It Feels Really Empty At The Top

BloodyCrayons
It Feels Really Empty At The Top
---------------------------------------------------

Eunice

Strange...

Meron yung pakiramdam na malinis 'tong kwartong ito.

Alam kong magulo at makalat siya kasi naghalughog si Jerard dito pero meron talaga yung pakiramdam na wala kaming mahihita na kahit isang bagay.

Yung para bang tinanggal na nung killer yung mga importanteng ebidensiya. Kung ano man yung hinahanap at nahanap ni Jerard, nakuha na ito ng killer. And I just can't shake off the feeling na isang napaka importanteng bagay yun. Na dahil dun, nasolve ni Jerard ang mystery. Na nalaman niya kung sino ang killer.

Lumuhod ako at sinalat ko yung balat ni Jerard. Mainit init parin. Shit, kahit ayaw ko nagbago ulit yung deductions ko.

Judging from his temperature tsaka liquid parin yung dugong nakakalat sa kwarto malalaman mo agad na bago palang siya namatay. So makakapagformulate ako ng hypothesis na pinatay siya nung time span na naghiwa hiwalay kami.

Why?

The time that it takes for blood to coagulate.

Normally, blood clots in 15-20 minutes, in some cases naman pwedeng 10 minutes. Judging from the fact na nagmeet kami ulit sa sala after ten minutes or more tapos nagtalo pa kami ng mga ilang minuto and still hindi parin nanigas yung blood ni Jerard.

I just can't help thinking na isa sa aming anim ang killer. Pero meron parin akong pakiramdam na hindi siya isa samin. It's hard to explain. The situation that we are in is hard to explain.

"Guys, tignan niyo tong nakasulat o." Pukaw ni Kyle sa atensiyon ko.

"CRAB?" sabay sabay naming tanong. Ano ba ang ibig sabihin ng crab na yan? Acronym? Acrostic? Or yung talangka? Kung yung talangka, I can formulate a hypothesis.

I still remember na kahapon, may pangyayari regarding sa talangka. Humiyaw si Olivia, pinatay ni April at naawa si Marie. Kung ang gusto saming iparating ni Jerard na ang killer ay may kinalaman sa talangka kahapon. Ibig sabihin...

April Marie Olivia

Isa sa kanilang tatlo ang killer.

Pero wala akong supporting facts. Tsaka malay ko ba kung mali pala yung pagkakainterpret ko. For all I know baka acronym yan. At pag acronym nga yan, mas lalong hihirap idecode. It could mean lots of things, for example: Color Red At Blue.

Masyadong broad pati ako naguguluhan na.

"Ano kayang ibig sabihin niyan?" tanong ni April.

"Ewan ko! Pero mas mabuti pang umalis na tayo rito kasi wala narin tayong mahihita." Bingo. Mukhang may matalino parin naman pala sa grupo namin kasi may nakapansin din dun sa napansin ko kanina.

"Sangayon ako kay Kyle, mas mabuti pang dalhin nalang natin si Jerard sa basement at magusap usap tayo sa sala." Segunda naman ni Jake.

Humans are really amazing. Kung may isang adjective akong gagamitin samin ngayon, siguro resilient. Hindi na kami yung tulad kahapon o kanina na masyadong madaling madepress. Oo nga at nalulungkot parin kami at natatakot pero kaya na naming kontrolin ang mga nararamdaman ngayon. We are better, stronger.

à à Ã

Pagkatapos naming ihatid yung bangkay ni Jerard sa baba, umupo kami sa sala para magusap usap. Pangalawang araw palang ng pananatili namin dito sa isla at ni hindi pa nga nagtatanghali pero nabawasan na kami ng sobra sa kalahati. Kung gusto talaga naming magsurvive, we better stop and think things through. Masyado na kaming nadadala sa mga pangyayari. Yun nga lang, sana pagusapan namin 'to nang mahinahon. Kinakabahan kasi ako dahil kanina pa ako kinukutuban na may masamang mangyayari.

"I think we better talk about the past events na nangyari." Ako na nagbukas ng usapan.

"I agree." sangayon naman sakin ni Marie. "If we want to live, kailangan nating magtulong tulong. We need all the help we can get."

"Ano naman ang paguusapan natin?" tanong ni April.

"Ano ang napansin niyo kanina sa kwarto kung saan namatay si Jerard?" tanong ko. Kung ano ang sagot nila, doon ko malalaman kung gaano na sila kalayo sa mga deductions nila. With this harmless question, malalaman ko kung gaano karaming ebidensiya ang kailangan kong idivulge sa kanila. I can't just tell them everything nang wala naman silang maibibigay na kapalit. Ako ang mapeperhuwisyo. After all malaki ang possibility na isa samin ang killer. At katangahang sabihin ang nalalaman mo kung nasa harap mo ang papatay sayo.

"Sa tingin ko merong nawawala sa kwartong yun." Sagot ni Kyle. "At nasolve na ni Jerard kung sino man ang killer."

"Kung ganun nga talaga, ibig bang sabihin na yung sinulat niyang crab ay clue patungkol sa killer?" tanong naman ni Kenly.

"Nope." Sabat ni Jake. "Hindi si Jerard ang nagsulat nung crab."

"Ha? Paanong?" nagugulumihanang tanong ni April. "Pano mo nasabing hindi siya?"

"Simple lang. Nawasak yung bungo ni Jerard kaya hindi niya na kaya pang magsulat. At kung meron mang may tsansang isulat yun, yung killer o kaya naman ay si..." hindi ko na itinuloy yung sasabihin ko. Muntik nanaman akong magname drop.

"Si? Sino?" tanong ni Marie.

"Wala, nevermind." Pagbabago ko ng usapan.

"Si Kenly right?" pagtutuloy ni April sa muntik ko ng masabi. Hindi ko lang talaga alam kung ano ang dahilan pero bakit parang ang galing ni April pag dating sa pagdidiin sa mga kasama namin? "Kung meron mang pwedeng magsulat nun maliban sa killer, si Kenly diba?"

"Parang hindi naman ata tamang pagsuspetyahan mo ako ng walang basehan April. Pati ikaw Eunice. Akala ko nagbago ka na pero mukhang bumabalik nanaman yung pagkademonyita mo. Matagal na akong nagtitimpi." That did it. Nawalan na ako ng control.

"Pero tama naman diba? May possibility na ikaw nga ang nagsulat. Para maframe mo sila April?" She is back. The bitch is back. I love this feeling. "At diba ikaw lang ang survivor from room one? Hindi ba kataka taka yun?"

"Please guys, stop it. Kailangan nating magusap ng mahinahon dito." Pigil samin ni Marie.

"Aw, geez. Can you please shut up Marie? Hindi mo parin ba naiintindihan? Nung sinulat ng kung sino man yung crab tayo ang pinupuntirya. Kasi kahapon, tayo lang ang may involvement sa crab. Ikaw, ako at si Olivia."

"April, tama na. Di mo bagay ang mahighblood." Pigil narin ni Kyle sa girlfriend niya.

"Hindi Kyle. Tama naman siya eh. Tsaka ang may pinakamalaking chance para linisan yung kwartong yun ng mga ebidensiya ay walang iba kundi si Kenly lang." Sagot ko narin.

"I have to agree with that one. Si Kenly nga ang may pinakamalaking chance na gawin yun pero hindi parin yun sapat na dahilan para sabihing siya nga ang pumapatay." Kontra sakin ni Jake.

"Actually yes. Nasa time span ng naghiwa hiwalay tayo ang pagpatay kay Jerard. At ano lang ba ang pagtatago ng ebidensiya tapos biglang magmumura ng malakas para marinig natin?" nung sinabi ko yun, natahimik si Jake. Ayun. Talo siya. Ang dami kasing satsat di naman pala alam ang sinasabi.

"Kung ganyan ang tingin niyo sakin, siguro mas mabuti nalang na maghiwa hiwalay na tayo. Alam ko namang lahat tayo pinagsususpeyahan ang isat isa. Bakit hindi nalang natin itigil tong kaplastikan na 'to?" Asar na sabi ni Kenly.

"That's a great idea. Mas gusto ko na ngang maghiwa hiwalay tayo. Since malaki naman 'tong bahay at aanim tayo, siguro naman kakayanin nating hindi magkita kita diba?" sangayon ko sa bluff ni Kenly. Takutin niya sarili niya. I can fend for myself.

Palagi namang ganto eh. In the end ang natitira lang sakin ay ang sarili ko. People always think that I'm strong. Emotionally and mentally. At dahil daw sa strong akong tao, hindi ko na kailangan pa ng tulong. Kasi kaya ko na.

Si Eunice kailangan ng tulong? You got to be kidding me!
Okay ka lang ba Eunice? May sakit ka ata kaya di mo nakayang magisa?

In the end no one can understand. That's why I never asked for help. That's why I never said anything.

I really envy the weak. They can surround themselves with people who can help them. It's always the weak. Palagi nalang sila ang tinutulungan. Pano naman yung mga katulad ko? Pano naman kami? The fittest may survive but it's always the weak who's comforted.

It's sad being at the top.

If I can't be weak, why can't I be with strong people like me?

"I think so too. Kyle, let's go." Sabi ni April hila hila si Kyle, na medyo may second thoughts sa mga pangyayari. Pumasok sila saglit sa kitchen bago lumabas dala dala ang isang basket ng tinapay, bread knife at cheese. Kumuha rin sila ng dalawang kutsilyo, siguro pangdefend nila sa sarili nila. "Kasya na samin to hanggang bukas. Sana hindi namin kayo makita."

"I guess I have no choice. Kung pipigilan ko kayo wala rin lang mangyayari." Pumasok din si Jake sa kitchen at kumuha ng supplies. Bumalik siya dala ang iba't ibang klase ng kutsilyo na nahanap niya sa kusina at inilatag ang mga ito sa harapan namin. "Mamili na kayo diyan kasi yan nalang ang natitira dun. Alis na ko guys." Nginitian niya kami ng malungkot bago naglakad papalayo. "Survive for two weeks."

Nung tatatlo nalang kaming natira nila Kenly at Marie, sabay sabay kaming kumuha ng kutsilyo at tinalikuran ang isa't isa. This time hindi na ito group game.

Mas humirap na yung mga pangyayari. Oo nga at sinabi kong united we stand divided we fall.

Pero sa tingin ko hindi na applicable samin yun. Kasi kung may isang bulok na kamatis sa isang grupo, lahat mabubulok. We'll just get dragged down.

I think it's better this way. Kung baga, mas mararamdaman na namin na nasa panganib talaga ang buhay namin.

At kapag ang isang tao nalagay sa bingit ng kamatayan, maraming kamangha manghang bagay ang kaya niyang magawa at kaya niyang gawin.

I guess ito yung tinatawag na natural selection. Matira matibay.

The weak is food for the strong and the strong rules the weak. Yun yung batas ng nature nung umpisa at yun yung nilalaro namin ngayon. A game inside a game. This time wala ng kaibi kaibigan. Wala ng kasa kasama. You are alone at pag tatanga tanga ka, ikaw ang unang madadale ng killer. Habang paunti kami ng paunti, mas lalong lumalaki yung tsansa kong malaman kung sino yung killer. Kailangan ko nalang magsurvive hanggang sa panahong yun. And when that time comes, I'll personally kill the killer with my own two hands.

Mahirap ang mga susunod na mangyayari. Kailangan ko silang obserbahan ng hindi nila nalalaman. Personally, I think mas maganda yun. Ngayon lang ako gagawa ng ganito kareckless and I love the thought of it.

I'm good at being alone. If it's a battle to reach the top, I knew I can survive.

Pagdaan ko sa sala tiningnan ko yung aquarium at napangiti ako sa nakita ko. Yung mga isda na 'nangamatay' kanina lumalangoy na ulit at buhay na buhay.

Mas lalong nagulo yung deductions ko pero pakiramdam ko I'm getting close to something.

Kyamii, Marie, Olivia, April, Kenly, Jake, Kyle.

Konting panahon nalang at malalaman ko rin kung sino sa inyo ang red herring at kung sino sa inyo ang killer.

Isang araw at kalahati palang ang lumilipas pagkatapos naming makarating dito sa isla and I swear to god, I'll survive for 12 and a half days more.

[Chapter End]    


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top