Prologue

Sa Celestial Realm, huminto sa paglalakad si Nova saka nilingon si Zaira sa tabi niya.

"Bago tayo pumunta sa anak mo, may gusto ako malaman," sambit ni Nova.

Patanong na tumingin si Zaira habang hihintay ang sunod na sasabihin ni Nova. Nang hindi ito nagsalita, hindi niya napigilang magtanong.

"Ano yun?"

Tumingin sa kalangitan si Nova. Makikita sa mata nito na may malalim itong iniisip na tila ba may problemang siyang kinahaharap na kailangan niyang magdesisyon.

"Paano kung nasa kalagitnaan ng kamatayan, gugustuhin mo bang madugtungan ang buhay nito kahit na may kapalit na hirap?"

Nagkasalubong ang kilay ni Zaira. Bilang ina ayaw niyang mamatay ang anak niya. Gusto niya pa ito makasama.

"Siyempre gusto ko siya mabuhay... Saka kailan pa naging madaling mabuhay?"

"Tama ka. Walang madali sa mundo, palaging may kabayaran sa lahat na binigay sa inyo."

Ngumiti ng mapait si Nova saka bumaba ang tingin kay Zaira.

"Tao ka man o hindi kapalit ng buhay na pinahiram sa inyo ang mga pagdadaanan niyo sa buhay."

Tumango si Zaira bilang pagsang-ayon. Hindi niya alam sa sagot niya mababago ang buhay ng anak niya.

Sa Outlandish (Main World),

Sa gitna ng mga punong kahoy na walang dahon at lantang damo nakatayo si Kazumi habang nakahawak sa braso ni Samael. Tanging mabilis na paghinga lang maririnig sa paligid.

Namuti ang mukha ni Kazumi habang nakatingin sa demonyong nasa harapan niya habang nakabaon ang kamay nito sa  bandang puso niya.

Napasinghap si Kazumi kasabay ng pagbaon ng kanyang kuko sa braso ni Samael.

Ramdam niya ang pagpisil nito sa kanyang puso. Mula sa kamay ni Samael gumapang kulay pulang liquid patungo sa kamay ni Kazumi. Nag-umpisang pumatak ito sa mga patay na damo na nasa paanan nila.

Nagkalat ang amoy bakal sa paligid subalit para sa mga bampira matamis na amoy ito.

Nag-umpisang bumalik sa isipan ni Kazumi ang mga masasayang alaala niya habang nabuhuhay siya.

'Katapusan ko na.'

Sa isip ni Kazumi. Napakagat siya ng labi at tinignan ng masama si Samael sa kabila nang panginginig ng katawan niya.

Kung alam lang niya na isang demonyo ang estatwa hindi sana niya ito hinawakan.

"Maraming salamat sa paglaya sa akin."

Ngumiti si Samael saka hinugot ang kamay.

Napasuka ng dugo si Kazumi. Bago bumagsak nakita niyang may hawak na puso si Samael.

'Gusto ko pa mabuhay.'

Itinaas ni Kazumi ang nanginig na kamay upang abutin ang puso niya habang tumutulo ang luha.

Tumalikod si Samael papasok sa black hole.

Dumapo ang paningin niya sa smart watch na nakalagay sa bandang pulso niya.

5 years ago, inilagay ito sa kanya ni Zeki, bago tumakbo sa mga zombie.

"Ano ito?" sigaw ni Kazumi habang pinapakita ang binigay nito sa kanya.

Ngumiti si Zeki saka sumagot,

"Time machine."

Hanggang ngayon hindi pa rin maintindihan kung paano gamitin ang time machine na binigay sa kanya; iba ito sa nilikha ni Zeki noong 14 years old si Kazumi.

Bumagsak ang kamay ni Kazumi habang unti-unting nagdilim ang nakikita niya.

'Kung alam ko lang gamitin ito, baka mabago ko pa ang nangyari.'

Nag-umpisang mawala ang dugo sa time machine, nagliwanag ito ng kulay asul.

May lumabas na puting liwanag sa katawan ni Kazumi. Lumipad ito patunggo sa kulay asul na liwanag bago mawala.

Naiwan ang katawan ni Kazumi na walang buhay habang nagkaroon ng crack ang time machine nito.

"Uwwwaaahhh!"

'Nasaan ako? Bakit may naririnig akong baby?'

Nag-umpisang luminaw ang paningin ni Kazumi, bumungad ang sanggol. Nakahinga ito sa crib habang walang tigil sa pag-iyak. Nakarinig ng mabilis na yapak si Kazumi bago bumukas ang pinto.

"Athena," sambit ng magandang babae habang kinukuha ang sanggol.

Interesadong pinagmasdan ni Kazumi ang mag-ina. Simula noon hindi na siya umalis sa tabi ni Athena.

Lumipas ang mga araw dumating ang araw ng binyag ni Athena. Nasigurado ni Kazumi na si Zaira ang batang nasa harapan niya pagkatapos nitong marinig ang pangalang Zaira Athena Lundberg.

Kumislap ang mata ni Kazumi saka sinubukang hawakan ito subalit tumagos lamang ang kamay niya. Bumaba ang gilid ng labi ni Kazumi saka napaupo sa gilid.

Wala siya magawa kundi manood na lamang lumaki sa harapan niya si Zaira.

Nagkaroon ng zombie apocalypse sa mundo ng mga tao. Kumpara sa panahon ni Kazumi, mga low level zombie lamang ang ito ngunit wala pa rin laban ang normal na tao sa kanila.

Tumaktakbong magkahawal sa kamay sina Max at Zaira habang sa likod nila ang labintatlong zombie. Halos magmukhang pulubi ang dalawa sa sobrang dungis nila; may mga pahid ng dugo ang damit nila.

Napasigaw si Kazumi nang makitang makagat si Max habang tinutulungan nito si Zaira. Saka siya naiyak nang makitang umiiyak si Zaira.

Natigil lang ang luha niya nang maging si Zarah ang nasa harapan niya at pinagbabaril nito ang mga zombie sa paligid. Kung hindi pa dumating ang ama nila Zarah, hindi ito titigil.

Habang walang malay si Zaira, dinala siya ni Hades sa Outlandish at doon nakilala niya si Blaize.

Napaiyak, nainis, natawa, nasabik si Kazumi habang pinapanood niya ang istorya ng kanyang magulang hanggang sa isilang siya.

Nakangiting lang lumuluha si Kazumi habang pinagmamasdan ang sarili na buhat-buhat ng kanyang ina. Makikita sa mata nila Blaize ang kaligayahan habang nakatingin sa anak nila.

Makalipas ang limang araw, umatake ang mga bampira sa Demesne sa Occult City. Nasira ang mga gusali, maraming namatay, pinagdudukot nila ang mga tao habang pinagpapatay ang ibang nilalang na lumalaban sa kanila.

Isa na ang kanyang ina sa tinangkang kunin. Ngunit sa halip na maging alipin ito mas pinili nitong mamatay. Nang malaman ni Blaize ang nangyari, galit itong umatake kay Haring Linus saka sila sabay namatay.

Nanikip ang dibdib ni Kazumi habang walang tigil sa pagtulo ang luha niya. Minsan na niya narinig sa itay niyang si Zeque ang nangyari sa kanyang magulang.

Mas masakit na makita ito lalo na wala siyang magawa para pigilan ito.

Napaupo si Kazumi saka sinubsob ang mukha sa tuhod.

Parallel World,

"Uwwaaaahhhh."

Nagpaangat ang ulo ni Kazumi nang makarinig siya ng pamilyar na iyak. Sumalubong sa kanya ang isang pamilyar na crib.

"Ano nangyari? Bakit nandito nanaman ako?"

Nilapitan niya ang sanggol at kumaway sa harapan nito.

"Hey! Nakikita mo ba ako?"

Nadismaya si Kazumi nang tuloy pa rin sa pag-iyak ang sanggol.

Sa pangalawang pagkakataon napanood niya ang buhay ng kanyang ina.

Sa hindi malamang dahilan paulit-ulit niya napanood ang buhay ng kanyang ina at tuwing mamatay si Blaize babalik siya sa harapan ng crib.

'Ayoko na manood!'

Sa isip ni Kazumi. Hindi niya alam kung ilang beses niya napanood ang buhat ng kanyang ina.

Isa lang ang sigurado siya. May parte na naiba sa pangyayari pero hindi pa rin ito sapat para mabuhay ang kanyang magulang pagkatapos siya isilang.

Marahil totoong may parallel world at magkakaibang mundo ang napuntahan niya kaya hindi pare-pareho.

Hindi maiwasang mainis ni Kazumi dahil walang nagbabago sa ending ng kanyang magulang. Gusto niya na mabuhay ang kanyang magulang. Kung kinakailangan na uminom sila ng eternal blood para mabuhay, bakit hindi?

Tulalang nakasunod si Kazumi kina Zaira at Max habang papasok sa venue ng Acquaintance party.

Inaasahan ni Kasumi na katulad sa mga napanood niya noon magtatapat si Max kay Zaira at magiging sila.

Pero hindi ito nangyari.

Nanlalaki ang mata at napanganga si Kazumi habang nakatingin sa nagsisitakbuhan na mga tao at sa likod nila  may naglalakad na Zombie.

"Bakit maaga ng isang taon yung zombie apocalypse?" tanong ni Kazumi sa sarili habang salubong ang kilay.

Dapat sa mga oras na yun nagtatapat na si Max kay Zaira. Sila nang isang taon hanggang sa mamatay si Max nang magkaroon ng zombie apocalypse.

Pero ngayon hindi pa nagtatapat si Max, nakakagulo na.

Hindi alam ni Kazumi kung matutuwa ba siya sa pagbabago.

Marahil sa mundong ito hindi mamatay ang magulang niya?

Kumpara noon mas maagang pumunta sila Zaira sa Outlandish. Walang pagtatapat na naganap.

"Paano kung hindi nga mamatay si Max? Tapos sumunod siya sa Outlandish?"

Bulong ni Kazumi dahil kaya namatay si Max dahil sa pagligtas niya kay Zaira. Kung wala si Zaira sa mortal world, malaki ang chance na mabuhay si Max.

'Paano kung hindi magkakatuluyan ang magulang niya?'

Nag-umpisang kabahan si Kazumi.
Ayaw man niya mamatay si Max dahil naalala niya dito si Zeki, mas gusto niya pa rin na makatuluyan ang magulang niya.

'Kung hindi makakatuluyan ang magulang niya paano siya mabubuo?'

Pakiramdam ni Kazumi nakasakay siya sa rollercoaster dahil sa mga pangyayari. Hanggang sa dumating ang araw na nagkasama muli sina Max at Zaira.

Nang mga oras na yun hiniling ni Kazumi na sana maghiwalay sina Zaira at Zarah. Kung maghihiwalay sila para na ring naging dalawa ang puso nito katulad ng hiling ni Zaira.

Dumating ang araw na magkakatoo ang hiling ni Kazumi pero wala na kila Zaira ang atensyon nito dahil sa batang babaeng nasa harapan niya; kamukha niya ito noong 14 years old siya.

Heidi ang pangalan nito pero may kutob si Kazumi na siya rin ang teenager.  Lalo na nang marinig niya ang pangalan ni Zeki mula sa bibig nito.

Ngayon lamang ito nangyari sa tagal niya sa parallel world. Kahit na gumamamit sila Kazumi ng time machine noong 14 years old siya, hindi sila nakapaglakbay sa nakaraan.

Noong panahon niya sa halip na magkalakbay sila, nawala lamang ang umbra niya na si Faust.

Katulad ni Zaira meron din siyang umbra.  Subalit kumpara sa kanyang magulang lalaki si Faust at tuwing gabi ito lumalabas. Kapag si Faust ang nagamit ng katawan niya lalaking bampira ito.

Nakabuntot lang si Kazumi kay Heidi saan man siya magpunta. Nakita niya si Zeki pero sa halip na masabik siya, nagkasalubong ang kilay niya.

Dinala niya si Heidi sa dark forest. Bumilis ang tibok ni Kazumi dahil pamilyar siya sa lugar na pupuntahan nila.

Tumigil sila sa harapan ng isang pamilyar na estatwa na minsan na niya inakalang ordinaryong estatwa.

Kinilabutan si Kazumi nang maalala niya ang araw na namatay siya. Pinagpawisan siya ng malamig habang wala sa sariling napahawak sa dibdib niya; pakiramdam niya naninikip ito kahit na isa na lamang siya kaluluwa.

"No way!"

Sigaw ni Kazumi nang makawala si Samael sa pamamagitan ng dugo ni Heidi . Katulad ng hinala niya hindi si Zeki ang kasama ni Heidi, demon ito na nagpapanggap para mapalaya si Samael.

Napahawak sa ulo si Kazumi. Kumpara sa mundo nila, 25 years old siya noong nakawala si Samael. Ngayon sa harapan hindi pa siya sinisilang nakawala na ito.

Wala na siya ideya sa anong kahaharapin ng mundo ngayong nakawala si Samael ng mas maaga.

Gamit ang kamay sinaksak ni Samael ang likod ni Heidi habang nagtatangka itong tumakbo.

Hindi alam ni Kazumi kung imagination lang niya ang pagkirot ng puso niya na para bang nasaksak rin siya sa likuran.

Napatakbo si Kazumi kay Heidi bago ito bumagsak pero sa halip na masalo niya ito hinigop siya ng katawan nito.

Umikot ang paningin niya at bago siya mawalan ng malay, narinig niya ang boses ng kasintahan niya.

'Zeki...'

Gusto niya ito tawagin subalit bumagsak siya. Pakiramdam niya bumagsak siya sa karagatan, habang palalim ng palalim siya, unti-unting nalulunod siya sa dami nang pumapasok na memorya ni Heidi sa isipan niya.




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top