Chapter 2
Dedicated to: toomanydandelions
Chapter 2
Days after that incident in school, that make-up thingy, I went to school without make-up on. Sa kahihiyan nga ay hindi na sana ako papasok kung hindi lang dahil sa sinabi ni Mavi.
"You're a lucky person, Yesha. You're a lucky person because you still have a chance to go to school. To study."
"Paano ako magiging swerte kung pambubully lang ang binibigay nila sa akin? I'm not that lucky," I said bitterly. But I know she can't hear it.
"Ako kasi, I really want to go to school. I still want to experience the school life, to be a student. Gusto kong maramdaman ang frustration kapag nakita kong mababa ang nakuha kong grade. Gusto kong maramdaman ang saya kapag nakapasok ako sa mga with honors. Gusto kong gumawa ng mga projects, assignments, and activities. Gusto kong maabot ang mga 'yon Yesha. Isn't it simple?"
Nilingon ko siya. Nanatiling nakatitig ang mga mata niya sa harap namin habang nakangiti nang malungkot.
"Kung sana lang, hindi naging ganito. Kung sana... walang ganito."
I realized, pareho pala kami. I am insecure about my face and my look while she's also insecure about her situation right now.
I walked silently in the hallway of our school, my head bowed down because of embarrassment I caused yesterday. Nakikita ko lang ang mga paa ng mga estudyante dahil nakayuko lang ako. Dahil doon ay hindi ko alam na may tao palang tumigil sa harap ko. Nabunggo ko siya kaya bahagya siyang napaatras.
Gumapang agad ang takot sa aking dibdib nang mula sa pagkakayuko ay napatingala ako sa kaniya. Umahon ang takot sa aking dibdib nang nakita ng tuluyan ang mukha niya.
Ang palaging galit niyang mga mata ay napukol sa akin nang nagtama ang mga mata namin. Ang malinis na pagkakaayos ng kaniyang buhok ay bahagyang nagulo dahil sa pag-atras. The strand of hair that's falling on the side of her forehead slightly covered her eyes. Marahas niya iyong hinawi at tiningnan ako nang masama.
Umawang ang aking labi at napaatras. "M-monica," I whispered, my lips slightly quivering.
She looked at me directly to the eyes that sent chills to my body. Nanindig ang mga balahibo ko sa batok dahil sa pinukol niyang tingin.
"Yesha, wala ng make-up?" tanong niya sa nang-aasar na tono. Nakangisi siya pero matalim ang kaniyang mga mata.
I gulped. "U-uh, hindi na a-ako nagmake—"
"You bitch," she said through gritted teeth.
Agad na bumilis ang pagtibok ng puso ko at ganoon din ang paghinga ko. Pansin ko na rin na natigilan ang mga estudyante para makiusyoso. Para akong nakakita ng multo dahil nawalan na ng kulay ang mukha ko.
"Sumunod ka sa akin. In our usual place. May surprise ako sa'yo." Ngumisi siya nang nakakaloko.
Mas lalo akong namutla. Para nang masisira ang dibdib ko sa lakas ng kabog ng puso ko. Dahan-dahan akong huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili ngunit hindi iyon umobra.
Nakita ko ang pagtaas ng kaniyang makapal at kulay brown na kilay. "Bakit? Ayaw mo?"
Unti-unti akong umiling. Nakita ko ang pagkawala ng ngiti sa kaniyang labi. Her face became cold and stoic. I heard grasps from the other student. Na parang sinasabing hindi ko na dapat siya kinakalaban.
"Girls," she whispered under her breath.
Sumunod naman ang dalawang babae at hinawakan ako nang mariin sa aking magkabilang braso. Napapiksi ako sa pagdampi pa lang ng palad nila sa aking balat.
Wala akong nagawa nang hilahin nila akong dalawa. Tatlo ang kalaban ko, mag-isa lang ako.
Nangilid ang luha sa aking mga mata. I am roaming my eyes to find a person who could help me. Pero kapag nagtatama ang mga mata namin ng ibang estudyante ay agad silang umiiwas ng tingin. I laughed without humor. Para akong baliw na naiiyak habang tumatawa.
Right. Who would dare to fight against Monica? She's a Sanchez. The one and only daughter of the Senator. The oldest in their generation among Sanchez clan.
Itinulak ako ng dalawa niyang alipores kaya napasubsob ako sa lupa. Ang hairband na suot ko ngayon ay nahulog na pababa sa aking mukha. Ang iniingatan kong perlas na mga luha ay tuluyan nang dumausdos pababa sa aking pisngi.
"Iyak agad? Wala pa nga kaming ginagawa eh," aniya, may nakaguhit nang ngisi sa kaniyang labi.
Umiling ako, natatakot sa mga binabalak nila. Umupo siya sa harapan ko dala ang nakakatakot niyang titig. Hinawakan niya ang buhok ko at hinila patalikod. Napunta sa taas ang tingin ko dahil sa ginawa niya. Napapikit ako nang mariin at napahikbi.
"You can't tell anyone about this, right?"
I pursed my lips tightly. Hindi ako sumagot.
"Or else... you'll be doomed. Madadamay pati ang pamilya mo."
Mula sa pagkakapikit ay napamulagat ako. Bumilis ang pintig ng puso ko. "W-walang kinalaman ang pamilya ko dito, Monica." Kahit na natatakot ay tinapangan ko ang boses ko. I clenched my jaw tightly.
"Kaya nga dapat, walang makakaalam nito. You know that already, right? I'm just reminding you."
Marahan akong tumango kaya napangiti siya nang malapad. Tumayo siya at pumalakpak. Bago pa siya nakapagsalita ay naunahan ko na siya.
"Monica, bakit?" tanong ko at tiningala siya.
Nagsalubong ang dalawa niyang kilay. "What do you mean?"
"Bakit mo ako binubully? Bakit... ako pa? Anong kasalanan ko sa'yo? Ha? Sabihin mo," I echoed as tears streamed down my face.
Umiwas siya ng tingin. "Wala lang." She shrugged. Muntik na akong tumawa doon. "I am just irritated of your ugly damn face. I want to get rid of it."
I laughed bitterly. Ang mukha ko pala ang dahilan. Ulit. Na naman. I also want to get rid of this face too, don't worry.
"So, in order for that to happen, I have a surprise for you!" she said, excitement is very evident in her voice.
Pumikit ako at naghintay, handa na sa mga kalokohang ginagawa niya. This is not new to me, anyway. I'm kinda used to it. Pero, masakit pa rin hanggang ngayon. Parang... hindi ko na kaya. Pagod na rin pala ako. Suko na ba, Yesha?
Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang malamig na likido sa aking ulo pababa sa aking mukha. I pursed my lips as I smelled a milk.
"Yeah! It's a milk for you! Imported pa 'yan, ha. Para naman kuminis ng kahit konti 'yang mukha mo!" She chuckled. Naghagikhikan rin ang dalawa niya pang kasama.
Kumuyom ang kamao ko. Ilang sandali pa ay naramdaman ko ulit ang malamig na tubig na bumuhos sa akin. Para na akong naging ice dahil doon.
"And of course, a bubble soap and a shampoo! Ang baho mo kasi kaya alam kong kailangan mo 'yan." Tumawa pa siya. "It's all for today. Congratulations to your gift!"
Huminga ako nang malalim nang umalis na sila. Napahagulhol ako at tuluyang nanghina. Napaka-unfair. Bakit ako na lang palagi?
Dahil sa nangyari ay naligo agad ako sa isang cubicle sa bathroom ng school. Wala namang mga tao dahil may klase na. Natagalan pa ako dahil sa lagkit ng aking katawan. Dahil palaging nangyayari ito sa akin ay palagi na rin akong nagdadala ng extra na damit.
Pagkatapos noon ay hindi na ako pumasok sa klase. Agad akong pumunta sa café malapit lang sa school namin. Nang nakarating doon ay bumili agad ako ng avocado flavor ice cream.
This is my safe place. Palagi akong dumadaan dito para lang bumili ng ice cream. Hindi na nakakapagtaka na kilala na ako ng guard dito.
Habang nakatanaw sa bintana, nakapangalumbaba ng upo, ang ice cream na inorder nasa lamesa na, bigla na lang may umupo sa bakanteng upuan sa harap ko.
Agad na napaangat ang tingin ko sa kaniya. As soon as our eyes locked, my eyes widened. She's the girl who sells cosmetic products. Si Miss Jean!
I panicked. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya tumayo ako at nag-bow sa kaniya.
"Good afternoon, Ma'am," I greeted her formally.
I heard her chuckled before sitting in front of me. Hindi ako umupo, nanatili akong nakatayo sa harap niya.
She smiled. "You can sit, Yesha," she said with a hint of amusement on her face. Tumikhim ako bago dahan-dahang umupo sa harapan niya. "Taga rito ka rin ba?" she started a conversation.
Nalunok ko muna ang kinakain kong ice cream bago sumagot. "Uh, hindi po. Sa kabilang subdivision pa."
Kumunot ang nuo niya. "Malayo pa 'yun ah? Bakit basa ang buhok mo? May klase pa kayo, 'diba? It's just 10 a.m in the morning."
My heartbeat started to beat faster. Huminga ako nang malalim. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. "Uh, y-yes po."
Bakas pa rin ang lito sa kaniya pero ngumiti siya. Ilang sandali pa niya akong tinitigan na kumakain ng ice cream kaya naging malikot ang mga mata ko. I started being uneasy.
"You're really pretty," she said all of the sudden.
Muntik ko nang maibuga ang kinakain kong ice cream. Uminit ang pisngi ko at umiwas ng tingin sa kaniya.
"Should I introduce my Son to you?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top