Unravel That Thread Called Fate
Bloody Crayons
Unravel That Thread Called Fate
---------------------------------------------------------
Jerard
Tama ba yung desisyon ko na iwan si Kyamiing nagdurusa? Tama bang maduwag ako? Tangina naman kasi. Bakit ba sobrang mapaglaro ng buhay?
Kung sino pa ang dapat hindi paglaruan, yun pa ang pinaglalaruan. Kung sino ang mga hindi naman kailangan ng lipunan yun pa ang nagtatagal na mabuhay. Parang nanggagago. Parang nananadya.
Mahirap daw mamatay ang masamang damo. Kagaguhan.
Ni hindi nga ata totoo yung sinabi ng teacher ko nung high school. Nature runs a restaurant called 'KARMA'. It's a place where there is no need to place any order. You're automatically served what you deserved.
Automatically served what you deserved? Bullshit. Kung talagang automatic yun, kung talagang totoo ang karma, bakit buhay pa yung killer? Diba dapat nakarma na siya? Diba dapat buhay pa si Kyamii?
Diba dapat... Tangina talaga. Bakit ngayun ko pa napiling umiyak? Kailangan kong maging malakas eh. Kailangan kong mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga kaibigan ko.
Kailangan kong maipaghiganti si Kyamii.
Kung hindi kaya ng karma, ako ang magiging karma. Ako ang gagawa nang paraan para magbayad siya. Kung sino man ang killer sa amin, nabibilang na ang mga panahon niya. Ako ang tatapos sa killing spree niya. I will stop this madness.
Kasalukuyan kong tinutuyo ang mga luha ko nang marinig ko silang sumisigaw. Shit. Wag mong sabihing umatake nanaman ang killer?
Inisip ko kung saan nanggaling ang tunog. Mukhang nanggaling ito bandang ibaba ng resthouse. At isa lang ang lugar na alam ko na pwede nilang puntahan. Sa basement.
Dali dali kong tinakbo pababa ang hagdan papuntang basement. Pipito nalang kami. Ayaw ko nang mabawasan pa yun. Seryosohan na to. Seryoso na ako.
24 hours.
Masasagot ko tong laro niya within 24 hours. Sawang sawa na ako sa laro niya. Habang hindi ko pa siya natatanggalan ng maskara, maghanda handa siya. Kung may diyos pa siyang pinapaniwalaan, magdasal dasal na siya.
"Ano nangyari? Bakit kayo humiyaw?" humihingal kong tanong. Medyo malayo layo rin yung tinakbo ko.
"Ikukwento ko sayo mamaya. San ka ba nagpupupunta pre?" saan nga ba ako nagpunta? Sasabihin ko ba na habang naghihirap ang girlfriend ko nanduon ako sa labas at nagsesenti? Na hinayaan kong magpakaduwag ang sarili ko? Aaminin ko bang umiyak ako?
"Ah, wala." In the end wala nalang ako sinabi. Sikretong malupit ko yung kahinaan kong iyon. Kailanman hinding hindi ko sasabihin.
Papunta na kami sa attic para kunin ang bangkay ng babaeng pinakamamahal ko pero nanghihina parin ako. Kaya ko bang makita siyang wala ng buhay at isa na lamang malamig na bangkay?
Pinilit kong patigasin ang kalooban ko. Kakayanin ko 'to para sa kanya. Gagamitin kong pangdrive sa galit ko ang imahe ng bangkay niya. Hinding hindi na ulit ako magpapakahina pa. Magiging malakas ako para sa kanya. Hanggang nasa isla kami, wala akong karapatang magpakita ng kahinaan.
"Nakakita kami ng mata dun sa bintana sa basement." Pukaw ni Kenly sa attention ko. "Si Olivia. Ngayon sigurado na akong si Olivia siya. May nunal siya sa bandang taas ng kanang mata niya at naaalala akong may nakita ako nun na nunal sa kanang mata."
Napaisip ako sa narinig ko. "Pero tol, patay na si Olivia. Panong nasa labas siya?" takang tanong ko.
"Yun nga. Ikaw, alam kong marami kang alam sa mga ganitong bagay. Kung ikaw si Olivia, pano mo pepekein ang pagkamatay mo?"
"Kung ako si Olivia?" pano nga ba? "Una, pano ko papalabasing patay ako? Isa sa simpleng trick eh kunwari nalaglag ako sa isang bangin pero hindi pala."
"Wala naman siyang kinalaglagang bangin."
"Yun nga. Kaya ano ang pwede ko pang gawin?" kung tricks na ganyan, maraming pwedeng gawin. Pero ano ang gagamitin ko kung ako si Olivia?
Obviously, stab wounds. Pwede akong magkaroon ng ready na prosthetics na iaapply ko panandalian lang. Yun ang family business nila Olivia. Anything about cosmetics at prosthetics, sila ang pinakauna sa industriya. Ang nagpayaman nga sa kanila ay yung ready-made prosthetics nila na ididikit mo lang. Pero kung ganuon nga yun, parang may kulang eh.
"Eh pano kung uminom siya ng gamot na 'papatay' sa kanya then after sometime 'bubuhayin' siya?" Parang hindi sigurado si Kenly sa kung ano ang gusto niyang tukuyin.
Kaya tinulungan ko na siya. "Ang ibig mong sabihin eh gamot na nakakapagsimulate ng death?"
"Oo, yun na nga yun pre. Diba merong ganun?" Oo. Meron nga talagang ganun. Actually masyadong hyped up at exaggerated ang pagkakagamit ng mga ganoong klase ng gamot sa mga mystery stories and movies na nababasa at napapanood ko. Nung una nga hindi ako naniniwalang may ganun.
No drug is that convenient. Kung baga it's too good to be true. At kung meron man akong sigurado sa galaw ng buhay, dapat pagsuspetyahan mo kapag sobrang ganda na ng pangyayari.
Murphy's First Law: Nothing is as easy as it looks.
Murphy's Fifth Law: If anything cannot go wrong, it will anyway.
Yan ang motto ko pagdating sa mga bagay na too good to be true.
Pero meron pala talagang ganung klase ng gamot. Pero ang gamot na yun ay nasa jurisdiction parin ng mga laws ni Murphy. Nasa jurisdiction parin ito ng rules of nature. Kung sa mga mystery thriller stories, isang lagok mo, instant death ang labas mo tapos pagkawala ng effect instant tayo ka kaagad at mas masigla ka pa sa kuneho. Iba ang nangyayari kapag sa totoong buhay mo ito ginamit. Hindi ganun ka OA ang real life. Kung gumamit ka ng drug na yun, may tsansa kang macomatose. Sobrang laki.
"Meron. Tetrodotoxin. Pero tanga lang o sobrang tapang ang gagamit nun."
"Weh? Meron talaga pre? Astig! Paano kung idadillute niya yun sa tubig para mabawasan ang epekto?" pwede ulit sa tingin ko. Hypothetically speaking, it's possible. Maraming solute sa mundo ang nababawasan ang epekto kapag dinillute mo sa isang solvent. Katulad ng suka. Nababawasan 'to ng asim pag hinalo sa tubig. Pero kailangan mong hanapin ang tamang timpla. Wag masyadong maraming tubig dahil mawawalan ito ng asim. Wag kokonti kasi para kang tanga na naglagay pa ng tubig sa suka dahil magiging sobrang asim parin ito. Kumbaga, kung gusto mo talagang maging banayad sa lalamunan ang suka, kailangan mong hanapin ang tamang balanse ng asim at tabang.
With tetrodotoxin, it's not that simple. Kailangan mong paulit ulit na testingin. Trial and error. Virtually it's hard and almost impossible.
Pero naalala ko, prepared nga pala ang killer. Pinaghandaan niya kami. Sino ang makakapigil sa kanya para gumamit ng tetrodotoxin?
"Meron talaga. Ang problema, mahirap makakuha." Except kung mabibigay mo ang karampatang halaga. Baka pwede.
"I see, mukhang impossible nga." Mahinang sabi ni Kenly. Bigla lahat kami natahimik kasi narating na namin yung pintuan ng attic. Sa kabilang bahagi naghihintay ang malamig na bangkay ni Kyamii. Ano kaya ang naiwang expresyon sa mukha niya? Kapayapaan o paghihirap?
Lumunok ako at pinilit kong paalisin yung kaba at takot na nararamdaman ko.
Kaso hindi na pala kailangan. Nagsayang lang pala ako ng effort. Kasi wala naman pala akong makitang bangkay niya. Pati nga upuan nawala. Langya naman eh. Bakit ba napakamapaglaro ng buhay?
"Oh my god!" napasinghap si April sa likod ko. Hindi ko ito napansin. Nakatuon lang ang atensiyon ko sa lugar na kinalalagyan ng bangkay ni Kyamii. Hindi pala. Yung lugar na dating kinalalagyan ng bangkay niya.
"Shit!" may narinig akong nagmura, si Eunice ata. Di ko sure. Sa lagay ko ngayon, kahit siguro pagpapatayin sila ng killer wala akong pakealam.
"Kung sino man nanguha ng bangkay niya, hindi pa siya nakakalayo. Guys, hanapin natin siya sa buong bahay." Nagutos si Jake at umoo naman yung iba. Parang tanga sila. Sino ba nagsabing maghiwalay sila? Mas madali silang mamamatay kapag ganun.
Pero ilang minuto na ang nakalipas bago magsink-in sakin ang lahat. Siguro kung may magdedescribe sakin kanina, para akong baliw na nakatingin sa kawalan.
Galit. Yun ang una kong naramdaman. Pero paninisi narin siguro. Sinisisi ko yung sarili ko kasi hindi ko naisip na mangyayari 'to. Pero alam kong wala akong panahon para hayaang malamon ang sarili ko ng guilt. Kailangan ko nang wakasan ang death game na 'to.
Taliwas sa ginawa ng mga kaibigan ko, hindi ako basta umalis sa attic. May hunch na ako kung sino ang killer. Isa yun sa pinakaimportanteng bagay kung magsosolve ka ng isang mystery. Hunch. Pero isang malaking katangahan kung titigil ka dun. Hindi mo yun pwedeng irason. Tatawanan ka. Kailangan mong magbigay ng sapat na ebidensiya. Kahit yung makakapagbigay lang ng probable cause of doubt.
Wag kang tanga. Wag kung ano anong ebidensiya ang gamitin mo. Naalala ko pa yung sinabi sakin nung hepe ng pulisya. Tama naman. Magbibigay ka na nga ng ebidensiya weak pa. Tsaka masamang gamiting ebidensiya na nauutal kuno si ganito. Ang labas nun, namemersonal ka o kaya siya ang gusto mong maging killer kaya nabubulagan ka to the point na pati mga normal na bagay katulad ng pagkautal gagamitin mong ebidensiya laban sa kanya. Pwede mong gamiting pangpalakas ng hinala mo pero wag na wag mong gagamiting ebidensiya. Except kung nagkaroon ng slip-of-the-tongue. Your evidence can be 50% guesswork wag mo lang ipapahalata. Isa pa, walang totoong witness statement. Merong point na may tatanggalin o kaya naman ieexaggerate sila. Ganun ang mundo. Walang totoong katotohanan.
Lumapit ako dun sa pwestong kinalalagyan dati ng bangkay ni Kyamii at may napansin akong parang seam. Tinadyakan ko at nansin kong hollow ang loob. Trapdoor. Meron talagang mga ganito sa mga bahay kung minsan. Nakakatawa kasi hindi rin nila napansin na nagulo ang alikabok.
Pagtaas ko nung trapdoor, nakita ko yung upuan sa baba kasama si Kyamii. Tapos nakita ko rin na may timer dun sa latch. Redundant ang killer. Repetitive. Mahilig sa timer.
Bumababa ako at itinaas yung katawan ni Kyamii. Mabigat, mahirap pero nagtiis ako. Ito nalang ang kaya kong gawin. Ito at ang bigyan siya ng hustisya. Bago ko siya iwan, tinakpan ko muna ng panyo ang mukha niya. Kahit sa kamatayan ang ganda niya parin, para ngang hindi siya namatay eh. She died smiling.
Pinahid ko yung namumuong luha sa mga mata ko at sinara ang pinto ng attic. Oras na para magimbestiga.
Una kong pinuntahan yung balcony sa taas nung bintana ng basement. Tama sila, walang kakapitan. Ang makikita mo lang ay ang diretsong pahulog dun sa bangin. Aalis na sana ako pero may nahagip yung mata ko. Timer at kutsilyo. Nanaman. Timer nanaman.
Napangiti ako. Ang bilis basahin ng killer. Hindi siya ganun katalino pero meron siyang nakakatakot na abilidad. Kaya niya kaming gamitin laban sa mga sarili namin.
Sinunod kong pinuntahan ay yung dresser na may nakaukit na name ni Marie. Pero ang nakaukit lang sa tabi niya ay: 'that's me :)'.
Dito bandang naguluhan ako. Nagdalawang isip ako. Sinabi ni Marie na kahapon lang uli siya nakapunta rito pero nagsisinungaling siya dahil bago lang yung pagkakaukit sa kahoy.
Binalewala ko nalang yun at tinuloy ang pagiimbestiga ko.
Madali lang talaga ang larong pinapalaro samin ng killer. Kami lang nagpapahirap. Simpleng simple lang talaga.
Isa nalang ang lugar na kailangan kong puntahan.
Kung saan nagsimula ang lahat. Sa kwartong namatay si Olivia.
Kung tama ang hinala ko, hindi pa naaalis yung key evidence duon. At yun ang tanging makakapagpatibay ng hinala ko.
Lahat naman ng mystery may key evidence. Pag nahanap mo yun, madali nalang masagot ang buong misteryo. Dahil sa panahon ng unang 'pagpatay' ng isang killer, naiiwan niya ang isang ebidensiyang makakapagturo sa kanya. At kung tama ulit ang hinala ko, sinadyang iwan ng killer ang key evidence na yun para masagutan namin ang laro niya. Oo, sinabi niya ngang isang key evidence yung mga crayons. Pero yun ang key evidence sa 'laro' niya. Playing the game is like killing yourself. Hawak ng killer ang rules kaya dehado ka. Maglaro ka labas ng game at may tsansa kang manalo.
Making us play the game is pure genius. Naeliminate niya ang threat na madiskobre kaagad siya ni Eunice. Matalino ang babaeng yun. Mas magaling kaysa samin ni Kyamii. Kaso naïve siya at nabubulagan. Kung first time ko baka pati rin ako ganun. Pero hindi lang ito ang unang beses na nalagay ako sa bingit ng kamatayan. May experience na ako at yun ang kulang kay Eunice. Kung makakaligtas man si Eunice ngayon, baka pwede pa siyang maging isa sa mga magagaling na detective ng pinas. O kaya ng buong mundo.
Naputol yung pagiisip ko nung narating ko yung pintuan ng kwarto nila Olivia. Dahan dahan kong binuksan yung pinto, naghihintay na mayroong bagay sa loob na susunggab sakin. Napaparanoid na nga siguro ako.
Naghanap ako sa ilalim ng kama. Sa mga closets at sa kung saan saan pa pero wala parin akong mahanap.
Hindi kaya tinanggal nung killer yung ebidensiyang yun?
Pero malabo. 90% akong sigurado na hindi. Meron pa bang lugar sa kwartong ito na pwedeng paglagyan? Hidden door, trapdoor kahit ano.
Tapos nahagip ng mata ko yung dresser sa gilid. Di ko pa nahalughog yun. Kung meron mang lugar sa kwarto na natitira, ito nalang yun.
Pinagtatanggal ko yung mga laman nung dresser. Itsura na siguro akong nababaliw o kaya magnanakaw kapag nakita ako ng ibang tao. Tensed na tensed ako eh. Habang pakonti ng pakonti yung drawer, kinakabahan at kinakabahan ako lalo.
Pano kung wala na yung ebidensiya?
Pero parang ngumiti sakin ang langit ng nabuksan ko yung panghuling drawer. Langyang killer. Pasuspense. Dali dali kong pinulot yung bagay na nakalagay sa panghuling drawer. Nanginginig pa nga ang mga kamay ko. Para akong tangang nakangiti.
Tama nga ang hinala ko. Dahil sa key evidence na ito, 99 percent sure na ako.
Nokia Xpressmusic.
Pero para makasigurado ako, may isa pa akong kailangang gawin. At nung tinignan ko yung contacts niya, nakasigurado na ako.
Ang pumapatay ay si...
[Chapter End]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top