Now Open The Treasure Chest Inside
BloodyCrayons
Now Open The Treasure Chest Inside
------------------------------------------------------------------
Marie
Oo nga pala no? Ako nga pala ang pumatay sa mga parents ko.
Di ko na kasi napigilan yung nararamdaman ko. Palagi nalang silang wala. I always felt so alone, so lonely. Atensiyon lang naman nila yung hinihingi ko eh. Kaunting time lang naman.
Pero wala eh. Kahit kaunti lang di parin nila maibigay sakin.
It's amazing how loneliness can change a person so much. It's amazing how loneliness can create a monster.
Naaalala ko pa nga yung ginawa ko. Gabi noon. Mahimbing silang natutulog kaya nakapasok ako sa kwarto nila na may dalang kutsilyo na walang kahirap hirap.
Tapos...
Tapos ano pa nga ba ang ginawa ko? Ah, pinagsasaksak ko nga pala sila. Tumalsik ang maraming dugo noon. Sinubukan nilang bumangon pero wala na, nahuli na sila. Ang tanging nagawa nalang nila ay bumagsak nalang sa sahig.
Ako yung pumatay sa mga magulang ko. Ako ang pumatay sa mga magulang ko!
"A-ako yung pumatay sa mga m-magulang ko!" Humihikbi kong sabi. Umiiyak nanaman pala ako. Di ko mapigilang maging emotional pag naaalala ko yung kasalanan ko.
Tears of joy? Hindi. Tears of regret. Sana hindi ko nalang pinatay yung mga magulang ko. Sana hindi ko nalang ginawa yung kasalanang yun.
Dahil dun hindi na ako normal. Isa na akong baliw na pwedeng pumatay bigla bigla. I'm a psychotic bitch.
That's the main reason kung bakit hindi ako basta basta nagagalit. Yun yung rason kung bakit ako palaging nakangiti at kinokontrol ang sarili.
Dahil pag pinabayaan kong magwala ang sarili ko, baka di ko mapigilang makapatay uli ng ibang tao.
Ang mga sumunod na taon ay napuno ng pagiisa at lungkot. Parusa ko sa sarili ko para sa kasalanang nagawa ko. My way of atonement.
Kung magiisa ako, walang masasaktan. I kept on smiling kahit nasasaktan ako. Hindi ko hinahayaang magtake over sakin ang galit ko. Kinulong ko ang mga luha sa isang malaking baul sa loob ng puso ko. Ganun ang buong buhay ko.
Have you ever tried smiling when your lips are dry and cracked? It hurts isn't it? Still, the only thing you need to do is to stop smiling and everything will be alright. The pain will be go away.
But have you ever tried smiling when you're hurting deep inside? And you know you can't stop because things will just get worse. So the only thing left is to keep smiling. Even if in the process, you're slowly dying.
I can't even count how many times I died inside. But I can't stop. I'm not permitted to stop.
That's why I always smiled. I tried so hard to become a positive soul, to be an optimist. That's why I kept it all inside my heart. No wonder we call it our chest. It's the place where we keep our agonies and heartaches locked up. Like a box. Like a chest. Like a treasure chest full of suffering.
I think I succeeded. I made friends. Not just one but thirteen friends. At isa dun naging boyfriend ko. Yung dati kong malungkot na buhay? Biglang nawala. Nagkaroon nanaman ng mga panahong tumatawa ako na hindi peke o plastic. Nagkaroon nanaman ng panahon na gusto kong mabuhay. And every day I thank God na binigyan niya ako ng mga mabubuting kaibigan.
I have finally learned to live again. I felt free. I felt forgiven. I felt reborn.
Pero lahat ng bagay nagtatapos. Lahat ng bagay may hangganan. Sinaktan nila ako.
Sinaktan nila ako.
At kailangan nilang magbayad.
* * *
Jake
Alam ko naman na hindi magandang maghiwalay kami ni Marie. Lalo na kung yung killer nga yung hinahabol namin. Pero kung ang kapalit naman nito ang kaligtasan namin, kailangan naming sumugal katulad ng killer.
Ito yung isa sa mga sigurado ako tungkol sa kanya. Mahilig siyang sumugal. Masyadong marami siyang tricks na ginamit na 70% ang rate na magbabackfire sa kanya. Pero sige lang siya. At dahil hindi man lang siya nagdadalawang isip, palaging siya ang nagwawagi.
Dalawang klase lang ng tao ang kilala kong ganun kalakas ang loob. Isang desperado o isang taong hindi takot na mawala sa kanya ang lahat.
We're dealing with someone who's prepared to lose everything.
Nung nakaabot na ako sa baba, wala paring sign nung killer. Pwedeng tumakas siya sa labas o nasa taas siya.
Di ko na kailangang magisip kung saan ako pupunta. Delikado si Marie, magisa lang siya sa attic.
* * *
Kyle
"Posible bang siya yung pumatay sa mga magulang niya?" syempre nagulat ako dun sa tinanong ni Kenly.
"Tol, grade 5 lang siya nun. Anong laban niya sa mga magulang niya?" sinagot ko yung una kong naisip. Syempre naman, ang liit liit niya pa nun tapos di hamak naman na mas malaki yung mga magulang niya. Kahit anong gawin niya di niya kayang kalabanin yung mga yun.
"Oo nga no. Di ko yun naisip." Tumatawang sagot sakin ni Kenly. Pero alam ko na hindi siya kumbinsido dun sa sinagot ko. Ako rin medyo may mga naiisip na paraan pero grade 5 lang siya nun. Anong kayang gawin ng isang grade 5?
"Pero sa tingin mo, sino ang pumapatay?" seryoso kong tanong.
"Mahirap man pero si Marie." Bigla ding nagseryoso si Kenly nung narinig niya yung tanong ko. "Sa kanila tong isla, alam na alam niya yung gagawin dito. Kumpara dun, lugi tayong labingtatlo."
"Marie? Kung iisipin mo nga si Marie. Pero pano yung pagkakapatay kay Olivia? Diba matagal na siyang wala bago tumili si Olivia?"
"Agree. Pero brad, pano kung gumamit siya ng recorder?" napatigil ako nung sinabi sakin yun ni Kenly. Mahirap mang aminin pero may punto siya.
* * *
Jake
Paakyat na ako papunta sa attic nang naalala ko yung kwinento minsan sakin ni Jerard. Yung tungkol sa ukit ukit. Doon daw yun sa isang cabinet sa dati naming kwarto.
Alam kong dapat kong puntahan si Marie para iligtas siya sa killer kaso di mawala sa isip ko yung sinabi ni Jerard.
Pumasok ako sa kwarto tapos dumeretso sa cabinet. At yun, nakita ko yung ukit ukit na tinutukoy ni Jerard.
Myka Marie Ragma That's me :)
Nakakatawa. Di ko alam kung tanga yung killer o masyadong bilib sa sarili. O baka isa nanaman 'tong panggulo.
Sabi ko nga, pwedeng pumunta dito yung killer para magresearch. At kung mas papasimplehin ko yung iniiisip ko, pwedeng si Marie ang killer.
Pano ko nasabi? Simple. Dahil sa nakaukit.
Myka Marie Ragma. Tapos may sumunod na That's me :) Kahit sinong tanga maiisip kung ano ang mali dito sa nakaukit.
Mas bago yung That's me :) kaysa dun sa pangalan ni Marie. Ibig sabihin, may taong pumunta rito para ukitan yung cabinet. At kung titingnang mabuti sa itsura ng kahoy, mga isang linggo palang ang tagal nito.
Kung sino man ang killer, nakapagprepare siya ng sobra sa isang linggo.
Mahirap mang aminin pero mas lumaki yung percentage na si Marie ang killer. Pero kaya niya ba yung gawin? Mabait ang pagkakakilala ko sa kanya.
Lumabas ako saglit sa balcony para magpahangin. Tapos parang may nakita ako. Hindi ako sure pero parang bangka na may cabin house. Gawa sa bakal. Di kaya yun ang escape route ng killer?
O baka namalikmata lang ako? O natakpan ito ng puno? Kasi ngayon puro dahon nalang nakikita ko.
* * *
Marie
Naramdaman ko nanaman yung magisa. Iniwan nanaman nila ako. Hindi nanaman nila ako binigyan ng kahit konting panahon nila.
Hindi sila umattend sa debut ko.
Family matters daw. Sandali lang naman. Kaunting oras lang naman. Maano bang ipostpone nila yung mga lintik na family problem na yan? Pati yung boyfriend ko hindi rin dumating.
Oo nga at maraming pumunta. Pero yung mga taong itinuring kong kaibigan, yung mga taong pinagbuksan ko ng loob ko. Yung mga taong pinapasok ko sa buhay ko kahit natatakot ulit akong masaktan. Wala.
Wala sila.
Sinaktan nanaman nila ako. Iniwan sa ere. Mga walang hiya.
Minsan lang namang magdebut ang mga babae diba? Minsan lang naman akong humiling sa kanila na umattend sa debut ko. Anong ginawa nila? Wala. Iniwan nila ako sa ere.
Yung galit ko, hindi na kaya ng pagpepainting lang. Di na kaya ng art. Di na kaya ng lahat. Pakiramdam ko nun sasabog ako. Gustong gusto kong sumabog. Pero hindi pwede. Nasa party ako. Nasa party KO ako.
Gustong gusto ko noong magwala at umiyak pero kailangan kong ngumiti. I need to show them that I'm happy kahit na sa loob loob ko, I'm slowly dying.
I nestled that hatred deep inside my heart. I nursed it. I watered it with hatred until it bore its poisonous fruit.
And when sembreak came, I knew that it was time to harvest it.
I made a plan. Pupunta kami sa isla namin para magbakasyon. Para makabawi sila sakin. Pero ang totoong dahilan kung bakit ko sila dinala rito sa isla---
Naputol ang mga iniisip ko at bigla akong nahila pabalik sa realidad nang may sumaksak sa braso ko.
[Chapter End]M
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top