buhay. Alam niyang malabong mangyari iyon dahil magkaibigan lang naman sila pero hindi naman raw masamang umasa sabi ni Maria sa kanyang sarili. Bata pa naman sila noon kaya umasa si Maria na baka sakali eh nagbago na ang pagtingin sakanya ni Mateo. Baka napagtanto na ng binata na si Maria pala talaga ang para sakanya dahil nga lagi naman nilang sinasalo ang isa't isa. 

"Saan mo ba ako dadalhin, Maria? Alam ba ng nanay mo na umalis ka sa bahay niyo? Ako ang mapapagalitan dahil sa ginagawa mo eh. Ano na ba ang nangyayari sa iyo ha? May sakit ka ba? Bakit mo ko dinala sa bahay na ito eh wala namang tao?" sabi ni Mateo kay Maria dahil na rin sa pagtataka sa kinikilos ng dalaga

"Kaya nga kita dinala rito kasi alam kong walang tao, pero alam mo may niluto ako sa loob na alam ko eh magugustuhan mo. Tara na, pumasok na tayo Mateo. Madami akong hinanda para sa iyo." sagot naman ni Maria kay Mateo at puno pa rin ng tanong ang mukha ng binata 

Wala na rin naman siyang magawa kundi sundin na lang si Maria. Kaibigan naman niya ito kaya alam niya na makakapagkatiwalaan niya naman ang dalaga. Sadyang ganoon si Maria, sobrang kulit kaya sobra din naman kung mapagalitan ng kanyang mga magulang noong bata pa lamang sila pero ngayon eh 18 anyos na sila kaya hindi na gaano ang pag-aaway nila ng kanyang mga magulang.

"Pinagluto kita ng adobo, Mateo. Sana magustuhan mo, nakailang ulit ako niyan para sa iyo. Sana naman ay nagawa ko na ng maayos ngayon ang timpla niyan. Alam ko kasi na iyan ang paborito mo kaya iyan ang ginawa ko. Nakailang panuod pa ako ng video at nagpaturo pa ako sa nanay ko para lang mailuto ko iyan." sabi ni Maria kay Mateo

"Ha? Hindi mo naman kailangan na gawin ito, Maria. Alam mo naman na ayaw kitang napapagod o nahihirapan man lang sa mga ginagawa mo hindi ba? Ngunit salamat na rin dahil sa ginawa mo. Sobrang namiss ko ang adobo, hindi na kasi ako nilulutuan sa bahay nito noong mga nakaraan eh." sagot naman ni Mateo, naguguluhan pa rin siya sa kinikilos ni Maria pero pilit siyang ngumiti sa harapan ng dalaga

Umupo na si Mateo at Maria sa hapagkainan, sobrang tuwa ang nararamdaman ni Maria dahil narinig mismo niya sa kanyang minamahal na pinapahalagahan siya nito. Kahit ganoon lamang ang sinabi ni Mateo sakanya ay labis na ang kanyang ngiti sakanyang mga labi. Malaking bagay na iyon para sakanya dahil nga mahal na mahal niya ang binata.

Tinikman na ni Mateo ang niluto ni Maria na adobo, hindi niya napigilan ang pumikit dahil sa sobrang alat ng ulam na iyon. Halos hindi na nga siya makahinga dahil sa lasa ng adobo na niluto ni Maria kaso dahil ayaw niya naman na masaktan ang dalaga eh pilit siyang ngumiti at nagkunwari na para bang okay ang lahat. Kinain niya ang adobo at ang kanin na nakalagay sa plato niya habang si Maria naman ay abala sa pagtingin sakanyang maamong mukha. Halos parang matutunaw na nga si Mateo dahil nakatitig ng mabuti si Maria sakanya.

"Kamusta ang niluto kong adobo? Masarap ba? Kasing lasa ba siya noong niluluto sa iyo sa bahay niyo?" tanong ni Maria kay Mateo habang nakangiti ito sa binata

"Ah oo, ito ang pinakamasarap na adobo na natikman ko sa buong buhay ko. Salamat talaga dahil ginawa mo ito para sa akin, Maria." sagot naman ni Mateo habang tuloy pa rin siya sa pagpeke ng kanyang ngiti pagkatapos ay kinuha niya ng pitsel ng tubig at uminom ng marami nito

"Salamat naman sa Diyos dahil nagustuhan mo ang luto ko. Hayaan mo dadalasan ko na ang pagluluto ko ng ganitong mga putahe. Aalamin ko pa kung ano ang mga paborito mong kainin para mapag-aralan kong lahat kung paano lulutuin." sagot ni Maria kay Mateo habang todo pa rin ang ngiti nito sa binata at tinangka pa niyang hawakan ang kamay nito

"Bakit mo pala ako dinala sa bahay na ito? Ano naman ang gagawin natin dito?  Ikaw ha, ipapahamak mo nanaman ako sa mga magulang mo dahil dito eh. Bumalik na tayo sa mga bahay natin dahil tiyak ko ay hinahanap na tayo noong mga iyon. Halika na, umuwi na tayo Maria." sabi ni Mateo kay Maria pagkatapos ay tumayo ito at hinila ang dalaga pero agad naman na pumiglas si Maria sakanya

"Ayaw kong umalis dito hangga't hindi ko nagagawa ang plano ko. Hindi tayo aalis dito hangga't hindi ko pa sinasabi sa iyo Mateo. Makinig ka lang sa sasabihin ko at sinisiguro ko sa iyo na makakauwi agad tayo kapag nagawa na natin ang gusto ko." sabi naman ni Maria kay Mateo, dahil doon ay nanlaki ang mga mata ng binata, hindi niya alam kung ano ang kinikilos ng kaibigan niyang si Maria at nakakaramdam na din siya ng konting takot

"Ano bang plano ang pinagsasabi mo dyan, Maria? Walang mangyayaring plano dahil uuwi na tayo kasi hinahanap ka na ng magulang mo. Isipin mo rin naman ako, gusto ko na din namang umuwi sa pamilya ko." sagot naman ni Mateo kay Maria, halatang inis na ito dahil bahagyang kumunot ang kanyang noo

Sa hindi inaasahang pangyayari ay agad tumayo si Maria sa kinauupuan niya pagkatapos ay hinawakan niya ng mahigpit ang damit ni Mateo. Bigla niyang hinalikan ang binata, dahil sa gulat ni mateo ay naitulak niya si Maria. Nagpumilit pa rin ang dalaga sa gusto niya, doon napagtanto ni Mateo na isa ito sa mga gabi na hindi niya gugustuhing balikan kailan man.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top